Wednesday, February 28, 2018

Isa.

Ang nais ko ay pagkakaisa. Tandaan, isa tayong pamilya. Kung may di pagkakaunawaan, pagusapan. Madadaan sa maayos na usapan ang lahat. Maging mabuting tao. Wag pairalin ang init ng ulo. Wag bastos. Wag manira ng kapwa. Wag kang gagawa ng ikapapahamak ng iba. Tanggalin ang inggit. Wag hayaang mapuno ng galit. Matutong rumespeto. Matutong tumanggap ng pagkakamali. Matutong makinig. Matutong magpakumbaba. Wag alisin ang pagmamahal sa puso natin. Mahalin ang ulo, na siyang nagsisilbing ama natin. Matutong magpahalaga. Respetuhin ang bawat isa. Isang layunin. Isang pamilya. Magtulong tulong ang bawat isa sa pagunlad at hindi pagbagsak. Magkaisa. Tayo ay isa. Good night, family!

Tandaan: Ang kasamaan ay hindi kailanman magwawagi.

Tayo ay mananatili.

Munimunimode. Labblabb.

(o'. 'o)

Saturday, February 24, 2018

Fun

I forgot to share.. GV ganap to. Kaya gusto kong ibahagi sa'yo bebeblog. Nung CNY2018 lumabas kami ng lolalaladear, girl cousin at dalawang aunties ko. Actually, gusto ng Lala sa Binondo para mamasyal at magfoodtrip pero dahil mainit at sa edad na din niya, we decided na sa iba nalang. Tinreat ko sila sa amusement center. Sa WoF. Pinaglaro ko si Lala ng basketball. Laughtrip.. pero ang galing ni LolaLalaDear nakailang shoot siya, yung ngiti nya eh. Pati mga tita ko pinaglaro ko inabutan tokens para magenjoy lahat. Una ayaw mga tita ko kasi nga pambata daw, tsaka naisip ko din dito kasi may pinagdaraanan isa kong tita para ngumiti naman siya. Sa mga tita ko naman, valentine's treat ko sa kanila to. Kung ano ano pinaglalalaro namin. Dami ko nakitang ngiti at tawa. Deserve ng mga babae sa buhay ko na sila naman. Sila naman ang makaranas ng mga to. Wala na sila ginawa kundi asikasuhin ang pamilya nila, at unahin ang mga anak nila kaya ang araw na ito ay para sa kanila. Binilhan ko din ang tita at pinsan ko ng beauty ekek na napili nila. Kumain kami sa gusto nila kainan. Seafood resto. Yum.  Dahil kung ako sa korean foodtrip ko sila daldalhin. Lol! Tas naaalala ko sasabihin ng mga Tita ko pag sa kwentuhan dati, ang mahal naman sa kapihan, di nila bibilhin kape na ganun presyo. This time, niyaya ko sila magkape kami at nag dessert sa isang korean coffee place. Sakto masarap yung napili namin puntahan. Sulit! Dinala lang nila sarili nila. Ang mahalaga mageenjoy sila.

Pag uwi ko syempre sabi na naman uncle ko ang gastos ko. Simpleng mamamayan lang ako. Pero masaya ako sa desisyon ko na ito. Ang itreat naman ang mga taong nakasama ko hanggang sa lumaki na ako.

Oops bebeblog wag ka matanong sa ipon ko, HAHAHA ang mahalaga, nakapagpasaya ako.

After sa WOF, hinawakan ako ng lola ko, at sinabing "masaya ako." sapat na sakin yun.

Salamat sabi mga tita ko, nasa isip ko naman,  No..  "Salamat po sa inyo."

Kalimutan na ang nakaraan na hidwaan, mabuhay sa kasalukuyan at mahal ko kayo. Lahat kayo. :)

LolaLalaDear, mabuhay ka!

(o'.'o)

Monday, February 19, 2018

T a g p u a n C o n c e r t

Kagabi pinanuod ko ang T a g p u a n S a K i a, concert ni M o i r a. Maganda. Sobrang gusto ko ang Malaya album nya, gusto ko ata lahat ng songs. Hahaha. Special ito for me kasi andun yung pinakagusto ko na song niya yung take her to the moon. Ang lala! Muntik ako maluha ng kinanta nya sa concert. Naluha din nga siya habang kinakanta nya. Haha. Ang tagal ko hinintay ang kanta na to. Ang sweet ni M o i r a at ang simple nya lang din. Natuwa ako na nakapanood ako ng concert nya. Masaya ako for her. Ako, na tumangkilik na sa kanya mula ng unang album pa lang. Congratulations girl!

Tip: Sa mga manonood ng concert sa theater na ito, irerecommend ko ang loge view. Sakto naman na row1 nakuha ko seat 23 at sa center pa. Not sure if pwede mamili eh, kasi yung sakin yan na lumabas na seat. Ganun pa man if pwede, seats 22-25 ang best seats na ipapapili ko sa'yo. Para ito sa mga nagtitipid pero gusto pa din maexperience ang concert na di ka talo, yan para sa inyo. Why? Walang puro cellphone na nakaharang, walang mga ulo ng mga nasa unahan mo. Mas comfortable yung seats. Gitna pa, kita lahat. Hindi siya sobra layo sa personal. Makikita mo padin yung nasa stage. Oh ayan ha. Enjoy ka!😁





(o'. 'o)

Thursday, February 15, 2018

Sigurado ka ba? Oo.

First quarter pa lang ng taon, ilang pelikula na napanood ko. Hindi siguro to marami kumpara sa iba, pero marami na ito para sa akin. Hahaha. May kasama man o wala, walang makapipigil sakin na manuod sa sinehan. Naka 4 na pelikula na ata ako. Napanood ko ang M r. and M r s. C r u z,  T h e G r e a t e s t S h o w m a n (SOLID nito!), M e e t M e I n S t.  G a l l e n at ngayong araw ng mga Puso nanood ako ng B l a c k P a n t h e r (Gandaaaa!) Nagustuhan ko naman lahat ng movies na pinili ko panuorin. Enjoy life di ba, oh ayan ha. Para kung mamatay man ako, nagawa ko yung gusto ko. Para sa akin deserve ko to, ang tagal ko ng lumalaban sa mundong ito. Kaya gagawin ko lahat ng gusto ko. Maigsi ang buhay, kaya't kung kaya naman, kung mapagiipunan, GO! Natuto na din ako lumakad magisa, unti unti. Pasensya na, medyo takot ako sa mundo kaya minsan hindi ko kaya lumakad ng walang kasama. Gulo ko din minsan eh, ako yung independent na dependent? Whaaatt?! Ah basta. Pero ngayon, unti unti, nakakaya ko na, kaya ko pala at kakayanin ko kahit ano pa ang mangyari. May kasama man manood o wala. May kasama man gumala o wala. This year din pala, first time magtratravel ako. Nakabooked na ko. Niyaya ako ng isang kakilala. Hindi ko na tinanggihan dahil hindi naman siya iba sa akin. Tsaka matagal ko na din gusto maglakbay. Eenjoyin ko to. Ang kasalukuyan. Magpapakasaya ako. Sa bawat lugar na pupuntahan namin, ipipikit ko ng ilang segundo ang mga mata ko upang damhin ang sarap ng buhay. Na masarap mabuhay. Na nabubuhay ako. Na mas pinili ko ang mabuhay. Buhay ako.

Natuto na din ako mahalin ang sarili ko. Na hindi iasa ang kaligayahan sa iba. Ako at si G o d na meron ako. Maliban samin, kung may mga nagsstay at nagmamahal sa akin, bonus na yun at sobrang pinagpapasalamat ko at kasama ko sila habang nabubuhay ako. Salamat at Mahal ko kayo.

Kung alam mo lang bebeblog kung paano ko ilaban ang bawat araw ng buhay ko, kung kaya't para sakin, deserve ko gawin ang lahat ng ito. Ako naman. :)

Ay pahabol.. Hindi natuloy ang mansanas. Ayos lang.😉

(o'. 'o)

Sunday, February 11, 2018

At sila ay aking nasilayan.





Unang beses ko sila mapanood ng live. Ang dami kong kilig. U D D. Woot. 

Pero iba pa din pag gig sa b a r ang ganap. Pero masaya naman. Nakita ko na sila. Solid set! Dami ko pa nakalistang gusto mapanood this year. Pero next week tita duties ako tska solomode M o i r a. Masaya din pag tita duties kasi nakakabonding ko pamangkin ko. Tsaka napaparamdam ko pagmamahal ko sa kanila. AaTae. Medyo keso na, tama na. Oxia.

(o'. 'o) 

Monday, February 5, 2018

PSNY2018PFS

Masaya ako na nakita kayong muli.
Simpleng kaligayahan.
Guys, Maraming Salamat!

Shookt pa rin ako sa hindi ko na pagpila, BTS? Kasama kayo sa tent? Kasama ako ng team pumasok. Whaaatt?! Kinanginig at kinakilig ko sobra yun. Faney mode on. HAHAHA Bilib ako sa mga 'to kasi nagagawa nila passion nila at dedicated sila as in. Gagaling din. Suporta ako sa inyo hanggang dulo. At akalain mong wsla kami picture ni F?! Nahiya ako lumapit ewan ba. Tsaka busy din kasi siya. Ah wala! Nahiya lang ako period. Bawi nalang sa next play. May pictures naman ako kasama ang iba. Pasensya 'di na nakapagpaalam ng maayos, hiya na ko. Dami ko ng hiya promise! Kaya bigla na lang akong nawala. Ehe.

Ngapala, bebelog eto pictures ko na bagong gupit. Bleh!

Masisilayan mo ang mga tigyawat ko na nanlalaban. Di kakinisan mukha ko alam ko, pero ang intense talaga nila lately eh. Pimple marks tho. Hay.

Pahabol: Sinuot ko ang first denim jackect ko. Sobrang gusto ko siya. Hirap ako makahanap ng maong jacket kasi may mga nasukat ako dati, pakiramdam ko lakas maka action star. Lol!  Suko na dapat ako eh hanggang sa nakita ko to, ay eto na yun! HAHAHA Hahanap pa ba ko ng plain denim jacket? Baka next year. Lol.

Solomode. Ako at ang backpack ko.





(o'. 'o) 

Tuesday, January 30, 2018

Qs for today.

Ang tagal ko ng inilalaban ang January, 'di pa rin tapos?! Einubenemenyen.

Q: bakit may mga taong feeling api, pero lakas makapangapi?.
Q: Bakit may mga tao lakas makapagchika ng istorya ng iba, pero pag sila naichika, galit?
Q: Kabigan ka ba talaga niya?
Q: Kailan ako magkakabf? Haha.
Q: Bakit may mga martyr?
Q: Bakit gusto ko palabok?
Q: Bakit ang dami nyo pinaglalaban?
Q: kailan ka makakamove on?
Q: Bakit ganyan ugali mo?
Q: Masama ka no? Aminin mo.
Q: Kailan ka magiging mabuti?
Q: Bakit ka talkshit?!
Q: Kailan kayo mananahimik?
Q: Kailan pa kayo magmamahalan?
Q: Bakit hindi ninyo maisip na maigsi ang buhay kaya't tama na drama. Dami nyo alam. HAHAHA.

munimuni questions para sa araw na ito. Hindi lang partikular sakin kundi lahat ng mga taong nasa paligid at nakasalamuha ko. Ehe.

(o'.'o)

Sunday, January 28, 2018

Payong

Hola! Gising na ako. 5am na ko nakatulog kanina, epekto ng iced mocha na ininom ko last night habang nanoood ng anime movie at ngayon, lunch time na. Gutom na ako!!! Nanood ako videos sa yt and guess what again? Inisip ko gumawa ng vlog. Well, inisip lang. Unang tanong: Hindi ba ko mahihiya? Madaldal naman ako, pero pagdating lang sa'yo bebeblog. Kakayanin ko ba humarap sa mga taong lahat may access na mapanood ako? Kaya ko ba magsalita with matching mukha? Lol! Pangalawang tanong: Sipapagin ba ko gumawa? Paano ba gumawa? Ano ganap? Anong ba ang gusto ko ishare sa tao bakit naisipan ko gumawa ng v l o g. Tagal ko nadin na b l o g g e r. Siguro dapat maglevel up na, ganon? Pero handa ba ako na ang katahimikan ko ay baka isang araw maging maingay. Handa na ba ko magpapasok ng ibang tao sa mundo ko na ito, na ultimo yung malalapit sakin hindi ko pinatuloy. Grabe ko kalihim. Ehe.

At kung magiisip ka bakit ang layo ng title sa post ko. Eto na nga.. Ang lakas ng ulan, gutom na ko at di ako makalabas dahil wala akong payong. Nyahaha. Naalala ko once ko lang naenjoy ang payong, nung Grade 3 ata ako na ang syala ng payong ko na red. May papito pa nga. Lol! Pagtapos nun, nawala ang interest ko sa payong. Hindi ko maalala kung ano ang dahilan. Yun lang ang naalala ko na natuwa ako sa pagbitbit ng payong eh. Hanggang sa nag HS at college na, dahil may rainy season tayo asahan mo lahat may payong. Pero ako never bumili ng quality na payong kahit pa alam kong magagamit ko siya. Mas gugustuhin ko pa maglakad habang umuulan kaysa gumamit ng payong.. Gumagamit naman ako ng payong pero hindi kalidad at madalas yung mga malalaking hiram lang. Imagine, magkano ang nagastos ko sa buong buhay ko sa pagbili ng payong na halagang 50.. at 150 (dahil may design) lang? Magkano?! pero a d u l t i n g tayo, hindi palageng dapat magpakabasa. Dapat alagaan ang sarili. Hindi din presentable kung papasok ng trabaho na basa dba. Tae, yung ngayon ko lang narealized kahalagahan ng payong o alam ko naman na may halaga siya, hindi ko lang binigyan importansya. At.. hindi kailanman magiging raincoat ang jacket lang. Lol.

Alam ko iniisip mo, sa dami ng binili kong walang katuturan para sa'yo, payong "lang" hindi ako makabili?! Sa sahod, bibili na po ako at sa pagkakataon na to, tipid tip: dun tayo sa quality para magtagal. Oha. Happy ka? HAHAHA. :)

Oh ayan huminto na ang ulan. Pansamantala? Lalabas ako at kakain na.

Happy Sunday Everyone.

(o'.'o)

Natawa naman ako.

Anong trip ko sa Araw ng Sabado? Kumain MAG-ISA sa karinderya nung lunch. Naglakad ako MAG-ISA habang umaambon papunta sa laundry shop para kunin ang damit ko. Ambigat. Woot. pero kinaya naman. Ako ba to? Hahaha. Tas nakachat ang isang matagal na din na kakilala at sinabi niyang kaarawan nya. Siya yung asawa ng kababata ng x ko, si teV. Dahil nagcrave ako sa spaghetti, ininvite naman niya ako kaso late na din at malayo pa lakbayin ko. Nagsend din siya pic ni teB, na nagsabi na nanghihinayang pa rin daw sa amin ng x ko pero sabi ko kay teV, na sabihin kay teB na nakaraan na yun. Nabanggit din niya na andun si parengK. at sabi ni teV, pagkasabi ko Hi, natawa daw at.. natawa din ako. Kailan ba kami naging awkward neto? Ang pagkakaalam ko wala akong kaaway ha. Kailan pa ba huling kita namin? Na kasama ko na siya mula ata sa unang gf pa niya ata. May dapat ba ikailang o ikahiya o ikagalit o ikaiwas? Wala naman dapat ata. Siguro dahil matalik siyang kaibigan ng x ko? Dahil may pa spag at shanghai rolls, plus invitation, inisip ko kanina na sumulpot. Hanggang sa, naisip ko, WAG NA PALA. Hayaan na lang kami magtagpo sa tamang panahon. Yung maaga at umaga pa. Wag na ipilit. Salamat pero wag ngayon.

Pro tip: Maaari naman balikan ang nakaraan, pero huwag mabuhay sa nakaraan. :)

Kitakita sa susunod mga dating kaibigan.

Alam ko sa sarili ko na may nagbago sa ugali ko, at kung anu man yun, gusto ko yung pagbabago na yun. Nakakabait eh. Nyahahaha.

Teka, gabi na nung magkaroon ako ng connection, medj batrip yun. Ewan paano ko nasurvive ang buong maghapon. Ehe. Pero uhm, natapos ko naman panoorin yung T h e A n t h e m o f t h e H e a r t ngayon. Naenjoy ko naman. Gondo din.

Tsaka pala, nung isang araw napanood ko yung M r a n d M r s C r u z. Yun yung mga gusto kong ending. Solid! My movie rating: 4/5. Bakit yun? Panoorin mo nalang. Asan na kaya si N e m o ko? Haha.

Nakakain ako ng LAING, dinner kanina, sinundo ako para makidinner at dapat movie night with them kaso fail. Hahaha. Pero balik laing with hipon, Ang lala! Sarap! Kailan ba huling kain ko nun laing? Sobrang naenjoy ko yung dinner with the Bs. Pasensya di ko pa kaya magsleepover, anchichix nyo eh. Naks. Bwahaha. Salamat tho.

Tapos ko na din pala labhan uniform ko para sa darating na week. Mas dadalasan ang paglalakad. Sana masurvive ko ang buong linggo next week. Medyo intense last week eh, pero laban lang. Langoy lang sa buhay.

(o'. 'o)

Thursday, January 25, 2018

Sinabi ko na eh!

Bakit yung ayaw mo mapagastos ang ending ay mapapagastos ka? Sigh, gastos! HAHAHA magsasave pa din pero teka, napaorder ako. Installment to dahil hindi naman ako yayamanin to buy anything na magustuhan ko and hopefully mapasakin siya ng February 2018. Sa totoo lang 2 weeks na din ata ang nakaraan ng bumalik ang kagustuhan ko (deep inside) na bumalik kay mansanas. Kukuha sana ng plan kaso dinidiscourage ako ng family ko to get one at lugi daw plus the hidden charges na ewan ko na. Yung friends ko naman supportive sa gusto ko, tinawagan pa ko last week para inform ng mga bagong offers. I declined din kasi may existing plan ako sa iba. So puro gastos 'di ba? Eh a d u l t i n g na nga dbaaa? Oh eh di okay na, and then kanina umaga, nakita ko lang bigla post ng isang kakilala offering mansanas with terms like this and that na I think mas magaan kesa mastuck ako paying 2 postpaid bills na wala naman ako constant na katext. Ano aksaya lang ategirl? Hahaha. Sana makarating at mapasaakin. Etong gamit ko ngayon, sulit fon to, baka ibenta ko pandagdag din sa bayarin o pwede ko din iregalo sa kamaganak. Tignan natin. Ah basta! Hahaha.

So ansaveh ng last post ko? Yan tayo eh. Takte! gastos! Tignan din muna if darating. Paano kung hindi? Eh hindi para sa akin. Yun lamang. Ehe.

Uy, tsaka last week pa pala ako nagccrave sa crinkles. Waaaa! Hanubayan.

Oxia. Labblabb! :)

(o'.'o)

Tuesday, January 23, 2018

Dun tayo sa XP

Collect moments not things.

I'm planning to watch P a s i n a y a 2018 ng magisa lang. Kaya ko ba? Kakayanin. Ako ba 'to? imbes na nasa kwarto lang ako at off ko. HAHAHA. I'll be supporting my favorite team, pero baka hindi ako magpakita. Sulpot lang ako. Plano ko kasi to meet them sa next show na lang. pero.. Madami pa naman tao sa event na to. Bahala na.

Walang bibili ng shoes this year, dahil nagpalaundry ako lahat ng damit ko start ng taon, walang bagong damit din this year. Tinry ko nadin magiba colors na damit pero bumabalik ako sa black. Dun tayo sa kung san ako kumportable. Wala na kong pake.

Isa pala sa kinaeexcite ko ay ang manood ng L i o n K i n g M u s i c a l. Isa sa paborito na movie ko kasi yun. At eto na naman po tayo, magisa muli ako manonood. Ilang shows ang panonoorin ko sa taon na ito ng magisa ako. Ang malupet dun, tatayo na naman ako sa kama ko habang off ko. Kaya ko mahiga lang all day basta off ko. Matulog at minsan wag kumain at magOL lang. Hala. Pero this year, sisiguradin ko na may mga bago kong xp at kaalaman. Gusto ko pa rin magaral muli. Ipon muna. Or paaaralin mo ko? :)

Madami din ako nakaline up na anime movies. Hindi ko pa rin talaga muna gusto mag K series or kahit ano anime o english series kasi baka di na talaga ako gumalaw. Ehe.

Usapang magisa. Dapat masanay na ko na magisa. Ganun talaga. (Hindi sa lahat ng oras may makakasama ka sa mga trip mo, kaya maging masaya ka kahit magisa ka pa.)
Natry ko na manood magisa. Ayos naman. Actually, may nakilala pa nga ko na naging friend ko na ngayon. Kaya't malamang kakayanin ko ang mga susunod pa. Wag papaapekto sa tingin ng mga tao, basta ako, mageenjoy ako.

Eto pa, share lang.. nagugulat din sila na kung bakit ang aga ko na pumasok. Dati sakto ko eh! Yung tipong mapahinto lang ng di inaasahan ang sinasakyan ko, ikinalate ko na. So far, sa ngayon iba na. 1 linggo na ko walang late. 1 linggo na din pala ako nakakapagbreakfast ng matino.

Lastly, may MDS Suki Points na ko. Dalaga na ko, pero sa backpack pa rin ako. Gulo. Bwahaha.

Late bloomer. Pagpasensyahan at pagbigyan. Bigyan nyo ko ng chance. :)

Sa dami kong gala this year, good health po PapaGod. Thank you.

(o'. 'o)




Hayaan na.

Paguwi ko wala na roomie. Tinext ko pa siya na pauwi na ko eh, pagdating ko, wala na gamit niya. Ang weird.  Medyo creepy. Pero medyo nagworry din kung ano ganap niya. Hinintay ko makauwi yung isa namin na housemate na never ko pa na meet. Hahaha. Pagkadating niya, nakausap ko naman maayos, mukhang malayo sa sinabi ng roommate ko na ugali nya. Sabi housemate ko never nya nakausap roomie ko na kagaya ng usap namin. Partida di pa ganun katagal yung usap namin. Sabi ate housemate ko na nasa kabilang room ganun talaga hayaan na. Ganun naman talaga yung iba magtatagal, yung iba mabilis lang aalis. Kaya hayaan na namin yung roomie ko na di nagpaalam samin pareho. Malalaki na daw kami. Tama naman siya dun. Parang ate na ate ang datingan ng housemate ko. Mukhang strict at disiplinado, mukhang mapapalinis ako ng banyo neto. Hahaha.

Pinagiisipan ko pa if irent ko na tong room ng buo eh. Tutal di naman ako sanay may kasama sa room. Pero tignan natin.

Let Go Hex. Wag magoverthink.

Sa ngayon, matulog na muna tayo.

(o'. 'o)

Sunday, January 21, 2018

Nasaan ang pake ko?

Seek first to understand, then to be understood.

I just moved in a week ago, pero ganito na. Confused ako sa mga nagaganap. My roomie was okay naman, not until yesterday. First time to nangyari sakin dahil syempre sanay ako magisa lang sa room. Or kung may mga naging roomies ako na strangers at first eh okay naman ang kinalabasan hanggang sa maglayo kami ng landas. But this one is different. Or vice versa ako ang kakaiba sa paningin nya?

Kahapon pa siya eh.. Ewan ko kung ano sa napagkwentuhan namin gabi ng friday at bigla siya nagbago. Madaldal siya, tas bigla tumahimik. Yung mga text ko nga maigsi lang, siya yung mahaba eh. Tas nagiba bigla. Bigla naging sarcastic, inintindi ko kasi syempre differences. Baka normal sa kanila ganun magsalita, at samin hindi. Pero dahil di ko matiis yung galaw at salitaan nya kasi syempre ang hirap ng magkasama kami sa room tapos ganito, tinanong ko siya kahapon, wala daw. Kailangan ko pa siya tanuningin kung okay lang ba siya ng 2 beses bago niya ko marinig at sabihin na may kausap daw kasi siya. Kinakausap ko, ang tagal bago sumagot. Sabay pa kami naglunch Sat nooon na at base sa oras nya na 12:30 dahil hinintay ko siya kahit pa gutom na ko dahil nung fri night ko pa siya hinihintay kumain pero di siya kumain. Binigyan nya lang ako nung orange nya, dahil hiningi ko at gutom na ko inoffer pa nya isa pero tinanggihan ko na at may biscuit naman  ako. Di na kasi kami lumabas kasi. Ikinapayat ko na to. Hahaha. Nahiya naman ako lumabas magisa dahil nasabi ko na dati na sabay ako kumain kapag andito siya.

Tas yun na nga. Alam kong may something na kakaiba. Minsg ko siya last night na late ako makakauwi, no reply.  Minsg ko ulet na pakiwag ilock ang screen door, no reply. Umuwi ako late na, before 12mn, okay nakalocked ang screen door. Tinawagan ko siya, di sinasagot. Inisip ko nalang na baka nga naman nilock nung nasa kabilang room at siya naman ay tulog na. Nakitulog tuloy ako bigla. Waaaa..

Today Sunday, umuwi ako 9am na. Naabutan ko siya sa dining area kumakain. Naka3 o 4 na hi ako, deadma. Okay, habaan ang pasensya. Yung pakiramdam na ginanun ako? Medyo laughtrip pero Ang lala! Di nakakatuwa. Inaya ko pa siya sa dala kong food. Hanggang sa kumaway na ko dahil parang wala siyang nakikita, deadma. Kinausap ko siyang muli, kung may problema ba, wala. Sabi ko pa kung may nasabi o nagawa ako na hindi nya nagustuhan, pasensya na. Tas nabanggit ko na nakitulog ako dahil nalockan na ako, nakasilent daw fon nya. Tas ang ayos padin ng pakitungo ko habang ang cold ng treatment nya. Sabi ko pa kung may problema siya sabihin nya para mapagusapan. Tas sabi ko, bati mo naman ako? Biglang natahimik siya. Sa puros wala hindi nya na sagot, sa tanong na to bigla natahimik siya. Biglang sabi nya, "wag mo lang ako pakielaman." sabi ko, "ha? Sa lahat? Uhm okay." sabay ngiti, tayo ako at naligo na ko.

Yung sa lahat na ibig ko sabihin ay ano deadma for life na ba? Muntanga lang. Hahaha natatawa ako lakas maka.. Parang bata! Pero valid naman dba kasi yun siya. at naisip ko magkaiba kami. Magkakaiba tayong lahat. Pero di ko para iplease ang tao na ayaw sakin. Nanghingi na ko pasensya, at minsan lang ako magsabi nun kaya minemean ko yun at ayos na ko dun. :)

After ko maligo, direcho room na ko. Tinanong nya ko if "Aalis ka?" sabi ko hindi, nagmedyas lang malamig tas di na ko muli nagsalita pa. Ngayon, habang sinusulat ko ito, lunch time na, kinuha nya food nya, di ako niyaya. Ano pa ba asahan ko dba? Hahaha. Okay na din siguro to,  atleast alam ko bakit bigla naging ganito. May idea ako, bakit humantong sa ganito.. Kaysa biglaan na wala ako kaalam alam.

Walang pakielamanan? Kk. Mabilis naman ako kausap, ibigay ang gusto. Pinipilit ko magpakabuti, tsaka mahaba naman pasensya ko, wag lang ako punuin. Wag umattitude sa harap ko please, wala ako oras sa mga ganyan.. pero hindi ko para ituring siya na kaaway, pag kinailangan nya ako, andito lang ako, kausapin nya lang ako. :)

Nasan ang pake ko? Meron pa din. pero tago na nga lang dahil ayaw mo sakin, kaya't keriboom lang.

Natatakot friends ko, pinapalipat na ako, 1 week pa lang ako dito ha. Hahaha. Tignan muna natin ganap, sayang naman yung rent tsaka baka kailangan lang nya ng unawa or mas gusto nya lang mapagisa. Kaya't naiintindihan ko.

Wag sana dumating ang araw na mawalan ako ng pake sa'yo. :)

BV to GV na ulet. Smile lang.

Have a Blessed Sunday Everyone.

(o'. 'o)

Saturday, January 20, 2018

Oh eh di..

Oh eh 'di ako na tira concert, gig at music festival. Pinaalala sakin ng kaibigan ang C h r o m a. Oo nga pala.. Umattend kami last year dun, at niremind nya ako para this year. Iniisip ko pa W a n d e r l a n d. Medyo malayo sakin. Pero gusto ko talaga K o d a l i n e!!! Isama pa ang L a u v tapos yung B e n & B e n at I V of S P A D E S! Uhm yung 2 local bands pwede naman ako sumulpot sa mga gigs nila eh, pero yung K o d a l i n e talaga eh. Waaaaa! Uhm.. May panghihinayang pa rin ako dahil 'di ako makakapanood concerts nina E d S h e e r a n,  P a r a m o r e at B r u n o M a r s. Sobrang gusto ko pa naman sila. Haaay. Pero imagine if natuloy pala ang pagbili ko ng tix nila, ang 'stig! busy ang taon ko maliban sa work, busy sa panonood ng concerts. Wala pa yung gigs at music festivals dun. Musika, mabuhay ka! Bwahahaha. Iniisip ko din manood sa February ng gig ni C l a r a B e n i n, bago ang M o i r a C o n c e r t. Sa A p r i l, ready na ang puso ko sa L A N Y. Wala pa ang L i o n K i n g at theater plays na paborito ko.

Ang dami ko ganap simula pa lang ng taon, sinusubok na ko, nakaramdam ako ng lungkot at napaiyak na ko hindi pa man natatapos ang Enero, pero habang tinatype ko na to, akalain mo, madami din pala akong lakbay na makakapagpasaya sakin matapos ko malungkot. Anh buhay di naman palage na masaya. So patas lang? Ewan, basta ang alam ko, S u s u k a ako pero di ako s u s u k o.

Lahat ng ito ay pinagiipunan. Wala kayong kinalaman. Hahaha.

Kanina pala: The act of giving.  Hindi ko na ikwekwento, yun na yun.😉

Salamat sa lahat, PapaGod.

(o'. 'o)

Friday, January 19, 2018

Ikaw na tama, ako na mali.

Minsan lang ako magsalita at hindi mo ito ikakatuwa.

Walang G, wag G.

Masakit man ang iyong mga salita, sa bandang huli para sa akin yan lahat ay walang panama. Walang kadating dating sa puso ko yang utak mong naninindigan na ikaw ang tama.

Pinairal ko ang respeto kaya't makakatulog ako ng mahimbing. Tutupadin ko ang iyong hiling. Ngunit, hindi ako manghihingi ng paumanhin, kaya't wag mo ito asahan sa akin. Wala akong pakielam sa sasabihin ng iba, hindi ako para magpaliwanag sa kanila. Ang mapanghusgang mata ng karamihan ay hindi ako para matablan ng sinoman.

Walang perpekto,  ako man minsan ay qaqo. Pero alam ko sa sarili ko na may pagtanggap ako, wag lang makapanghamak ng tao. Iba ka, magkaiba tayo. Langit ka, lupa ako.. Tanggap ko yun.. pero huwag na ako.

Salamat sa lahat. Respeto hanggang dulo.

//late post.

(o'.'o)

Wednesday, January 17, 2018

C at G

HUY, ANU BA!!! Gusto ko pa umattend W a n d e r l a n d F e s t dahil sa Kodaline.

Tira concert at gig!💩😂

Ang ganap..
Tanggap ko na. Hanggang kahapon, pinalampas ko na ang Moira Tagpuan concert, sabi ko sa sarili ko next concert na lang. Maglilipat pa kasi, magastos, etc.

Tapos.. 
H: Hala! Eh biglang nag Day 2! Ano bibilhin ko ba? *last 4minutes*
Officemates: Go!

After mabili..
Ma'am Officematel: Wag mo tipidin sarili mo. May nabasa ako, may sakit siya, 27years old. Gumawa siya sulat nakalagay dun gawin mo yung makakapagpasaya sa'yo. Wag mo panghinayangan, magipon ka, magipon ka ng experience. Yang concert experience tyan. Magtravel ka. Hindi mo naman masasama sa hukay yang pera mo. Kaya ENJOY!

Plano ko pa manood gig C l a r a B e n i n sa 12monkeys. May mga P din ako panonoorin start ng 1st quarter of the year. Waaaa Goodluck sa budget ko. Ewan ko na. Ipon mode din if in case mayaya ako magtravel gusto muna T h a i l and. 

Yung habang tinatype ko napapapikit na ko. Muntik muntik na mahulog fon sa mismong mukha ko. Antokyo. Good night. 

// ipopost ko nalang nakatulog pa ko. Hahaha latepost.

(o'.'o) 

Tuesday, January 16, 2018

LipatMode.

Lumipat na ko last night. Dami kong dala, pakshet. Akala ko nabawasan, pero andami pa rin. Anyare? Lolol! Late natulog, aga nagising. Namamahay? May ganun ba? Napakasensitibo ko sa bawat tunog. Waaaa.. Day 2 today: 1am na, pero eto at gising pa rin. Masasanay din ako. Salamat kftd sa pagtulong maglipat.

Dahil madaming ganap sa buhay ko, sagarin na ang buwan ng Enero, kaya plano ko magpagupit this month. Hanap pa bagong hairstyle.. Balitaan kita. :)

Oxia. zZz.

(o'. 'o)

Wednesday, January 10, 2018

de clut ter

Cleaning up. Well, naalala ko yung movie na TTCT, yung bigat na bigat na si Mace, paano ang dami niya bitbit. Samantalang si Anthony chill lang, yung kailangan lang kasi ang dinala niya. Bagahe. I guess, I'm ready na to leave my excess baggage.

Teka, natatawa ako! Akalain mo Naisama ko pa yun habang nagliligpit at nagtatapon ako ng gamit. Tapon? Sa sobrang dami kong gamit at kalat na hindi ko mapakawalan. Kaya ko ba? Heto na yung pagkakataon para iwanan ang 'di na kailangan, idonate sa nangangailagan ang mapapakinabangan at itapon ang mga 'di na nagagamit. Linisin mo na ang buhay mo. Tama na ang kalat sa buong pagkatao mo, masyado na makalat ang buhay mo, kaya wag manghinayang itapon ang dapat itapon. Anu daw?! Hahaha.

Dahil sa mga biglaang gastos na ganito, hindi ko mapapanood concert ni M o i r a. 'Di naman ako yayamanin, pinagiipunan ko to lahat. Kaya hindi pwede bili lang ng bili. Pasensya agad agad, kaninang umaga muntik na ko bumili concert ticket online pero pinigilan ko sarili ko. Naisip ko bigla ang gastos ng paglipat at mga gamit na dapat bilhin. Akalain mo napigilan ko, nagpaawat ako, self control beshiwap. Waw! Wag muna. Wag ngayon. Babawi nalang ako sa next concert niya.

A d u l t i n g at its finest. Lol!

One at a time, girl!

(o'. 'o)

Sunday, January 7, 2018

Boxes.

As I was holding the empty boxes that I got from a grocery store, It finally sink in that I am leaving. Nothing is really permanent in this world. There's no such thing as forever. I know that I'll be leaving this place, by the time that I'll be having my own family, but not early this year. Still no bf! Why leave? I'm getting emotional. Lol! Oh well, I need to declutter.. I need to move out.

It will be a start of something new.

Where to go?

(o'. 'o)

Friday, January 5, 2018

Panaginip

Ang lala ng panaginip ko, sa sobrang lala nya, late ako kanina ng 40mins. Hindi naman ako puyat eh kaya walang dahilan para malate ng gising. Kaya't nagpapasalamat ako sa tumawag sakin, buti nagising ako. Parang makatotohanan kasi, parang di na ko makakawala. Weird. Twice ko na napanaginipan yung pinsan ko na namatay nung 18 years old pa lang kami. Masaya na kasama ko siya sa panaginip ko, magkasama kami, pero nakakapangamba naman ang mga panaginip na gaya nito. Miss ko na siya, pero gising gising din. Hahaha. Sa totoo lang, bigla ako natakot matulog, sa sobrang hilig  ko matulog, kaya ko matulog 12hrs straight pero ngayon nakaramdam ako ng parang ayoko na matulog. Ewan ba. Actually di naman sa ayoko na kasama ko siya eh, dun ako takot sa kaganapan sa kaninang panaginip ko habang kasama ko siya. Hay.

Labyuol.

Thank you for the gift of life, Lord!

(o'.'o)