Sunday, July 30, 2017

BlackPinkKindOfDay

Day6. Ano kaya pa? Sabi ko di ko maggym pero eto ko kanina. Dami ko papawis kanina. Sarap sa pakiramdam. Konti lang tao today kaya pabor sakin kumilos ng kumilos.. kasama ko mga friends ko today kaya katuwa din magworkout. Oh paano? Bukas ulet. Umaambon pero nilakad ko hanggang kanto. Dinner ko? K o r e a n f o o d t r i p. Gulay pa more.. kimchi pa more. kaso may pork. Keriboom lang. Aja.

(o'.'o)


Saturday, July 29, 2017

Kaya mo pa ba?




Dahil hindi ako nagpunta gym, nagworkout ako sa bahay. Wooo! Pawisan ako ah. Kaya pa? Kayang kaya? Kakayanin. Kaya! Bukas bahay mode ulet. Monday nq sulpot sa gym para di aksaya sa pamasahe. Tipid mode pala. Haha. Next month mamili nq ng paprizes para sa 1st bday ng pamangkin ko. Titamodeon. Ngapala bebeblog sayo ko lang muna shineshare tong pagpapapayat ko.. Di ako nagpopost pics sa fb. Sana talaga maging effective to noh? Aja.

(o'.'o)

Pawisan habang umuulan


Pagoooooddaaaa.. I usually spend an hour and half sa gym. Nasa day 4 palang ako eh. May pinagawa sakin instructor ko tas nababagalan xa sakin.. Pasensya obese. Hahaha. Controlled na din kahit papano diet ko. Daming kalam ng tyan ko grabe. Hahaha mas madami beses ako kumain pero onti onti lang. Malakas pa din ulan today at off ko na. Monday ulet next  gym schedule ko. May nakita ko workout sa YT so yun gagawin ko bukas.

(o'.'o)

Friday, July 28, 2017

KK


At napanood ko na xa. Di man ako naiyak kagaya ng sa iba, pero idadagdag ko to sa mga paborito kong pelikula.

Saging nalang ang may puso. Ehe.

(o'.'o)

Wednesday, July 26, 2017

Muntik Na

Muntik na ako malate dahil sa pagbaba ng hagdan. Bwahaha. Sakit legs ko.. Pero kanina Day 3 ko. Yang pic na yan pakiramdam ko naistraight likod ko. Di maganda posture ko lage ko nakaslouch eh. Naramdaman kong may likod pala ko. Anudaw? Haha. Total of 50mins ako sa pagbabike. + yung iba pang pinagawa sakin. Wooo! Mga 1 1/2 hr din ako sa gym. Pawisan teh. Haha. Medyo konti tao kaya hindi ako nahiya magkikikilos dun. Sana may mabago. Sana ikapayat ko na to. Sa diet naman, bye na muna f r a p p e at m c c a f e iced mocha. Sa friday next gym ko. Next week na siguro ko magdaily dun pag nakabili nq gym clothes. Hirap gumalaw pag hindi proper outfit eh. May isa na ko, so isa pa. 1 shirt at 1 sports bra nalang kailangan ko.  Keriboom. Dq alam kung hanggang kailan to, pero susubukan ko. At sana makalayo ako sa sweets. Hahaha. Starting tomorrow, no pork ako. Kung ano pa masarap oh. Hahaha. Dahil oa naman kung magvegan agad ako na hindi naman lahat gulay kinakain ko. So chicken at fish kakain pa ko. Ehe. Balitaan kita bebeblog next month para sa ganap ko. Hindi madali huh pero Aja!

(o'.'o)

Tuesday, July 25, 2017

Lakas

Nagstart ako magexercise at maggym nung Sunday. Oo magisa lang ako nun. Grabe kapagod. Sabi ko pag may pinapagawa gym trainer "hindi ko kaya." sabi nya wag ko daw sabihin na di ko kaya. First day ko palang po pero waaaa.. Nanlabo mata ko. Ang tagal din nun. Nabigla ata. Awts. Pang second day ko pa lang. Sobrang sakit legs ko. Tsaka likod ko kakasquat. Para sa isang obese na katulad ko, hindi siya madali. Sana magtuloy tuloy na at ikapayat ko na to talaga. Yung sa last pic kaninang second day ko yan. Sa wed na ulet next gym ko. Bukas pahinga muna. Hahaha. Balitaan kita next month kung may pagbabago. Sana mabawasan timbang ko. Unti unti. Aja!


(o'.'o)

Saturday, July 22, 2017

Nood ka? (2)

Gusto ko talaga mapanood yung K i t a K i t a.. pero dahil nagplay dead ako today, wala na. Hahahaha. Bukas di ko naman mapapanood. Start na ng pagggym ko. Kailangan eh. Dapat nga kanina nakalagay sa start date ko kaso hindi ako bumangon. Goodluck sa akin simula bukas. Hahaha.

Share:
1. Mahilig ako sa indie movies. Hindi ako masyado sa mainstream. pero yung mga actors sa movies na gusto ko mga nasa mainstream din pero iba kc atake nila pag indie. Kaya mas gusto ko. Paborito ko TTCT at IDILY. Gusto ko din yung Sleepless. Huli kong pinanood yung SHM. Sana mapanood ko na yung K i t a K i t a. 

2. Sa usaping timbang... Goodluck nalang ulet! Nyahahaha.

(o'.'o)

Nood ka?

May papanoorin akong play sa August. Re-run na siya. A w k s w e b s e r i e s. May extra ticket ako dahil yung isa na pinareserved hindi makakasama. Plan A: Ibigay yung ticket sa gustong manood, pero walang pambili. Yung faney na gustong gusto mapanood yung play. Ilang araw ko din chineck comment section para magbigay ng maagang pamaskong handog. Naghahanap ako ng pwede ko pagbigyan. Medyo keso. amp. Hahaha.. kaso mukhang lahat may pambili eh. Plan B: Check sa mga fb friends ko na nakalike sa page nila. Ang napili ko yung isang college student na ate ate nya din ako. Minessage ko xa, kaso hindi xa makakapanood dahil may nakaset na lakad na siya nun. So next kong niyaya yung bebecousin ko na nasa senior high kaso binawi ko. Sabi nya gusto nya itry. Pero feeling ko kc hindi nya trip yung mga ganito o ayoko lang isipin na makakarelate na siya. Hahaha. Bata pa sa edad na 18? Ehe. Ate dapat kc nya yung iinvite ko kaso mukhang busy sa school. Today minessage ko ang isa ko pang bebecousin na nasa college na din.. and yes nanonood xa ng play at sasama siya. Medyo effort xa sa byahe sa araw na yun. Good luck. Hahaha. Lakas ko maka ATE today.

Bakit libre? Bakit hindi. Ayoko ibenta. Hindi naman kailangan mayaman ka para magshare. Simple treat dahil nice yung cast at nagustuhan ko yung palabas.

*Teka napansin ko lang one thing in common sa mga ininvite ko.. Uhm.. Go U S T E ?! Lolol.

(o'.'o)

Friday, July 21, 2017

Medyo Babae.🌸

I want someone to look at me and think: "She's my happy ending." cto.
(o'.'o)

Thursday, July 20, 2017

Kanta tayo?

Dati naalala ko dq maxado sa O P M maliban sa trip ko talagang P a r o k y a n i E d g a r at M Y M P ay wala na ata kong gusto.. pero syempre may e h e a d s din. Pero maliban sa kanila at sa piling pili na tagalog songs kinakanta ko eh hindi talaga ako fan ng O P M.. NOON. pero ngayon trip ko na. Makulet kc ko, yung pagkafan ko kc as in gusto ko halos buong album. Yung mamahalin mo ng buo hindi lang dahil sa isa o dalawang kanta na sikat sa kanila. Ganun ako maging fan. Hahaha. Share lang, sila mga trip ko ngayon. Sila karamay ko sa dalawang taon na nakalipas and counting? Hahaha. Maganda mga songs nila. Subukan mo..

- C l a r a B e n i n
- M o i r a
- R e n e e D o m i n i q u e
- U r b a n d u b
- U D D

Eto naman yung mga kanta na sobrang inlove ako. F e e l s. Repeat100x.
- B u r n o u t by 3D.
- C a n' t t a k e m y e y e s o f f y o u - JV.

(o'.'o)

Monday, July 17, 2017

Buwan ng Hulyo.

🎧 H u l i n g G a b i.

Naisip ko masyado naman ako sa mga paborito kong movies at kanta. Kahit ilang beses ko panoorin o pakinggan. Sabagay paborito nga eh. Nyahaha. Wala ka magawa H e k e noh? Halata ba. Hahaha Kanina pa ko 6pm dito sa kama pero gising pa din ako. Ang lamig ngayon. Gusto ko matulog ng pagkahimbing himbing ng mapayapa na nakangiti.

(o'.'o)

Sunday, July 16, 2017

M u s i k a


Makinig.

Antok na nawawala na naman

Nasan ka na naman ba? Halala xa. Hmm.. Share lang.. Nagccrave ako ngayon ng ramen.. cheese ramen in particular. Gusto ko tikman. Kaso di ko matitikman. RD balik playdead na naman ako. Kwarto lang ako maghapon. Hindi naman ako natulog kanina pero yung antok ko eh anong oras ngayon nawawala padin. Gusto ko lang sana matulog ng matulog pero ewan ba, bakit di ako makatulog.. Oxia nyt sa mga tulog.

(o'.'o)

Wednesday, July 12, 2017

For YOU

Today, I sent this to a friend. This message is for her, for me and for those who can relate..

(o'.'o)

Monday, July 10, 2017

Tumbling

Agosto *blank*. Nawala sa isip ko.. L A N Y pala nun. Eh ang tagal ko din sila hinintay. Kanina nakita ko sa page na date din yun ng re-run ng A W K S. Ganap: Reserved na ko sa A W K S 2 0 1 7. Paano na ang L A N Y, gusto ko mga kanta nila eh tsaka basta trip ko talaga yun eh? Although wala pa ko tix, naghihintay pa ko announcement from ayalamalls paano magkaticket. Alam ko pwede naman sumulpot nalang sa mga malls na yun. Di nga lang ako malapit. Kapag inuna ko sila, paano ang A W K S, isa sa w e b s e r i e s na paborito ko? Tsaka paano si bebecrush F? Napanood ko na sila nung una pero gusto ko padin panuorin re-run eh. Tsaka suporta nadin sa team. Excited nadin ako papicture sa ibang cast. Hmm.. Kung ililipat ko ng ibang araw ang isa sa mga ito, kapagod din, eh kailangan ko magplaydead ng 1 araw dahil lakbay mode na ng gabi nun at workmode kinabukas. Kung 2 tatargetin ko sa isang araw, waaa! Sino ang uunahin ko? Medyo effort ha. Medyo keso. Hahaha. Aja!

At eto pa.. kung di ako nagkakamali, birthday yun ng isa sa malapit na kaibigan ko. So anune? Tumbling sabay split na. Haha.

(o'.'o)

Sunday, July 9, 2017

Someday my prince will come

Sumabay pa ang ulan. Tamang arti arti. Hahaha. RD kaya higa mode at soundtrip. Tas nagkataon naman kasi na dalawang wedding videos ang napanood ko..  Alam ko walang Prince.. dahil hindi ako prinsesa.. At walang King, dahil hindi naman ako Queen. At hindi ito fairytale at wala ako sa pelikula para umasa sa happy ending.. Ganun pa man, umaasa at pinagdarasal ko na isang araw darating yung lalaki na magmamahal sakin at handa ako ipaglaban. Yung lalaki na gusgustuhin ako makasama hanggang pagtanda. Yung lalaki na hindi man lageng masaya, handang harapin ang pagsubok ng kaming dalawa.. Yung lalaki na hindi ako kailanman ipagpapalit. Yung lalaki na isasama ako sa mga pangarap nya. Hihintayin ko ang lalaking pakakasalan ako. Wala naman ako hinangad kundi maging isang mabuting asawa at ina sa sariling pamilya ko. Handa na ko umibig ulet.. at sana.. dumating na siya.

🎧 R i g h t T i m e - J o h n o y D a n a o.

(o'.'o)

Thursday, July 6, 2017

FS3


Ready na ko, matagal na.😍

1. Info about me: Trip ko webseries..

2. Hindi ako mahilig at pala nood ng palabas tuwing hapon o gabi. Wala yata kong tinutukan na palabas ilang taon ng nakakaraan. Makikita mo lang ako nakaharap sa tv pag yung gusto kong koreanovela palabas pero sa ngayon wala. .
Teka, maliban sa isang to, sobrang adikmode ako sa m l f t s p h. M a t t e o D o! J E N at G I L inaabangan ko lang xa online. Di padin ako humaharap sa TV. Hahaha.

Oxia. Good night.😄

(o'.'o)




Sunday, July 2, 2017

How can anyone forget about death?

At siya ay nahimlay. 2 months mula ng huli ko siya makita. Sa loob ng dalawang buwan, sinong magaakala na ganito ang ganap ng sunod naming pagkikita. Mamimiss ka po namin Ma'am.

pero iniisip ko.. pag ako ba nawala, hanggang kailan ako aalalahanin ng mga mahal ko sa buhay? Mga isang linggo? Isang buwan? Isang taon? Aalalahanin ka pero may hangganan..

Ang kamatayan ang isa sa pinakakatakot sa lahat.. Ngunit dapat ba itong katakutan? Paano mo makikita ang lumikha kung magpapadaig sa takot na nararamdaman..

Kaya habang may pagkakataon ka pa, maging mabuti. Humingi ng kapatawaran sa araw araw. Sino bang tao ang hindi nagkakasala o nagkakamali? Bakit mo gugustuhin maging masama, kung pwede ka naman maging mabait.

Para sa panahon na kukunin ka na nya, HANDA ka.

M u n i m u n i m o d e.

(o'.'o)




Saturday, July 1, 2017

July2017 Soundtrip

🎧 I've been listening to these songs over and over.. In no particular order. I love them all.

1. ILYSB - LANY
2. Pink Skies - LANY
3. Burnout - 3D
4. Station - Lapsley
5. Close - Nick Jonas
6. We wont - JY and PR
7. Feel again - One Republic
8. Far Away - LANY
9. Something i need - OR.
10. Dive - Ed Sheeran

(o'.'o)