Tuesday, February 13, 2024

U l a p

Hola, malapit na araw ng mga puso.. ano ganap nyo? Kami wala. Hahaha hindi ko pa alam sa talaga. Wala din ata talaga ganap nun. Napasulat ako bebeblog kasi gusto ko lang huminga.. 

Maglalakad lakad ako sa weekend.. doon kasi nagiging payapa isipan at puso ko ..  nagooverthink na naman ata ako sa mga bagay bagay.. hinga.. one day at a time..

Grabe yung battle ano? Sa araw araw na laban lalo sa mga iilang araw na sobrang nakakanegatibo.. ang dilim ng ulap ko hindi mapigilan.. eh chill lang naman dapat pero ewan ko ba.. naway isang araw malalampasan rin ang mga bagay na ito.

Sa usapang pagbubuntis naman, ayoko na umasa.. masakit kasi.. hahaha may edad na kasi ako nag-asawa.. nawalan na ba ko chance magbuntis? ganun pa man ipinagdarasal pa din namin ito. Kung ibibigay, sobrang salamat po.

Last week buong week nag-alaga kay h u b b y. May sakit siya eh. Grabe ang sasakitin namin. Kaloka. Kailangan namin talaga magexercise.. kailangan ko bumangon maaga tuwing weekend para makatakbo o walking kasi waaaa! Ang antukin ko kasi talaga. Ambilis ko din mawalan ng energy.. kumbaga yung energy ko mabilis mabawasan kahit nga ata makihalubilo sa tao hindi ako tatagal. oh basta aja sa life! Osya! Teka, parang gusto ko ng ramen hahahahaha

(o’.’o)