Mahalaga ang k a l u s u g a n kaya wag natin ito p a b a y a a n. Nakakatakot magkasakit ano? Kung anu-ano papasok sa isipan kapag may karamdaman ka. Ganun pa man, kailangam ko magpakatatag. Tanggalin ang takot at ipaabot sa Kanya ang lahat ng alalahanin. Magiging maayos rin ang lahat. Sa ngayon, kailangan ko magpahinga at maghilom.
Maraming Salamat sa aking asawa sa matyagang pagbabantay sa akin. Sobrang mahalaga ang bawat hawak mo sa aking mga kamay, sa pag-alalay, sa serbisyo mo, sa pagpupuyat, sa bawat hikbki ko na hinahayaan mong ilabas ko at ang ating pagdarasal ng sabay. Tunay kang mabuti sa akin at uulit ulitin ko na mas salamat sa'yo God.
Lord, itinataas ko po sa inyo ang aking buhay. Kung anuman po ang maging resulta nun ay aking tatanggapin. Ang dasal ko po talaga ay sana normal result ngunit ikaw ang mas nakakaalam kaya't kayo na po ang bahala sa akin. Premature baby ako.. ang umabot sa ganitong edad ay mirakulo na para sa akin. Kaya't sino ako upang magreklamo. Eh lahat naman ito ay galing sa'yo. Kaya't kakalma lang ako at patuloy na magdarasal sa ganap na ito. Late ko man ito napagtanto, ngunit alam nyo po na sobrang grateful ako ngayon sa buhay na mayroon ako. Patuloy na magpupuri po sa inyo. Huwag nyo po ako pababayan gaya ng paggabay sa akin upang maging matiwasay ang procedure na iyon. Again, Salamat po~
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment