Wednesday, November 8, 2023

!

Ambilis ng panahon.. matatapos na ang taon.. parang kailan lang.. Ilang buwan din pala akong hindi nakabisita sa’yo bebeblog. Kamusta ang buhay may asawa? Hmmm.. Last month, unang pagsubok na dumating sa aming dalawa.. grabe ano! Hindi pala talaga madali at palaging masaya.. first fight? Hindi eh! Pero grabe ang dami naming iyak, hindi ko akalain na isa ito sa problema na kakaharapin namin.. ganun pa man, nagpapasalamat ako kay G o d sa wisdom na kanyang ibinigay pagdating sa ganitong bagay.. hindi naman sa pambababae, dun lang naman ako no mercy! Bahala siya mag-isa! Hahaha ngunit sa ganap na ito, hawak kamay naming malalampasan. Salamat din sa pagiging tapat.. komunikasyon ay sadyang mahalaga sa relasyon. Ang galing ng mga tao ano? Kung paano sila nabubuhay kada araw kahit may bigat o o problema na dinadala. Wala naman atang choice kundi ang lumaban sa buhay. Naniniwala ako, na isang araw, ito’y matatapos din. 

G w e n c h a n a! a r r a s e o?! 

m a h a l k i t a s o m u c h!

* Last episode na pala kami ng R e p l y 1 9 8 8 .. Ngayon lang nagkaoras panoorin ito kahit ang tagal at dami nagrerecommend sakin neto dati pa, masaya ako na ngayon ko siya napanood kasama ang asawa ko. Dagdag ito sa paborito ko. iyak tawa ih!

(o’.’o)