Thursday, September 28, 2017

Ang LABI. Bow.

I'm starting to appreciate my lips.
Gusto ko na ang lips ko.
Ewan ko. Napatingin kasi ko kanina. Dapat pa pala tinititigan. Hahaha. Napaniwala ako dati na hindi okay labi ko pero ngayon, hindi na ko maniniwala. Tsaka kung may magsabi man, ayos lang yun. Ganun talaga. Hindi naman lahat magugustuhan ka.

Good night.

(o'.'o)




Wednesday, September 27, 2017

Aral muli.

Gusto ko magaral muli. Gusto ko bumalik sa umpisa. Huli na ba ang lahat? Pwede pa ba? Kung may budget lang sana ko pangtuition. Kung buhay si Mama, siguro pinagresign na ko at pinagaral muli. Oh di kaya, nagtratrabo at nagaaral at the same time. Gusto ko. Gusto ko talaga. Sino kaya pwede magpaaral sakin? Sana meron.

(o'.'o)

Friday, September 22, 2017

Be Still.

Just be still. The Lord is with you. Munimuni mode kind of night

(o'.'o)

Sunday, September 17, 2017

SoundtripSeptember2017

Eto yung mga kanta na pinakikinggan ko sa buwan na ito.. I'm into OPM songs now.. So more pinoy artists sa list. Hindi ako sure if sikat sila lahat o napapakinggan sila sa radyo pero para sakin, gusto ko sila lahat. Ang gamit ko s p o t i f y.

1. Maybe - J e n s e n G o m e z and RL.
2. Steady - B P V a l e n z u e l a
3. I should've left - K a i H o n a s a n
4. Save Myself - E d S h e e r a n
5. L i w a n a g - KH

Syempre songs nina C l a r a B e n i n at M o i r a... tsaka songs cover ni R e n e e D o m i n i q u e. Kiligmodeon sa mga girls na to. I'm starting to like JG covers and songs.. So yun! Eto pinapakinggan ko sa araw araw.

(o'.'o)

Saturday, September 9, 2017

HotKesoRamyun

Masarap pero di ko kaya. Hahaha. Kakayanin. Pwede naman.. pero maanghanggg waaaaaa! Hahaha

Kakain ba ko ulet nito? Oo naman. Di ko lang mapapangako na mauubos ko. Ehe.a

(o'.'o)

Monday, September 4, 2017

I'm trying..

If you only knew how much I'm trying to cope up with the world. I'm doing everything so that I won't give up.

Ayoko magpatalo sa mundo. Ayoko magpadala sa mga nararamdaman ko.. pero parang may mali. parang hindi ako natutuwa. something is missing.

Tsaka kung merong buwan na pinakaleast na gusto ko yun ay ang buwan ng Setyembre.

I'm doing my best to survive every single day.. At kung alam mo lang kung gaano kahirap yun.

The reason why I love getting hugs. Sometimes a hug is more than enough.

I'm praying.. I guess I need to pray harder tho.. I am still thankful. I really am.. but.. I dunno. Uhm.. Oh please.. guide me oh Lord. Give me wisdom and strength. I'm sorry If I
I'm weak. I just need you. I really need you.

Wag sana ko tuluyan panghinaan ng loob.:(

Sabi sakin ng isang kaibigan, "Ganyan ka e, gusto mo ikaw lang tumutulong, hinihingan payo, nilalapitan pag may problema, pero pag ikaw na sinasarili mo.. naiipon."

So ganito nga ko. Alam ko naman eh. Ganito ako. Mas gugustuhin ko pa magshare sa'yo bebeblog kaysa sa mga tao. Mag 2 weeks nadin mula ng sinabi niya sakin yan. Pasensya na sa inyo lahat pero ganito ko.

Teka naiiyak ako.. Kaya ko to? Sana kayanin ko. pero Salamat padin sa lahat PapaGod at patawad narin.

(o'.'o)

Sunday, September 3, 2017

FaneyModeOn












Nanood ako ng play yesterday. Akala ko hindi ako matutuloy kasi nahihiya ako dahil magisa lang ako. Wala yung mga kasama ko manood mga busy. Haha. Nabili ko tix hindi ko pa alam sinu sino mga cast. Kaya nung naglabas ng cast natuwa ako kasama kasi yung bebecrush ko. Ate fan ang ate mo Heke. Sobrang faney ako dito sa lalaking to. Ibang role naman ginampanan niya ngayon. Salamat sa magandang dula na inihandog ninyo at salamat din kasi pinapayagan mo ko magpapicture kasama ka. Never ka tumanggi. Hangkulet at ambait mo pa nga. Di ko makakalimutan ang unang beses kita nakita at mga ginawa mo sakin ng araw na yun kaya sana wag ka magsawa dahil fan mo na ko at umasa ka na susulpot at susulpot ako. Hahaha. Salamat ulet! Apir!

Fangirling level up. Yay! Medyo madami na screenshots bebeblog. Ehe.

Salamat din pala sa solomode na girl na si Nicole na nakasama ko at kumuha ng ibang pictures namin. Sa ating muling pagkikita. :)

At.. F.. Kung alam mo lang kung gaano kahalaga sakin yung yakap mo. Maraming Salamat F ha. Sa ating muling pagkikita.

(o'.'o)