Annual ganap with the Cs. This year, nagpunta kami ng P i c o D e L o r o. Para sa simpleng mamamayan na katulad ko, medyo mahalia ang ambagan. Hahaha pero ayos na, nakabook na bago pa ko nagOo. Poor Tita ako. Hahaha Kasama ko cousins and pamangkins ko. Masaya naman. Pahinga. Tinanong ako ng Tita ko if kailan ako ikakasal. Next question please. Medyo awkward pag usapin na to, alam naman nila na wala ako dinedate or anything. Dahil bihira kami magkita, eto na ang chance nya na magtanong. Hahaha tinanong pa nya tungkol sa nakaraan, ang sabi ko nagasawa na po magmove on na tayo. Tas *kroo kroo* buti hindi ako sinermunan or kung anu pa man. Hay. Ehe. Oo nga, ako kaya? Kailan ako ikakasal? Kailan nga ba ako magaasawa? Ilan taon na ako.. Lage ko sinasabi na hindi ko naisip na sa edad na ito, single pa din ako. Pinaguusapan nga namin magpipinsan at ng kapatid ko nung isang gabi ang pagiging matandang dalaga. They said naman na okay lang naman sa kanila. What's wrong nga naman being an old maid? Alam ko na concern lang sila for me. I don't talk about this stuff naman to anyone basta basta. Di naman namin napagkwentuhan ang nakaraan. Basta, they're just making me feel na andyan lang sila. Darating pa ba yung guy na para sa akin? Alam ko ready na ako, pero may mga araw na parang No no no, natrauma ata ako. Natrauma nga ata talaga ako sa past relationship ko. Parang isang joke. But then again, I'm living my life one day at a time. Wag mo sabihin sakin na I should feel this and that, kasi ako ito, ako yung nakaranas ng sakit. Pero, hindi ako papatalo kung sa anong nararamdaman ko. I'm praying na sana dumating na siya.
(o'. 'o)
Sunday, May 27, 2018
Tuesday, May 22, 2018
Anune?
Anune? Anong applyan ko? San ako magaapply? Saan ako patungo? Ang gusto ko lang naman sana ako'y maging mabuting asawa at ina at makatulong sa kapwa. Ehe. Ngayon, ano na? Paano uunlad? Paano aangat? Hindi ako maaari mawalan ng pagasa o panghinaan ng loob at sumuko sa buhay kaya't anune? Ano na ang gusto kong gawin sa buhay? Gabayan nyo po ako. Hay.
(o'.'o)
Maiba.. Ano tong pic? Share lang. Same scent ng pinsan ko, na hit and run noong nasa kolehiyo pa kami. Ang saklap nun at sobrang sakit. Ang tagal ko na gusto gawin to, para pag namimis ko siya, maaamoy ko sya. Weird ko ba? Ganito pa rin kaya ako kung buhay siya? Miss ko na siya. :(
Anong pabango? JLO - Still.
(o'.'o)
Friday, May 18, 2018
Wagi!!!
Puyat ang lahat. Nakarating kami ng 6:30am at nagexam ng after lunch. Kung alam mo lang ang puyat at pagod ko kasama ng mga kasamahan ko na 2 o 3am palang gising na.. Magtyaga.. Maghintay.. At habang nasa waiting area at naghihintay kaming lahat sa resulta.. Less than 20tao din kasi kami nagexam kanina. Buti makukuha din agad result.. Kaya't heto na ngaaaaa...
We have 4 passers for todays exam..
*naloka ako ng very light sa pag announce, kakatakot. kakakaba. Hala. Aja H!*
# 4 .. with a score of 8***** Ms. *tinawag name ko* Congratulations!!!
Me: *takip ng dalawang kamay sa bibig* Waaaaa!!!! (Takte lakas maka contestant sa beauty pageant ang ganap ko. Lol!) sabay Yasss!!
Passer. Nakapasa akooooo! Kung alam mo lang ang kaligayahan na nararamdaman ko. P r o f e s s i o n a l na eligibility ko.. Ang lala!!!! Kaiyak! Kanginig at NKKLK! Bigla ako napaisip, Ano na ang kasunod neto? Panibagong pagbabago. Saan na ako patungo? Saan ako makakarating? Kaya ko ba na mas lumawak pa ang mundo ko? Kakayanin ko ba? Sa ngayon, masaya ako.
Salamat Papa God, naalala ko ang sinabi ko muli, kung ano ang will nyo po, paulit ulit ko sinasabi habang nageexam ako.
Hindi ako makapaniwala, ngunit walang imposible sa'yo.
Tanong: Anu ano ang nireview ko? Sa interesado, magreply ka lang. Willing naman ako ishare sa'yo.
Review hours: Total: 10hrs. Kahapon at kanina lang. Kanina, isuot ang headset, tas kung sino man nakakatabi ko nung umaga at hindi pa exam time, shineshare ko kabilang side para pareho kami makinig. 10hrs, Imagine? Muli, hindi para ipagmayabang ngunit para sabihin na ang astig mo at ang lahat ng papuri ay sa'yo Panginoon. Grabe kaaaa!
Makadiyos ba ko? Hindi ako santa, ngunit ang alam ko, ang dapat ko lang muna gawin ay magpasalamat sa Kanya. All for you! Maraming salamat po.
Simpleng kaligayahan para sa iba, pero malaking bagay ito para sa akin. Iniisip ko tuloy, magexam ulet ng n u r s i n g b o a r d e x a m. Dami naiisip. Hahaha Hmm.. babalikan kita sa usaping yan.. *nahiya na ako*
Salamat pala sa kaibigan na babae na tumawag bago pa marelease exam result na kapag makapasa ako, may free artbeat tix ako. Waa andun pa naman iba sa mga gusto ko banda at solo artist. Bumili kasi siya extra tix. Nakakataba ng puso, ngunit hindi na ako makakarating. Naappreciate ko ang papremyo, nagulat ako at nagwagi ako sa pagkakataon na ito..
Maraming salamat sa lahat ng naniwala.. at pati na rin sa mga hindi. Ehe. Labblabb lang. Yaaakaaaaapppp~
Yasss!!!!!

Thursday, May 17, 2018
I'm not that lucky
Kailan ba ako nanalo sa contest, raffle or kung ano ano pang pakulo. Wala ako maalala. Ay may isa, nanalo ako ng prize sa paraffle dati, kung di pa hinawakan ng kaofficemate kong buntis yung ticket ko *hello pamahiin* feeling ko di ako mananalo at nung bata pa pala ako, paraffle sa school, kundi pa hinawakan ng pinsan ko ticket ko *lucky daw siya* Haaaaayyy.. Swerte nasaan ka ba :( Sabi nila may mga taong sadyang swerte.. yung palage nanalo sa kung anu anong pakulo.. Tonight sumali ako sa isang contest. Hulaan mo? Eh di hindi nanalo. Ano pa ba? Hahaha. Wala ako plano bumili ticket nun dahil wala I V of S p a d e s sa line up, kaso yung kaibigan ko wala kasama manood, kaya nagtry ako magjoin, pero.. lotlot eh.. Well, dahil hindi nanalo, wala padin ako plano bumili tix, mahal pero solid lineup promise, andun karamihan ng gusto kong banda, wala lang talaga yung nabanggit ko. Sayang, kaya mo na yan magisa teh! HAHAHA
Still thinking pala to buy 3D ticket, since may promo na sila pag globe subscriber. Wala lang ako concert buddy. Hay. Lol.
Tignan ko gig sched ng I V of Spades at M u n i m u n i sa June, regalo ko sa sarili ko sana lang may malapit at weekend. Woot.
Oh well.. Better luck next time. :)

Sunday, May 6, 2018
Papaano?
Gusto ko mapanood ang concert ng 3D. Gusto ko mapanood AHE Musical. Gusto ko mapanood nag M u n i m u n i. Gusto ko mapanood ang I V of S p a d e s at.. ang lungkot ko ng malaman ko na umalis na si U n i q u e. Nitong mga nakaraan na linggo naghahanap ako ng gig nila na malapit sa akin, tas nabalitaan ko to, hanglungkot. Isang araw mapapanood ko kaya laht sila? Hay. Walang kasiguraduhan.
Paano ko mapapanood ang lahat ng ito? Sigh, gastos. Kailangan pagipunan. Hay paano?
Paano ko mapapanood ang lahat ng ito? Sigh, gastos. Kailangan pagipunan. Hay paano?
May gusto pa ko yung s p o k e n p o e t r y.. end of May yun kaso may unang ganap ako kaya hindi ko mapapanood.
Welcome sa mundo ko. Kung saan gusto ko mapagisa habang pinapanood ang lahat ng ito. Musika, tula at teatro. Doon ako kung saan ako payapa. Munimunimodeon.
(o'.'o)
Wednesday, May 2, 2018
Kapag malayo ba ang ibig sabihin malaya rin
Ang post na ito ay walang kinalaman sa napanood ko. Hindi ito movie review. Nanood ako ng A v e n g e r s I n f i n i t y W a r kanina.. magisa. Pagkatapos ng movie, kumain ako dinner.. magisa. Pumunta at umuwi ng magisa.
Ilan buwan na ba ko na palageng magisa. Oo, ilang taon na ko single ngunit ilang buwan na ba ako na ganito? Yung kumakain, naglalakbay at kung anu ano pa ng magisa. Hindi ko na kinakailangan pa hintayin ang tropa upang makauwi ng bahay o makakain. Minsan may makakasama, kung sino makasama pwede lahat, kung wala at ako lang, ayos lang din. Nilayo ko na ba ang sarili ko sa lahat? Ayos lang din naman na may mga kasama akong iba ngunit mas ninanais ko na lang ba talaga ang magisa?
Bigla ako napaisip.. Ayoko magkasakit. Hindi ako pwede magkasakit. Gaano ako kaimportante sa ibang tao upang alagaan ako? O baka nga wala akong halaga.
Mahal ko lahat ng taong mahal ko, andito lang naman ako kung kailanganin nila. Mas pinili ko lang talaga siguro na wag maging pabigat sa kanila. Ayoko na maging alalahanin pa. Kaya kung kaya ko magisa, ako na lang. Hindi ko na para idepende ang galaw ko kasama ang iba. Magisa akong pumapasok sa trabaho, kumakain ng lunch, at minsan kumakain ng dinner. Pero netong nakaraan sa isang kaibigan ako madalas natutulog eh kaya may kasabay magdinner pero maliban dun, madalas ako nalang magisa sa iba pa.
Hanggang kailan kaya ako mag-iisa? Naenjoy ko naman ang magisa ko panonood ng movie at pagkain. Pero dun talaga ako napaemote habang naglalakad ako ng magisa eh. Wala ako kaholding hands. amp. Yun lang pala. Labo! HAHAHAHA
Osya. Makatulog na muna. Nightworld!

Monday, April 30, 2018
Langoy lang sa buhay.
Sinasabi ko na sa'yo, mataba ako.. at hindi na yun magiging hadlang para suotin ang gusto ko suotin. Mataba o payat man ang bawat isa sa atin, maaari natin suotin ang ating naisin. Hindi dapat nakadepende sa mga mata at sasabihin ng iba. Kaya't Lavaaarrnnn!😉
NO to b o d y s h a m i n g!
Uhm.. first time ko to. Saludo!
(o'.'o)
Sunday, April 29, 2018
🦁
Ang GANDA!!!💯👏
Salamat sa lahat ng kumuha sa akin. Ehe. Ang medyo masaklap lang pag solomode ay yung walang kukuha sa'yo. HAHAHA
pero keriboom lang, kaya salamat sa inyo sa pictures ko na ito. Yay!
Sobrang nagenjoy ako.
Congratulations, t h e l i o n k i n g p h!
(o'.'o)
Wednesday, April 18, 2018
G ka na?
Okay tuloy na ang lakbay ko. 4 days mawawala, isang bansa na lang. Dahil hindi makakasama ang kapatid ni X, na nagyaya sakin, solo mode ako at one country na lang muna. Okay na accomodation ko at return flight ko. Solo mode for a day. Tas susunod ang mga workmates ko. 4 na kami. Titas of Manila? Char! HAHAHA Nakakaexcite. :)
Kailan ito? Basta, taon 2 0 1 8.
Magipon huy! Waaaa~
(o'.'o)
Kailan ito? Basta, taon 2 0 1 8.
Magipon huy! Waaaa~
(o'.'o)
Tuesday, April 17, 2018
Musika sa buwan ng Abril
Sa buwan na ito, ang isheshare ko sa'yo bebeblog mga pinapakinggan kong artists.
Hindi lang basta isang kanta nila kundi pinapakinggan ko buong album nila. Ehe.
Nasabi ko na dati na kapag sumuporta ako sa isang mangaawit o banda, hindi lang basta isang kanta nila kundi suporta buong buo. Okay eto na.. Ang listahan ng soundtrip ko..
1. M u n i m u n i
2. S a b u
3. 3 D (May concert sila! Ano na, iyak!!!)
4. I V of S p a d e s (Gustong gusto ko boses ni U n i q u e)
5. C l a r a B e n i n (Di mawawala sa listahan ko. Haha)
6. S a W a k a s Playlist
7. S h e' s O n l y S i x t e e n
8. K o d a l i n e
9. L A N Y
10. L A U V
In no particular order. Mahal ko sila lahat. Oh ayan na tugtugan ko sa taong 2 0 1 8 :)
Subukan mo pakinggan. Yay!
(o'.'o)
Sunday, April 15, 2018
Fourteen
All the details, each lines. The Story.
My happiness turned into sadness.
Your treatment towards me.
A litre of tears.
A complete disaster.
Damn broke.
Left behind.
I will never forget how you made me feel that day. I WILL NEVER EVER FORGET.

Tuesday, April 10, 2018
S a W a k a s 2 0 1 8
Nakasurvive ako sa solomode ko. Astig' Ang galing nila. Ngayon ko naappreciate lalo mga kanta ng S u g a r f r e e. Tapos yung 'tulog na' nila muntik na ko maiyak, ang simple, tagos, ang totoo lang. Waaaa! Maganda. Lakas din makapanakit ng story eh. Woot! Congratulations!!!
Kung may makakabasa man nito, nood na. Farewell run na nila. Wag na magdalawang isip pa. :)
At mukhang matatagalan ang soundtrip ko na S a W a k a s Playlist sa Spotify. Tagos.
(o'.'o)
Kung may makakabasa man nito, nood na. Farewell run na nila. Wag na magdalawang isip pa. :)
At mukhang matatagalan ang soundtrip ko na S a W a k a s Playlist sa Spotify. Tagos.
Friday, April 6, 2018
L a n y 2 0 1 8
Naenjoy ko yung concert na ito. Ngayon ko lang sila nakita ng live. Natuloy na ang di matuloy tuloy na pagsulpot ko sa mga malls para mapanood sila. Sa Araneta pa talaga, na hindi ko pinagsisisihan. Ang solid ng audience. Memorize lahat. Hahaha Katuwa naman mga kabataan kaso gusto ko sana pakinggan yung H e r i c a n e ng solo si Paul kaso di natupad dahil alam ata nila lahat ng kanta sa setlist. Enjoy naman! Ang natupad ay ang hindi ko pagkuha ng videos. May ilang video clips ako pero di na kagaya dati na halos buong concert vinideo ko na (na nawala lang din) Lol. Konting pictures lang din. Less than 10? Waaa! Oh ayan ha. Inenjoy ko ang ganap. Hanggat maaari di ako sumabay sa pagkanta. Pinanood ko lang talaga. May konti na napapasabay ako. Hahaha.
Kinilig ako sa H u r t s, yung sayaw ni Paul talaga eh oh! Nagpagupit na pala siya. Gusto ko kasi yung music nila. Hindi ako masiyado updated sa hitsura nya at iba pang ganap. Woot.
Yung pagabang ko sa 13 talaga! Ang lala. Waaaa!
Maliban sa tatlong nabanggit ko na mga paborito ko madami pa ko iba pang gusto sa mga kanta nila. Hindi ko na itatype pa, hagilapin mo nalang setlist nila. Maganda. Masaya ako. Sulit para sa akin tong concert na to. Yay! I L Y S B. :)

Thursday, March 29, 2018
Wednesday, March 28, 2018
Ayos!
Nakabili ako kanina ng ticket para sa S a W a k a s R o c k M u s i c a l. Dinayo ko pa yung ticket outlet. Buti nakakuha pa ng date na gusto ko. Nagkaroon ng slots pa. Buti na lang! Wew! Uhm, hinga, pero Waaa! Medyo excited ako! Woot. Madami naman pala akong alam at gustong kanta ng S u g a r f r e e kaya sobrang solid neto para sakin. Sana next time E H E A D S at P N E naman! Wala pa man kinikilig na ako pag nagkaroon ng musical nila. Uhm.. Sino kasama ko sa trip ko na ito? Ako lang magisa. Matutuloy na imemeet ko na lang ang tropa pagkatapos nila sa C H R O M A. See you guys!
Sa mga panonoorin ko, ifefeel ko yung mga eksena. Focus at hindi ako magpapasaway na kumuha pics or videos kapag simula na. Nakakasira ng moment. Sa concerts naman, gaya nung last concert na inattendan ko, hindi ako makikisabay sa kanta. Dun tayo sa nanamnamin natin ang bawat ganap. Sulitin natin ang bayad. Lol.

Update: naibenta ko na din tix ng L A N Y. Sana lang sumulpot siya sa event. Dun ko nalang kasi iabot sana tix. Young girl pa naman ang nakabili. Ang istrikta kong seller. Ipaalam sa magulang, magmessage sakin yung kasamang adult. Whhaaatt?! Ate lang?! Kapatid mo?! HAHAHA. Nagwoworry kasi ko ambata pa nya. Ang lalakas ng mga loob manood concerts ng mga kabataan ngayon. Oxia kitakits! Magleleave ako aa araw na yun. Wew.
Speaking of mag-isa pala, naikwento ko ang pagiging magisa ko sa ganap ko sa panonoorin ko. Ehe. Sabi sakin ng isang kasamahan, "Ang bata mo pa para magisa."
Uhm. Point ko? Uhm.. next topic. Antok na pala ako. Inantok bigla. Hahaha
Tulog na, hayaan na muna natin sila.🎶
Labblabbbb!
(o'. 'o)
Saturday, March 24, 2018
Ubos na?
Nakita ko trailer ng S a W a k a s 2018. Mula kagabi pa ko nagchecheck ng posts tungkol sa rock musical na ito. Final run na kasi nila this year. Ayos sakin ang S u g a r f r e e songs lalo pa at isa sa paborito ko ang B u r n o u t. Nood mode muna. Tulog muna.
Balitaan kita bebeblog kung kelan ako makakanood ng S a W a k a s at kung matuloy ako sa C h r o m a. Woot.
- Hanggang sa ngayon, desidido na ko, pagcheck ko online, sa t i c k e t n e t, oh eh di anu naaaa! Sold out! Nagdalawang isip pa kasi ko kagabi eh :( Heto pa naman yung magandang date kasi nasa C H R O M A Music Festival ang tropa tas sa Makati din yun. Pwede ko sila imeet after play since medyo di ko gusto umattend this year ng c h r o m a. Annual event na inaattendan to ni T, na first time ko makaattend last year. Eh inaaya nila ko this year. So kahit sana sumulpot nalang after ng ganap namin lahat. Kaso wala eh! Ayoko sana kaso mukhang susulpot ako? Hala!
Balitaan kita bebeblog kung kelan ako makakanood ng S a W a k a s at kung matuloy ako sa C h r o m a. Woot.
Share lang: may nagtanong sakin kung sino kasama ko nanood concert ni M o i r a at manood ng play. Sabi ko, "ako lang." Tas gulat na gulat siya. Tas biglang nagsabi "ang lungkot naman nun." Waaaaa! Like Halalala siya! Ano na, huy, ayos ka lang? Dapat ko na ba kaawaan sarili ko? Aw. Ayoko maramdaman yun. Masaya naman manood magisa. Nahihiya pa din ako sa paligid, pag di pa start pero pag nagsimula na yung pinapanood ko na concert o play, ayos na ko. May sarili na akong mundo. Ngayon nga gusto ko ako ulet magisa sa balak ko panoorin na musical eh. Enjoy lang huy!
Ngapala, may One (1) GA ticket ako na binebenta para sa LANY Concert April 5, 2018. Price: 1k. Reason for selling: hindi makakasama yung friend ko kaya pakibili na po. Yan yung pandagdag ko sa pambili ko ng musical play. Di na siya natuloy, di pa nakabayad, kaya pakibili na po. Hahaha. Meet up sa mismong araw na ng concert. Pwede ka mapagisa pagkakuha mo ng ticket or samahan kita sa day ng concert.😉 Sa makakabasa, kung meron man, imessage lang ako sa interesado. Post a comment. Thanks.
(o'. 'o)
Saturday, March 17, 2018
Konti na lang.
Napasilip ako ng makarinig ng sigaw..
AAAAHHHHH!!!!!
Mula sa mga tao loob ng bus na muntik na tumama sa sinasakyan ko na jeep.
Tatama na.. Malapit na.. Muntik na.. Kung nagkataon, sa pwesto ko babangga yung bus.
Aksidente. Gaano kasalimuot. pero..
HINDI KO PA ORAS.
*At bigla ako napaisip... Ang dami ko masiyado kinakaworry sa mundo, tapos katapusan ko na, yun na yun?! Hanggang dito na lang? Paalam na ganon. Hay. Gaano kaigsi ang buhay. :(

Sunday, March 11, 2018
Medyo masakit
Medyo masakit. Ay hindi! Masakit na masakit. Nanood ako play last night. S e n t i N i g h t s .. Ang lala~ Kasama ang mga paborito ko. Ang gagaling nila. Sabog pagkuha ko ng videos dahil tutok ako sa kanila. Tinanong ako ng kaibigan ko kung ano mga linyahan, sa sobrang dami, lahat na nga ata. Ang daming ganap at sa daming ganap ang damit sakit. Nakakasenti ika nga. Nakakalungkot. Nakakaiyak. May parteng nakakakilig, pero takte ang lakas nila manakit. Ang galing nila!
Hindi kasali si F, pero andun siya nanood, hindi lingid sa kaalaman mo bebeblog na ang pinakapaborito ko si F. Ehe. May pic ako kasama siya tas nakapagpapicture ako sa kanila. Masaya ako. May groupie na! HAHAHA Love ko talaga ang team na to. Natutuwa ako sa kanila. Masakit ang pinapanood ko pero ang sarap sa pakiramdam tuwing nakikita ko sila. Salamat guys ha!
Pero di nga, ang sakit nung prod! Tsk.
Pwesto ko? Solo mode ako. Nasa dulong sulok. Ang dami ko padin kasing hiya kaya pinauna ko na lahat bago ako pumasok. Ehe. Nahihiya kasi ako kaya dun ako pumwesto sa comfort zone ko.

Ang mundo ko na kasama ang mga paborito ko. Mahal ko kayo! - Ate Hex.
(o'.'o)
Tuesday, March 6, 2018
misswa
Miss ko na kuya ko. Ang message nya lang, "Oo punta ka dito" pero yung luha ko ngayon ayaw paawat. Miss na miss ko na siya. Ang kuya ko na suplado pero alam ko mahal niya ako. Ang tagal na, pero hindi pa rin kami magkasama. Sana isang araw, magkasama na tayo.
Maiba tayo, kanina nagbabasa ako ng group chat, kasama ang iba pang kamaganak, masaya ako na nagplaplano na sila para sa outing, not knowing na ako struggling. Masaya ako na nakikita sila na masaya. Hindi ko para sapawan ang trip nila na yan. Masyado akong pipe sa ibang tao pagdating sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi hindi mahalaga, kaya sinasarili ko na lang. Alam kong walang importansya sa iba. Alam ko naman na walang makikinig eh. Ayoko din naman na iisipin pa ko ng iba. Pero alam mo bebeblog, iyak na iyak na ko mula kanina pa. Hindi ko alam paano ko tatapusin ang suliranin na to, na biglang naging kumplikado. Nakakaiyak kasi dapat naman talaga hindi, pero pinahihirapan ako.
Struggling self. Struggling saan? Sa work. Sa buhay buhay.. pero one day at a time. Kakayanin ko. Malalampasan ko to tama? Walang sukuan dba?! Kayaaaa!
Ngapala, ang nararanasan ko ngayon + magiisang linggo na masakit likod ko, sa way ata ng higa, masaki talaga. Hirap gumalaw so kaya ewan ko naaaaa! Pain pa more. :(
Aja Hex? Labblabb ko kayo lahat.

Thursday, March 1, 2018
B a y a r i n
Anu na? Kanina may nagmsg sakin na nacharge na ko ng S p o t i f y. Tas this month, N e t f l i x naman. Tas nagbabayad ako cp plan na wala naman constant na katawagan o katext. Billsbillsbills! amp. Halalala naman. Send H E L P!
Palit ng plan this year. Balik globo siguro o same pa din araw pero mas mababa na. Hindi ito maaari. Hindi makatarungan. Lol!
Kailangan magdagdag ipon. Wala pa ko memorial lot. Iponipon uy! Para wala na problemahin mga kamaganak ko if ever. Ayoko na iisipin pa nila ako. Also, St. P, QAve ang gusto ko na location. Oh tama na baka creepy na. Hahaha.
Gulo ng post ata, medyo antok na.
Good night!
(o'.'o)
Subscribe to:
Posts (Atom)