Ang post na ito ay walang kinalaman sa napanood ko. Hindi ito movie review. Nanood ako ng A v e n g e r s I n f i n i t y W a r kanina.. magisa. Pagkatapos ng movie, kumain ako dinner.. magisa. Pumunta at umuwi ng magisa.
Ilan buwan na ba ko na palageng magisa. Oo, ilang taon na ko single ngunit ilang buwan na ba ako na ganito? Yung kumakain, naglalakbay at kung anu ano pa ng magisa. Hindi ko na kinakailangan pa hintayin ang tropa upang makauwi ng bahay o makakain. Minsan may makakasama, kung sino makasama pwede lahat, kung wala at ako lang, ayos lang din. Nilayo ko na ba ang sarili ko sa lahat? Ayos lang din naman na may mga kasama akong iba ngunit mas ninanais ko na lang ba talaga ang magisa?
Bigla ako napaisip.. Ayoko magkasakit. Hindi ako pwede magkasakit. Gaano ako kaimportante sa ibang tao upang alagaan ako? O baka nga wala akong halaga.
Mahal ko lahat ng taong mahal ko, andito lang naman ako kung kailanganin nila. Mas pinili ko lang talaga siguro na wag maging pabigat sa kanila. Ayoko na maging alalahanin pa. Kaya kung kaya ko magisa, ako na lang. Hindi ko na para idepende ang galaw ko kasama ang iba. Magisa akong pumapasok sa trabaho, kumakain ng lunch, at minsan kumakain ng dinner. Pero netong nakaraan sa isang kaibigan ako madalas natutulog eh kaya may kasabay magdinner pero maliban dun, madalas ako nalang magisa sa iba pa.
Hanggang kailan kaya ako mag-iisa? Naenjoy ko naman ang magisa ko panonood ng movie at pagkain. Pero dun talaga ako napaemote habang naglalakad ako ng magisa eh. Wala ako kaholding hands. amp. Yun lang pala. Labo! HAHAHAHA
Osya. Makatulog na muna. Nightworld!
(o'.'o)
No comments:
Post a Comment