Friday, May 18, 2018

Wagi!!!

Puyat ang lahat. Nakarating kami ng 6:30am at nagexam ng after lunch. Kung alam mo lang ang puyat at pagod ko kasama ng mga kasamahan ko na 2 o 3am palang gising na.. Magtyaga.. Maghintay.. At habang nasa waiting area at naghihintay kaming lahat sa resulta.. Less than 20tao din kasi kami nagexam kanina. Buti makukuha din agad result.. Kaya't heto na ngaaaaa...

We have 4 passers for todays exam..

*naloka ako ng very light sa pag announce, kakatakot. kakakaba. Hala. Aja H!*

# 4 .. with a score of 8***** Ms. *tinawag name ko* Congratulations!!!

Me: *takip ng dalawang kamay sa bibig* Waaaaa!!!! (Takte lakas maka contestant sa beauty pageant ang ganap ko. Lol!) sabay Yasss!!

Passer. Nakapasa akooooo! Kung alam mo lang ang kaligayahan na nararamdaman ko. P r o f e s s i o n a l na eligibility ko.. Ang lala!!!! Kaiyak! Kanginig at NKKLK! Bigla ako napaisip, Ano na ang kasunod neto? Panibagong pagbabago. Saan na ako patungo? Saan ako makakarating? Kaya ko ba na mas lumawak pa ang mundo ko? Kakayanin ko ba? Sa ngayon, masaya ako.

Salamat Papa God, naalala ko ang sinabi ko muli, kung ano ang will nyo po, paulit ulit ko sinasabi habang nageexam ako.

Hindi ako makapaniwala, ngunit walang imposible sa'yo.

Tanong: Anu ano ang nireview ko? Sa interesado, magreply ka lang. Willing naman ako ishare sa'yo.

Review hours: Total: 10hrs. Kahapon at kanina lang. Kanina, isuot ang headset, tas kung sino man nakakatabi ko nung umaga at hindi pa exam time, shineshare ko kabilang side para pareho kami makinig. 10hrs, Imagine? Muli, hindi para ipagmayabang ngunit para sabihin na ang astig mo at ang lahat ng papuri ay sa'yo Panginoon. Grabe kaaaa!

Makadiyos ba ko? Hindi ako santa, ngunit ang alam ko, ang dapat ko lang muna gawin ay magpasalamat sa Kanya. All for you! Maraming salamat po.

Simpleng kaligayahan para sa iba, pero malaking bagay ito para sa akin. Iniisip ko tuloy, magexam ulet ng n u r s i n g b o a r d e x a m. Dami naiisip. Hahaha Hmm.. babalikan kita sa usaping yan.. *nahiya na ako*

Salamat pala sa kaibigan na babae na tumawag bago pa marelease exam result na kapag makapasa ako, may free artbeat tix ako. Waa andun pa naman iba sa mga gusto ko banda at solo artist. Bumili kasi siya extra tix. Nakakataba ng puso, ngunit hindi na ako makakarating. Naappreciate ko ang papremyo, nagulat ako at nagwagi ako sa pagkakataon na ito..

Maraming salamat sa lahat ng naniwala.. at pati na rin sa mga hindi. Ehe. Labblabb lang. Yaaakaaaaapppp~

Yasss!!!!!

(o'.'o)

No comments: