Annual ganap with the Cs. This year, nagpunta kami ng P i c o D e L o r o. Para sa simpleng mamamayan na katulad ko, medyo mahalia ang ambagan. Hahaha pero ayos na, nakabook na bago pa ko nagOo. Poor Tita ako. Hahaha Kasama ko cousins and pamangkins ko. Masaya naman. Pahinga. Tinanong ako ng Tita ko if kailan ako ikakasal. Next question please. Medyo awkward pag usapin na to, alam naman nila na wala ako dinedate or anything. Dahil bihira kami magkita, eto na ang chance nya na magtanong. Hahaha tinanong pa nya tungkol sa nakaraan, ang sabi ko nagasawa na po magmove on na tayo. Tas *kroo kroo* buti hindi ako sinermunan or kung anu pa man. Hay. Ehe. Oo nga, ako kaya? Kailan ako ikakasal? Kailan nga ba ako magaasawa? Ilan taon na ako.. Lage ko sinasabi na hindi ko naisip na sa edad na ito, single pa din ako. Pinaguusapan nga namin magpipinsan at ng kapatid ko nung isang gabi ang pagiging matandang dalaga. They said naman na okay lang naman sa kanila. What's wrong nga naman being an old maid? Alam ko na concern lang sila for me. I don't talk about this stuff naman to anyone basta basta. Di naman namin napagkwentuhan ang nakaraan. Basta, they're just making me feel na andyan lang sila. Darating pa ba yung guy na para sa akin? Alam ko ready na ako, pero may mga araw na parang No no no, natrauma ata ako. Natrauma nga ata talaga ako sa past relationship ko. Parang isang joke. But then again, I'm living my life one day at a time. Wag mo sabihin sakin na I should feel this and that, kasi ako ito, ako yung nakaranas ng sakit. Pero, hindi ako papatalo kung sa anong nararamdaman ko. I'm praying na sana dumating na siya.
(o'. 'o)
No comments:
Post a Comment