Monday, October 26, 2015

Blizzard Love.

After magdinner sa pizzahut kasama ang LAB couple, nagdessert kami sa DQ. NagHi ako sa kanila tas kaharap si mngr A nagjoke ako na, "Baka naman may discount ako." sabay smile. Kanina kasi after lunch andun ako at bumili ng nutella blizzard. Haha. Last Sat andun din ako at kumain ng mudpie. Tas nung isang araw at nung isang linggo at isa pang linggo.. Watatata.. Tas biglang nakita ko ung isang staff na nagpreprepare ng icecream na sumenyas sa mngr at nagsabi oo .. tas nagsalita si Mngr A na bigyan nya ko 50% discount, staff discount niya ata. Ang saya ko! 1 medium Kitkat blizzard with additional oreo please! Yey!!! After kumain, nagthankyou ulet ako sa kanila, tas sabi nung isa pang staff na girl sa counter, "Ma'am bakit hindi po kayo nagmudpie ngayon?" sabi ko, "tinry ko lang kitkat." sabay ngiti at ty ulet. I left a TY note din dun sa receipt bago kami umalis. I guess it'll be the first and last treat.. pero 50% is 50%. Happy Kid! #Blessed #SimpleHappiness (o'.'o)

No comments: