Sunday, May 31, 2015

Kalma

Noong isang araw ang dami nangamusta sakin. Anjan yung mga kaibigan at kamaganak namin. Nakakaloka! Nananahimik ako eh.. tas bigla ako nabulabog.. at may mga nagsend sakin pictures.. ng makita ko yun.. ndi ako nagalit.. ndi ako umiyak.. ang naramdaman ko? Nabastusan ako. Disrespected and insulted yan ang naramdaman ko.. Alam mo ba yung pakiramdam na pinrotektahan ko.. nanahimik ako.. mula umpisa wala sila narinig sakin tapos ganito?.. Sa isang buwan.. yun na nga isang buwan palang ee! Kailangan ba itag pa xa sa mga ganung klase ng pictures. Ano ba pinaglalaban mo? kasi ako alam ko na mula umpisa di ako naghabol at di ako kailanman maghahabol. Nanggulo ba ko? hindi diba. May narinig ka sakin girl? Wala dba. Na kung tutuusin kung gugustuhin ko pwede kita balikan at sapaksapakin kasi alam mo.. Oo alam mo! na may gf yan bago kapa dumating.. na yang tao na yan may matagal ng karelasyon.. na may isa kang tao na tinanggalan ng forever. Sabagay panu mo nga naman pipigilan sarili mo sa pagpost ng pics nyo kung sa parteng yun di ka nakapagpigil.. Bakit kung sino pa ang mangaagaw, siya pa itong matapang? Dapat nga matuwa at ipagpapasalamat mo pa sakin dahil pinili kong manahimik ee. pero anung ginagawa mo? binabasag mo katahimikan ko.. Wala na ko pakielam ee. Hinayaan ko na nga dba. Pinamigay ko na dba. Tinaggap ko na nga dba. Nagpaubaya na nga ko dba. Maging sensitibo ka naman kahit konti.. kasi yang tao na yan pinanatili ko malinis sa pamilya namin pareho.. di ko para siraan at sirain.. na ang sagot ko sa lahat eh kasi po "walang forever".. kahit na ang sakit sakit na mas pinili ko magpakatatag at wag ipakita yung sakit nararamdaman ko.. sumosobra kna ha.. wag puro sarili mo nalang girl at sana wag mo maranasan ang sakit na nararanasan ko ngayon.. Nawa'y wag mangayari sau lahat ng ito. Tigilan mo ko.. Dahil di mo alam ang kayang gawin ng pusong nasaktan ng ganito. kaya ikaw,, #WagNaAkoIbaNaLang.. at respetuhin nyo naman pananahimik ko.

Ang naiisip ko ngaun? Alam mo kung ano?.. Bakit hinahayaan mo miorap na masaktan ako ng ganito. :|

(o'.'o)

No comments: