Sunday, May 17, 2015

At natapos ang unang Buwan.

Shavua Tov!
Ngayon lang nakapag post kasi dami ko lageng antok. Hahaha
Umuwi ako maaga last Thursday.. at kinabukasan mugto na naman ang mata.
Ganun pa man unti unti ng gumagaan kasi may pagtanggap na.
Pero cympre may mga luha pa rin pero may pagpapasakop na.
Mas lumawak ang aking pagiisip sa tulong niya.

Nagattend ako shabbat nung Friday at ngayong Saturday. May nakausap ako:
"Oh may Pastr. *** knina anu sabi? tsaka c **?
"Mam wala na yun! Ang sabi kanina hayaan mo na ang taong nangiwan sayo.. Darating din ang taong nilaan sayo ng Diyos. Yun ang hintayin mo..
"Ahh...swerte mo sa ganyang edad mo ikaw namulat kaya wag mo sayangin"

Naalala ko c kuyakoi last week.. nainjured sa basketball.
Nanakit ung tagiliran nya.. ilang araw na masakit padin.
"Blahh.. Araaayyy..!"
"Yang sakit na nararamdaman mo wala sa sakit na nararanasan ko.."
"Oh palit tayo..?!"
"Sige ba. Ugh" sabi ko.
"Sige! Yang sau sandali lang sakin yan" sabi niya.
Tas nung pauwi na dito galing bataan nahulog ako patalikod sa isang hukay. Nasugatan ang kaliwang bahagi ng katawan ko.. kamay..siko.. may mahaba ko gasgas sa bewang.. sa tuhod.. at pati buto ko sa kaliwang tuhod nananakit.. Ngayon lang ako naaksidente ng ganito bukod sa likot bata ko nung kabataan ko. Kinabukasan naranasan ko ang sakit at hapdi ng mga gasgas. Tas naalala ko lahat ng mga sugat kong nakuha sa mga swimming namin.. Ang dami ko talagang sugat ngayon at lahat nagmarka sa balat ko.. Peklat na kumbaga. Tsk. Tas bigla ko napaisip.. Bakit ba ang tigas ng ulo mo Heke?.. Na para bang sinasabi nya na, Kailangan ko pa bang iparanas sau lahat ng sakit para bumitaw ka sa kanya at ipaubaya mo sakin ang lahat? iniwan ka niya.. ako di kita iiwan kaya bakit may pagdududa ka..?  at kung xa parin para sayo maghintay ka.. Ano kinakatakot mo?.. Bakit di ka lubusang magtiwala?..

Ano at bakit nga ba?! Weeee. ugh.
#TiwalaLangHekeGirl
HE>I

(o'.'o)

No comments: