Wednesday, December 30, 2020

i n s t a x

Alam ng mga taong malapit sa akin na isa ito sa pangarap ko... Ang f u j i f i l m i n s t a x. Hindi ko alam bakit hindi ko siya mabili bili. Namamahalan din kasi ako sa film. Ang daming taon na ang nagdaan ngunit wala pa rin ako ganyan. Gaano ko na katagal nais magkaroon ng ganito? Mga 1 dekada o lagpas pa nga ata ang pagkagusto ko sa kanya. Salamat Panginoon sa lalaking ito.. sa pagmamahal na pinaparamdam nya sa akin, sa atensyon at sa pagiging thoughtful nya. Alam mo, masaya ang puso ko ng malaman na yung isang bagay na sobrang gusto ko eh yun ang christmas gift nya sa akin. Masaya ako hindi dahil kaya nya bumili nun, bagkus nagagalak ang puso ko dahil alam ko lahat naman tayo may pinagkakagastusan.. mga bayarin o kung ano pa yan, ngunit salamat sa’yo Ginoo dahil naglaan ka ng espesyal na regalo para sa akin. Yakap~


To capture precious memories with you,
Merry Christmas, my love.

Salamat na rin sa mama mo para dito. Hihihi

(o’.’o)

Wednesday, November 18, 2020

L a n g o y 2020

Yasss! Why? Makakalangoy na muli. Namiss ko ito pati na rin lahat ng mga nakakasama ko dun. Oo, “lahat”. Naway safe naman at wag mo ko pababayaan, Panginoon. Maraming salamat sa lahat. Sobrang thankful ako sa buhay na binigay mo sa akin. Mag-eenjoy ako bukas at excited din ako bumili pasalubong para kay lola at kay bf. Hihihi 

Ingat sa lahat. 

(o’.’o)

Friday, October 16, 2020

T u n a A g l i o O l i o

 



 
Ang paborito ko na pasta ay A g l i o y O l i o lamang. Maliban syempre sa all time spaghetti na lutong bahay, yan gusto ko.  Masaya ako dahil nakuha ko na yung gusto kong luto sa kanya. Sakto na para sakin ang version ko nito. Natutuwa ako sa tuwing nagluluto ako neto at nauubos ko naman pati ng mga pinapakain ko. Nashare ko lang ang simpleng kaligayahan ko. Hihi

Ang nasa picture ay nilagyan ko ng tuna. Mesherep siya. Tara, Luto na! Hahahaha

(o’.’o)

Wednesday, October 14, 2020

I am in love with HIM

Year 2020 has been a test for everyone. On how we can survive in this time of p a n d e m i c. There are major changes on our everyday busy lives and most of us did not expect this to happen. We are now aware that all of these things that we have are temporary and nobody knows how long are we going to live. Material things are superficial. As for me, it is now much needed time to repent and focus on what really matters. Now, Whenever I think of God, I can’t help but cry. I am truly grateful with the blessings he has been showering me eversince that I sometimes ignore. I may not be a perfect daughter but he assures me that He is just there for me. There are times that negative thoughts and anxiety has been bugging me but remembering Him makes me believe that I am not a lost soul.. With Him, I am always reminded that I am more. He is also a protector and keeps me away from losing my mind.

God also blesses me a boyfriend in 2020. I thank God for giving me a loving, faithful and supportive boyfriend. This guy ranked in between 3rd-6th important person in my life and he knew about it. He will never be my number 1 because God will always be the first. It is clear for both of us that God will always be the center of our relationship. Next will be our family and then us. We are nothing without you God, so Thank you. I love you. 

(o’.’o)

Sunday, September 27, 2020

BB

Ngayong araw yung death anniversary ng pinsan ko na sobrang malapit sa puso ko. Napakaemosyonal ko today. Pagkagising ko kanina, sakto tumawag yung bf ko tas shinare ko yung daily devotion lalo pa today is Sunday. Para sa araw na ito, it’s all about free gift which is God’s love. Be thankful din sa mga taong mahal ka. At the same time, I guess may a n x i e t y a t t a c k ako sa di ko maipaliwanag na labolabong dahilan. I’m trying to be calm gaya ng paghinga ng malalim at idivert sa pamamagitan ng panonood ng movies at episodes na gusto ko pero kung ano ano mga pumapasok sa isip ko. Gaya kanina, ang tagal ko na pinapanood yung mga ladies na naghahanap at nagsusukat ng wedding gowns tas di ko alam kinakausap na pala ako, nakatulala na pala ako. Mapapa Ha? na lang ako. Ngayon gabi naman, nagdidinner kami family ko, maluhaluha ako, tas nanonood kami ng romcom movie and yet umiiyak ako. Buti wala nakakita, ang labo ko. This anxiety na I’ve been battling for some time now, patungkol sa buhay, trabaho, sa karanasan, hay ewan. May moments na ganito ako ngayon eh. Kahit ano gawin ko, hindi ko maiwasan. I am beyond thankful for God’s love. Sobrang naooverwhelm ako at the same time sa pagmamahal nya sa akin. Ganun pa man, kakapit ako sa kanya. Aalisin ang takot at pangamba. Hindi pagagapi. Whew!

Btw, kahapon nagpadala yung bf ko ng sweet treats na gusto ko. Sobrang naappreciate ko effort nya para sa monthsary namin. Nagpabake pa talaga siya sa kakilala nya. Alam nya na nagpapapayat ako dahil isa sa dahilan eh para di tumaas bloodsugar ko dahil nakakakita ako ng pagbabago sa katawan ko, natuwa naman ako na nagpaalam muna siya few days bago  araw na ipadala sakin ito. Salamat, Ginoo at sa mensahe mo na keso. Hahahaha Tatawa tawa lang ako, pero sobrang nagagalak ang puso ko sa sinabi mo at ipinagpapasalamat ko lahat ito kay God. Lahat ng papuri ay para sa’yo, Panginoon. Have a blessed Sunday, everyone! 

(o’.’o)

Friday, September 18, 2020

Isaw the sign

Gaano kaigsi ang buhay kung kayat pakahalagahan. 

Isang aksidente ang naganap. Nabilaukan ako ng isaw ng baboy. Nginuya ko naman pero bumara pa rin. Hindi ko malilimutan na pangyayari. Dahil di ko malunon, di ko mailabas sa pamamagitan ng pagubo. Hanggang sa di na ako makahinga. Di ako sumuko para maclear ang airway ko kundi ewan ko na. Hay. Imagine, ilang segundo lang yun pero sobrang halaga. Buhay pa po ako. Salamat po. 

Anong reaksyon ni bf ng kinwento ko pagkauwi ko? Di ko mawari kung nagaalala, dismayado o natatawa. 

Bf: Chew your food well.

Me: Noted. Hahaha

(o’.’o)

Monday, September 14, 2020

Ayos, tol

May kumatok sa room ko, tas nagulat ako, kuya ko karga pamangkin ko. Matapos ang halos isang buwan na hindi pagpapansinan sa hindi ko malaman na dahilan, eto na nga. I guess, bati na kami? Hahahaha

Mas tumatanda ako, mas ayaw ko na ng drama. Mas pipiliin ko na iparamdam ang pagmamahal sa mga taong nananatili at wag na habulin o hayaan na ang mga nangiwan. Hindi dahil sa galit o ano pa man, kundi dahil nararapat rin ako na sumaya.

Sabi ko sa sarili ko, kahit pa kuya ko siya, wala na ako pakielam kung di kami magusap hanggang sa pagtanda. Hindi ko rin siya kakausapin hindi dahil sa wala akong kwentang kapatid bagkus dahil yun ang gusto nya. Ang huwag ako pansinin o kausapin o kung ano man yun. Hahaha Naalala ko 3 beses ko siya inapproached para magsmall talk lol tapos ang cold ng treatment nya, hanggang sa hindi ko na ulet siya kinausap muli. Chill lang naman ako dahil wala ako maalala na nagawa kong mali sa kanya. Hindi ko na para ipagsiksikan ang sarili ko sa mga tao kahit pa kapamilya ko yan. Hindi na ako yung gaya ng dati na gusto palaging ayusin ang bagay bagay. May mga bagay na hindi na maaayos o kailangan ng sapat na panahon upang magkaayos. At kung di magkakaayos, mabuhay ng matiwasay kanya kanya. Walang away bagkus respeto sa kanya kanyang desisyon. Ganoin na ako ngayon.

Natutuwa naman ako sa pagkakaayos namin ng kuya ko. Mahal ko siya at kapatid ko siya - hindi na magbabago yun, magkausap man kami o hindi, walang halong kundisyon. Labyu, kuya!

(o’.’o)

Napadaan lamang

Habang tumatanda ako, mas gusto ko na lamang ang tahimik na buhay. Kahit iilan lang na tao sa buhay ko na nagsstay, masaya na ako dun. Ayoko na ng toxic at kumplikadong relasyon mapa kung kaninuman. Mabuhay ng mapayapa, ganoin. Sobrang grateful ako sa mga iilan na taong pinipili ako sa araw araw. Minsan hindi talaga maiiwasan ang problema o mga paepal na tao, ganun pa man mas natutunan ko na kailangan piliin talaga ang issues na papatulan. Huwag sayangin ang enerhiya. Para sa mga taong nakasakit, kapatawaran para sa lahat at para na rin sa aking sarili. Hangad ko ang kasiyahan ng bawat isa. Mabuhay ng matiwasay kanya kanya. Tama na ang drama. Artiarti. Hahahaha

Ganito na lang, magpakabusy ka, oo, ikaw na nakakabasa, hayaan mo na ang buhay ng iba. Saan ako busy? Sa pagluluto. Huy, masarap daw baked macaroni ko. Kailan kaya ako magkakaoven para makaluto pa ng iba pang pangkain. Oven toaster lamang gamit ko ngayon eh. Hahaha

Sa lahat ng makakabasa neto. Ingat palagi. Naway malampasan natin ang pandemya na ito at iba pang dagok sa buhay. Aja!

(o’.’o)

Saturday, August 8, 2020

C r i n k l e s

Nakakababae naman pala ang mga tanong na ito..

Siya: Ano gusto mo kainin? Ano ba gusto mo? May gusto ka food? Para bago ako matulog may makain ka?

Ako: Wala.

Pero alam niya matagal ko na gusto ulet makakain ng p u r p l e o v e n crinkles eh. Nabanggit ko kaso wala talaga kami mabilhan. Kaya nagulat ako na kahit di namin mahagilap kung saan ba makakabili nun lalo pa sa sitwasyon ngayon eh nagpadala pa rin siya ng ibang brand. Ang keso ng ganap na ito. Medyo kinilig ako. Medyo lang charot!

Huy, Salamat. Sobrang naaappreciate ko ang mga simpleng bagay kagaya nito. Yung pakiramdam na mahalaga ako sa isang tao at pinakikinggan sa kung ano ang gusto at ayaw ko. Attention to details ika nga niya. Sa kung ano makakapagpasaya sa akin at pati na rin sa kanya. At dahil sa pacrinkles mo, tutuparin ko ang samgyup na gusto mo, although tuloy naman talaga dapat kaso naudlot lang today m e c q eh. See you next next Saturday.

Salamat din pala sa biglaang regalo nung unang 30 araw natin. Nagulat tayo pareho. Hahaha Pasensya na wala ako regalo. Bawi na lamang ako sa anniversary. Lol HAHAHA pero sabi nga, everyday naman eh special day, kaya maaari ipakita at iparamdam ang pagmamahal sa araw araw. Sana nararamdaman mo. Hihi

Alam mo bebeblog, yung pinupursue nya ako sa araw araw, sobrang sarap sa pakiramdam pala nun. Hindi ko alam ano nagawa ko sa mundo para magkaroon ng isang katulad niya. Maaga pa para magsalita ng tapos, ganun pa man, sa ngayon, yun ang nararamdaman ko. Ngayon mas naiintindihan ko na. Kaya salamat sa’yo PapaGod.

(o’.’o)


Tuesday, July 14, 2020

C A R L




Nagulat ako dito. Kasi sabi niya pauna pa lang yung becky’s brownies na gusto ko. Eto yung dapat na unang f u n k o p o p ko kaso nahihirapan ako hagilapin. At the same time, namamahalan ako sa presyo. Ang plano ko sana yung UP na movie ang collection ko kaso mahirap maghanap eh. Tsaka limited lang din naman budget ko. So yun, nagsimula ako sa D i s n e y V i l l a i n s. Si Ursula ang naging unang pop ko at satisfied ako. So ayun na nga, hindi ko inaasahan na hinahanap pala nya tong si C a r l bago pa ako magbirthday. Kahit hindi naman kailangan, may paregalo pa siya. Haha Nakakatuwa naman na may pahabol pa na gift a week after my birthday. Sana maging consistent siya at hindi palokoloko sa relasyon kasi ayoko ng ganun eh. Pagod na ko sa buhay eh. Hindi na ako para maglaro. Kung maglalaro lang, umpisa pa lang itigil na, mali siya ng niligawan kung ganun. So far, malinaw naman ang lahat sa kung anong gusto namin patunguhan pareho. Ang nagustuhan ko din siguro eh open yung communication namin. Kung ano yung ayaw at gusto namin, klaro samin yun. Kung ano man nangyayari sa amin, may sharing na nagaganap kung kamusta ba araw ng isa’t isa. Bukas ang pananaw ng bawat isa mapapulitika pa yan o showbiz o mga simpleng desisyon sa buhay. Ano pa man ang kahihinatnan neto, maniniwala muli sa pag-ibig. Susugal. Bigyan natin siya at ang sarili ko ng chance.  Deserve natin lahat ito. Maging malaya. Salamat, Ginoo.

(o’.’o)

Lutulutuan Ni Heke







Hello bebeblog. Pumasok na ako start nung July. Absent lang ako today dahil masama pakiramdam ko at nagLBM ako. Dami ko kasi nakain kahapon. Yikes. Sana umayos na pakiramdam ko at may pasok bukas. Tsaka mahirap magkasakit ngayon. Aw.

Ngapala, last week nagluto ako creamy pesto pasta. Nagustuhan ko na yung dati kong luto neto at same naman sa luto ko nung friday. Sherep sha. Hahaha Araw ng Saturday,  nagluto ako ng tomato pasta, na naluto ko na din naman dati, gumawa lang muli para matikman at pinadala ko kay anechhiii. Nasa second pic yun! Masarap yan, di ko lang napicturan ng maayos dahil andyan na yung lalamove driver, nagmadali na ako. Nagustuhan naman niya at ng pamilya niya daw. Hahaha Yung 1st pic naman, nakakita ko ng ibang klase ng luto ng salpicao, gusto ko na yung dati ko. Pero tinry ko lang isang ito kasi nacurious ako. K seasoning lang gamit eh, so sinubukan ko. Madami naman ako nakain. Hahaha Mas gusto ko yung dati na salpicao na ginagawa ko pero ang dami kasi ingredients nun, eto yung pangmabilisan na food na pwede ihanda tapos gutom na gutom ka na at sigurado din naman na mapapadami kain mo. sulit! Hihi  Ngapala, di ako ang nagprepare ingredients dahil nagtatae ako. Ako lang nagtimpla tas ginamutan ko kutsara imbes na kamay ipanghalo ko sa meag. Salamat na din sa tumulong maghiwala etc. Yun lamang, naishare ko lang. Happy Tuesday, everyone!   

(o’.’o)

Monday, June 22, 2020

Q u a r a n t i n e B i r t h d a y






Nakaquarantine ako. Nakausap ko ang isang c o v i d +. Naswab test ako sa mismong araw ng birthday ko. Nagcelebrate ng kaarawan mag-isa sa kuwarto ko. Nagpapasalamat ako sa lahat ng bumati at nagmamahal. Ganito pala pakiramdam. Ang dami ko bigla inalala. Siyempre sarili ko tapos Lola ko, buong pamilya ko at iba pang tao na nakasalamuha ko. Nakakapraning pala ang paghihintay ng resulta. Dasal at dapat matatag ka. Hapon ng sabado, nalaman ko na negative resulta ko. Ang saya ko. Kahapon araw ng linggo, nakareceived ng tawag dahil nagpositibo ang isa pang nakasalamuha ko. Hindi pala nagtatapos sa negative result na natanggap ko. Nagdarasal na sana maging maayos ang lahat hanggang matapos ang buwan ng Hunyo. May sipon ako bago ako na xray at swab, huwag sana magkaroon ng iba pang symptoms hanggang matapos ang quarantine period ko. Ayoko mahawa ng sakit na ito. Payo sa lahat: Mag-iingat. Seryosohin ang social distancing. Hugas kamay sa pamamagitian ng alcohol o sabon. Mag mask at goggles. Huwag balewalain ang pandemya na ito. 

Maisgi ang buhay,  pagmamahal lamang ang itira. Mabuhay ka.

PS Ginoo, Salamat sa sa effort na regaluhan ako ng brownies mula sa becky’s. Ang tagal ko na nagccrave na makakain nun ulet. Napangiti mo ako. Hindi ka pa rin sinasagot. Hihi

(o'. 'o)

Thursday, June 11, 2020

B a l a n g A r a w

Sa tuwing nakakakita ako ng wedding gown, ewan ko parang naluluha ako. Arte. Haha pero ang hilig ko sa panonood ng wedding videos ay hindi pa rin nawawala. Hindi ko lubos maisip na sa edad ko na ito, hindi pa rin ako kasal. Hindi maiwasan balikan ang nakaraan. Pero biglang magtitiwala sa kung ano ba ang inilaan para sa akin. Madalas pakiramdam ko huli na ako at napagiwanan, ngunit alam ko hindi ako pababayaan. Hindi dito matatapos ang lahat. Kahiy pa lagpas na ako sa kalendaryo, alam ko deserve ako mahalin at isang araw darating siya. Ang lalaking nakalaan para sa akin.

Nais ko makasal. Ikakasal ako. Kung kailan yun? Ewan ko. At kung hindi man ako ikasal, maluwag na tatanggapin ang itinadhana sa akin. Hindi na maibabalik ang nakaraan ika nga nila. Mabuhay sa kasalukuyan. At pinapangako ko, hindi ako masstuck sa sakit ng nakaraan.. Lalaban. Lalangoy sa buhay. Matatapos ang lahat sa ngiti. Pagbubunyi.

ctto
Kagabi, kausap ko yung nanliligaw sa akin tapos may binasa kami. Tapos eto yung sinend nya na nakacaught ng attention niya. Tinanong niya kung agree ako.. ang sabi ko “Oo” 

Totoo.


(o’.’o)

Saturday, June 6, 2020

F r o s t y


Yung bigla na lang siya nagtanong ng gusto ko kainin. Hahaha Alam mo na.. gutumin napili mo eh. Mensahe: “Bawasan natin cravings mo. 1 down, many to go.” Kikiligin na ba ako? Naaappreciate ko ang pagpapahalaga mo sa akin. Thank you, Frosty the Snowman. Lol

(o’.’o)

Sunday, May 17, 2020

P a s t a F i e s t a


HK



F r e s h T o m a t o P a s t a 



S p a g h e t t i A g l i o E O l i o

Nagluto ako kahapon at ngayon.
Satisfied ako sa luto ko. Naubos ko.
Ang sarap! Hahahuhu

(o’.’o)

Friday, May 15, 2020

DD



Wala na ako masabi. Sabi ko lang parang gusto ko ng donut? Biglang, ok. Hala siya! May pambili ako huy! Pero.. Salamat, L. Ikeso mo. Yiieee!!!

(o’.’o)

Wednesday, May 6, 2020

S a f e

Alam ko may p a n d e m i c na nagaganap at syempre concern ako sa bansa natin at sa buong mundo pero importante din ang sarili ko. Pinagpepray ko na matapos na ang pandemic ito. Ishare ko lang bebeblog ang ganap ko patungkol sa pag-ibig. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng manligaw ang lalaking ito. Consistent? Oo. Masaya kausap? Oo. Gusto ko ba siya? Oo. May nagsabi sakin na kaibigan at kamag-anak na sagutin ko na siya, ngunit ewan ko ba hindi ko pa maibulalas ang salitang Oo. Ang sabi ko sa sarili ko handa na ako, pero bakit netong may dumating, samut saring emosyon ang nararamdaman ko. Natatakot ako, nadudumihan at nahihiya sa sarili ko. Na baka hindi ako enough, na hindi ako karapat dapat sa kanya, na hindi ako maganda, na hindi ako mahalaga. Na baka lokohin lang ako muli, masaktan ulet, at pagmukhaing tanga ng mga nakakaalam na kaibigan at tao. Safe ba ako sa kanya? Kaya ko na ba talaga magtiwala muli? Hay. Bumabalik sakin ang pangamba dahil ayoko na maranasan lahat ng sakit ng nakaraan. Pagod na ako eh. Alam ko mabait ako eh, pero sa nangyari sa akin kinekwestiyon ko sarili ko, na baka naman talagang sobrang sama ko kaya ko naranasan yung mga ganung bagay. Ang alam ko unti unti kong binabangon ang sarili ko mula sa sakit ng nakaraan. Hindi madali, pero unti unting binabalik ang kumpiyansa ma mayroon ako. Nagmamadali na ang lahat sa paligid ko, ngunit naway makahintay ka pa. Magtitiwala ako sa’yo God. Patawad kung minsan napanghihinaan ako ng loob. Ngunit sinusubukan at susugal din muli. Pagkatapos ng ecq na ito, mas kikilalanin ko pa siya at isang araw sasagutin ko na siya sa tulong mo. At para sa’yo L, Salamat sa pagpili sa akin sa araw-araw. Sa mga pagkakataon na ang pessimistic ko at nagdududa ako, palagi mo sa akin pinaparamdam na karapat dapat ako mahalin at may emosyon din ako. Paumanhin kung hindi pa ako buo magtiwala at wala ka pang kasagutan. Huwag ka sana sumuko at mahintay ako. Salamat sa lahat.

Manatiling mabuti. Stay safe, everyone.

(o’.’o)

Monday, May 4, 2020

Childhood Favorite Miryenda






Nakakagulat naman pala ang papalabok niya!
Nagpadala siya nung Sabado. Paggising ko eto bumungad sa akin. Hmmm 
Hindi ko inaasahan na ito ang ibibigay nya. 
Nagtanong lang siya sakin ano masarap na klase ng pancit
tapos nung nakaraang araw pa yun
Ang nakakatuwa sa kanya hindi lang ako binubusog niya
kundi buong pamilya ko, isama mo pa kapitbahay.
Nakakakilig din pala, nakakababae ang ganap na ito.
Pero sabi ko, huli na ito at magastos.

Eto pala mensahe niya:
 “Isa sa mga paborito mo, Binibini. Enjoy at pakabusog!”

Salamat, Ginoo. 

(o’.’o)

Monday, April 20, 2020

H a l a S i y a

Absent ako today. Sumasakit tiyan ko. Bukas na ako makakapasok. Tumitingin ako mga f u n k o p o p. Dahil mahilig ako sa mga cute stuff, nakuha niya attention ko. Yung nanliligaw kasi sakin ay may collection ng mga f u n k o p o p. Naexcite naman ako bumili ng unang pop ko. Wala naman pumilit sakin na bumili. Natuwa lang kasi ako ng makita ko collection niya kaya bigla ako naging interesado. Sabi niya huwag daw ako maadik. Hala siya!

At ang unang pop na hinahagilap ko ngayon para bilhin ay si... Carl ng UP movie.

Wala daw siya nun eh, so feeling ko akin yung mga pop na pambabae. Yes, nakakababae pala. Hahaha Kapag kasi nabili ko si Carl ang next ko ay piling Disney Princesses na paborito ko. Pero mas gusto ko din Disney Villains. Syempre hindi ko naman bibilhin lahat agad yan. Isa kada buwan kung kaya ng budget. Excited na ako. Bye muna tamagotchi. Yun sana kasi balak ko bilhin after ecq eh. F u n k o P o p C a r l na muna. Hihi

(o'.'o)

Saturday, April 18, 2020

L o v e K o T o ' o L o v e N i y a A k o?







Huy!
Kailan ba ako huling ngumiti ng ganito?
Sa totoo, kinilig ako.
Happy Weekend, indeed.
Salamat, Ginoo.

God,
Salamat sa pagmamahal mo. Gagawin ko ang makakaya ko upang maging karapat-dapat at maging mabuting anak ninyo.
Ako ay nagpapasalamat sa ganap na ito.

PS. Matagal ka pa.  See you after E C Q. :)

(o'.'o)

Wednesday, April 15, 2020

P i c h i P i c h i A r t i A r t i




Pichi pichi delivery. 
Kinilig ako. Hihi
Buti na lang may G r a b F o o d habang ECQ
"Wish granted. Enjoy!"
Ang kanyang pahabol na mensahe.
Salamat, Ginoo.

(o'.'o)

Tuesday, April 14, 2020

A n g T i y a g a N i y a

Absent ako today. Nalate ako ng gising eh. Pagkakita ko 23 missed calls. Hindi siya tumigil hanggat hindi ako magising. Ang himbing ng tulog ko waaaaaa! Kahiya.

Salamat sa pagtitiyaga, Ginoo.

Nagluto pala ako ng adobo sa asin para ngayong lunch. Kain.Hihi



Nagluto ako Beef Salpicao for dinner.
Ang takaw sa kanin ng mga ulam na ito.
Kain tayo! Hihi



(o'.'o)

Monday, April 13, 2020

P a g s u g a l

Me: wushu matagal ka pa.
Siya: Ok lang. Laban lang.
..

Siya: Araw araw nakilala kita.. At araw araw naiisip ko na tama ginawa kong choice.
..

Naalala ko nung nagsimula siya manligaw sinabi niya agad na wala siyang sasakyan at commute kami. Humanga naman ako sa pagiging honest niya. Nakakatuwa siya. Kilalanin muna ang isa't isa. Salamat sa pagsugal sa akin, Ginoo. Malalaman kung susugal rin ako sa'yo.

Pray pray pray, Hex.

(o'.'o)

Friday, April 10, 2020

T a d h a n a

L,

Siya: So technically, nanliligaw na ako? (dahil nga ilang beses kita pinalayo hanggang sa ang sabi mo, ako na mismo sumuko na pasukuin ka. Ikaw aking hahayaan at pagbibigyan)

Sandaling panahon pa lamang tayo magkakilala pero ang dami na natin napagusapan. Sa aking mga nakakausap ikaw lamang ang nagtuon ng buong atensyon sa akin. Nakakatuwa man isipin ngunit paumanhin ako ay may pangamba. Hindi ko alam paano tayo umabot sa ganito, pero ang alam ko ang sabi mo, lahat ay may katapat. Tinatanong ko kung sigurado ka, ang sagot mo sa akin ay Oo. Dahil syempre mula sa hindi magandang karanasan hindi ko maialis ang pagdududa. Ngunit ang sabi mo, "wag ka magdoubt, or better yet pagdudahan mo duda mo" Hayaan ka kamo na iconvince ako kung gaano ka katotoo.

"Sadyang may nakita lang ako siguro na hindi tinangka tingnan ng iba sa pagkatao mo." Nagulat ako sa mga katagang ito.. dahil palagi ko sinasabi sa sarili ko na "Ang para sa akin ay hindi ako lalampasan at hindi ko mamimintisan." Ngayon, may isang tao na gagawin ang lahat para mabasag ang mataas na wall ma mayroon ako. Good luck sa'yo. Lol. Mahalaga.. Isang tao na nagpaparamdam sa akin na ako ay mahalaga. Ngapala, sobrang naaappreciate ko ang paggising mo sa akin sa araw araw. Kahit pa minsan hindi ko nasasagot agad ang tawag mo. Salamat sa oras, Ginoo.

Ang susundin ko sa pagpili ng makakasama ay base sa payo ng Lolo at Lola ko. Yun naman ang aking dinarasal. Tsaka ang sabi ng mga uncle ko ang importante ay kasundo ko siya.. At.. kasundo kita. Galingan mo sa fiesta, matapang ka dba. 

Aalisin ang takot, kung ano will ni God, yun ang aking tatanggapin. Sa ngayon, masaya ako sa iyong pagdating. Malalaman natin kung ikaw nga ba ay para sa akin.

PS. Hindi pa kita sinasagot. HAHAHA

(o'.'o)

Monday, March 30, 2020

Ano kaya?

Iniisip ko kung bibili ako escooter o yung 3 wheel electric scooter. Ang hirap maglakad papunta at pauwi. Ang mahal din kapag namasahe eh bawal na nga sumakay kahit da tryke. Sana matapos na ang ganap na ito ng bansa. Kung bibili ako ganito malamang iinstallment ko. Wala kasi siya sa budget ko. Ano kaya mas safe at mas maganda? Hmmm.. Ito na rin gagamitin ko siguro papasok sa work. Kapag hindi naman bet at marami na muling sasakyan, ibenta ko nalang. Ah ewan. Bahala na nga.😅 Sana naman magsireply mga minessage kong seller hahaha l o c k d o w n pa rin kasi eh. Balitaan kita kung bibili ako bebeblog. Ingat.

(o'.'o)

Wednesday, March 25, 2020

L a l a

Day1 sobrang lungkot ko nung araw na ito. Nirerespeto ko ang desisyon na pagsuspinde ng pampublikong sasakyan ngunit hindi ko maiwasan na may negatibong maramdaman. Hindi ko alam kung magagalit, maiinis o matatawa. Nagagaguhan ako na ewan. Inuumpisahan ko na, ako lang ito.. at ito ang nararamdaman ko. Naramdam ko kung gaano ako kahirap dahil lang sa wala akong pribadong sasakyan. Ang sa akin sana pinatupad wala lahat, pampubliko man o pribado. Sabay sabay maglakad kung kinakailangan. Nung pakiramdam na habang naglalakad ka, dinadaan daanan ka lang nila. Nakakatangina nung pakiramdam na yun.

Day2 kumalma naman na ako. Nagdala ng headset para maenjoy ko ang paglalakad ko. Inisip ko na lang exercise din ito.. at sabi nga p a r a sa b a y a n. Pagsunod lang. ganoin. Pero sa kawalan ng pampublikong sasakyan, nakita ko na kawawa yung mga tao na kailangan pumasok pero walang kakayahan na maglakad ng malayo. Kung sa pagpasok, wala problema, mga desididong magsilbi eh kaso syempre hindi ko masisisi na yung mga kasama ko na may edad na ay kailangan sumakay tryke dahil ang kalusugan nila nakasalalay. Hindi rin masabi na pasaway ang pedicab o tryke drivers na lumalabas pa rin dahil wala sila mapapakain sa pamilya nila. Kaso isipin mo imbes na ipangkakain ng mga kasama ko o ako, doble o triple ang gastos ng pamasahe makarating lang sa paroroonan.  Takte.

Day3 Ako yung tipo ng tao na hindi para magdwell sa problema, dun ako sa solusyon. Laban lang sa buhay. Magtatrabaho hanggat kaya. 3 days na lang ang pasok sa isang linggo. Ipinagdadasal ko na lang ang bawat paglabas ko ng bahay dahil maliban sa akin ayoko mahawa ang ibang tao at pamilya ko.

Day 4 sa paglalakad bukas. Hindi ko inaasahan na tatagal ito ng ganito. Sana mawakasan na ang p a n d e m i c na ito. Ingat sa lahat. Saludo sa lahat ng pumasok sa araw araw kahit anong trabaho pa yan para magsilbi sa bayan. Salamat sa inyo.

Huwag sana ito ang maging sanhi ng kamatayan ko. Ang dami ko pang gusto sana mangyari sa buhay ko. Maalagaan ang mga mahal ko sa buhay. Makatravel. Magfoodtrip. Nais ko rin na maikasal balang araw lol. Ganun pa man, hindi ko hawak ang buhay ko. Kaya bahala ka na sa akin, I surrender myself to you, Lord.

At ikaw sa makakabasa neto, at sa akin na rin kung mamarapatin, kapag nalampasan mo ang c o r o n a 1 9 na humihinga ng matiwasay at buhay na buhay, sana mas piliin mo an kabutihan. Tama na kaguluhan at kasamaan. Panibagong pag-asa, swerte ka napagkalooban ka. Kaya huwag mo pakawalan ang tiyansa na ibinigay sa'yo. Magkaroon ng silbi sa mundo na naaayon sa kagustuhan NIYA.

O matutulog na ako. Work mode pa bukas.
Good night.

(o'.'o)

Sunday, March 15, 2020

I n g a t

Huy.  S t a y s a f e everyone. Yan ang bungad ko. P r o p e r h y g i e n e at d a s a l.

Kamusta ka naman bebeblog? So heto na naman ako sa pagsisimulang magpapayat. pang 3rd day ko today. Hanggang dun na lang masasabi ko. Hahaha

Wala ako lakbay this year. Dahil next year na. Excited na ako. Ilang araw rin mawawala para doon. Ipon mode para sa pocket money na. Hihi. Kahit ramdam ko kung gaano ako kagipit ngayon, nagpapasalamat ako sa p r o v i s i o n s NIYA.

Di ko maalala kung naikwento ko na, nakabili na rin pala ako bago salamin. Bago na naman. Please naman huwag ka na mawaña. Ugh. .

Maigsi ang buhay magfocus tayo sa kung anuman ang mahalaga. Sarili mo. Yun ang mahalaga. Mahalaga ka.

(o'. 'o)






Saturday, February 29, 2020

sht

Why is it that whenever i feel confident and beautiful, people tell me otherwise?


W o r d s are really powerful.


Wednesday, February 26, 2020

AnuneTeGhorl?!

Single? Oo. Single pa rin. Nyahaha. Pinagkakaabalahan? busy ako manood Netflix series. Hihi. Namimiss ko na manood g i g s. Kaso hindi pa pwede eh. Tipid mode. Di pa rin makalangoy at makalakbay mode. Wala wala. Need magipon para magawa yan lahat. Sa Mayo may concert naman ako na papanoorin. Nabili ko na last year pa tix nun. Basta bago matapos ang taon dapat makatravel din muli. Target ko ay Singapore.☺ Yung langoy naman sana sa March matuloy.

Plano this weekend.. magaayos ng kwarto.

Naway makabili na ng aircon sapagkat summer na. Kung hindi naman bibili, tiistiis dahil may halagang dapat pagipunan. Kaya ko ba ito lahat? Oo. Sa tulong mo, Panginoon. :) Yay!

(o'.'o)

Tuesday, February 18, 2020

W h a t is your u l a m

Kulet nung pinsan ko na buntis, kanina paguwi ko from work nagluto ako a d o b o with sili tas napadaan isa kong pinsan sabi nya asawa na lang daw kulang. "Masarap. Di maalat. Tas maanghang anghang. Mesherep 🤤" Yan review niya. Lol. Buti naman nagustuhan ni buntis. Happy ako for V na kahit pa naunahan na niya ako (wala naman ako pakwe. lol) ay eto na nga magkakaroon na siya sarili niyang pamilya. Andito lang si ate for you. So maliban pala sa adobo nagsangag din ako ng kanin tas ginamit ko pinaglutuan ng a d ob o. Ang sarap ng kain namin. Medyo hiya nga ako dahil masasarap nga magluto la familia ko buti nagustuhan nila. Yay!



Uhm.. Kaya ngapala ako nagluto dahil naaasar ako sa sarili ko. Dahil may hinahanap akong clearbook na hindi ko makita kung kailan kailangan ko, eh ilang taon na andun lang yun, nawala pa. :( Hayyy..  Isa na kasi ang pagluluto  sa nagpapakalma sa akin. Nagpapakain ako ng mga taong malalapit sa akin. Kailangan ko makita hinahanap ko bago magfriday, sana makita dahil oportunidad ito sa kahit papaanong paglago. At kung hindi makita, naniwala naman ako na ang para sa akin ay hindi ako kailanman lalampasan. 

Ngapala niyayaya ako ulet magfoodtrip :nung nameet ko somewhere. Actually di matuloy tuloy na foodtrip to eh mula sa una naming pagkikita. Last Valentines, niyaya ako kaso video chat lang dahil pareho kami may pasok tapos OT siya. Kaso di ako pumayag. Ngayon, nagyayaya naman siya na kumain kami sa vikings. Dun kasi talaga dapat kami nung una puno lang. So gusto pa rin pala nya dun. Hahaha. Tinreat nya ako nung unang buffet eh, sabi ko ako naman sa next. Kaya sagot ko ata ito. Malay ko ba naman na may next. Nyahaha. Pero hmm G. Malalaki na eh.


  1. (o'.'o)

Friday, January 31, 2020

u n w e l l

Mula ng lumipat ako November palagi ako may sakit kada buwan. Halos buong November nga ata may sakit ako. Buti gumaling din. December nagkasakit din ng ilang araw. Ngayong January, may sakit na naman. Pero inilalaban ko pumasok araw araw dahil bago lamang ako. Kahit masama na pakiramdam, lalaban dahil 1 week din wala kasama namin, 2 lang kami maiiwan at ayoko naman siya maiwan mag-isa sa trabaho. Mula Lunes pa hindi maayos pakiramdam ko. Bigla ako nilagnat. Masakit na pangangatawan. Pero sumakit din kasi ipin ko eh. Tapos red alert nung hapon rin na yun. Kinagabihan, uminom ako ng gamot. Tas tuesday masakit pa rin katawan pati ipin at pakiramdam ko mainit pa rin ako tapos nanunuyo lalamunan ko. Masakit ulo ko o yung para bang may sinusitis pati mata ko masakit nung Wednesday.  Kanina thursday sinipon na ko nung umaga. Ngayon medyo masakit pa rin ulo ko. Bigla ako nakakaranas ng pagkapaos minsan kapag nagsasalita. Ang gulo pakiramdam ko. Pero mas okay na to kaysa nung mga nakaraang araw. Sana tuluyan na ako gumaling. Ang hina ng panlaban ko ngayon kaya sana malampasan ko.

Sabi ko pa naman sa sarili ko netong nakaraan kung deserve ko ba magulong mundo na ito.. pero ngayon, pagalingin ninyo na po muna ko, ayoko pa po mategi.. hay. pero kung ano po will nyo. Ganun pa man, nagpapasalamat sa kada araw na binibigay sa akin upang manatili.

Sa trabaho ko ngayon at sa nakapaligid sa akin na puno ng iba't ibang emosyon, mas pahahalagahan mo ang buhay. Masweerte

Tsaka ikaw sa nagbabasa neto, kung meron man, pahalagahan ang kalusugan mo. Mahirap magkasakit, lalo pa kung walang magaalaga sa iyo. Laban sa buhay, ayt?

Ngapala, napili ko na mga damit mas konti na kumpara sa dati. Di ko na nasunod 10 shirts pangalis tho pero, less 20 haha and tinatry ko magsuot lang ng same shirt few shirts para isang araw maidispatsa ko na yung mga itinira kong hindi ginagamit. So far, maayos naman ang pagsosolo. 

(o'.'o)

Thursday, January 16, 2020

Pumili ka ng iilan.

Sa Sabado tuluyan na akong magsolomode muli. Solo room lang. Yung pinto sa labas ng tinitirhan ko dito sa manila. Ibinigay ko na muna sa pamangkin ko kwarto ko. Buti bakante tong isa. Salamat po sa nagpastay sa akin. Dumating na yung rack na inorder ko. Last week nalinis na yung room eh. So today, naiaset up na yung rack. Ilang black shirts na agad nakita ko. Bukas ikakalat ko damit ko at nakapagdesisyon na ako. Mamimili ako ng mga ititirang damit. Ipapamigay ang aalisin. 10 o less pa na damit na pangitaas na pangalis, 5 na pambaba (shorts o pantalon o palda pa yan) at 10 o less pa damit na pambahay lang ititira ko. 5 jackets. Panglangoy ko. Mas konti, mas okay sa akin. Pipiliin ko rin sapatos ko. Magtitira ng 5 (magkasama na sapatos at tsinelas dun). Nakaorder na rin ako lagayan undergarments, hinihintay na lang. Bakit ko ginagawa to? Siguro kasi pagod na ko.  Charot! Seryoso, hindi na ako naeengganyo sa panlabas na kasuotan. Ako to ha, side ko to. Tsaka may isang tao na bagong kakilala na naging inspirasyon ko din sa ganitong ganap. Tapos wala pa siyang pake. Yung di kailangan magpaimpress o magpacool, ganun. Naastigan ako. Dati ko pa naman gusto na simulan magbawas ng gamit, mas napush lang ako ngayon. Naisip ko nga, kahit nga paulet ulet ako magplain black shirt tuwing aalis, ayos lang sa akin, wala akong pakielam. Kaso ayoko naman palitan mga damit ko at nanghihinayang ako gumastos. Tipid mode 2020 ako. Iwas tingin din ng damit sa mall. Weakness ko pa naman ngayon damit na may earth tone. Haha pero no no no! Tsaka sa June, kailangan ko kasi makabili aircon. At dapat magkapagtravel this year kaya wala ako budget sa extra na damit. Balitaan ulet kita sa kalalabasan nito. Donation ang pagdadalhan ng damit na hindi mapipiling itira.

Kung tatanungin mo kung kamusta ako, uhm eto humihinga at patuloy na nagpapakatatag sa mundong ito.

(o'.'o)

Wednesday, January 1, 2020

P a d a y o n 2 0 2 0


Ang tindi ng 2 0 1 9 sa akin. Ang daming pagpagbabago na naganap. Ang daming emosyon na lumabas. Pagbabago pagdating sa pagkakaibigan, sa trabaho at sa pagkatao. Sa lahat ng ito, hindi malilimutan ang mga natutunan na siyang huhulma sa akin. Kakalimutan na ang sakit ng nakaraan.. P a d a y o n.

Ngapala, nagsimula na akong lumabas muli. Matapos ang 4 na taon, binigyang tiyansa muli ang sarili at ang mga lalaking GP. charot! HAHAHA uhm nagenjoy naman ako sa unang labas bago matapos ang taong 2 0 1 9. Lakas makababae. Nakakatuwa rin sa pakiramdam na may nakakausap na muli. Bagong kakilala. Bagong kaibigan o pwede ding harotharot kapag may time. Huli na ba ako? Ewan ko. Basta ang alam ko ineenjoy ko ito. Palagi ko naman sinasabi na ang para sa akin ay hindi ako lalagpasan at hindi ko kailanman mamimintisan. :)

(o'.'o)