Saturday, September 12, 2015

Iba ang mabait.. sa matuwid.

Done with the Shabbat tonight. TOPIC: When the righteous are in authorities. Bible Verse: Proverbs 29:2. Iba pang natutunan: Difference between knowledge and wisdom. What is Faith? Faith is a substance of things not seen, but an evidence of what you hope for. Problems, Anxieties, Worries? Kumilos kayo ng tagumpay sa gitna ng pagsubok. Love..? Love is never love unless accompanied by action. Power of Giving. #SHABBATSHALOM #PraiseBeToGod Heke is feeling blessed. (o'.'o)

Thursday, September 10, 2015

Be a friend to your friend.

THANK YOU Hashem sa pagpapaalalang hindi ako nagiisa.. :) Sleepover at bb Eya's place.. watching her sleep. Haaayy pwede na ko matulog. Mahimbing na tulog niya tas maaga pa ko gigising bukas dahil uuwi pa ko. LOL! Kanina habang tamang higa lang ako sa kwarto, katatapos tapos lang magemote, tumawag si buddyG. G: Heke, san ka ? H: bakit? G: kain tau ni kuya. H: ayoko. Di pa ko naliligo. G: Hindi pwede. Wag ka na maligo, hapon na! :) H: Hahaha! Oxia ligo lang ako. G: Ok.. Pagsulpot ko.. Nabanggit ni buddyG na may hugot daw ako dahil sa mga fb status ko. Eh andun si eya, ang nilolokong girl mugto.. iyak pa more. Aw. kaya inaya namin xa.. Naglakad lang kami at naghintay kay eya dahil 8pm pa uwi niya. Hangginaw huh! Hahaha tawanan pa more.. sa McDo, Lokohan dito lokohan dun.. Tawa dito, tawa dun! Super laughtrip.. Tinry magevening wrap up kaso wala, ayaw magopen ni Eya.. tas hanggang nalaman namin na wala kasama si eya sa apt ngaun kaya dun na ko pinatulog.. Tinanong ulit xa pero di pa xa handa magkwento talaga. Ayos lang! Actually, para may kasama si eya, at baka mugto na naman mata nito kung magisa lang. Mahirap nga daw kc magisa. Aw. Hanggang sa nasabi ni kuya..,, A: eh eto nga ee, *sabay turo sakin* dati pag tinatawagan ko umiiyak, kaya sasabihin namin "halika na, halika na, tas pag ayaw pupuntahan pa namin.." G: Susunduin namin, sumusulpot kami sa kanila H: oo. bigla sila sumusulpot, nakikita nila ko.. minsan nakapang sirena.. G: oo. Minsan puno.. nakagreen shirt, brown pambaba. G,A,H,E: Hahahahahaha G: mamaya na ulit iyak.. H: oo. Nabawasan yung oras ng pagiyak, ilang oras din yun. Hahaha Naglakad kami pauwi.. Maswerte padin pala ako, sa mga kaibigan na meron ako. Tama ang spiritual parent ko, "Ang kaibigan, pinipili yan" Di pwedeng basta basta ang magiging kaibigan mo kasi maaari kang maligaw kapag nasa maling barkada ka. May mga bagay pa talaga na dapat ipagpasalamat.. at madaming bagay na dapat ipagpapasalamat. Ang pamilya ko dito sa Tagaytay. Sila yung mga taong anjan lang, bigla sumusulpot pag kinailangan mo, wala naman sila sinasabi, nagkwekwentuhan sa ibat ibang at hindi tungkol sa problema mo pero ramdam mo yung concern nila sayo. Di man sila magtanong o magsalita tungkol sa iniiyak mo ang mahalaga anjasa lang sila. Yun eh ang damayan ka lang. Di naman sila makakaalis ng sakit na nararamdaman mo, pero kahit papaano sa kanilang paraan sandali ko itong nakakalimutan. Sa totoo naman ang desisyon naman ee nasa sa iyo padin.. Ang sarap sa pakiramdam ng magkaroon ng mga kaibigan, yung hindi ka dadalhin sa kapahamakan, yan ang totoong kaibigan.. Happy din ako sa mga lovelife ng mga to. Loyal . Proud ako sa inyo! No to infidelity! Salamat muli! #MayTibayNaMaaasahan

Wednesday, September 9, 2015

Chopsticks

Late post. This to tell the blogger world how I miss my dadiyow! Labblabb! The man who taught me on how to use chopsticks.. i miss you so much dad! If only I could be with you even just for a day.. I'm sorry for everything dad.. but thank you for loving me anyway. The fact that you love me, you accepted him too.. I remember how I talked to you before about him.. about giving chances and telling the whole family how good guy he was. I fought for him remember? However, Dad.. I was left behind.. He left me.. for some reasons I don't wanna tell you.. at sobrang sakit pala maiwan sa ere.. It has been 5 months.. but each day is a struggle.. If only you and mama were still alive. I guess I just need you guys now more than ever. I need my mom and dad.. or I just need a HUG. i love you dadiyow. Belated Happy Birthday! THANKS for everything. Thank you din sa pagturo sakin magchopsticks, ikaw sino nagturo sayo? *i made this post kanina pang hapon. Ang bagal lang ng connection kaya ngayon lang na post. Aw. Attach ko nalang next time yung photo. Bagal talaga. Halala! (o'.'o)

Saturday, September 5, 2015

Labblabb Mama Levie!

Death Anniversary of my Mama. Oh! how I wish you were here!

NP: Jealous - Labrinth.

(o'.'o)

Thursday, September 3, 2015

"Kaway kaway!" sabi ng eyebags

Ang mugtong mga mata at eyebags na kumakaway! :/ woot! #nofilter May nagsabi sakin nung mga nakaraang buwan na nagdaan na kapag umiyak daw ako picturan ko.. sunod sunod kc iyak ko nung mga panahon na yun.. sa bawat iyak ay kuhaan ko raw.. Kaya eto.. Hmmm... Tulog tulog din uy! Weee... Tsk.

(o'.'o)

Wednesday, September 2, 2015

Crayola

I've been crying for the past 3 nights.. Ewan ba! Hanggulo lang.. Tsk. Cguro dahil masakit ulo ko dahil sa sipon mula nung saturday pa. Pangalawang beses na to nangyari sakin.. tas cguro dahil magkakaroon at nagkameron na nga aq kanina. Babae?! Hahaha.. Yung pakiramdam na.. Di ko maexplain, na kaya ko iexplain, na ayoko iexplain?.. Ang daming pumapasok sa utak ko na... haaayyy.. ending hibernate mode ulit.. bukas uwi nalang muna ko sa bahay agad.. Sa Sept 4 pala death anniv ni Mama at sa Sept 6 birthday ni daddy.. Plano?.. magcelebrate magisa at magppray para sa kanila.. Start ng ber months pero hangxaklap ko.. Di ko talaga mapigilan yung mga luha ko sa pagpatak ee. Naaalala ko pa xa.. Matahimik lang aq xa agad naiisip ko.. tas may mga ilang bagay bagay pang inaalala.. Matapang ka dba pishnge?.. Kaya mo naman yan ee, kinakaya mo naman dba,  pero bakit ngaun,  Sabi nga ni bea, "Para akong nawawalang bata, na walang naghahanap.." Haiizztt.. Ang swerte nyo, mo, hindi mo nararanasan ang sakit na nararamdaman ko sa bawat araw.. Pero hmmm.. cge, ako nalang wag na kayo, ikaw.. Kakayanin ko na to kesa maranasan nyo, mo to.. Ending: mugto mata.

At habang tinatype ko tong huli, napahinto aq sa pagiyak, alam ko na kung sino lalapitan ko.. #FaithfulGod.

(o'.'o)

Tuesday, September 1, 2015

Sigh

Being heartbroken is not as easy as they think..
Heartache it is.. Tsk.

(o'.'o)

Thursday, August 27, 2015

Hilo Pa More, Higa Pa More!


In the morning, we were in an outpatient rehab facility in Makati.. I was feeling completely okay until 11:30, I felt like I'm spinning. Deadma! Kaso waaaa.. para kong magcocollapse na ewan. Before noon natapos na kami, sabi ko "wala to, kaya toh!" First time kasi mangyari to sakin. Tumayo ako hanggang naglakad magisa para lumabas pinto, kaso kailangan ko humawak sa wall. I waited for Mam Ate Sarah para sabihin na nahihilo ako coz' I don't wanna stumble and make a scene. So lahat otw na to elevator, and i was walking like a zombie. LOL! ambagal namin kasi i have to hold her hand. My weight was on the her side. Hanggang sa, "Sir Marvin, si mam hex nahihilo" kaya di muna xa sumakay at pumunta xa samin para alalayan ako. Nakakaloka para akong lasheng na ewan. I felt so powerless. My left hand kay mam sarah, the other is kay marvin. Sa sasakayan hilo pa more hanggang makadating hotel. Nahiga nq, at first 140/90 then it changed to 120/80. kaso hilo padin ako so I had to take Serc as medication. Then I closed my eyes, eventually I fell asleep. I woke up quater to 3 in the afternoon. I wasn't able to attend the afternoon session. I tried to stand up kaso mejo hilo pa din d kakayanin maglakad paakyat. So i ended up spending the whole afternoon sa kama. Hahaha. Thank you tropang rehab for everything. Much appreciated!


Thanks to my new found friends. Team Motivators!
Thanks for the visit and bringing my pm snack.
Free delivery of case presentation too. Haha

(o'.'o)

Monday, August 24, 2015

No to infidelity.

Can't u go back to ur old self? Naisip mo ba yan? Ng ginawa mo yung ginawa mo? Di man xa nakapasok sa katawan mo, nakapasok naman xa sa puso mo. Mas masakit yun! You're stronger than u think. Just keep movin tska mo lang makalalimutan ung sakit. Maalala m ulit paano maging masaya. Parusa mo ba to sa akin? Para kong yung bata na nawawala na walang naghahanap. Mahal ka niya? Pamilya ko siya. O pinaniwala mo lang sarili mo na mahal ka niya? Alam mo.. Pak!(Sampal pa more) Kaibigan kita. Pagod na pagod nq ginagago ng mga taong mahal ko. Ayoko na. You're hurt. People do horrible things when hurt. I must have lost for a while, I've found my way , I've found myself.

-- The Love Affair Lines.

Yan yung mga lines na tumatak sakin. Pinagsama sama ko na. Satisfied ako at hindi nasayang pera ko na manuod sa movie house. Movie rate: 9/10. Gusto ko yung ending. Nagkabalikan yung magasawa Richard at Dawn tas natagpuan na ni Bea sarili niya. Love wins. A friend txtd me like 2 days ago, told me na wag daw ako manuod kasi sabog daw luha ko sa movie na to .. she said pa, u're lyk the character of bea.. minus the kabit thingy.. Well she knew me so well na hindi talaga ko papatol sa may asawa. Pero nakita ko nga din yung sarili ko kay bea sa ibang parte kaya may part dun na naiyak ako. Maganda yung movie. Thumbs up!

(o'.'o)

Saturday, August 15, 2015

Lakas!

Hangkulet mga pics oh.. ansaveh?! Hangpayat ko na.. sa pictures. Watatata.. Goodvibes lang #nofilter #susukaperodisusuko #HealthyHeke
Ft





Maishare ko lang nilakad ko pauwi, tamang soundtrip pa ko.. before 7 naman ako nakadating, pero bakit sarado. Tinry ko yung malapit na laundryshop dito tas pagdating ko, closed. Waaaa! Seminar ko na sa Monday. Sana bukas yun bukas kung ndi, goodluck! Awtz. Watata.. #TiwalaLang

(o'.'o)

The feels

Maliban sa mga kanta ng Parokya ni Edgar bihira ako may magustuhan na tagalog songs.. pero ngaun pinapakinggan ko na yung Sa'yo - Silent Sanctuary. Nakakakilig na may halong kalungkot yung kanta. Nang dahil sa AlDub nalaman ko tong kanta na to.. Fan ako ng kalyeserye stars na si Alden at YayaDub. Bagay talaga sila. Ngayon lang ata ako kinilig sa loveteam.. Kilig pa more! Pero kelan kaya magkikita ALDub?Lakas maka hopiang munggo, ube, baboy at wintermelon. Pero sabi nga ni LolaNiDora, sa tamang panahon kaya maghihintay nalang ako. Ako pa po ba? Watatata. xD Tapos biglang lumabas yung kanta na Pisngi - Jireh Lim. Maganda din yung kanta. May nagparinig sakin ng kanta na to ee. Dahil cguro si pishnge ako.. Tanong: Anyare?! Uhm.. nvrmnd. wag na sagutin. ;) Maiba tayo.. May seminar ako sa manila bebeblog.. at may hahauntingin ako.. makita ko lang yun lagot sakin yun! Alam mo kung sino? este ano?.. Yung Peter's butter ball somewhere sa taft! Waaaa.. namiss ko na yun.. Sana di niya ko iniwan at andun padin xa at hinihintay padin ako. Pero hindi nga, balak ko puntahan yun. Good memories ang nadudulot sakin nun.. Goodvibes. Goodnight! #ShabbatShalom

(o'.'o)

Thursday, August 13, 2015

Joy

I would like to thank you for this one sissy heart. I'm proud that you are now becoming a person God wants you to be. As I found God, I'm happy that you've found him too.. I'm looking forward that you would also be baptize anytime soon.. and yes, I won't ever forget that I'm God's most beloved daughter.. He loves me, I am truly blessed and You too..

#GODisGood #SissyHeartSissyStar #Patience #Faith

(o'.'o)

Tuesday, August 11, 2015

Tropa!


At dahil tagtamad ako.. ayan screenshot nalang. Hahaha.
Laughtrip GV Tuesday! #GOODVIBES
Gusto ko nadin mag thankyou sa tropa kong ito dahil sa kanila ko naranasan ang totoong kahulugan ng pagkakaibigan. Bagamat madami kaming pagkakaiba, nandoon ang respeto sa isat isa. Tanggap na namin ang isat isa. Tsaka nung panahon na brokenhearted ako ng bongga ay nanjan sila upang pasayahin ako. Di ako kailanman nakarinig ng masasakit na salita mula sa kanila laban sa taong nanakit sakin. Bagkus anjan lang cla upang damayan ako.. magfoodtrip. Minsan nga gusto ko lang maghibernate mode nun tas bigla sila sumusulpot para ayain lang ako lumabas at malibang. Ang ginawa lang nila ay magpatutsada sa soundtrip.. mga kantang One that got away at photograph nyo pa more! Hahaha. Tsaka sa kantang Move On.. Weee.. Salamat sa inyong tatlo.. Wushu kayo! #ikesomo Watata.. Mahal ko kayo. Elk! Maxado nang keso. Hahaha. Oxia! Pace yow!

(o'.'o)

Monday, August 10, 2015

Workout pa more

Gawin din nating light..  dahil RD ko na nga.. Hmm.. I just finished my 10 minute workout. Share ko lang mga pics.. Ang dami pa lalakbayin at pwede ibawas. Nakakatuwa naman na yung tshirt na to na masikip sakin eh medyo lumuwang na. See... natutupi ko nadin sleeves. Dati para kong binalot sa suman kapag suot ko to. At wag ko tangkain na tupiin noon kc muntanga. Huhubells. Tsk. Nagpapasalamat ako sa naglalaba damit ko dahil kakalaba lumuwang na siya. ROFL! Kidding aside, bihira ko lang naman talaga to gamitin kaya naniniwala padin ako na pumapayat na nga ako kahit papano.. Ansaveh?! Haha.. Kc madalas ee napapakain talaga ko ng bongga. Hahahaha.. Ang weight ko kanina, dbale kung tama yung weighing scale, nabawasan nq 13 pounds. Hmmm.. again.. di na naman halata. Bwahaha. Pero walang susuko.. Aja!


Ty HaShem sa lakas. Astig! #Goodnight.

(o'.'o)




RD mo na.. LOL!

F: teh kai to, okay ka lang ba? May problema kba?
H: ako ok aq. Pero ewan lang dito walang wifi connection. Mobile data it is.

Hangkulet! Natagalan kc ko magreply sa msg niya kc walang connection paguwi ko. Ginamit ko sandali mobile data ko. Sandali kc lage nalang ako lagpas sa sun bill dahil sa data na yan. Hahahaha Dahil wala naman ako constant na katext o kausap sa fon, ang silbi talaga ng fon ko ay para sa pagiinternet ko. Hmm..  imbes na mabadtrip dahil wala net, naging kalmado naman ako at nagpaload nalang din sa globe para sa surf promo. Ambilis ko maidettach sarili ko sa bagay na un na kung tutuusin halos lahat ata ng tao ngayon mababaliw kapag di man lang masilayan social media accts nila ng isang araw. Sa totoo lang ang ginawa ko lang kagabi ay magbrowse old posts ko dito sau bebeblog..

Ngaun, dahil maliwanag pa, naglakad ako pauwi sabay dinner na din.. isang tilapya with egg at kamatis tsaka 1/4 nung puto. Hindi ako nagsayang, binigay ko ung natira sa puto dun sa bantay sa tindahan. At baka magtaka ka, kumain ako chicken steak at halfrice, PIC-A chips with mayo at yakult nung lunch. Aw.

At alam mo, paguwi ko, at tinry ko magconnect at.. Yey! Meron na. Tamang tama off ko na. WFTD: Patience. Hintay lang. Nagkameron pa xa sa panahon na kailangan ko xa. Weee.

Plano: Laundry day tom tas movie marathon, exercise at AlDUb pa more.. Parang gusto ko magbalot trip pero paano?! Kanino ko nalang ibibigay yung sisiw.. magpenoy nalang ulet ako.. uhm... oh please, do not forget to read your bible Heke Girl. Happy RD! xD

#GODisGood.

(o'.'o)

Sunday, August 9, 2015

Check feelings Heke Girl?

Bello! Check feelings:

Mga natutunan:
Mas maging mapagkumbaba. "Mas" kasi alam ko naman na di ako likas na mayabang pero cympre tao lang tayo, may parte sa buhay natin na hindi natin napapansin na tayo ay nagiging mayabang na pala o nagiging mapagmataas. Sa mga ganap sa buhay ko ngayon, masasabi kong mas natuto ako maging mapagkumbaba. Hanggat maaari mas inuunawa ko na ang ibang tao kaysa sa sarili ko. One time nga may babaeng nagangas sakin dun sa isang store, imbes na patulan ay mas pinili ko yumuko, hayaan nalang. May mga taong, inaalipusta ka base sa tingin, pero mas pinipili kong wag pansinin. Dati hindi ko maintindihan bakit may mga taong di makamove on, ngaun alam ko na ang pakiramdam ng pusong nasaktan. Mas lumalim ang pangunawa ko sa usaping pagibig at pakikipagrelasyon. Mas humaba ang pasensya at mas naging sensitibo sa nararamdaman ng iba. Isang beses may nakita kong malungkot na katrabaho, at hindi ko alam kung bakit, hindi man kami close, bago ko umuwi nakita ko xa, di talaga ko mapakali hanggat wala kong gagawin sa kanya. Ang ginawa ko, bumili ako ng malaking caramel puffs sa tindahan at iniabot sa kanya. At napasaya ko xa sa simpleng bagay na yun. Mas naging simple ako at mas pinahahalagahan kung ano lang ang mayroon ako. Mas natuto akong magpahalaga at mas magbigay pa sa iba. Meron akong isang katrop na ngaun pag nagigipit xa, at pag nagmsg xa, walang pagdadalawang isip, hati kami sa baon ko at pinahihiram ko siya, pinadadalhan at hindi kailanman ako naghangad ng kapalit. Minsan sa buhay natin nagsasabi tayo ng di naman natin masyado minemean o dahil out of pagiging courteous nalang, ngaun, bawat thank you ko i mean it na. Masasabi ko na mas naging malambing ako. Lahat ng pwede ko maappreciate, maliit man o malaki mas naaappreciate ko ng buo. I am really thankful too dahil kay Hashem, unti unti akong hinuhubog ng naaayon sa kalooban niya.

Mga nanatili:
Ako parin yung tao na masaya sa nararating ng iba mapa career, lovelife, familylife o atbp. Masaya na yung iba may forever. Pag may nakakasabay ako sa jeep na couple, masaya ako para sa kanila. Kilala ko man o hindi, nanatili ang kagustuhan ko na makita ang lahat ng tao na masaya at magkaroon ng katahimikan sa isip at puso nila. Masaya kapag masaya ang iba. Malungkot kapag malungkot ang iba. Hindi padin naghahangad ng ikababagsak ng aking kapwa. Nanatili ang aking paniniwala na lahat ng tao may kabutihang loob. Salamat Hashem at Yahweh dahil hindi kailanman ito naalis sa akin.

Buhay pagibig:
Makalipas ang 3 buwan, ang emosyon na minsan hindi ko na maintindihan, ganun pa man habang tumatagal nagiging malinaw na rin sa akin ang lahat. Hindi padin ako handa sa relasyon, at hindi ko padin ipinagdadasal ang bagong karelasyon. Siguro dahil sa lahat ng ito, siya padin ang mahal ko? Baka, siguro, pwede, Oo. Basta ang cgurado ako sa ngaun, mas pinagtitibay ko pa ang relasyon ko kay Hashem. Mahal ko ang Diyos na meron ako ngayon at kailanman hindi na ako muling bibitiw. #MyFaithfulGod  #FeelingBlessed

(o'.'o)


Wednesday, August 5, 2015

Peace yow!

 'A flower does not think of competing to the flower next to it. It just blooms.'


(o'.'o)


Tuesday, August 4, 2015

Choose to be happy.

RD = PLANKING kind of day. Aja! Watatata.. xD Video is in my IG tho.LOL!
Music: Bangbangbang - Big Bang.

#Simplicities #SimpleBubblyHeke #Goodvibes
Proverbs 31:30 - Charm is deceitful and beauty is vain, But a woman who fears the LORD, she shall be praised..

(o'.'o)