Wednesday, January 17, 2018

C at G

HUY, ANU BA!!! Gusto ko pa umattend W a n d e r l a n d F e s t dahil sa Kodaline.

Tira concert at gig!💩😂

Ang ganap..
Tanggap ko na. Hanggang kahapon, pinalampas ko na ang Moira Tagpuan concert, sabi ko sa sarili ko next concert na lang. Maglilipat pa kasi, magastos, etc.

Tapos.. 
H: Hala! Eh biglang nag Day 2! Ano bibilhin ko ba? *last 4minutes*
Officemates: Go!

After mabili..
Ma'am Officematel: Wag mo tipidin sarili mo. May nabasa ako, may sakit siya, 27years old. Gumawa siya sulat nakalagay dun gawin mo yung makakapagpasaya sa'yo. Wag mo panghinayangan, magipon ka, magipon ka ng experience. Yang concert experience tyan. Magtravel ka. Hindi mo naman masasama sa hukay yang pera mo. Kaya ENJOY!

Plano ko pa manood gig C l a r a B e n i n sa 12monkeys. May mga P din ako panonoorin start ng 1st quarter of the year. Waaaa Goodluck sa budget ko. Ewan ko na. Ipon mode din if in case mayaya ako magtravel gusto muna T h a i l and. 

Yung habang tinatype ko napapapikit na ko. Muntik muntik na mahulog fon sa mismong mukha ko. Antokyo. Good night. 

// ipopost ko nalang nakatulog pa ko. Hahaha latepost.

(o'.'o) 

Tuesday, January 16, 2018

LipatMode.

Lumipat na ko last night. Dami kong dala, pakshet. Akala ko nabawasan, pero andami pa rin. Anyare? Lolol! Late natulog, aga nagising. Namamahay? May ganun ba? Napakasensitibo ko sa bawat tunog. Waaaa.. Day 2 today: 1am na, pero eto at gising pa rin. Masasanay din ako. Salamat kftd sa pagtulong maglipat.

Dahil madaming ganap sa buhay ko, sagarin na ang buwan ng Enero, kaya plano ko magpagupit this month. Hanap pa bagong hairstyle.. Balitaan kita. :)

Oxia. zZz.

(o'. 'o)

Wednesday, January 10, 2018

de clut ter

Cleaning up. Well, naalala ko yung movie na TTCT, yung bigat na bigat na si Mace, paano ang dami niya bitbit. Samantalang si Anthony chill lang, yung kailangan lang kasi ang dinala niya. Bagahe. I guess, I'm ready na to leave my excess baggage.

Teka, natatawa ako! Akalain mo Naisama ko pa yun habang nagliligpit at nagtatapon ako ng gamit. Tapon? Sa sobrang dami kong gamit at kalat na hindi ko mapakawalan. Kaya ko ba? Heto na yung pagkakataon para iwanan ang 'di na kailangan, idonate sa nangangailagan ang mapapakinabangan at itapon ang mga 'di na nagagamit. Linisin mo na ang buhay mo. Tama na ang kalat sa buong pagkatao mo, masyado na makalat ang buhay mo, kaya wag manghinayang itapon ang dapat itapon. Anu daw?! Hahaha.

Dahil sa mga biglaang gastos na ganito, hindi ko mapapanood concert ni M o i r a. 'Di naman ako yayamanin, pinagiipunan ko to lahat. Kaya hindi pwede bili lang ng bili. Pasensya agad agad, kaninang umaga muntik na ko bumili concert ticket online pero pinigilan ko sarili ko. Naisip ko bigla ang gastos ng paglipat at mga gamit na dapat bilhin. Akalain mo napigilan ko, nagpaawat ako, self control beshiwap. Waw! Wag muna. Wag ngayon. Babawi nalang ako sa next concert niya.

A d u l t i n g at its finest. Lol!

One at a time, girl!

(o'. 'o)

Sunday, January 7, 2018

Boxes.

As I was holding the empty boxes that I got from a grocery store, It finally sink in that I am leaving. Nothing is really permanent in this world. There's no such thing as forever. I know that I'll be leaving this place, by the time that I'll be having my own family, but not early this year. Still no bf! Why leave? I'm getting emotional. Lol! Oh well, I need to declutter.. I need to move out.

It will be a start of something new.

Where to go?

(o'. 'o)

Friday, January 5, 2018

Panaginip

Ang lala ng panaginip ko, sa sobrang lala nya, late ako kanina ng 40mins. Hindi naman ako puyat eh kaya walang dahilan para malate ng gising. Kaya't nagpapasalamat ako sa tumawag sakin, buti nagising ako. Parang makatotohanan kasi, parang di na ko makakawala. Weird. Twice ko na napanaginipan yung pinsan ko na namatay nung 18 years old pa lang kami. Masaya na kasama ko siya sa panaginip ko, magkasama kami, pero nakakapangamba naman ang mga panaginip na gaya nito. Miss ko na siya, pero gising gising din. Hahaha. Sa totoo lang, bigla ako natakot matulog, sa sobrang hilig  ko matulog, kaya ko matulog 12hrs straight pero ngayon nakaramdam ako ng parang ayoko na matulog. Ewan ba. Actually di naman sa ayoko na kasama ko siya eh, dun ako takot sa kaganapan sa kaninang panaginip ko habang kasama ko siya. Hay.

Labyuol.

Thank you for the gift of life, Lord!

(o'.'o)

Thursday, January 4, 2018

Wag kang magugulat.

Nasa labas ako, nagdidinner, biglang nakareceived ako message na maghanap na muna malilipatan. Like, uhm.. What?! Ang maghanap ng bagong matitirhan. Start ng taon, may ganito agad. For renovation kasi kung saan ako nagsstay ngayon. Nabigla naman ako. Sanay na ko dito, yung paguwi ko, direcho kwarto. Tsaka may sarili kasi ko mundo pagkauwi ng bahay. Kaya okay sakin to, yung ako lang. Ang sarap na ng tulog ko sa bahay na to.. Ilan taon na ako dito, kaso kailangan ng umalis.. At agad agad.. Mukhang exciting ang taon na ito sa akin ha. First day of work ko 2 days ago, ayun denied ako twice sa mga transactions ko. Ganun pa man, aja lang! Susuka pero di susuko. Mahaba haba pa ang taon, kakasimula pa nga lang. Wew! Dapat kona ba to ikalungkot? Sa paglipat, uhm.. Oo mga 30secs.. Lol! After nun, laban ulet! Maghahanap ng malilipatan sa weekend. Mamimiss ko to! Waaaaa!

Ngapala, share ko rin pala, nung unang araw ng taon, may bago ko nakilala. Nagulat ako kinausap nya ko at tumabi siya sakin. Hanggang sa nagkwentuhan na kami, dami namin napagusapan hanggang makarating ako sa destinasyon ko at naging friends na sa FB tas nagpicture kami together. Nakakaloka! First time nangyari sakin to. Lalo na sa bagong kakilala. Nagulat ako ng tumabi siya, kasi kakaupo ko lang tas nakalagay pa bag ko sa upuan, tas sabi nya kung pwede umupo, tinignan ko pa paligid tas nakita ko madami pa bakante. Sabi ko pa, "Ha?" tas "Ah, Oo." nagtaka pa ko kasi madalas uupo muna mga pasahero sa bakante na walang katabi. Tumabi daw siya sakin kasi mukha daw ako estudyante, akala nya daw student din at wala raw siya naramdam na masama sa akin.. Natawa ko sa sinabi nya. Halalalala siya. Sobrang gulat at kulet nya ng malaman age ko, sana daw ganito din daw siya kacool kapag nasa age ko na siya. Hagkulet! Usually daw di daw siya madaldal, di siya una nagiinitiate ng usap, kaya ewan daw nya ngayon. Lol! Oh well, Good luck sa Law School, girl! Nice meeting you. Bagong taon, bagong kaibigan? Why not! :)

Oh dba?  Unang apat na araw pa lang ng taon, dami ko ng ganap. Ano pa kaya ang sa susunod? 

Nagtitiwala ako sa KANYA, di para mangamba. Thank you Lord, in advance!

(o'. 'o)



Monday, January 1, 2018

Nasaan ang tsinelas ko?


Sobrang nagustuhan ko yung christmas gift na ito. Lahat kami nakareceived ng 1 pair. Tamang tama kasi 2 weeks ago, nasira na ang last pair ng havaianas tsinelas ko.. Sa mga nakakakilala sakin, hindi ako maarte pero, importante sakin na gusto ko at kumportable ako sa tsinelas na suot ko. I still have my Vans slip on na madalas kong gamit. I prefer wearing slippers lang kapag umaalis ako. HAHAHA

Originally, mine was the yellow and blue slippers. I decided to exchange it with my sissy who had the green and yellow. We think it matches our personality and skin color.  We love it so much!

At dahil umaalab muli ang love ko sa slippers, nagchecheck ako ng site where to buy Moo Chuu slippers here in PH.

Pagiipunan. Kawaii eh!

Again, salamat po sa regalo. :)

(o'. 'o)

Wednesday, December 27, 2017

Ako at Ikaw ngunit WALANG TAYO

Reede: "Ang saya mong makitang masaya."

Arrrgghhh!😣 Based to sa webseries na pinakasusundan ko. Feels. Di ko maintindihan yung kabog ng dibdib ko.

Handa na ko. Kagaya ni Reede, handang handa na ko. Actually, sobrang delayed na nito. Gusto ko siya makita at makausap pero hindi ko alam paano. Kahit isama pa nya bago niya wala sa akin yun, ang mahalaga makaharap ko siya. Ang weird no? Yung pakiramdam na gusto mo pa makita yung taong nakasakit sa'yo, noon. Magdadalawang taon na, pero heto pa rin ako. Hindi ako umaasa na mapasakin siyang muli, kundi umaasa ako na isang araw magtatagpo ang mga mata naming dalawa at sa pagkakataon na yun, para sa akin naman. Sana kung ipagkakaloob, mapagbigyan ako, ako naman.

Tuldok.

(o'. 'o)


Thursday, December 21, 2017

Meeeeehhhh

I am : a teapot. Lol!
Favorite color/s : Black, Grey, White.
Favorite Actor: Ryan Reynolds.
Favorite Actress: Emma Stone.
Actors and Actresses in PH: as of 2017, I like Jericho Rosales, Paulo Avelino, JC Santos, Jasmine Curtis, Maja Salvador, Alessandra De Rossi. (I'm a super fan whenever they do INDIE movies, but watching them on mainstream, No. I'm happy for them but it's not my thing. I seldom watch TV shows din eh.) i love angelica panganiban and jm de guzman sa TTCT.  Ay teka, mainstream, pasado sakin arte ng joshlia. Yay! Ay teka naastigan ako kay Glaiza De Castro. Basta gusto ko sila lahat. Hahaha.
Mainstream or Indie : INDIE.
Webseries : Forever Sucks. Awks.
Ice cream or cake?  : ICE CREAM.
Hugs or kisses?  : HUGS.
I'm attracted to a guy with : long hair. (matagal na, college days pa. Hahaha) 
Does FOREVER exist?  : No.

Why am I sharing this? For you to know me a little, bebeblog. ;)

(o'. 'o) 


Wednesday, December 20, 2017

Buhok mo ba yan?


Wig po ito! Mas tumatanda ka, mas nawawalan ka ng pakielam sa sasabihin ng iba. Lumabas po ako ng nakaganito. Dami ko tawa sa mga reaksyon ng mga nakasalamuha ko. Nagulat sila, nagtanong at tinawanan ang buhok ko. Natawa na lang din ako. Saya nyo eh no? HAHAHA

(o'.'o)

Friday, December 8, 2017

CBPUPO






(Last pic: hitsura ng puyat from gig to office real quick) LOL!  

It finally arrived! P a r a l l e l U n i v e r s e pullover. Meron pa ko hangover sa ganap. I'm so kiliiigggg watching my girl crush CB. Congratulations to all the girls who performed last night.

(o'. 'o)

Friday, December 1, 2017

S o u n d t r i p

I'm sharing with you my this month's playlist..

1. P a r a l l el U n i v e r s e - CB
2. S t e a d y - BPV
3. S e a s o n s - RD
4. S p r a i n e d A n k l e - JB
5. T w e l v e - ADR
6. S t a t i o n - L
7. K a t h a n g I s i p - B&B
8. W a g M o n g S a b i h i i n - RB
9. H a n g g a n g D i t o N a L a n g - JB
10. A l o n - H (been waiting for sooo long to watch the S i a r g a o movie)

If may naulit, pasensya. Medyo matagal ako makamove-on kapag nagustuhan ko ang isang kanta Ehe.

Enjoy!

*Excited to see my crush c l a r a b e n i n next week. Gig with RL, LN and K e i k o. O m o o o o o o! 😍

(o'. 'o)

Wednesday, November 29, 2017

Blur.





Malabo na larawan kapalit ang malinaw na alaala.💭

(o'. 'o)

Tuesday, November 28, 2017

Siya si F.

Nagkita kaming muli..

S h o o k t padin ako sa mga ganap. HAHAHA Uy, Salamat! :)










Hindi ako magsasawa sa'yo.. sa inyo.
Kitakits next year F!

Simpleng kaligayahan.

(o'. 'o)

A y o k o

Hindi ko maexplain o ayaw ko magexplain. Sobrang overwhelming eh. Gusto ko lang sarilinin ang saya na nararamdaman ko. Ewan ko ba. Sobrang paborito ko sila. Nakakaiyak man yung pinanood ko na palabas, sobrang saya ko naman na makasama sila muli.

Sa sobrang s h o o k t ko, lakas maka pipe ng ganap ko at 'di ako nakapagpapicture sa kanilang lahat. Waaaa! Ang next goal ko group pic with the team. Haha.

Nakareceived ako ng video, after na yun ng play, buti may 1 screenshot bago pa mawala. Kinilig ako.. Ang video kung saan nag Hi sila sakin. Waaa! Medyo keso. As in sobra pala talaga ang kilig ko! Yung suporta ko sa team, grabeee! Ang tatalentadong bata. Gagaling nila. Salamat pala sa pinakitang kabaitan sakin.. Nagenjoy ako sa pinanood ko tsaka bonding na rin kasama yung kaibigan at pamangkin ko. Mahal ko kayo lahat. Hahaha.

Ayoko ishare ang pic. Gusto ko sila ipagdamot. Ibigay mo na sa akin to..

Sa aming muling pagkikita. Salamat!

Anu ba to? Sikreto. HAHA

(o'. 'o)

Tuesday, November 21, 2017

Monday, November 13, 2017

R a n d o m

I just received a loooong message from someone telling something about a friend.. about my friend..  First of all, we are all adults here. When it comes to someone's personal life, I preferred to back off. Unless that a friend of mine will ask about my opinion then I will speak up. Unless she opens up to me and ask for help.. or advice. There are really some things that you never share to someone even how close you are to that person. I know the feeling. That is what you called, privacy. I respect that, because I want my privacy to be respected as well.

And for all those accusations, If she denies, I will believe in her. She is my friend, not you. If she confirms, I may not tolerate such things. I will share my thoughts, if she wants me to, and if not, I may still say a word, but it will never break the friendship.

I just hope I won't hear anything from you again. Not nice. Why don't you directly send her a message? Why bother messaging other people? Don't try my patience. Don't you even dare. Nah. I'll just sleep. Haha.

and please..  You have no right to tell me on what to do and not to do when it comes to my dear friends.

You may be hurting, but it doesn't give you a privilege to hurt other people too.

(o'. 'o)

Wednesday, November 8, 2017

Madami TAO

Hala! Yung papanoorin kong play baka madami tao :( bago venue eh. Nagiisip ako kung sa dating venue nalang kaya? Kasi pag dun baka konti lang tao. Mas mahihiya ako lumapit kung madami tao.. O baka hindi pa ko makalapit ng tuluyan. Waaaa! Sana malapitan ko cast. :( Tagal ko hinintay yung araw na yun eh.  Wala na atrasan kasi kapag pinamove ko yung date, hindi ko makikita yung isang cast ng awks na girl. So talagang dapat sa date na yun ako umattend. Ang masasabi ko nalang ay.. Good luck sakin. Aw.

(o'. 'o) 

Saturday, October 21, 2017

Half smile.




A smile can hide so many feelings. Fear, sadness, heartbreak... But it also shows one other thing, strength.

; k e e p g o i n g w a r r ; o r


Oh!? I'm now wearing an eyeglasses.

(o'.'o)

Saturday, October 7, 2017

GA10717

3 days ago, nasa ER ako dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko. Di ko alam ano nakain ko na kakaiba pero may mga iniinom na jo gamot. Sobra sakit tiyan ko nagdextrose at 3 gamot na ko via IV. Woot. Hindi maayos pakiramdam ko nung huwebes nilalagnat ako hanggang kahapon. Buti umayos ayos na bago pa man flight namin pa C e b u. Kinaya ko naman. Hahaha. At yesss, nasa C e b u ako ngayon. Para umattend ng kasal ng kaibigan. Medyo effort. Medyo keso. Sobrang saya ko para sa couple na to. Medyo teary eyed ako. Eto ang ganap ko.. at may ganap ako na binibit ko yung bouquet sobrang laughtrip yun. Ako na kaya ang next in line?







(o'.'o)