Saturday, April 27, 2024
N a N a m a n ?
Tuesday, April 23, 2024
m a t c h a + o a t s i d e
Friday, April 19, 2024
K u l i t
Ang ineeeeeettt!!! Nakablack pa ako na damit kaya sobrang init ang nararamdaman ko. Kakakulit ng pinsan kong si Mic na panoorin ko at maganda daw QoT. Sinimulan ko ang Q u e e n Of T e a r s. Episode 3 pa lang ako.. hehehe
Dugtungan ko ito teka.. 😅
(o’.’o)
Friday, April 12, 2024
L a r o
Monday, April 8, 2024
D e s i s y o n
Kahapon mineet ko yung friend ko sa u p t o w n m a l l , b g c. Naglunch kami sa m a n a m at nagmiryenda sa s c o u t’ s h o n o r. Masarap food nila :) sabi ko kami na magbabayad kaso ang kulit, nagshare din siya. Half half ganoin. Nung nagkita kasi kami una siya na sumagot ng dinner at ako sa dessert. Ayoko pa naman nung ganun, gusto ko may ambag din ako kasi ayoko maramdaman ng kung sino man ang kameet ko na sinasamahan lang siya dahil libre. Parepareho naman nagtratrabaho at hindi porket galing ibang bansa siya at malaki sahod nya ay dapat sagot na niya. Kasama niya ang bf nya at ako naman kasama asawa ko at isang pamangkin. Ang saya namin at nakakatuwa ang ganap na yun naglaro kami u n o c a r d s habang nagkakape. Kung pwedeng ganun na lang palagi kaso hindi eh. Kailangan magtrabaho ng lahat at magkakalayo ng isang taon muli. Grabe ano, ang dami din pinagdaanan ng pagkakaibigan namin. Babalik na siya sa ibang bansa ngayong araw. Masaya ako para sa kanya at buhay na mayroon siya ngayon. Ngunit may kaakibat na kalungkutan sapagkat maiiwan ang pamilya nya at mga kaibigan. Isang kesong ganap, niregaluhan nya ako ng pabango yung sobrang gusto ko.. nagkita kami pagdating nya nung March iniabot iyon.. sobrang kilig ko! ang bango talaga nung P r a d a P a r a d o x e para sa akin. Niregaluhan nya na ako last year nung maliit nun na sobrang tinipid ko at hindi ko tinatanggal sa box, nagpadala siya money at nagpunta ako sa G r e e n b e l t Store para bumili nun. 3 beses ko lang nagamit sa espesyal na okasyon dahil dumulas sa box at kamay ko at nabasag at hindinm nya alam yun. Kaya’t sobrang saya ko sa regalo niyang ito at mas malaki. Maliit man o malaki, salamat muli s i s s y at salamat sa pagkakaibigan.
At habang sinusulat ko ito, naiiyak pa rin ako sa tuwing naiisip ang sinabi ng asawa ko. Napagdesisyunan nya na huwag magresign dahil napromote siya. Sabi nya daw kasi sa sarili nya pag nakuha nya ito, hindi na siya magreresign. Panibagong task at pakikisama. Alam mo ba sa 1 taon, nung isang araw lang siya nag-open tungkol sa trabaho dahil may gaganapin silang meeting at ipapakilala siya. Naintindihan ko na, kasi alam ko bago ito sa kanya at hindi man direktang sabihin halo-halong emosyon ang nararamdamn nya. Masaya ako na nagopen siya sa akin. Sa kung ano ang kanyang nararamdaman at hindi nya sinarili ang kanyang emosyon. Akin siyang pinakinggan at nung hiningi nya opinyon ko dun lang ako nagsalita. Kung hindi siya nakapasa, balak niya sana bumalik sa kung ano ang tinapos niya na kung saan may pagbabago muli ngunit mas may benepisyo at baka mas malaki pa sahod. Ngunit ngayon, gusto muna niya bigyan ng chance ang bagong responsibilidad na ito. Alam ko nagdasal kami para rito at alam ko hindi kami pababayaan. Kaya’t sana nawa’y nasa tamang landasin siya.. kami.. kasi sabi ko nga sa kanya magtitiwala at susuportahan ko siya sa kung ano ang nais niya tahakin..
Napakaiyakin ko na ngayon, napakaemosyonal ko rin konting bagay ay naaantig puso ko. Mas importante ang kapayapaan ng puso. Tumatanda na ih! Hahahaha
Habang isinusulat ko rin ito, nanonood ako sa n e t f l i x at ang title ay t h e u p s i d e . Nakakabait yung palabas pero andito ako sa realidad kaya’t magpapakatatag.
(o’.’o)
Thursday, April 4, 2024
l a b u-l a b o
Wednesday, April 3, 2024
t o m a t o
Nakareceive ako ng mensahe kanina..
“Thank you kasi alam kong andyan ka maging positive o negative man naging result ng inapplyan ko”
Kanina lumabas ang resulta ng inapplyan niyang promotion. Nagdasal kami na ang kalooban ng itaas ang manaig. Pagtanggap sa kung ano ang magiging resulta. Hindi man kami mayaman, hindi man sobrang laki ng sahod, ngunit maligaya ako sa unti-unting paglago at nakita ko na nagsisikap siya para sa amin. Mula sa siyam na nagapply, 4 ang nakuha at isa siya dun.. C o n g r a t u l a t i o n s!
Seryosong tanong.. Tinanong ko siya kung gusto niya magbenta siya ng kamatis.. dagdag income din.. magtinda kako siya.. ang sagot niya.. “hindi lang kamatis, ibat ibang gulay rin” kung may supplier kami ngayon, game na agad ito at willing akong samahan siya sa pagtitinda. “isang marangal na trabaho yun” ang wika pa niya.
Wala na ang linya noon mula sa iba na “ikaw, ikaw nakaisip eh.” gagi bigla ko natawa pati pala sa pagtitinda iiwan ako nun mag-isa hahaha
Magkasama kami sa laban ng buhay.. yun ang mahalaga.
(o’.’o)
Monday, April 1, 2024
Buwan ng A b r i l