Monday, December 12, 2022

t i x s e c u r e d

Hola, late post! 

Syempre sa pagmamahal ko sa enha eh ayun na nga umattend ako ng b y s x e n h y p e n f u n m e e t. Doble bili ko pa nga kaya binenta ko pa yung isa  Nag gen ad ako.. Grabe ! Ang alin? Yung pagod sa pabalik balik na hindi talaga alam saan papasok ang g e n a d. Wag ako simulan kasi kaya ko ikwento ng detalyado ang karanasan ko sa ganap na yun.. ganap na hindi maganda at ayoko na maulit pa. Napatunayan ng sapatos ko na may tibay siyang maaasahan tho. Hahahahaa Nawala yung pagod kahit papaano nung makita ko yung e n h y p e n. Ang saya! Nakita ko na mga mahal kong koreano. Sabay sabay sila sumayaw. Yung s u n k i heart ko. Ang gwapo at galing nila lahat. Kaiyak!





Hello pala sa nakatrade ko at bagong kakilala na mga tita e n g e n e s. Katuwa din kasi binigay nya sa akin nakuha nyang S u n o o freebies. Yay! see you sa concert! puro mga vip seated at royalty seats prio nila.. siguro kung di ako ikakasal, same huy! Pero happy na ako basta makita muli sila at makanood. Aja!

Next eh yung concert naman nila.. hihihi

Ngapala, nagticket selling ang mamamoo, nagonline kami ng pinsan ko kaso mabilis nasold out. 1 day at hanggang upper box lang din kasi open. Sa balang araw na lang, mamamoo. Huhuhu 

Svt, hindi ako manunuod concert nila kasi kailangan ko mamili kung enha o sila. Yung dalawang pinsan ko manonood. So enha muna ako dahil mas fan ako enha. Mahal ko H y b e artists. Hehehe

Oh eto na ngaaaaa, ticket selling ng enha concert tickets nung Sabado lang. Grabe katense na ewan sa pakiramdam. Kasali ako sa presale so uhm mauuna kami bumili ticket. Ang layo queueing numbers na nakuha ko.. kahit ang aga ko naman nagprepare para dun at pasok sa site.. sa laptop 24k ako.. sa cp ko 14k at 16k sa akin.. yung isa ko pinsan 12.. si bf 10k.. yung kasama ko sa con 6k tapos yung isa ko pa pinsan mas mababa sa kanya… kaya tix secured! Grabe muntik na ako maiyak! Ang saya ko! Shinare ko qns ko sa iba na nakapila din online. General admission ulet ako kasi dun pwede kasama ko manood na e n g e n e din. Nakisabay siya nung nalaman nya na may presale code ako. Wawa din naman kasi bardagulan talaga sa ticket selling tapos dapat same section kami kaya prio yun gen ad. Nakuha namin desired seats kaya ayos din. Ako nakaready hanggang upperbox A in case ubos na gen ad. Pero buti nakasecure waaaa! Thank you sa mga nagassist sa akin at suporta. Huhuhuhu Sending virtual hugs para sa mga hindi nakakuha tickets mula presale at general sale. Kalungkot din yun talaga. Labyuol! 

See you, E N - !!!

Ok, back to wedding prep. Pamamahikan na pala, malapit na. Waaaaa~ 😅 Ang ganap sa araw na yun ay kumain sa N I U by V i k i n g s. Hmmm..  Sa age ko, ayoko na sana may ganito pa pero gusto kasi mameet ng side ko yung pamilya ng mapapangasawa ko and vice versa. So uhm.. Aja?! HAHAHAHA

(o’.’o) 

Wednesday, November 2, 2022

M s h e

Kailangan ko ng masahe! Waaaa! Ang sakit na ng likod at leeg ko.. siguro kasi namali ako ng tulog kagabi. Sakit arouch! Update bebeblog.. sa Sunday puntahan namin yung gumagawa ng cake.. may cake tasting? Hahaha Simpleng design lang pipiliin ko na cake.. white lang nq may konting design.. ganoin. Ayoko ng bongga na cake. Since kasama na siya sa package nung sa wedding venue eh hindi na ako para magdagdag pa ng layer o baguhin pa. Sana masarap cakes nila.. naghahanap ako design ngayon online. Hihihi. Dapat sa January ayos na lahat, imemeet na din kasi namin yung coordinator and suppliers nun. Aja! Hahaha Alam mo saan ako excited pa maliban sa kasal? Andito E n h y p e n sa February 2023 huy! Kailangan ko manood huy! Kahit pa g e n a d yan o kung saan available seat, ay wag lang pala standing at di na kaya ng tita nyo.. lol pero dapat makarating ako! Sobrang m a h a l ko sila.. Wala pa update sa ticket selling tho. Umaasa ako na makakapunta at makikita ko sila. Huhuhu. Sobrang stress ko nung mga nakaraan dahil sa wedding prep. Ganito pala talaga ikasal. Kanina din pala ticket selling ng T h e 1 9 7 5.. Chineck ko kaso wala na available kanina.. puro isa lang, eh dalawa kami ni bf sana pero di sya masyado pamilyar eh. Kaya keri lang na hindi makapanood, para na yun sa fans nila. Sana pumunta yung ibang mga gusto namin pareho na artists para makapanood naman kami. Teka, saan pala kami sa honeymoon at anong ganap? Wala pa!  Hmmm.. nawa’y maayos na lahat lahat..  :) 

So.. uhm.. saan na nga magpapamasahe? Makatulog na nga. zZz..

(o’.’o)

Saturday, October 15, 2022

C i r c a 2 0 1 7




 Bigla ko lang nakita sa memories ko. Nakakamiss din ang dalawang ito.. Hindi ko maalala kung napost ko na sila dito bebeblog. Ganun pa man, nakakamiss na maglakbay kasama ang mga kaibigan.. Kanya kanyang ganap lang din talaga eh. 3 lang maiinvite ko sa kanila. Sobrang limited pax lamang. Ganun pa man, Sila P at F pati asawa nya lang ang napili ko makapunta sa araw ng kasal ko. Wala na sa ibang tropang e s p a n y a ang makakasama pa. Gustuhin ko man iinvite lahat, kaso di kaya. Kitakits na lang sa susunod hihihi 

Sana makalakbay at makapagbonding muli kasama ang tropa balang araw. Nakakamiss na! 

Ngapala, may funmeet ang ang E N - sa Dec. 03, Waaaaa!!! Sana makapanood ako. Hahahuhu. Kaso iniisip ko budget at syempre nga ikakasal ang ate mo. Haaaay. Nawa’y masilayan sila sa araw na yun. Hihihi

Isa pa pala, alam mo ba nag team labas ako nung S e v e n t e e n concert dito sa manila hahahaha ganun pala yun ang saya din. Tapos malalaman ko na inannounce na may concert sila sa December din. Gusto ko din sila!!! So paano na? Hubu priorities huy! Ikakasal ka te. Annyeong! Lol! 

Pag eto pumunta pa dito sa mnl n e w j e a n s, b t s, I U at m a m a m o o ewan ko na talaga! Hahahaha mga love ko din sila eh!

(o’.’o)

q en a

Natapos na kanina yung interview namin with Fr. 1 oras at kalahati din tumagal interview. Ang dami din katanungan sa ganun. Bago magtapos ang usap, sabi samin ni father “very good”.. Pagkatapos namin syempre nagkwentuhan kami ng bf ko, ang sabi daw ni father sa kanya halos pareho kami ng sagot which is true nga.. yung papel na pinadala samin ni fr.. nakita namin mga sagot namin dalawa at marami nga pagkakapareho. Hehehe Ang final na tanong nya sa amin ay magbigay ng dahilan kung bakit nya kami dapat payagan ikasal eh kahit 2 taon pa lang kami magkakilala  .. sinagot naman namin pareho. May pahabol pa, sabi nya bago magpaalam eh ganun daw kapag mature yung relasyon, hindi kumplikado. Nakakatuwa din na eto na nga, nagaasikaso na.. pero wala pa din ako f l o r i s t hahahuhu. Ang dami ko pa kulang huy!

Kumain muli kami sa b l a k e’s .. ang sarap talaga dun. Sulit siya. Nagshare kami sa tuyo pasta at naubos namin hahahaha tsaka babybackribs.. may natira, inuwi ko sa kapatid ko gusto nya mga ganun. Haha

Next year na babalik para sa rehearsal pero magsisimula na magasikaso ng documents na pagkaraming hinihingi. Ehe. Osya. Good night. 


(o’.’o)


Thursday, September 29, 2022

S u n o o y a h

 


Eto yung isa sa book na binabasa ni s u n o o sa so so fun episode nila. Eto rin yung binabasa ko ngayon.
Siya yung b i a s wrecker ko sa en-.
Cutie nya~


Ang bias ko ay si J u n g w o n. 
Yang nasa picture ay si s u n o o. 
S u n k i ang bias wreckers ko.
Nakakatuwa silang dalawa. Nakakapagbigay sila sa akin ng positive energy. Hehehe
Pero favorite ko silang pito :D
L a b y u, enha!

Ngapala, may bago akong favorite na girl group. 
N e w J e a n s ang name ng group nila.
Sobrang nakakatuwa sila at magagaling.
Ang catchy ng mga songs nila.
Love ko na din sila. hihihi

Simulan ko sa weekend yung a breath too late na ebook naman. Ang liit kasi ng cellphone ko, malapit na ako magsisi bakit mini binili ko noon. Hahahuhu kaya hindi ako ganahan magbasa. Hahaha Maganda din ata yung kindle para dun na lang isave ebooks kaso hindi pa muna ako pwede bumili ng kahit ano eh.
Stop din muna ako mamili ng kpop albums ng en- 
 Ipon mode huy! Aja! 

Nagbebenta din pala kami f u n k o pops, para sa wedding fund namin. Actually pops niya ang for sale. Yung akin, chill pa. Hahahaha  Marvel and naruto line.
Sa mga interesado sa pops, comment lang.

Good night. 

(o’.’o)

Monday, September 26, 2022

P a g o d a.

Hola, kauuwi ko lang sa bahay. Tapos na yung meeting with videographer/ photographer namin.. Siya na kukunin namin dbale nakareserve na kami. Ako lang yung nakipagmeet sa kanya. Irelay ko na lang later sa bf ko yung details.. Tumingin na din possible florist sa dangwa. Ang mahal ata ng napili kong bulaklak kaya kahit simple lang design na gusto ko since di naman ako mahilig sa flowers eh mahal pa din talaga kasi imported pa daw siya. Maghahanap ako alternative para mas makatipid. White lang gusto ko, mga dahon dahon, ayoko makulay. Earth colors lang ang peg. Ganoin. hihi

Umulan pa bigla kanina, kasi ba naman dba nga may bagyo eh wala kami dala payong nung kasama ko. Sinabi na kasing hindi naman ako waterproof. Hahaha So mega tago ako para wag maulanan. Ang dami na nabago sa akin mula nung nagka c o v i d ako. Sakitin na ako, monthly ata nagkakasakit ako. Konting alikabok ata nilalagnat na ako at sinisipon lol o sadyang kulang lang sa ehersisyo at bitamina.  Ganun pa man naway malakas ako sa araw ng kasal ko.. Malusog na pangangatawan para sa lahat. 

Kailangan maayos ko lahat breakdown ng expenses namin. Lalo pa at ayoko humingi ng tulong pinansyal mula sa ibang tao man o kamaganak. Save na lang nila sa money dance namin yan. Bwahahaha Gustuhin ko man mastress, pinapakalma ako ng bf ko.. kahit pa mas malaki share nya, sigurado siya na makakayanan at malalampasan din namin ito base sa gusto namin na klase ng wedding.

Yung nagcocomment dito, sinasama na kita sa post at katamad magreply. Hahaha ichat mo na kaya ako sa messenger? Baka malimutan pa kita iadd sa guest list kung katropa kita. Hahahaha. Limited lang din kasi talaga ng pax. Gustuhin ko man isama buong tropa, hindi keri talaga. Teka, ikaw kamusta ka? Oo nga ano, ikakasal ako at akalain mo yun, sa simbahan pa nga. Akala ko tatanda na akong dalaga. Yung tipo ng tita mong pa kpop kpop hanggang pagtanda. Cutie din! 

(o’.’o)

Woiii! Sure?

Huy, bebeblog ang hirap pala ng walang coordinator. Ang coordinator kasi namin yung on the day lamang. Dbale 3 months before wedding yun so mga ilang buwan pa bago kami magtagpo. May nakuha na din naman kami na coordinator. Hanggang ngayon nagsesearch ako mga suppliers. Naghahanap pa din ako ng murang florist. Kaloka yung presyo ng florist/ event stylist, halos kapresyo ng buong package na! Pero magaganda naman kasi talaga gawa nila eh. Hindi kasi namin maavail ang all-in package wedding dahil meron na kami church and reception. Eh yung sa reception may food na kaya hiwalay tuloy yung iba suppliers. Nakakuha na kami para lights and sounds, magdown na this week. May nakuha na din na make up artist at gagawa ng gown ko. Sa October nasa church kami magdown na din at magseseminar. Madami pa din kulang talaga! Mula nagpropose siya hanggang ngayon, tinatanong ko siya.. Tinanong ko siya kung sure siya, maliban sa malaki ang gastusin eh lalo yung responsibilidad kaakibat ng pagpapakasal. Hindi naman natatapos ang lahat sa pagpapakasal. Ang sagot niya.. “Sure” .. Sanaol sure ano? HAHAHA

Uhm.. Ang lakas din ulan ngayon, mag-iingat ang lahat! Hindi ko alam kung tuloy ang appointment ko dun sa videographer mamaya eh. Mukhang malabo sa lakas ng hangin at ulan pero sana matuloy para yung florist na lang talaga kulang, ay event host pa pala tsaka yung takteng photobooth na hindi ako makakita ng within the area ewan ko ba. Hanaphanap lang, tiyaga lang.

May nagcocomment dito sa blog ko na anonymous naman. Kung sino ka man, heyow! Parang yung isang katropa ko lang may alam neto ah. Green? Sino ka huy! Magbasa ka lang dyan at magcomment. Nawa’y masaya ka sa nababasa mo at nageenjoy ka naman. Masaya ka ba para sa akin? Hihihihi osya, kailangan ko na matulog at anong oras na pala. 

(o’.’o)

Monday, September 19, 2022

Iyakin yarn? hihihi

Hello, hindi pa ako makatulog. magshare lang ako sa’yo bebeblog.. Nagpunta kami sa possible wedding reception kanina.. mukhang dun na talaga. May date na din kami ng kasal. Nakakatuwa at nakakaiyak ih. Hindi magiging posible kung wala ka. Lord. Maraming salamat po. Salamat sa bf ko pero mas salamat sa’yo talaga, Lord. 

Dami ko iyak kasi uhm ah basta. Masaya ako. Natapos ang gabi namin ng bf ko sa pagdarasal at pagpapasalamat sa Kanya. 

Ngapala, kaninang hapon nanuod ako ng online streaming ng EN - concert sa seoul. Multitasking yarn? Kasi habang nanonood pinaguusapaan namin ng bf ko yung mga kailangan pa sa kasal. Hahaha Ang saya manood kahit online pero mas masaya panigurado pag offline kasi hindi lag. Sobrang excited na ako sa kanilang pagpunta dito sa PH.

(o’.’o)

Friday, August 26, 2022

A n u n e y

Hello, bebeblog. Update lang kita sa ganap ganap ko sa buhay. Sa’yo din ako kumportable magkwento. Ayun na nga.. last Sunday, natapos na ako kumpilan. Nagpunta din kami sa napili naming church kaso sarado nung time na yun at may activity sila. Nagsimba na din kami. Ang ganda ng church sobrang gusto ko siya. Ang tagal ko na din pala hindi umaattend Catholic mass. Mas gusto ko kasi umattend christian service.. pero church wedding ang napagdesisyunan naming dalawa. Actually, siya ang mas mas gusto sa church.. at mas nagpupush na magchurch kasi ako ngayon kasi civil wedding will do.. at mas gusto ko garden o kahit yung sa indoor wedding na magrent space ganun.. Di na ako katulad noon kabataan ko.. Nakakatuwa din na etong lalaki na ito gusto nya church wedding. Alam nya na pangarap ko ikasal noon pa. 18 pa lang ata ako nanonood na ako church wedding videos.. Naway matupad naman ang klase ng wedding na mapagdedesisyunan namin dalawa. This Sunday manonood kami ng theater play sa Makati. Nakakatawa kung gaano namin katagal magsecure ng tickets.. Kapag may fiance ka na pala may icoconsider ka na din kasi hindi na gaya dati sa kung saan ang gusto kong seat eh gora na.. budget at seat namin ay dapat parehong swak. Hahahaha Gusto daw nya kasi sumama eh keri ko naman mag-isa. Ang kulet nalaman ko pa na dati daw manonood pala siya dapat ng Sugarfree Musical sa area na yun kaso naubusan daw siya ticket sabi ko huy nanood ako nun mag-isa! Hindi pa kami magkakilala nun eh. Waaaa! Masaya lalo kapag kapareho mo ng trip yung partner mo. Ang next ganap, first and second week ng September weekend ay may aattendan kami bridal fairs. Kinukulet na ako ng mga aney at siya din kung kailan ba ang kasal. Si mommy niya ang kulet nauna pa sa akin maginquire ng possible reception since pamilyar siya sa church at dun pala sila ikinasal ni daddy. Definitely, next year. December ang schedule ng papamanhikan. Sana talaga wag sumabay concert ng E N - sa PH sa kasal namin, aalis talaga ako sa reception hahahahaha Ah basta naway matupad ito at itinataas ko kay Lord ang malakihang plano na ito.

(o’.’o)

Monday, July 11, 2022

s c a r r e d

 


I just saw this. The caption: I’ll never forget the disrespect. Credits to the owner. 

The trauma it brought me. Unbelievable.

(o’.’o)

Friday, July 8, 2022

E N -

Sobrang gusto ko ang kpop ngayon. Ang saya lang kasi comeback ng paborito kong group.. E N H Y P E N! Natuwa ako sa kanila, napanood ko din kasi yung survival show na I - LAND kung saan sila nabuo. Ang gagaling nila lahat. Tapos sakto walang pasok fiance ko.. Dumaan siya sa bahay pagkatapos nya maggrocery. Ang sweet lang kasi nakipasabay ako tapos may pasalubong pa siya sa akin na belgian truffles chocolate. Ayun na nga nakita nya pagfafangirling ko sa panonood sa paborito ko. Ang supportive nya huy kaiyak.. Enha lightstick ang gift niya sa akin nung birthday ko. Dami ko kilig sa nakuha ko pero mas kinilig ako sa effort nung fiance ko na maibigay sa akin yung merch mula sa mahal kong kpop group. Mas ifflex ko yung gesture ng fiance ko. Kuripot kasi yun eh. Hahahaha Sabi nga niya, “kuripot ako pero hindi kita titipirin.” Waaaa~ Huwaw! Hahahaha  

Natatawa siya sa akin kasi sobrang gusto ko na this year na magconcert sa PH ang Enha, kasi para alam ko kung anong iseset na date ng kasal namin. Gusto niya kasi 1st quarter eh ako din naman kaso paano na lang kako kapag sumabay sa kasal namin yung concert. Kastress! Sabi ko aalis talaga ako para manood. Bahala na muna siya sa mga bisita. Nyahaha Buti na lang hindi patola si bf ko.. pero legit nga, hinihintay ko announcement kailan ba anong buwan kung next year nga concert nila.. sana this year na talaga at sana makasal na ako next year.

Ngapala, nasa greenhills din kami nung Sunday para magdate at magfinalize ng guests tas lumagpas kami sa target pax namin hay, need magbawas. So paano?! Tas ang dami pala inaasikaso pag church wedding. Huhuhu nagrequest na ako mga docs tho. Naggreenhills din kasi kami para ipick up yung funko pop na naorder nya dati pa, dbale villain line yung pop collection ko. Pero nahinto ako sa pagcollect since kpop nga gusto ko ngayon, buti na lang bayad na niya kaya nakabili ako photocards dun! lol Thank you, love. Nakakaloka sabi ko din kasi ano ba meron sa photocard bakit kinocollect ng mga mahilig sa kpop, huy gagi may konting photocards na ako at 2 album na nila ako ngayon.. tas may paparating akong latest album nila mula sa comeback! Tita mong kpop stan. Hahahaha Try mo sila panoorin mahohook ka din. :) 

Prio huy prio.. EN- char! Hahahaha Wedding prio. Yarn! Hahahahaha 

(o’.’o)

Wednesday, June 1, 2022

Ay Loko!

Usapang cheating.. naranasan mo na ba ito? Ano naramdaman mo? Ano ang ginawa mo? 

Minsan talaga may mga taong hobby na ata ang mag-cheat sa relasyon eh. Payo lang, kapag ang isang tao nagloko habang karelasyon mo.. hiwalayan mo. Wala ng second chance o unli chances. Hiwalayan mo.

Walang perpekto ? Oo. Pero naniniwala ako na ang cheating ay choice. Pinipili natin na magloko, hindi ang kapareha ang problema kundi ikaw mismo. Hindi ka para magstay sa taong niloloko ka lamang. Kung pareho naman kayo naglolokohan abay maghiwalay na lang. Minsan nakakagawa tayo ng mga bagay na kahit alam naman natin na mali eh tinutuloy pa rin natin. Kapag dumating sa punto sa nagawa mo ang magcheat o ikaw mismo yung niloko, maghiwalay na kayo. Maniwala ka sakin, maghiwalay na lang kayo. Huwag na patagalin pa ang relasyon kung wala na rin namang respeto. Minsan pa nga nagsorry hindi dahil sa feeling sorry sila sa nagawa nila kundi lang dahil sa nahuli sila. Mas marap magmahal ng totoo.

Tandaan mo, wag na wag ka papayag sa lokohan. :)

Bakit ko ba shineshare ito? Para mapakinggan mo. 

(o’.’o)

Monday, May 23, 2022

S u n d a t e

Hi, bebeblog! Kamusta ka? Share ko lang na naglunch date kami ng fiance ko kahapon. Kumain kami sa B l a k e’s W i n g s and S t e a k s. Sobrang nagustuhan ko yung truffle cream pasta nila at masarap din yung ribs. Yung chicken wings naman, ayos din, malaki pa. Sulit kumain dito kasi malaki yung serving nila. Yung nachos ata pang 4 na tao yun. Hehehe Nauwi pa namin yung mga natira. Babalikan namin ito at itatry ko pa iba pang pasta dahil alam mo naman pasta lover tsaka pancit canton lover ako. Hahahaha Thanks for the treat, my love. Yung coffee naman sagot ko at sa wakas natry din namin ang D e a n and D e l u c a.. ang tagal ko na gusto tikman kape dun..  pero hindi siya natuwa sa vanilla latte niya.. mas masarap pa daw yung sa 711. Sakin naman, nagustuhan ko yung inorder ko na Sea  salt Caramel Latte.. hot ang pinili ko this time, pero iced coffee talaga madalas inoorder ko sa kape. Masaya ang araw na ito. :) 

Salamat for spending your Sunday with me. Naappreciate po kita. :)


(o’.’o)

Wednesday, April 20, 2022

F u d g e

Hindi ako mapakali  kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko. Ikakasal ako sa December 2022. Actually, tentative month ito dahil naniniwala ang side ng fiance ko sa sukob at sa side ko naman ay hindi naniniwala dun.. kaya pwede rin na first quarter of 2023 maikasal. Andyan din yung pressure syempre mula sa pamilya considering yung age ko daw. hahaha Sa Sunday, game na talaga kasi gagawa kami guest list ng fiance ko at paguusapan namin ang kasal. Gusto ko ikasal, yes..tinanggap ko proposal niya, yes.. gusto ko siya makasama pagtanda, yes.. kaso mukhang meron akong u n h e a l e d relationship trauma mula sa past experiences and relationships ko. Inaatake ako ng anxiety. Naalala ko gusto ko maranasan na ikasal simula 18 years old pa lang ako pero ngayon biglang gusto ko ba talaga? Don't get me wrong, mahal ko fiance ko.. Kaso andyan bigla yung takot na kapag natali ako at ginago ako muli ay hindi ako agad makawala, Andyan yung kinaya ko naman mag-isa ng ilang taon na eh, kailangan ko ba talaga siya. Andyan yung huwag na lang siguro ako. Andyan yung kung ano yung pwede ko masabi o magawa o makasakit ako ng damdamin niya dulot ng trauma na ito at ayoko siya masaktan. Iniisip ko din ang pagbabago kapag kinasal na kami sa kung saan kami titira, sino makakasama, paano ba talaga ang ganap ng mag-asawa. Halo-halong emosyon pero ako ngayon ay mas nababalot ng pagkanegatibo. Uhm.. baka pwede naman na wag na lang ikasal? Parang ayoko na ikasal? Haaaay.. pero sa totoo gusto ikasal sa kanya. Ikakasal ako sa kanya. Walang rason para hindi siya piliin at pakasalan.

hmmm.. breathe. Kailangan maresolve ko ito at yun ang gagawin ko. Ayoko naman maikasal ng half hearted dba. Aja! One day at a time at dasal talaga. Whew! Salamat sa pakikinig bebeblog.

(o'.'o)

Monday, April 11, 2022

Huy TY

Kahapon kumain kami sa mall ng fiance ko. Salamat sa treat na yogurt ice cream.. first time ko matikman ang l l a o l o a o.. masarap. Ako naman nagtreat lunch kasi palaging siya na lang. Kumain kami sa g e n k i s u s h i.. hindi pa daw kasi nya natry dun kaya ayun. Naenjoy namin mga food nila pati matcha tea nila. Bago umuwi dumaan kami sa drugstore at bumili siya gamot para sa kapatid niya.. palabas na kami tapos may inabot siya chocolate. Malaking c a d b u r y m i l k c h o c o l a t e. Hala! Napangiti ako. Kasi sa magkaibang counter kami pumila so di ko alam binili nya. Nakakatuwa kasi naalala nya pa ako.. Hindi nya daw kasi ako nabigyan chocolate pagdating nya kanina, oo nga, maliit na bagay pero bigla ko naisip palagi siya may dala chocolate para sakin sa tuwing bumibisita siya, maliliit o malaking chocolate.. basta meron. Kaya napangiti naman ako, simpleng detalye.. pero alam nya mga paborito ko at makakapagpasaya sa akin kaya Salamat, Ginoo. Nakakatawa din pala siya habang naglalakad kami sa mall. Laughtrip ih! Salamat sa pagpapangiti sa akin. Natapos ang gabi na nagpasalamat kami sa isa’t isa at sa taas dahil magkasama kami today. TYL.

Ngapala, nagpabutas ulet ako sa tenga. Nagsara na kasi yung 2. Magpapalit na lang ako hikaw next time. Nawa’y maghilom ng maayos.

Tungkol sa kasal, kinausap nya ako nung kailan pa na maggawa na kami ng guest list kaso ayoko pa. Hahaha baka tapusin na muna namin kasal ng kapatid nya this year. Makakasal din, balang araw. :)

(o’.’o)