Monday, September 26, 2022

P a g o d a.

Hola, kauuwi ko lang sa bahay. Tapos na yung meeting with videographer/ photographer namin.. Siya na kukunin namin dbale nakareserve na kami. Ako lang yung nakipagmeet sa kanya. Irelay ko na lang later sa bf ko yung details.. Tumingin na din possible florist sa dangwa. Ang mahal ata ng napili kong bulaklak kaya kahit simple lang design na gusto ko since di naman ako mahilig sa flowers eh mahal pa din talaga kasi imported pa daw siya. Maghahanap ako alternative para mas makatipid. White lang gusto ko, mga dahon dahon, ayoko makulay. Earth colors lang ang peg. Ganoin. hihi

Umulan pa bigla kanina, kasi ba naman dba nga may bagyo eh wala kami dala payong nung kasama ko. Sinabi na kasing hindi naman ako waterproof. Hahaha So mega tago ako para wag maulanan. Ang dami na nabago sa akin mula nung nagka c o v i d ako. Sakitin na ako, monthly ata nagkakasakit ako. Konting alikabok ata nilalagnat na ako at sinisipon lol o sadyang kulang lang sa ehersisyo at bitamina.  Ganun pa man naway malakas ako sa araw ng kasal ko.. Malusog na pangangatawan para sa lahat. 

Kailangan maayos ko lahat breakdown ng expenses namin. Lalo pa at ayoko humingi ng tulong pinansyal mula sa ibang tao man o kamaganak. Save na lang nila sa money dance namin yan. Bwahahaha Gustuhin ko man mastress, pinapakalma ako ng bf ko.. kahit pa mas malaki share nya, sigurado siya na makakayanan at malalampasan din namin ito base sa gusto namin na klase ng wedding.

Yung nagcocomment dito, sinasama na kita sa post at katamad magreply. Hahaha ichat mo na kaya ako sa messenger? Baka malimutan pa kita iadd sa guest list kung katropa kita. Hahahaha. Limited lang din kasi talaga ng pax. Gustuhin ko man isama buong tropa, hindi keri talaga. Teka, ikaw kamusta ka? Oo nga ano, ikakasal ako at akalain mo yun, sa simbahan pa nga. Akala ko tatanda na akong dalaga. Yung tipo ng tita mong pa kpop kpop hanggang pagtanda. Cutie din! 

(o’.’o)

5 comments:

Anonymous said...

hahaha tamad mag reply sa comment ah. Saan ba ang kasal. Oras at date. Baka bigla ako susulpot nalang 😉

pishnge said...

Sino ka muna? Kaibigan ko? Classmate? o baka yung ex bf ko pa ha. Hahahaha

Anonymous said...

Ahahaha
Ba nagreply sa comment ahahahaha
Sino ba sa tingen mo 😉

pishnge said...

hindi ko nga kilala. sino ka nga? kokotongan ko mukha mo.

Anonymous said...

Sikreto nalang muna