Thursday, December 13, 2018

Ako'y nagbabalik.

Deactivated fb account ko. Ilang buwan na.  Kamusta ako? Ayos naman. Nakakasurvive naman. D((cAccidentally, nareactivate siya. Ang unang bumungad sakin ay isang wedding video. Tapos ayan, balik nood na naman ako ng videos related sa kasal. Ang sarap kasi nila panoorin. Nagdadasal ako na isang araw, maikakasal din ako. Hindi ko naman hangad ang bonggang kasal eh. Hinihintay ko pa rin ang tao na nakalaan sa akin. Kung ano na lang po will nyo papaGod. Sa ngayon, ienjoy ko muna ang panonood. Uhm, plano ko pa din ideactivate muli fb ko, baka sa start na ng taon2019.

Naiiyak na naman ako sa mga pinapanood ko. Ehe.

(o'. 'o) 

Sunday, November 25, 2018

Kakaiba


EG - front act! Woohoo! Hi, K!




Nakapanood ngapala ako ng concert ni u n i q u e.  Nakalimutan ko na ishare sa'yo bebeblog. Syempre magi-isa muli. Sabi ko nga, gusto ko ang boses niya, kaya suporta! O z o n e, S i n o, w e k n o w, mof, c ha c h i n g at m i d n i g h t s k y ang mga gusto ko sa g r a n d m a album nya. Naenjoy ko naman, pero sa susunod loge na muli. Ang ingay sa balcony eh. Sulit naman ang paghihintay sa talendatong bata na ito. Yay!

Next year sana mapanood ko naman I V of S p a d e s.

M a m a mo san darating. HAHAHAHA

(o'.'o)

Monday, November 19, 2018

S o u n d t r i p

Soundtrip ko sa Nobyembre 2018

1. P a g l i s a n (ost)
2. M u l a sa B u w an songs
3. M a l i b u N i g h t s (album) - l a n y
4. G h o s t S t o r i e s (album) - cldply
5. A S t a r i s B o r n (ost)

Feel free to listen to these songs.
i stream songs using s p o t i f y.

(o'.'o)

Sunday, October 14, 2018

I am so fucked up

I have to be honest with myself.. I AM SCARED. I'm scared for the things that I should've done, but I didn't.. I'm scared of what's next.. I feel like I'm such a failure. I'm scared about my work, my life, my health.. Everything. I feel so alone. I don't want to bother anyone, I've been dealing with these thoughts for quite some time now. I am just nobody. I don't matter. I am just f*ckng scared and messed up.

I am so emotionally fucked up right now.

(o'.'o)

Saturday, September 29, 2018

Y a k a p s u l e

It has been a long day.

Iyak na iyak na ko kanina pa. Ang dami kong ganap. Pagkauwi, naglakad lakad ako at nagsoundtrip. Kumakalma ako sa pakikinig ng musika. Ang pinakingganh ko yung sa M u l a S a B u w a n at mukhanh di ko na mapapanood dahil sa mga ganap sa work. Ang lala! Tryke, bus, taxi at jeep hanggang makauwi. Lahat yan nasakyan ko. Maliban dun may mga ganap pa diyan. Pesteng peste na ko. Sabi ko kailangan ko ng yakap ng L o l a ko. Umuwi ako, tas tsaka ko lang nalaman na mas kailangan nya ang yakap ko. She's sick for few days now. Maliban sa ganap ko sa work pati paguwi hanggang makauwi, bigla natriple yung pagkalungkot, takot at asar ko ng malaman ko na may sakit siya. Hay. Pagaling. Yakap. Labyu La!

(o'.'o)

Monday, September 24, 2018

P is for

Share lang.. Araw araw ko pinapatawad yung Ex ko. Pinatawad ko na siya, Oo! Matagal na. Sobrang nasaktan ako sa nangyari sa amin at ginawa niya pero sa tuwing may nagpapaalala sa akin ng nakaraan, pinipili ko magpatawad muli. Hindi ako para maghangad ng ikakasama ng ibang tao.

Bakit ko ba naibahagi ito? Bihira ako manood na sa telebisyon pero hindi ko pinalampas yung G G V episode ng C a r G e l. At takte! Ang sarap lang yakapin ni A. Ramdam kita gorl! Waaa~

*maiba tayo.. takte nung tigyawat ko ang laki sa bandang butas pa ng ilong nakapwesto. Noooo! May lakbay ako nextweek huy wag kang ano! Nyahahaha

Ngingiti ngiti lang yan, pero iyak na iyak na yan. Huy! HAHAHA

Labyuol!

(o'.'o)

Tuesday, September 18, 2018

EG






Unang beses napanood ng live ang banda na ito. Hindi ko sure kung solo ba siya o ah ewan basta gusto ko sila. Nadagdag sa paborito ko. E a r l G e n e r a o! Mga ilang beses ko ba uulitin yung K a t a b i na kanta nila at maliban dun, gusto ko lahat ng tinugtog nila. Weeee.. Sabi nila tutugtog sila sa concert ni Unique.. uhm, kitakits!

Hola kay K na bassist ng grupo. Gusto ko siyang bata siya. Ehe.😅

Kung sa I V of S p a d e s, lakas maka feeling proud tita ako, dito sa banda na to, feeling proud ate ako. HAHAHA

(o'.'o)

Sunday, September 16, 2018

Musiiiiiikkkkkaaaaaaa at Feelings







Ang dami kong kilig! Ang tatlo sa mga paborito ko sa larangan ng musika.

L e a n n e and N a a r a
i b e l o n g t o t h e z o o
M u n i m u n i

Uy may bago ako bb crush. Yung new drummer ng MM. Yiiieee! HAHAHA

Teka, pahabol ang lala! unang beses ko mapanood magperform ang t y p e c a s t. Ang mga nakaraan na jam. Ang oldskul. Hahahaha
(o'.'o)

Saturday, September 1, 2018

Your T U R N


Dumating na.. at ikinasal na nga siya. Sobrang saya ko para sa inyo. Salamat sa gift of friendship. Mabuhay ang bagong kasal!

?: Ikinakasal na mga kaibigan mo, ikaw kailan?.. 
Me: Ah... E I O U! HAHAHAHA

Hinga. 
God has perfect timing.

(o'.'o)

Tuesday, August 28, 2018

Padating na naman..

Ang buwan ng Setyembre ang pinakamalungkot para sa akin. Sana mabilis siyang matapos. Wala pa man, pero sana patapos na..

Naalala ko kung paano ko labanan ang kada araw, ngunit sa buwan na ito, x2 ang pagkapit ko..

Ah basta.

Naalala ko ng mamatay ang aking mga mahal na magulang, lolo at pinsan, iba pang mga mahal sa buhay at isama mo na din ang pagkamatay ng relasyon namin ng ex ko ng matagal na panahon, nakatingin lang ako.. kasabay ng mga ngiti. Oo nakangiti ako. Iniwan nila akong lahat pero nakangiti at tahimik kaharap ang madaming tao. At the age of 10, yung tipong parang balewala lang. Laro laro, walang luha na pumapatak. Kunwari di apektado, o ayaw lang paapekto o sadyang magaling magtago ng depekto? Wala ako pinagsabihan ng nararamdaman ko at wala ako balak sabihin sa iba dahil ayokong sayangin ang oras nila. Kasi, ako lang naman ito eh. Alam ko lahat tayo, balang araw maglalaho sa mundong ito, pero yung parang akala nila balewala lang, hindi lang nila alam, kasi ang lala nun! Minsan naisip ko, hindi ba ko karapatdapat makasama ng matagal? Kaiwan iwan ba ko? Ako na lang mawala at mangiwan oh! Wag na sila. Kasi minsan pakiramdam ko, ako naman ay walang halaga. Pero.. Hindi rin pala, ayoko silang iwan. Hay.

Takte! Magseseptember na naman kasi. Ayoko mapagod pero tiwala naman ako sa kanya, nageemote lang ako. Pwede naman siguro di ba? Kahit sa'yo lang bebeblog. May emosyon din ako huy! Minsan ko nga lang talaga ilabas. Nasasaktan din ako? Hindi lang halata. Ehe.

Osya. Lakas ko maka L A N I.. Kilala mo siya? Ah basta. Ako yun. Akong ako nga ata yun. Woot.

Cheers, kapit lang.😉

(o'.'o)



Thursday, August 23, 2018

Sunday, August 5, 2018

Nakakatuwa naman.

First time namin manood ng 8pm slot. Kasama ko ang isang kaibigan. Ang saya pala. Mas enjoy pala siya kasi wala hinahabol na next show. Nakakatuwa sila panoorin dahil ang tatalentado. Nagulat ako, salamat sa pa free tickets for the last show ng s1. Ang sweet nyo, kaiyak! Hahaha Actually yan yung show na nagdadalawang isip ako attendanan kaya umattend na ko kagabi dahil wala ako extra budget dahil nagiipon ako para sa next travel ko at malapit nadin kasi kaya nakakatuwa naman ang nais nyo na makasama kami sa last show. Hindi siya makakasama sa 18 dahil manood siya gig kaya't magsasama ako iba o pupunta magisa. Basta hindi ko ito palalampasin. Nakakatuwa padin kayo wala pinagbago. Ang sarap nyo panoorin. Naenjoy ko rin ang pakikipagusap ko sa inyo kagabi. Mahabahabang kwentuhan. Salamat!






(o'.'o)

Sunday, July 29, 2018

wag kang matakot, hindi mo ba alam nandito lang ako..







Hay E r a s e r h e a d s!
Hindi ko namalayan may pagpatak na ng luha na nagaganap. Halo halong emosyon. Maganda ang prod. Mahusay!

Teka, naiiyak ako. Hahahaha

Basta, hangga't makakaya ko, hindi ako magiging si JOY. Pero bilib ako kay Joy, matagal din lumaban sa araw araw pero wala eh, siguro may mga tao talaga na darating sa ayawan na. Napapagod din lalo pa at pakiramdam nila magisa sila. Ako, iisipin ko lage may kasama ako.. Hindi nga lang visible.. Kaya't kakayanin ko, hangga't makakaya. Bawat araw, bagong pagasa. Para na rin to sa tatlong tropa ni Joy. Laban!

Pahabol.. Ang ganda din ng pwesto namin. Woah! Salamat sa staff ng rwm sa pagbigay samin ng pinsan ko ng best seat. Well aminado din naman siya pagkaclaim namin ng ticket na ang binigay nya ay best seat. Lakas! Maliban sa play, sa pwesto namin di makamove on yung kasama ko. Hahaha.

(o'.'o)

Monday, July 23, 2018

Matulog ka na

Pasok na bukas. Halos wala ako buong last week dahil naospital kuya ko. Ako nagbantay sa kanya. Katakot magkasakit. Katakot sa ospital. Ayoko maospital :( Sino magbabantay sakin? Woot.

Salamat sa successful operation PapaGod at sa mga medical staff na naghandle kay kuya. At today pala, nanganak na sissy in law ko. Yasss! Excited na ko makita si baby kaso need ko na pumasok kaya di ko pa siya mabibisita. Buti successful naman panganganak niya, safe sila ni baby. Salamat muli.

At habang tinatype ko to, nanonood ako ng O n e M u s i c E b e sa Ch2. Hindi ko para palampasin to si Sir Ebe at ang kasalukuyan nyang tinutogtog ay T u l o g N a. Last song. Kaiyak. Eto ang isa sa mga gusto kong kanta nya.

Matapos ang linggong na ito, tara't matulog na. Paninabagong linggo na puno na pagmamahal.

(o'. 'o)

Sunday, July 15, 2018

Heto naaaa~

Ang dami kong kilig!

Napanood ko na ang paborito kong banda.. Ang M u n i m u n i. :) Sarap pumikit lang habang tinutugtog nila nag M a r i l a g. Ang solid lang ng ganap ko last night. Sobrang sulit nya o kasi siguro mga paborito ko sila.

Napanood ko muli si girlcrush CB.. Gusto ko siya, gustong gusto ko siya. May picture na ko kasama siya. Hangsaya! Tas nasa harapan ako kaya sobrang titig ko lang sa kanya. Hahahaha

Eto pa.. nagtagpo na kami ni I B E L O N G T O T H E Z O O. Ang qtp2t nya. Yung dimples pa nya! Pagkakita nya sa'kin, nagapir kami tas sabi nya,  "Uy! Nakarating ka na!" Ang keso ng paggreet nya samin ng friend ko bago kumanta ulet at matapos set nya. Ganun pala feeling pag may pagshout out habang nasa gig. Lol. Dun sila nagkakilala sa a r t b e a t tas kasi nagpasend ako videogreet kasi sobrang gusto ko talaga yung kanta nya na P o r t e r..  Sobrang tagos mga songs nya. Tas ayun, mula nun kinukulit na namin siya. Panpan! Woot!






(o'. 'o)

Friday, July 13, 2018

V is for?













Holaaaaa! Hindi ko na ipopost iba pang ganap, nagenjoy ako sa mga ganap na magisa, pagtulog ko sa c a p s u l e h o t e l, foodtrip at kasama ang iba pa. Naenjoy ko din ang solo travel ko bago pa sila sumunod. Yay! Salamat po. 

Saan next? Ipon Hex Huy!

Excited ngayong paparating na weekend, sabi na eh, hindi ko mapapalampas to. Mapapanood ko muli si C l a r a B e n i n at sa wakas heto na... ang M u n i m u n i.. kasama pa si i b e l o n g t o t h e z o o. Yasss!!!

Salamat muli PapaGod. Sa lahat ng ganap sa buhay ko, mapawork o personal, pinanatili mo mapayapa ang puso ko. Hindi para mangamba, sa'yo ako.

(o'. 'o)