Tuesday, August 28, 2018

Padating na naman..

Ang buwan ng Setyembre ang pinakamalungkot para sa akin. Sana mabilis siyang matapos. Wala pa man, pero sana patapos na..

Naalala ko kung paano ko labanan ang kada araw, ngunit sa buwan na ito, x2 ang pagkapit ko..

Ah basta.

Naalala ko ng mamatay ang aking mga mahal na magulang, lolo at pinsan, iba pang mga mahal sa buhay at isama mo na din ang pagkamatay ng relasyon namin ng ex ko ng matagal na panahon, nakatingin lang ako.. kasabay ng mga ngiti. Oo nakangiti ako. Iniwan nila akong lahat pero nakangiti at tahimik kaharap ang madaming tao. At the age of 10, yung tipong parang balewala lang. Laro laro, walang luha na pumapatak. Kunwari di apektado, o ayaw lang paapekto o sadyang magaling magtago ng depekto? Wala ako pinagsabihan ng nararamdaman ko at wala ako balak sabihin sa iba dahil ayokong sayangin ang oras nila. Kasi, ako lang naman ito eh. Alam ko lahat tayo, balang araw maglalaho sa mundong ito, pero yung parang akala nila balewala lang, hindi lang nila alam, kasi ang lala nun! Minsan naisip ko, hindi ba ko karapatdapat makasama ng matagal? Kaiwan iwan ba ko? Ako na lang mawala at mangiwan oh! Wag na sila. Kasi minsan pakiramdam ko, ako naman ay walang halaga. Pero.. Hindi rin pala, ayoko silang iwan. Hay.

Takte! Magseseptember na naman kasi. Ayoko mapagod pero tiwala naman ako sa kanya, nageemote lang ako. Pwede naman siguro di ba? Kahit sa'yo lang bebeblog. May emosyon din ako huy! Minsan ko nga lang talaga ilabas. Nasasaktan din ako? Hindi lang halata. Ehe.

Osya. Lakas ko maka L A N I.. Kilala mo siya? Ah basta. Ako yun. Akong ako nga ata yun. Woot.

Cheers, kapit lang.😉

(o'.'o)



No comments: