Monday, July 10, 2017

Tumbling

Agosto *blank*. Nawala sa isip ko.. L A N Y pala nun. Eh ang tagal ko din sila hinintay. Kanina nakita ko sa page na date din yun ng re-run ng A W K S. Ganap: Reserved na ko sa A W K S 2 0 1 7. Paano na ang L A N Y, gusto ko mga kanta nila eh tsaka basta trip ko talaga yun eh? Although wala pa ko tix, naghihintay pa ko announcement from ayalamalls paano magkaticket. Alam ko pwede naman sumulpot nalang sa mga malls na yun. Di nga lang ako malapit. Kapag inuna ko sila, paano ang A W K S, isa sa w e b s e r i e s na paborito ko? Tsaka paano si bebecrush F? Napanood ko na sila nung una pero gusto ko padin panuorin re-run eh. Tsaka suporta nadin sa team. Excited nadin ako papicture sa ibang cast. Hmm.. Kung ililipat ko ng ibang araw ang isa sa mga ito, kapagod din, eh kailangan ko magplaydead ng 1 araw dahil lakbay mode na ng gabi nun at workmode kinabukas. Kung 2 tatargetin ko sa isang araw, waaa! Sino ang uunahin ko? Medyo effort ha. Medyo keso. Hahaha. Aja!

At eto pa.. kung di ako nagkakamali, birthday yun ng isa sa malapit na kaibigan ko. So anune? Tumbling sabay split na. Haha.

(o'.'o)

No comments: