Sunday, July 9, 2017

Someday my prince will come

Sumabay pa ang ulan. Tamang arti arti. Hahaha. RD kaya higa mode at soundtrip. Tas nagkataon naman kasi na dalawang wedding videos ang napanood ko..  Alam ko walang Prince.. dahil hindi ako prinsesa.. At walang King, dahil hindi naman ako Queen. At hindi ito fairytale at wala ako sa pelikula para umasa sa happy ending.. Ganun pa man, umaasa at pinagdarasal ko na isang araw darating yung lalaki na magmamahal sakin at handa ako ipaglaban. Yung lalaki na gusgustuhin ako makasama hanggang pagtanda. Yung lalaki na hindi man lageng masaya, handang harapin ang pagsubok ng kaming dalawa.. Yung lalaki na hindi ako kailanman ipagpapalit. Yung lalaki na isasama ako sa mga pangarap nya. Hihintayin ko ang lalaking pakakasalan ako. Wala naman ako hinangad kundi maging isang mabuting asawa at ina sa sariling pamilya ko. Handa na ko umibig ulet.. at sana.. dumating na siya.

🎧 R i g h t T i m e - J o h n o y D a n a o.

(o'.'o)

No comments: