Sunday, July 2, 2017

How can anyone forget about death?

At siya ay nahimlay. 2 months mula ng huli ko siya makita. Sa loob ng dalawang buwan, sinong magaakala na ganito ang ganap ng sunod naming pagkikita. Mamimiss ka po namin Ma'am.

pero iniisip ko.. pag ako ba nawala, hanggang kailan ako aalalahanin ng mga mahal ko sa buhay? Mga isang linggo? Isang buwan? Isang taon? Aalalahanin ka pero may hangganan..

Ang kamatayan ang isa sa pinakakatakot sa lahat.. Ngunit dapat ba itong katakutan? Paano mo makikita ang lumikha kung magpapadaig sa takot na nararamdaman..

Kaya habang may pagkakataon ka pa, maging mabuti. Humingi ng kapatawaran sa araw araw. Sino bang tao ang hindi nagkakasala o nagkakamali? Bakit mo gugustuhin maging masama, kung pwede ka naman maging mabait.

Para sa panahon na kukunin ka na nya, HANDA ka.

M u n i m u n i m o d e.

(o'.'o)




No comments: