inspiring ba to?? oh wala lang.. wala lang talaga ko masulat.. kaya eto muna. bakit tong kwento na to? wala lang... wala lang naisulat ko lang bakit ba pakielam mo.. weee.. medyo kairita yung kwento na to share ko para mairita ka din.. hehehe... errrrr...
____________________ 22 ____________________
nangyari to 2 months ago... gabi ito.. madilim.. watatata nauhaw ako.. oh tapos.. oh yun nga nauhaw ako... so naisipan kong bumili sa isang bakery na to malapit lang samin... so yun nga,, ang mga nagtitinda ay babae't lalake... na kung di ko pa paulit ulit na sabihin ang "pabili", "pabili ate", "pabili pong pop" (oha pop talaga) eh hindi yata ako maririnig kasi mga naghaharutan at chismakan ng chisamakan... grrrrr... oh okay na,, narinig na ko ni ate.. yung isang tindera na malay ko kung ano pangalan,, care ko.. (nyek taray! cnxa na nadala lang ahehe) habang kinkuha nya ung pop ko.. (ayos ayoko banggitin yung pop..haha) eh may lumapit na isang lalake na taong grasa,.. madumi sya.. malamang madumi xa.. kasi kung malinis sya hindi na xa taong grasa diba.. nakakatakot nga eh lapitin pa nmn ako ng holdapper, baliw, taong grasa (noong grade5 nga namura pa ko dahil ayaw ko bgyan yung ale ng gummy bears ko eh! pero ibang storya yun) so tapos ung manong nakatingin sa mga tinapay, tas nagtutu-turo siya sa mga tinapay... ako naman syempre katabi ko nakatingin ako sa kanya habang naghihintay sa pop ko.. (pop talaga) hindi sya makapagsalita pero tinuturo nya yung isang klase ng tinapay dun.. tapos eh kanina pa sya turo ng turo eh may hawak naman syang P5.00 sa kanang kamay nya eh di napatingin ako sa mga tindero't tindera.. hala ang mga lolo't lola nyo naghaharutan lang.. hindi man lang pansinin si manong.. o sabihin na nating nakita na ayaw lang pansinin talaga.. ang kilay ko tumaas lalo na nung narinig ko yung isang tindera sabi sa mga kapwa nya tindero at tindera na "uy,, bibili daw" sabay tawa .. at ang isa pang bruha sabi sa kanya "ikaw na..." magturuan daw ba!??? at nagtatawanan pa sila na akala mo may clown sa harapan nila para maginarte ng ganun... walang gustong pakinggan o pansinin man lang si manong.. kaya nung tamang tama inabot na sakin yung pop ko (uy sa wakas yung pop ko maiinom ko na!) at dahil di ko mapapalampas yung nakita ko at narinig ko... inabot ko dun kay ate yung bayad ko sabay sabing "ate, may bibilin ata si manong oh! ayaw nyo pansinin, tawanan kayo ng tawanan jan.. may pambayad naman sya eh... oh eto bayad ko.. ibawas nyo narin yung tinapay na gusto nya..!" at bumaling ako kay manong sa tinuturo nya"oh eto daw.. bigyan nyo sya ng dalawa." yun... di ko alam kung anu na yung tono ko pagsabi ng mga salitang yon kasi nainis talaga ko.. nainis ako kasi para silang mga walang mata.. na akala mo invisible si manong para di nila makita.. hindi ko alam kung malumanay oh may tonong pagtataray ang lumabas sa bibig ko kasi nagiging maldita dn ako lalo na kung ganun yung sitwasyon.. matakot sila sa mata at kilay ko pag seryoso.. watatata kung di ko pa sinabi yun walang kikilos... ayun sabay galaw sila at kinuha na yung tinapay na para kay manong... nakita ko pa ssi manong na napatingin sakin habang nagsasalita ako.. pagkaabot nung sukli ko sabi ko kay ate "thank you" sabay talikod... pero yung isang tindero humabol pa at sinabing... "ang bait mo ate!"... pagkarinig ko nun lumingon ako ng tingin sa kanya, nakita ko yung lalaking nakangiti sakin pero hindi ako nagsalita... ang tanging nagawa ko ay nagbow ng ulo ko sa knya sabay ngiti.,.. (bow: way ko para mgthanku sa sinabi nya at ngiti para sabihing wala yun wag na ulitin ha!) ngiting mataray nga ata eh... nyek.. (sa mga kaibigan ko at nakakakilala sakin alam na nila yung ngiti ko na kasama mata kong nagtataray)... naiinis ako nung oras na yun kaya ganun yung ngiti ko, pero natuwa din naman ako.. na mabait na pala ko sa ginawa kong yun,,,.. ndi ako santa pero wag ganon... watatata (sabay sipsip sa pop ko!!!ay lamig!) uwi na ko may pop na ko... hehehehe
____________________ 22 ____________________
ayun tapos na.... moral lesson? wala... anu to istorya pangbata... ahahaha malaki ka na! alam mo na yun...!
♥ ---------- ♥
(0'-'0) Lubdub
No comments:
Post a Comment