Monday, July 8, 2019

T A B A

Mataba ako? Oo. Ilang buwan ko na nilalabanan ang lower back pain. Ilang beses ko naranasan yung tipong 'di ka makabangon agad dahil ang sakit ng likod mo, kagaya ngayon. Aw. Kinailangan ko pa may makapitan upang makatayo. Ilan beses na din ba ako nagsabi ng magpapapayat pero wala eh, masarap talaga kumain ng masarap. Mahina ako pagdating sa pagkain na matamis gaya tsokolate, ice cream, chocolate cake at basta madami akong paboritong pagkain. Tumigil din ako sa pagbili ng pantalon dahil nasisikipan ako,  nakakairita sa pakiramdam. Gusto ko yung kumportable lang. Cute naman maging malusog eh ang kaso madalas ang lower back pain ko sanhi ng excess weight. Araw ng Kalayaan ngayon taon, biglang ayoko na. Obese II kasi ako, matagal na. Sa sobrang tagal, naging kampante ako, kahit pa binibiro nila ako dahil sobrang laki ng pata at braso ko, wala naman akong pake tsaka tanggap naman nila ako. Kaso naisip ko, mag-isa nga pala ako. Paano na, kung ultimo pagsarado ng zipper ng uniform ko sa likod eh hirap ako. Hanggang sa sinabi ko sa sarili ko, hindi na pwede to, nagdesisyon na ko, at sana naman sa pagkakataon na to, huli na ang pagbabalewala sa kalusugan ko. Tama na muna ang pagkain ng sobra. Bye na muna milk tea.  Hindi nadin muna kakain ng mga paborito ko. Waaa~ Kanina muntik na ako sumuko. Gusto ko na kumain ng pizza, pasta at nachos, lahat ng nakausap ko nagsabi na "huwag" kasi ilang linggo nadin tong laban ko na to. Nakita nila ang pagtitimpi at hirap ko. Dumating pa nga sa punto na napapamura na ko sabay magtatawanan kami dahil wala ako maorder tuwing tatambay sa SB. Palage nalang mapait at ayoko na uminom ng mapait. Hahaha Feeling ko nga minsan ang arte ko dahil naging pili ang kinakain ko. Di ko na tuloy makain yung cereals at gatas sa ref. Tsk. Sa ngayon, wala akong nakikitang pagbabago sa katawan ko pero hayaan na. Heto nalang muna, magiisang buwan pa lang naman. Wag daw ako mainip, sabi nila. Sana magtuloy tuloy na talaga at huwag ako landiin ng mga paborito ko dahil marupok ako. Nyahahaha Balitaan kita sa susunod kung may pagbabago. Sana hindi pa huli ang lahat, dahil ayoko din naman magkadiabetes. Kaya? Kakayanin. Laban? Oo naman.

(o'. 'o)


Saturday, July 6, 2019

Isa pang hikaw

Isa pang butas muli sa tenga. Sa cartilage sana kaso matagal daw magheal, eh may lakbay ako sa Agosto. Sa wakas, makakalangoy na at masisisid ang ilalim ng dagat. Nawa'y makapasa dahil matagal ko ng gusto masaksihan ang ganda ng ilalim.🐠

Ambilis ng panahon, mag-isa pa rin. Nagpapasalamat sa mga taong pinipili ako maging kaibigan o tinuturing na kapamilya sa araw-araw.

(o'. 'o) 

Tuesday, June 25, 2019

k a l i m b a at h i k a w


Napasaakin ang kalimba nung araw ng birthday ko. Sa kasalukuyan, tatlo pa lang ang alam kong kanta. Magaaaral pa ako ng iba pang kanta. Nakakarelax yung tunog, ang sarap sa tenga. Yay!


E a r P i e r c i n g 2019
Eto lang available na hikaw, papalitan na lang kapag magaling na. Tattoo na next. :)

(o'. 'o)

Monday, June 24, 2019

Ang itim mo!!!

Yan ang madaming beses ko narinig ng makabalik ako. 3 araw nawala. Tas heto tutong, nagbabaga at nasunog na daw ako. Habang nakatingin sa salamin kanina, oo nangitim ako (lalo) tas nagbabalat pa mukha ko.. pero share sa'yo bebeblog ang aking mga napuntahan..

Laoag
Palaui Island
Bangui Windmills
Pagudpud
Paoay Sand Dunes
Vigan
San Juan La Union

Next time ko na kwento no ano ganap ko, dami ko na antok. Uhm.. Basta nagenjoy ako.

(o'. 'o)



Monday, June 3, 2019

T is for what, again?

Babalikan kita at sisiguraduhin ko na may dala na kong jacket. Meron pa kong ganap dyan, shirt at shorts lang ako. Tsaka dress, napabili tuloy ako pamababa. Hahaha Takte, hanglamig! May oras kasi na umuulan. Nasiyahan naman ako sa ganap na ito. Teka, paalala sa susulpot sa bansang ito, ang solid ng 711 nila. Bitin, dapat mga isang linggo. Ipon mode, para lakbay ulet, ganoin. Salamat po pala Papa God dahil nakarating at nakauwi ng safe. Sa susunod po muli, kung inyong mamarapatin. :)








(o'. 'o) 

Sunday, May 19, 2019

b i l o y

Kami ay pinagtagpo. Matapos ang apat na taon, nakita ko ang lalakeng may malalim na biloy sa magkabilang pisngi.

Umattend kasi ako ng binyag. Ninang ako, habang siya naman ay ninong. Ayos lang.

Ang unang mga bungad na tanong ng mga tropa kong babae: "okay ka lang te?" "anong pakiramdam na makita siya muli?"

Me: Hindi ko pa talaga siya tinitignan.

Hindi ko alam ang aking mararamdaman ng makita ko siya o sadyang wala lang akong pakiramdam.

Sinabi na sa akin na darating siya, wala naman ako inaasahan sa aming pagtatagpo. Hindi naman siya ang dahilan ng aking pagsulpot. Hindi ko nga inaasahan na pupunta siya, dahil nung kasal hindi siya nakadalo.

Hindi kami nagusap. Hindi nya ako kinausap. Hindi ko rin siya kinausap. Hinintay ko siya magsalita, ngunit wala. May punto pa nga na nakatayo ako sa harapan nya dahil dun sa pwesto nya ang daan papunta sa aking upuan, ngunit hindi siya nagsalita, hindi nya ako matignan o kinausap man lang.

Aaminin ko ba na hinintay ko na kausapin niya ako? Para mawala ang ilangan. Sa totoo, medyo hindi kumportable sa pakiramdam, lalo pa at tanong ng tanong ang tropa kung okay lang ako, mas nakakadagdag sa pagkailang namin, na sakto lang naman ako dapat eh, chill lang kaya ako, na sana dapat wala ng ilangan pa. Sabi nga dba, ang tagal na nun? ngunit bakit parang nung isang linggo lang nangyari ang lahat base sa galawan ng lahat. Hindi ba pwedeng magusap usap tungkol sa ngayon at kalimutan na ang nakaraan? Wag na lang pagusapan ang nakalipas na para hindi na magkailangan pa. Nagmistula akong hangin sa kanyang harapan at ganun din siya sa akin. Tahimik ako, munti munting usap sa iba pero mas pinili ko manahimik. Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob na kausapin at makipagtawanan sa tropa, kasi ako, gustuhin ko man magsalita at sumali sa kwentuhan, wala akong boses. Walang tinig na lumabas sa aking bibig. Siguro mas pinili ko maging blanko. Mas pinili ko na wag na lang magsalita. Wag na lang. Ganun na lang.

Kanina, sinubukan ko siya tignan, sinadya ko siyang titigan, gusto ko malaman ang pakiramdam. Tinignan ko siya habang siya ay nakatalikod, hanggang siya ay humarap, hanggang sa paghithit niya ng yosi, hanggang sa pagngiti, hanggang sa pagtali ng kanyang buhok, hanggang sa pakikipagkwentuhan niya sa iba at sa aking pagsulyap sa kanya mula ulo hanggang paa, wala ako maramdaman o sinadya ko talaga na walang maramdaman.

At matapos siya pagmasdan, pinagmasdan ko ang paligid ko, ang mga bisita, ang tropa, at sa aking pagoobserba, nagdesisyon ako na umalis. Tumayo sabay paalam sa kanila ng nakangiti hanggang sa paglalakad ko papalayo sa lahat. Natapos ang pagbigkas sa isip ng "Masaya ako para sa inyong lahat." Pasensya, ngunit hindi ko na kakayanin magtagal pa ng isa pang oras kasama silang lahat.

Pahabol: may parte na nagtama ang aming mga mata. Hindi sadya, nagkataon lang na tinatawag siya ng katropang babae at sakto napatingin ako kayat nakatingin ako sa kanya at bumaling ang tingin nya sa akin. Natapos din ng biglang magtawanan ang tropa ng pagkalakas lakas. Kung ano ang kasunod? Ano ang naramdaman ko? Sasarilinin ko na lang. Ay teka, hindi ako sigurado o paniniwalain ko na lang ang sarili ko na walang ganung ganap para tapos na, wala ng tanong, tapos ang usapan.

Nais ko naman talaga magtama ang aming mga mata, magtitigan kami hanggang ang isa samin ang sumuko. Ang hindi maibulalas ng bibig ay maihahayag ng mga mata. Kung mangyayari yun, handa ako, matagal na akong handa, ngunit sa ganap na iyon kanina, siya ay hindi handa. Papaalala ko lang hindi ako kaaway, ngunit bakit sa akin ika'y ilag at hindi ko mawari ang dahilan ng pagiwas na naganap na para bang hindi tayo naging parte ng isat isa sa mahabang panahon. Ang weak nya sa parteng iyon, ngunit ayos lang. Kung anu ano ang naramdaman ko ay akin na lang iyon. Ginoo, sa ating muling pagkikita kung hahadyain ng tadhana. Kung hindi, ay ayos lang. Natutunan ko na minsan may mga bagay na kailangan tanggapin gaya ng salitang ayos lang, kahit hindi naman ayos, masasabi mong ayos lang talaga. Ito ay sa kadahilanang wala naman tayo magagawa eh. Kaya ayos na lang. Wala ka na nagawa at magagawa pa.. at.. AYOS LANG. :)

(o'. 'o)

Friday, April 12, 2019

Anunechiii

Hindi ko alam bakit ako naiiyak talaga eh. Okay, napaluha. Ito ba ay dahil ba sa 3 araw na ko nagtatae?hindi na ko nakapasok kahapon tas halfday ako today, ang lala! o dahil isa na naman sa tropa kong babae ang buntis. Ito ay base sa usapan sa gc. Uhm, 5 kami sa tropa tas ako pinakamatanda. Masaya ako, Oo,  sobrang saya ko para sa kanila. Ayoko magkumpara kaya't kalmado ko lang binasa ang usapan nila, ngunit nakaramdam ako ng lungkot ng binanggit ng isa ko pang kaibigan na kami na lang dalawa ang natitira. Single kami pareho, ay teka, siya ata ay may karelasyon ngunit kumplikado, pero nabasa ko dun na magpapabuntis na lang ata siya. tas ako naman, talagang bokya, at ayos lang. Ayos lang ako, ayos lang dapat yun, ayos lang naman talaga dba? Andun sila usapan pagbubuntis, at sobrang okay lang yun. Ayoko magpadala sa pinaparamdam sakin ng tao sa paligid ko. Nauunawaan ko na masaya sila sa darating na biyaya na ito, at gaya nila, sobrang saya ko para sa kanya at sa kanilang lahat. Iba daw ang saya ng may anak, nakakatuwa isipin na isa isa na silang nagiging nanay. Nirerespeto ko ang desisyon ng bawat isa sa kung ano plano nila sa buhay, hiwalay naman ang nararamdaman kong eto sa kanila. Pero share ko lang bebeblog, kung tatanungin mo ako, sa kung ano ang nais ko para sa sarili ko, una, ayoko ng kumplikadong relasyon, pangalawa, gusto ko sana ng kasal, pangatlo gusto ko na bumuo ng pamilya. Masyado ba mataas ang hinihiling ko? Hindi ako perpekto ngunit eto ang ipinagdadasal ko. Gusto ko sana umiyak ng umiyak eh, kaso nagbago isip at puso ko, huwag na pala. Ipapaubaya ko na sa'yo Panginoon kung ano ang will mo sa akin, ito ay malugod kong tatanggapin. Kung magkakapamilya ba ako o tatandang dalaga, kayo na po ang bahala.

Salamat sa pangunawa at pakikinig este sa pagbabasa ng aking saloobin.

At habang tinatype ko ito, sumasakit na naman ang tiyan ko at kailangan ko na gumamit ng banyo. HAHAHAUHUHU

(o'. 'o)

Thursday, March 28, 2019

Paliwanag. Maliwanag. Liwanag.

Naluha ako habang naglalakad paalis ng bahay. Umuwi ako matapos ang tatlong buwan. Balikan lang ako. Masaya ako para sa lahat. Recognition Day ng pamangkin ko. Tas nung maglalunch na sa labas, sinama ko ang lola at mga pinsan. Ang saya nila tignan. Ang saya ng puso ko. Habang pinapipili ang pamangkin ko ng nais nya na regalo. Habang nakahawak sa akin ang lola at kausap ko siya, naging payapa ang pakiramdam ko. Habang kasama ang kapatid ko at ang pamilya nya, di ko maiwasan ang mapangiti. Ang laki na ng isa ko pang pamangkin. Ako'y nagagalak at hindi siya pasaway na bata. Habang papalubong na si Haring araw, nagbabadya na rin ang aking pagalis. Ako'y nakaramdam ng lungkot. Muli, mag-isang maglalakbay pabalik sa trabahong sa akin ay bumubuhay. May pasok pa bukas, kaya't kumilos ka. Unti unti napawi ang mga ngiti at napalitan ng di mawaring emosyon. Inuulit ko masaya ako para sa lahat. Ngunit, biglang pinaalala sa akin na ako'y mag-isa. Walang matatawag na sariling pamilya. Habang ang mga anak ng iba unti unti ng lumalaki at mga nagsisipagtapos na. Ang lola madagdagan muli ang edad sa taon na ito. Ako mismo'y matanda na. Ang sabi nya bago ako umalis "ingatan nyo sarili nyo." at gaya ng sinabi nya noon naalala ko pa,  "mag-isa ka, kaya't magiingat ka." Ito sa akin ay tumatak.  Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong umaalala at nagpapaalala. Papahiran ang mga luha tas bukas, babangon muli ng may ngiti. Lalaban at hindi papagapi sa kalungkutan o ano pa man.

(o'. 'o) 

Saturday, March 16, 2019

buntong-hininga

Ilang beses na ba ang ganap na ito? Ayoko na bilangin. Pagod na ko, oh sadyang ayoko lang isipin.

Sa tuwing iniiwan ka ng mga taong mahal mo, napapaiisip ka ba kung ikaw ba talaga ay mahalaga? Hangsakit nun. Amp.

Kaya tuldukan na. Pagtanggap na lang.

Pinakawalan ko na ang isang kaibigan, mamahalin ko na lamang siya sa malayuan.

Ang puso ko'y payapa sa ganap na ito.

(o'. 'o)

Tuesday, March 5, 2019

T is for what again?

Huy, gaano kaimpulsive. Waaa~ kanina nagiisip ng insurance tapos biglang bakit biglang nasa harapan ng computer at tumitingin kami ng lakbay. Paano?! Magipon ka gorl, nakakaloka. After netong lakbay na to tsaka ko pagipunan yung sa insurance. Gaano pa katagal bago maipon yun. Late bloomer amp. Kasi ba naman panic mode 'di natin alam kung magextend pa ba ang no v i s a policy ng bansa na ito. Hindi naman ako ready sa may pa visa at walang malaking laman sa bank account ko. Lotlot. Kaya eto naaaa... San lakbay ko? Eh 'di saan pa, sa T a i w a n. Ayaw paawat. M i l k t e a. Nyahahaha. May kaunting buwan na nalalabi upang makaipon ng pocket money.  Excited din ako maghanap capsule hotel kahit 1 day lang dun tas sa ibang araw, kahit san na. Ang tawag dito, gastos kaya good luck. Aja! 

(o'. 'o) 

Sunday, March 3, 2019

T e x - M e x

Share ko lang, sobrang enjoy ako sa t e x m e x na mga pagkain. Paborito ko ngayon ang t a c o b e l l. Bakit ba last year ko lang siya tinangka subukan sa daming beses ko nakita ang pwesto nila noon. Isa na siya sa listahan ng paborito ko. Kapag may kakilala ako na pupunta ng QC magpapabili ako nun. Sobrang gusto ko. Hahaha. S i l a n t r o gusto ko din pero 'di ko bet ang cheese quesadilla nila. Pero karamihan naman sa menu gusto ko. Tas may isang taqueria place na malapit smin na sobrang bet ko cheese quesadilla, nachos at chorizo burger nila. Oops syempre di rin mawawala ang a r m y n a v y sa listahan ko. Ang nauna sa lahat. Sabi ko nga sa'yo once na magustuhan ko ang isang bagay o pagkain o ano, yun na yun hanggang sa huli.

Not a fan of b u r r i t o tho. Di ko bet yung may rice sa loob.. Other than that, gusto ko na ata lahat. Hahaha.

Bakit ko kinekwento lahat to? Kasi nagccrave ako kumain ng tacos now. :) 

(o'. 'o) 

Saturday, March 2, 2019

Ano balak?

Sabi ng isang kaopisina, "Ialis ka na namin dito. Lumipat ka na ng iba. Ano? Sayang naman nagtake ka exam, pasado ka tapos 'di ka magaaply. Minsan, kailangan mo rin umalis sa comfort zone mo."

Hay. Ano ba plano ko sa buhay ko?!

(o'. 'o)

Saturday, February 23, 2019

B O LA at P O T O

Nagpractice kami v o l l e y b a l l kanina. Next week kasi may game kami. Ang sakit katawan ko grabe. Ang binigay pa sakin n position setter. Hirap akong tumakbo. Hahaha. Ewan ko ano nakita nila bakit setter ang ganap ko, pero salamat sa tiwala.
Bukas practice muli. Next week kasi makakalaban namin galing sa ibang lugar. Good luck samin! Hahaha

Ngapala, lakbay mode ako sa buwan ng Marso. Nakakaexcite dahil mapapanood ko ang P h a n t o m of the O p e r a. Sumama yung isang friend ko. Okay lang din naman kung magisa ako. Hindi ko mapapalampas ang musical na ito kahit pa magisa ako. Sanay naman na ako manood magisa. Tsaka gusto ko din tutok ako pag ganitong mga ganap. Madami ako lakbay sa buwan ng Marso eh, manonood din ako ng isa pang stageplay sa katapusan.

Salamat sa talento at provisions, PapaGod. 

(o'. 'o) 

Thursday, February 21, 2019

Nickname

I'm thinking of changing my nickname. I don't know how to start. I've been using it more than a decade. What to do, what to do, what to do?

(o'. 'o)

Monday, February 11, 2019

Sino ang tira luto?




Friday night nagtrip ako magluto, sakto may mga tao sa bahay kaya pinatikim ko sa kanila pesto pasta. Nagustuhan naman nila though hindi yan yung ineexpect kong lasa. Para daw naging carbonara. Creamy p e s t o pasta daw ganoin. Naka dalawa naman sila kaya natuwa naman ako. Medyo nadiscouraged kasi ako magluto pasta kasi nung NYE pa 2019 ayun palpak S p a g h e tt i A g l i o O l i o ko. Gusto ko sana magluto ng magluto kaso mukhang ayaw sakin ng pagluluto. Kaya't natuwa naman ako at nagustuhan nila yung niluto ko kahit nakalimutan ko lagyan salt yung pinakuluan kong pasta. Nadala sa keso tsaka konting asin sa sauce na inilagay ko. Hahaha 

Saturday ininit ko yung konting natirang pesto. Syempre dinagdagan ko na asin. Hahaha.  Naubos naman. 5 kami kumain nung friday ng gabi eh may natira pa konti, yun ang dinner ko. Tas humingi pa housemate ko, kaya ubos na!

Sunday na, mag-isa lang ako sa bahay. Nakakita ako tuyo kaya't nagtrip ako magsinangag. Kasi ang lungkot naman kung kanin lamig kakainin ko. Kaya't tuyo sinangag tas suka oh! Ang sarap. Yan brunch ko. Tapos ang dinner ko naman nakakita ako ng canned caldereta tuna, inisip ko yun tsaka yung sinangag ulet kaso ang lungkot naman nun. Nakakita ko spaghetti sauce at may cheese pa naman naman kaya yan plus yung tuna. Nagluto ako muli pasta. Nakain ko naman.

Sa totoo lang di ako pala luto, lalo pa at walang pasok, katamad gumalaw kaya! Tapos magluluto ka, tas ikaw lang din kakain, parang nalulungkutan ako sa sitwasyon na ganun. Narealized ko na okay lang din pala  kumain ng luto mo habang magisa, naubos ko pa nga eh. Ang saya din pala talaga magluto no? Sa susunod muli.

Pahabol: nahulog kanina yung 200Php ko, takte sayang. Sabi ng kasama ko baka may nangangailangan nun. Nangangailangan din ako. Hay. Baka mas nangangailangan nakapulot. Sana kung sino makapulot makatulong. Aw.

Isa pang pahabol: may nagadd sakin na guy classmate ko dati nung college. Binisita kasi ako ng isang collegefriend nung thursday night tas nagpost friend ko nakatag ako. Malamang dun nya ko nakita. Ang kukulit officemates ko, ikembot ko na daw. Inadd lang eh, potassume amp. Hahaha. Single kasi yung guy. Tsaka naalala ko siya na mabait guy nung college. Sa pagkakatanda ko din straight guy siya. Kachat ko pasumandali ng Friday. Ako una nagmessage kasi naexcite ako sa pagadd nya, pero sila na nagiisip ng reply nung friday kasi di ko na sana rereplyan, nakakahiya eh. Tas di ko na talaga nireplyan ng Sabado. Wala ako masabi eh. Bukas parereplyan nila sakin to malamang. Ang tagal ko na kasi wala katext o kausap mula nung, ah basta mula nun. Hahaha

Oh, good night na.

(o'. 'o) 


Saturday, February 9, 2019

Abatekalangha

Para nga sa inyo, Oo sa inyong LAHAT. 

(o'. 'o)

R e a d i n g B o o k s AGAIN

I prefer paperback but i ended up reading the books l downloaded online.

That's all! Lol!

(o'. 'o) 

Tuesday, February 5, 2019

L u b D u b

Binuksan ko muli ang camera na matagal ng nakabaon. Konting pictures nalang natira. Tas eto ang nasilayan ko.. Tama nga mula sa movie trailer na nakita ko, oo, totoo,  t r a y d o r a n g m g a a l a a l a.

Nalungkot ngunit napalitan rin ng ngiti. :)

Soundtrip: 2 1 4

(o'. 'o)

Monday, February 4, 2019

Ganap Mo?

Waaaaa mukhang hindi ako makakapanood ng K o d a l i n e Concert. Nakakalungkot na nga at hindi ako bumili ticket ng concert ni J a s o n M r a z tapos papalampasin ko pa to. Anuna? Hahaha kaya hindi pwede kasi vip na lang available sa k o d a l i n e eh masyado mahal kasi nagbabalak ako manood ng P h a n t o m o f t h e O p e r a. Ayoko sana palampasin tong musical na ito. Hay.

Ang dami pang nakaline up na movies na gusto ko panoorin. Last January, ang napanood ko na ay M a r y P o p p i n s R e t u r n s at B o r n B e a u t i f u l.  Paano kaya magkakabudget sa lahat ng ito?

Ngapala, may lakbay ako isa sa mga araw ng ber months kaya need ulet magipon. Medyo excited. Pero gusto ko talaga sana makapag T a i w a n this year.

Gastos ba? O talagang dapat w o r k hard p l a y hard ang peg? Hahahahaha.

Sana isang araw sa taon na ito makilala ko na rin ang r i g h t man para sa akin. (Naisingit ko pa talaga to! Nyahahaha)

(o'. 'o)