Wednesday, August 31, 2016

May mga bagay na..

May mga bagay na hindi mo masabi sa iba pero minsan may isang tao na kaya mo sabihib ang lahat lahat ng walang kaabog abog o pagaalinlangan.. 

(o'.'o)

Wednesday, August 17, 2016

At narating ko ang dulo ng nakangiti..

May pinapanood sakin ang isang kaibigan na music video.. Di ko alam kung para sa movie yun oh music video lamang.. Sabi pa nya, wag daw ako maiyak.. At akin siyang pinanood.. Tumagal yun ng anim na minuto.. Sa kabuuan ng istorya, dumating din sa pamamaalam ang relasyon ng dalawang magkasintahan.. Yung bang akala nila walang katapusan ang kung anuman ang mayroon sila ngunit may dulo rin pala.  At nasa dulo na.. Tapos na.. Maganda yung kanta at video ngunit di ako nakaramdam ng kirot. Wala ni isang patak ng luha. Ni walang bahid ng pangungulila o lungkot.. Pinanood ko ito sa isang kaibigan at sa pangalawang pagkatataon napanood ko muli music video na inaasahang magpapaiyak sakin. Ang kaibigan ko ay kagagaling lang sa hiwalayan 1 buwan at kalahati ng nakalipas at habang pinapanood namin yun xa ay umiiyak. Makailang beses xa nagpahid ng kanyang luha. Kinailangan pa nyang pumunta ng banyo iayos muli ang sarili niya.. Mas muntik nq maiyak ng masulyapan ko xa na umiiyak.. Tama.. Nakamove on na nga ako.. Habang pinapanood ko yung music video na yun, hindi ko maiwasan mapangiti.. Siguro dahil nagdaan din ako sa ganun at nakangiti ako dahil tapos na ko dun. Nalampasan ko na.. Kumbaga wala ng kadating dating.. At habang pinapanood ko siya nakangiti ako dahil alam ko matapos ang lahat ng yun magiging mas better person xa. Hindi perpekto ngunit isang matatag na tao na handang lumaban anuman pagsubok ang ibigay sa kanya. At yun ang kinasisiya ko.. Ang may makita kong tao na matapos ang lahat ng sakit ay magiging isang stig' na tao.. Stig'?! Oo. Kasi darating din yung oras na makikita niya ang halaga niya at mas mararamdaman niya ang pagmamahal ng Diyos sa kanya.. Walang kasing saya hindi ba?.. Korni ba? Wala naman ako pakielam sa sasabihin ng ibang tao. Mas may pakielam ako sa sasabihin ng Diyos ko. Para sa aking kaibigan, salamat sa pagrekomenda at napatunayan ko na kahit humantong kami sa dulo, walang pagsisisi dahil nagmahal ako ng totoo. Walang ibang dapat sisihin at move on move on din tayo. Yay!

(o'.'o)

Thursday, August 11, 2016

PPM

Pahinga at pagaling mode. Sickleave last monday, kc sobrang sakit ulo ko.. Samahan pa ng ubo at biglang red alert.. Nung friday nilalagnat na ko ee. Natuloy padin pagbaba ko manila nun.. birthday kc ng katropa ko. Katuwa din kc tinreat kami ng bf nya.. Tas nagustuhan nya yung gift ko. Yay! Sadyang masama lang talaga ang panahon kaya natuluyan na nung lunes. Naulanan kc ko nung thursday kaya nagkaganito.. 1 linggo na na nakalipas at eto may ubo padin. Nyahaha. Gagaling din ako. Weird kc 2 days ako d magfacebook pero nakapagupdate ako sau bebeblog. Haha Pagkatapos nito, matulog na ako.. Weee.. Direcho uwi muna ko palage ng bahay after work, mahirap magkasakit. Ayoko ng ganitong pakiramdam ee. Tsk. Pero GV lang! Haha. Nyt.xD

(o'.'o)

Wednesday, August 10, 2016

Chillax lang

Ang pagibig di yan kusang hinahanap, dumarating yan.. Kaya chill ka lang. :)

(o'.'o)

Friday, August 5, 2016

SILA laban sa IKAW

SILA LABAN SA IKAW

Sabi nila people pleaser daw ako, paano gusto ko kasi lahat magkakabati. Sabi nila mahina raw ako paano hindi ko hilig makipagaway. Sabi nila uto uto ako, paano madali daw ako mapaniwala sa kabaitan ng isang tao. Sabi nila tanga daw ako, paano mabilis ako magpatawad kahit niloko na ako. Sabi nila wala akong alam, paano palage ako walang imik sa kwentuhan. Sabi nila matigas ulo ko, paano hindi ko daw kasi sila sinusunod. Sabi nila wala na kong ginawang tama, paano hindi nila gusto ang mga kinikilos ko. Sabi nila wala akong kwenta, paano hindi ako de susi para kontrolin nila.. Sabi nila kakaiba ako paano iba ako sa kung ano sila.

Sabi nila.. Sabi nila.. Sabi nila..

Mas gugustuhin ko ng masabihan na ako'y.. People pleaser kesa magdulot ng di pagkakabati ng bawat isa. Mahina kesa makipagsigawan at ipagmayabang na ako ang tama. Uto uto kesa isipin na may masamang balak ang aking kapwa. Tanga kesa mgtanim ng galit sa puso ko at makagawa ng masama. Walang alam kesa makisabay at makisawsaw sa siraan ng kung sino sino. Matigas ang ulo kesa sundin ang mga utos na makakapahamak ng ibang tao. Walang ginawang tama kesa pumasa sa basehan nila kung ano ang tama. Walang kwenta kesa ibase ang halaga ko sa sasabihin ng iba. Kakaiba kesa maging kaisa ng paguugali na mayroon sila.

Di ako perpekto pero mas gugustuhin ko ng maging ganito lang kesa maging sila..

Sino sino sila?..
Ilibot mo ang iyong mga mata..
Ikaw ba o sila ang mahalaga???

//Please God not People.

(o','o)

Wednesday, August 3, 2016

Chillax

Never expect. Never assume. Never ask. Never demand. Just let it be. If it's meant be, it will happen.

Maturity.

(o'.'o)

Monday, July 25, 2016

July2016 Soundtrip

July Playlist

1. Roses - The Chainsmokers
2. Don't Let Me Down - The Chainsmokers
3. Easy - Clara Benin
4. Close - Nick Jonas
5. Perfect Strangers - Jonas Blue ft JP Cooper
6. Up and up - Coldplay
7. Over and over again - Nathan Sykes
8. Latch - Disclosure
9. Send my love - Adele
10. Too Good - Drake and Rihanna

(o'.'o)

Tuesday, July 19, 2016

Revive

It'll be a late post.  You know who you are. I just wanna greet you a HBD. I still consider you not a friend, but someone I needed to greet coz' you just had your birthday.. I have to be a good person and I believe that we all need to treat others with respect and with right manners. I just hope you had a good one that day! I wanna tell you that I already forgive you. I dunno if you care, well, I also don't care. Lol! Jk! Kidding aside, I just want you to be informed just in case you need it. After not showing up for more than a year is enough.. All those tears and the feeling of being dumped. The feeling of being rejected and was left behind. Overthinking of what was actually had happened. At one point I thought I already died. I've been so silent about this thingy until I found myself drowning.. I had to experience all these pain and fight with my own thoughts. I had to wake up early in the morning, go to work and be professional as I could. And.. It's time! I already accepted that's my only purpose in your life and vice versa. I'm still proud of myself. For not giving up. For everything that had happened.. For ourselves. For our love we had before. For choosing you. No regrets. Finally, I can proudly say that I already moved on and I am striving to be a better person every single day. Going on to the next chapter of my life after a decade. I have nothing to be ashamed of. I'm doing just fine at long last.

I survived. Isn't it great? 'Stig noh!

For a better US.

Much respect.

Hughug. Labblabb!

YTCMK.

For all of these, I thank you Lord.

(o'.'o)

Sunday, July 3, 2016

Mareeeee..

That moment when you see your college bestfriend walks down the aisle. :')

06.25.16

(o'.'o)

Sunday, June 19, 2016

SLMT

Maligayang kaarawan sa akin. Lubos ang aking pasasalamat sa'yo  Hashem!

(o'.'o)

Sunday, June 12, 2016

Pwede ba yun? Oo. Hindi. Pwede.

Pwede ba kayong maging friends ng ex mo? I think no. Hahahaha. Pero pwede.. casual lang. Hindi kayo enemy, hindi din kau superfriends.. Hindi kayo para magkita at di para magtxt? Haha. Share ko lang bebeblog. May isang meme na pinost yung kapatid ng ex ko, natawa ko bigla.. Kc about moving on kyeme.. Na para daw makamove on, hindi ang pagbloblock o paguunfriend ang solusyon kundi hanapin mo ang nakasakit sa'yo at sapakin mo.. Kaya napacomment naman ako na "talaga ba, sinabi mo yan aa.. Etc". Tas nung nagcomment ng Hahaha yung kapatid nya, napareply naman ako ng.. Eeasyhan ko lang at *peace sign* ngusho! Hmmmm... Paano ko nagawa yun? Anyare?.. Wala na bang galit sa puso ko? Nakamove on na ba talaga ako? Huh?! Last week, nasabi ko sa kafatid ko na ready na ko ulet.. Dating, relationship, etc.. Ready nq. Isang taon din ang nakalipas bago ko nasabi yun aa. Isa ba to sa nagpapatunay na ready na nga ako..? Naisip ko wala naman malisya kung nakapagcomment ako ng ganun, matagal naging kami.. At kung katumbas ng pagkakaibigan sobrang lalim na ng pinagsamahan namin. Natatawa nga ako ng tinatype ko yung comments ko ee. Iniisip ko hitsura namin kung magkaharap man kami. Hahaha Sa tagal namin magkasama, mas marami naman ang masasaya. Mapahanggang ngayon, wala naman din ako masabi sa ibang tao kundi magandang salita patungkol sa kanya. Maliban nga lang sa nasaktan nya ako, yun lang yun at wala ng iba pa. Tsaka kilala nya ako at kilala ko din xa.. Noon. Ganun pa man, sabi ko nga sa lahat ng to, dito tayo tumatatag at mas lumalaban sa buhay. Hindi pa naman pala ito ang katapusan ng mundo. Bagamat ang paghihiwalay namin at ang hindi pagharap sa akin ay isa sa mga bagay na nakapagpalungkot sakin, habang wala xa, nalaman ko na mas madaming pa palang bagay na dapat ikangiti at bigyang pansin. Kasama na ang mga taong nageeffort magstay na kasama ako. Masasabi ko, nagmature ako at sana ganun din xa. Para sa ikakabubuti naming dalawa. Kotong ka ngusho! Hahaha.

(o'.'o)

Wednesday, June 1, 2016

Friday, May 27, 2016

UnclE

Nakauwi na din sa wakas. After almost a month nakit ko muli ang La Familia ko.. Ang bumungad sakin pagdating ay ang kuya ko at nakatanggap ako ng yakap. Medyo keso siya sa parteng yun. Hahaha Hmm.. Ngayon naman, kausap ko ang tito ko , pagbukas ko ref may nakita ko 1 buong pizza,  yun daw kasi dinner nila. Halala d nagkanin himala. Hahaha Naghahanap siya ng mga mga discounts sa metrodeal. Nakakatuwa kc kaharap ang ipad nya, siya mismo ang naghahanap ng mga lugar o restaurants na kung saan makakamura. At ng biglang napatitig ako sa kanya, habang nagbbrowse kasi xa, nagkwekwento din xa at bakas sa tono nya ang excitement. Bigla naman ako parang naluluha, kasi ngayon naeenjoy na ng tito ko ang mga ganitong bagay, siguro dahil dalaga at binata na ang mga anak nila kaya't wala na maxadong inaalala yung isa nalang. Sobrang proud ako sa kanya. Naalala ko kung gaano ka protective tong tito ko sa mga anak nya. At ngayon, mas naiintindihan ko na.. Deserve nya magenjoy sa mga bagay bagay. Niyayaya nya din ako sa mga plano nya. Hangkulet! Ngayon mas light na. At nakikita ko ang kasiyahan sa kanya. Para ngang gusto ko xa ihug para mas maramdaman nya na mahal ko xa at masaya ko para sa kanya kaso medyo makeso naman yun baka magulat naman xa. Gusto ko magpasalamat Uncle E. Habang inaayos mo ang salamin mo, naalala ko ang nakaraan kung paano mo ako alagaan. Hindi man lageng maganda ang samahan natin noon, alam ko na lage mo naman ako pinagtatanggol sa ibang tao, at nirespeto ang desisyon ko sa pagpili ng taong mahal ko . Ipinagpapasalamat ko lahat at yun ang nakapagpapatatag sa relasyon natin ngayon.. Di mo man aminin, Oo alam ko, ako ang paborito mong pamangkin. Salamat sa lahat Uncle E.. Sa pagaaruga, pagmamahal at pagtanggap sa akin. God bless you and your family!

(o'.'o)

Sunday, May 15, 2016

TRMWC

I will just wait... And Trust God.

(o'.'o)

Buntisss

Hindi ako. Ang isang matalik ba kaibigan ay ikakasal ngayong June. Ibinalita rin nya na buntis siya. Nang malaman ko, naluha naman ako ng very very light. Ang saya ko! Masaya ko para sa kanila. Matapos ang ilang taon na relasyon ay napagdesisyunan na nilang lumagay sa tahimik. Sabi ko nga sa kanya baka pag makita nya ko sa kasal nya maiyak siya. Haha. Congrats mare at pare! Godbless sa inyo. Salamat sa pagkakaibigan.

(o'.'o)

Friday, May 13, 2016

Nang biglang di ako nagsalita..

Kafatid: Heke bakit d ka nagsasalita?
H: ...
K: Nagtoothbrush ka ba? Ndi k ata nagtoothbrush.
H: ...
DK: Are you okay?
H: ...
DK: You're not yourself today..?
H: Kc po pag badvibes po ako pinipigilan ko po magsalita.. Kasi baka ano pa masabi kong pwedeng makasakit..
DK: Tama.

Understanding naman nila ever! Thankyou.

(o'.'o)

Thursday, May 12, 2016

Naisip ko..

Baka pwede naman na talagang hindi lang talaga. Right guy pero wrong timing? Pwede ba yun? Baka nga.. Oh well.. Tiwala lang kay PapaGod sa lahat ng toh. Kaya kalma lang ang peg ko. Easyhan lang ang ganitong bagay. Hahahaha. Darating din xa. At kung cnu man xa, Hello sa'yo! :D

(o'.'o)

Thursday, May 5, 2016

Naipon na kwento

Hello! Ngayon nalang ulet kita nakausap bebeblog. Actually nung isang linggo ko pa sana balak magsulat sana ee. Kamusta ka? Hmm.. Ako kasi maayos naman. Madami ko baon para sayo. Haha. Bago natapos ang buwan ng Abril, nagboracay kami. First time ko nakapunta dun.. Ang saya! Ang dami ko din nagawa dun. Isa sa nagenjoy ako sobra ay yung parasailing. Tapos, nakapanood din ako wedding, after 12 years ng relationship nila, nagpakasal na sila. Sabog luha ko dun. Haha. Ganun pa man, nasurvive ko naman ang buong gabi ng hindi naglalaslas. Char! Haha Napalitan din naman ng saya ang puso ko kc thankful na nakasama ko sa boracay trip at naenjoy ko ang mga bagaybagay. Simple lang naman ako, kaya masaya nq ng makakain ng chori burger at jonah's mango shake. Nakapagsuot din pala ako ng dress dun. Babae. Yikes!

Sumunod, nanalo ang LS Lady Spikers at alam mo kung gaano ako kasaya. Oo ikaw na nga. Hahahaha. Alam ko alam mo na ako ang isa pinakamasaya sa pagkapanalo nila. Mangiyak ngiyak ako ng malaman ko na champion sila. Di ako nakapanood live o sa tv dahil nagfamily swimming. Hangsaya lang! 

Magkakapamangkin akong muli. Hahaha Ano kaya magiging name ng nxt pamkin ko? Umaasa ako na magkakababy din ako. Gusto na ng nga kamaganak ko ee. Gusto ko nadin ba? Sinong aayaw? Paano? pagdating cguro ng lalaki na para sakin. Hindi naman ako naghahanap ee. Bahala na si PapaGod dun. Haha. Pero dq padin kc pinagdadasal. Hindi pa din cguro ko handa? Haaay.. Ewan.

Last weekend, sinabihan ako ng college bestfriend ko ikakasal na xa. Sobrang saya ko para sa kanya. Mahal na mahal nya bf nya. Masaya ako na matapang sila para ipaglaban ang pagmamahalan nila. Alam ko madami din sila pinagdaanan kaya sulit ang paghihintay nila sa tamang panahon. Magleleave ako next month para umattend ng kasal nila.

Uhm.. Kakabday lang ni cuzinfriend jentot.. Namimiss ko na xa. Sobrang dq alam kung ganito rin ba buhay ko kung buhay pa xa. Ganun pa man, pagtanggap lang at naniniwala naman ako na may rason ang lahat ng ito. Iniisip ko padin na mapalad padin ako. Kaya nagpapasalamat ako sa mga pagpapapala na tinatanggap ko mula sa Kanya.

Kung sasabihin mong puro hugot padin mga posts ko, pagbigyan mo na. Di kasi talaga madali ee. Di ko lang maisip na sa ganitong edad ko.. Blah blah blah.. na nagawa nyang... Blah blah blah.. Ginagawa ko naman lahat para di na maisip.. Pero may mga oras talaga na biglang pumapasok sa alaala ko lahat at san ka pa, lumipas na isang taon may luha padin na pumapatak sa mga mata ko. Patuloy padin naman ako nagdadasal na bigyan ako ng lakas ni PapaGod para makapagisip ng maayos, bigyan ng lakas para harapin ang lahat ng sakit, wag mamuo ang galit sa puso ko at patuloy na magtiwala lamang sa Kanya.

Still no bf. Walang suitor. Walang constant na katext. Walang palageng kachat.
Walang kafling o kafb (not my thing tho), ah wala wala wala.

Napanuod ko na din pala yung CvlWr tas kanina pinanood namin JstD3ofUS.

Uhm... Malapit na din pala ko magbirthday.

(o'.'o)


Monday, April 11, 2016

Waddup?

I'm giving you a little update. Lol!

Today, I'm waiting for the LS & ADMU round 2 volleyball match. So sad I wasn't able to get tickets online and watch the game live. Sadness turned to happiness when I was told that a friend is coming over to visit us. So.. I'm gonna watch it with my best bully boy friend. I'm still waiting for them tho. He's with his girlfriend. Good thing that everything is cool between me and my guy friends girlfriends. Hahaha.

Hmm..
I'm still the same girl who loves chocolates and icecream. Everything goes smoothly at work. I got promoted so a little increase from my salary is a great news. Will you help me save? Haha. I learned that I could not please everybody so I just need to do my thing. I don't need to please them, but I have God to please. I learned now the value of giving and sharing without expecting in return. Everyday of my life I would always remind myself to 'stay humble and kind.' plus SMILE.. Sometimes, I feel that I'm getting so clingy coz' If I could hug everyone to make them feel they are loved, I would. No malice please. I have no time for new relationship tho. I'm busy loving all the people around me. But just in case he'd come, he must be a one tough man. A courageous man who has the nerve to deal with me, fight for me, choose me and love me. Then, I will be flattered. :) Little that I know, that there are so many things that has changed. Maybe not so much physically but what's important is the change inside of me.. and I like it!

Life is so short.. I better make it worthwhile.

(o'.'o)


Sunday, April 10, 2016

Movie night

"It's sad when people who oughta be together ain't together "

I was able to watch 3 movies  last night. I ate my last stock of cadbury hazelnut. Aw!

1. Stuck In Love
2. Perfect Wedding
3. All of my heart

I'm starting to like Hallmark movies. So simple and sweet. Gonna do this again next week. Yay!

(o'.'o)