Friday, May 27, 2016

UnclE

Nakauwi na din sa wakas. After almost a month nakit ko muli ang La Familia ko.. Ang bumungad sakin pagdating ay ang kuya ko at nakatanggap ako ng yakap. Medyo keso siya sa parteng yun. Hahaha Hmm.. Ngayon naman, kausap ko ang tito ko , pagbukas ko ref may nakita ko 1 buong pizza,  yun daw kasi dinner nila. Halala d nagkanin himala. Hahaha Naghahanap siya ng mga mga discounts sa metrodeal. Nakakatuwa kc kaharap ang ipad nya, siya mismo ang naghahanap ng mga lugar o restaurants na kung saan makakamura. At ng biglang napatitig ako sa kanya, habang nagbbrowse kasi xa, nagkwekwento din xa at bakas sa tono nya ang excitement. Bigla naman ako parang naluluha, kasi ngayon naeenjoy na ng tito ko ang mga ganitong bagay, siguro dahil dalaga at binata na ang mga anak nila kaya't wala na maxadong inaalala yung isa nalang. Sobrang proud ako sa kanya. Naalala ko kung gaano ka protective tong tito ko sa mga anak nya. At ngayon, mas naiintindihan ko na.. Deserve nya magenjoy sa mga bagay bagay. Niyayaya nya din ako sa mga plano nya. Hangkulet! Ngayon mas light na. At nakikita ko ang kasiyahan sa kanya. Para ngang gusto ko xa ihug para mas maramdaman nya na mahal ko xa at masaya ko para sa kanya kaso medyo makeso naman yun baka magulat naman xa. Gusto ko magpasalamat Uncle E. Habang inaayos mo ang salamin mo, naalala ko ang nakaraan kung paano mo ako alagaan. Hindi man lageng maganda ang samahan natin noon, alam ko na lage mo naman ako pinagtatanggol sa ibang tao, at nirespeto ang desisyon ko sa pagpili ng taong mahal ko . Ipinagpapasalamat ko lahat at yun ang nakapagpapatatag sa relasyon natin ngayon.. Di mo man aminin, Oo alam ko, ako ang paborito mong pamangkin. Salamat sa lahat Uncle E.. Sa pagaaruga, pagmamahal at pagtanggap sa akin. God bless you and your family!

(o'.'o)

Sunday, May 15, 2016

TRMWC

I will just wait... And Trust God.

(o'.'o)

Buntisss

Hindi ako. Ang isang matalik ba kaibigan ay ikakasal ngayong June. Ibinalita rin nya na buntis siya. Nang malaman ko, naluha naman ako ng very very light. Ang saya ko! Masaya ko para sa kanila. Matapos ang ilang taon na relasyon ay napagdesisyunan na nilang lumagay sa tahimik. Sabi ko nga sa kanya baka pag makita nya ko sa kasal nya maiyak siya. Haha. Congrats mare at pare! Godbless sa inyo. Salamat sa pagkakaibigan.

(o'.'o)

Friday, May 13, 2016

Nang biglang di ako nagsalita..

Kafatid: Heke bakit d ka nagsasalita?
H: ...
K: Nagtoothbrush ka ba? Ndi k ata nagtoothbrush.
H: ...
DK: Are you okay?
H: ...
DK: You're not yourself today..?
H: Kc po pag badvibes po ako pinipigilan ko po magsalita.. Kasi baka ano pa masabi kong pwedeng makasakit..
DK: Tama.

Understanding naman nila ever! Thankyou.

(o'.'o)

Thursday, May 12, 2016

Naisip ko..

Baka pwede naman na talagang hindi lang talaga. Right guy pero wrong timing? Pwede ba yun? Baka nga.. Oh well.. Tiwala lang kay PapaGod sa lahat ng toh. Kaya kalma lang ang peg ko. Easyhan lang ang ganitong bagay. Hahahaha. Darating din xa. At kung cnu man xa, Hello sa'yo! :D

(o'.'o)

Thursday, May 5, 2016

Naipon na kwento

Hello! Ngayon nalang ulet kita nakausap bebeblog. Actually nung isang linggo ko pa sana balak magsulat sana ee. Kamusta ka? Hmm.. Ako kasi maayos naman. Madami ko baon para sayo. Haha. Bago natapos ang buwan ng Abril, nagboracay kami. First time ko nakapunta dun.. Ang saya! Ang dami ko din nagawa dun. Isa sa nagenjoy ako sobra ay yung parasailing. Tapos, nakapanood din ako wedding, after 12 years ng relationship nila, nagpakasal na sila. Sabog luha ko dun. Haha. Ganun pa man, nasurvive ko naman ang buong gabi ng hindi naglalaslas. Char! Haha Napalitan din naman ng saya ang puso ko kc thankful na nakasama ko sa boracay trip at naenjoy ko ang mga bagaybagay. Simple lang naman ako, kaya masaya nq ng makakain ng chori burger at jonah's mango shake. Nakapagsuot din pala ako ng dress dun. Babae. Yikes!

Sumunod, nanalo ang LS Lady Spikers at alam mo kung gaano ako kasaya. Oo ikaw na nga. Hahahaha. Alam ko alam mo na ako ang isa pinakamasaya sa pagkapanalo nila. Mangiyak ngiyak ako ng malaman ko na champion sila. Di ako nakapanood live o sa tv dahil nagfamily swimming. Hangsaya lang! 

Magkakapamangkin akong muli. Hahaha Ano kaya magiging name ng nxt pamkin ko? Umaasa ako na magkakababy din ako. Gusto na ng nga kamaganak ko ee. Gusto ko nadin ba? Sinong aayaw? Paano? pagdating cguro ng lalaki na para sakin. Hindi naman ako naghahanap ee. Bahala na si PapaGod dun. Haha. Pero dq padin kc pinagdadasal. Hindi pa din cguro ko handa? Haaay.. Ewan.

Last weekend, sinabihan ako ng college bestfriend ko ikakasal na xa. Sobrang saya ko para sa kanya. Mahal na mahal nya bf nya. Masaya ako na matapang sila para ipaglaban ang pagmamahalan nila. Alam ko madami din sila pinagdaanan kaya sulit ang paghihintay nila sa tamang panahon. Magleleave ako next month para umattend ng kasal nila.

Uhm.. Kakabday lang ni cuzinfriend jentot.. Namimiss ko na xa. Sobrang dq alam kung ganito rin ba buhay ko kung buhay pa xa. Ganun pa man, pagtanggap lang at naniniwala naman ako na may rason ang lahat ng ito. Iniisip ko padin na mapalad padin ako. Kaya nagpapasalamat ako sa mga pagpapapala na tinatanggap ko mula sa Kanya.

Kung sasabihin mong puro hugot padin mga posts ko, pagbigyan mo na. Di kasi talaga madali ee. Di ko lang maisip na sa ganitong edad ko.. Blah blah blah.. na nagawa nyang... Blah blah blah.. Ginagawa ko naman lahat para di na maisip.. Pero may mga oras talaga na biglang pumapasok sa alaala ko lahat at san ka pa, lumipas na isang taon may luha padin na pumapatak sa mga mata ko. Patuloy padin naman ako nagdadasal na bigyan ako ng lakas ni PapaGod para makapagisip ng maayos, bigyan ng lakas para harapin ang lahat ng sakit, wag mamuo ang galit sa puso ko at patuloy na magtiwala lamang sa Kanya.

Still no bf. Walang suitor. Walang constant na katext. Walang palageng kachat.
Walang kafling o kafb (not my thing tho), ah wala wala wala.

Napanuod ko na din pala yung CvlWr tas kanina pinanood namin JstD3ofUS.

Uhm... Malapit na din pala ko magbirthday.

(o'.'o)


Monday, April 11, 2016

Waddup?

I'm giving you a little update. Lol!

Today, I'm waiting for the LS & ADMU round 2 volleyball match. So sad I wasn't able to get tickets online and watch the game live. Sadness turned to happiness when I was told that a friend is coming over to visit us. So.. I'm gonna watch it with my best bully boy friend. I'm still waiting for them tho. He's with his girlfriend. Good thing that everything is cool between me and my guy friends girlfriends. Hahaha.

Hmm..
I'm still the same girl who loves chocolates and icecream. Everything goes smoothly at work. I got promoted so a little increase from my salary is a great news. Will you help me save? Haha. I learned that I could not please everybody so I just need to do my thing. I don't need to please them, but I have God to please. I learned now the value of giving and sharing without expecting in return. Everyday of my life I would always remind myself to 'stay humble and kind.' plus SMILE.. Sometimes, I feel that I'm getting so clingy coz' If I could hug everyone to make them feel they are loved, I would. No malice please. I have no time for new relationship tho. I'm busy loving all the people around me. But just in case he'd come, he must be a one tough man. A courageous man who has the nerve to deal with me, fight for me, choose me and love me. Then, I will be flattered. :) Little that I know, that there are so many things that has changed. Maybe not so much physically but what's important is the change inside of me.. and I like it!

Life is so short.. I better make it worthwhile.

(o'.'o)


Sunday, April 10, 2016

Movie night

"It's sad when people who oughta be together ain't together "

I was able to watch 3 movies  last night. I ate my last stock of cadbury hazelnut. Aw!

1. Stuck In Love
2. Perfect Wedding
3. All of my heart

I'm starting to like Hallmark movies. So simple and sweet. Gonna do this again next week. Yay!

(o'.'o)

Tuesday, April 5, 2016

Soundtrip April 2016

April 2016 Playlist

1. Made for you - Alxndr Cardinale
2. Live High - Jason Mraz
3. Details in the fabric - Jason Mraz
4. Well done - Moriah Peters
5. What love really means - JJ Heller
6. Head to the Heart - Elenowen
7. Losing the lonely - Elenowen
8.  Say it anyway - Rosi Golan
9.  So cold - Ben Cocks
10. Some Devil - Dave Matthews

// Listen to my heart. <3 p="">
(o'.'o)

Friday, April 1, 2016

Just be there.

Go for a walk. Listen to a friend. Help another friend. Laugh with Friends. #SimpleBubblyHeke #StayGenuine Be a blessing to others. Appreciate more. Trust Him. Thank You Hashem.

(o'.'o)

Thursday, March 24, 2016

MAN

Do you know, I can’t remember the last time we kissed? ‘Cause you never think the last time’s going to be the last time - you think there will be more. You think you have forever, but you don’t.  --Grey's Anatomy.

Walang Forever.
Be man enough to fight for your love.. Now!

(o'.'o)

Wednesday, March 23, 2016

Kung tatanungin mo ko..

Ano?! Naisipan ko magsulat dahil nawawala na naman antok ko. Gumala na naman xa ee. Hahaha Hmm.. Isang buwan nalang oh! Takte! May paganniversary ka pa talaga ha. Weee. Pero.. Kalma! Sakto lang ako. Maxado ng madaming luha lumabas sakin at sa tingin ko malinis na mata ko. Haha. Ayoko na magisip. Pagod na pagod na q isipin kung bakit naging ganito ang nangyari sa buhay ko. Pero pagtanggap lang yan dba nga. Biglaan pa more! Haha. Pero mananatili akong tahimik at gawing isang magandang experience ang lahat ng ito para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa. Char! Hahaha Di ko na nga inaalala pero cguro kc beintedos ee. Yun lamang. Ang masasabi ko lang, Lovelovelove. Haha. Madami naman ako natutunan. Sasabihin ko ulet, hindi madali pero kumpara sa unang buwan, malaki na ang pagbabago. At masasabi kong matapang pala talaga aq. Para pagdaanan ang lahat ng to sa bawat araw ng buhay ko at manatiling palaban. Ang pwede ko lang gawin ay manatiling masaya. Magdulot ng kasiyahan sa iba. Wag mananakit ng kapwa. Maniwala at manalig lang sa Kanya. #HowGreatIsOurGod 

Tooblessedtobestressed. Be happy for others.

At kung tatanungin mo ko: Yes. Single ako.

Goodnight! 

(o'.'o)

Thursday, March 17, 2016

Don't make me hate you

I'm getting tired.. Giving chances and chances and chances.. Bullshit, isn't it? This is reality, I have to deal with it. But, I still prefer silence. I have to control my emotions. I need to control myself. I don't please people, I just have no time hating them. Like what I always say, I will not live that long.. So, I'd rather choose to love.. Lovelovelove.

Peace be with you.

(o'.'o)

Monday, March 7, 2016

Sunday, February 28, 2016

ABMM

Napanood ko nung Feb 25 yung Always Be My Maybe.. Di ko gusto si Gerald Anderson pero gusto ko si Arci Munoz kaya't pinanood ko na din. Kasama ang tropang baher naglastfullshow kami. Rate: 4/5. Bagay silang dalawa. Kinilig naman ako. Hahaha. Hangkyut nung storya. Laughtrip lang! Light lang. Romcom na pafall. Ganda nila tignan na magkasama. Tsaka gusto ko yung mga kanta. Ang gaganda. OST havey! Next movie please. Sa hindi pa nakakanood, Nood na! ;)

(o'.'o)

Tuesday, February 23, 2016

First out sa kalye.


Mini heart attack for bravo charlie and delta kilo. lol!
Hanggang kanto lang tho. Watata!

Wattanice! Ride! Salamat. # DrivePaMore

(o'.'o)

Sunday, February 21, 2016

Grabe xa oh!

Di ko lubos maisip na pati ba naman ako?..  Nakakalungkot. Hmmm.. Masyado ka, ngunit masyado din maigsi ang buhay ko upang hindi ka mahalin.. No matter what you say, I still choose to love you. #LoveAnyway Ipagdadasal kita. Ikaw na nga yun.. Godbless you.

(o'.'o)

Monday, February 15, 2016

Kaya?! Uhm.. Kaya!

Pagbalik nila..

Akala ko maglalakad lang. Sabi sakin, "drive mo na pabalik" Huh?! Okay idrive pabalik sa garahe. May 3 kotse na nakapark sa side.. Sabi ko, "Ay wag na po kaya? May anjan sasakyan ni Sir ** .." Sabi nya, "Ooopp! Sorry nalang. Problema na nya yun. Hahaha"  Sabi ko, "Eh baka di ko kaya baka mabunggo ko! Haha" Sabi niya, "Pano ka magddrive kung wala kana agad confidence.." Hmmm.. Okay..  Sabi ko sa sarili ko, "Aja Heke!" Iadjust ang upuan, tas this time.. Wear seatbelt! Haha. Nakaligtas sa unang sasakyan, sa pangalawa, tas sa pangatlo .. Left turn na.. Oopps ooopss 1 hand.. Okay okay.. Magpapark na! Hmm hinto.. "Baba na po ko, baka dq mapark ee." Sabi nya, "Kaya yan! Ganun lang ulet." Ok hinga Heke wag ka bumunggo sa pader.. At Yay! Napark ko ng maayos. Sakto! Pantay. Alright. Pero syempre more pratice pa!!! Yipeee..

Salamat po sa'yo. You're like my Dadiyow, lakas sumuporta! Kamiss!

(o'.'o)

Yeah, RIGHHHTTTT!

Pagkasakay... pagkaupo namin.

Biglang sinabi sakin, "Dapat ikaw na nagdadrive ee."
Hex: Ha?! Cge! *Elk!, sabay lunok* Eh pwede po iikot nyo muna? Para direcho na?"
Sabi nya, "Hindi na. 2 turns din yan oh."
Hex: "Eh yung bakal po? Baka matamaan ko."
Sabi nya, "Hindi yan." Sabay lipat xa agad.

Palit pwesto. Seatbelt? Ndi ako tinuruan magseatbelt. No need na ba? Para siguro ayusin ko pagdadrive kundi tegi kami. Hahaha! Pero basta sa lahat ng nagdadrive o nasa loob ng sasakyan, wear your seatbelts. Ayt?!

Adjust upuan. Sa loob loob ko, "Aja Heke!"

Okay 1 hand daw. Okay okay move.

Nagdrive ako mula garahe hanggang sa lobby. Nagulat mga guards at mga staff na nakakita, ako nasa driver's seat. Dalawang right turn din yun! Yey!

Feeling 'Awesome!' Okay lang na driver. Gusto ko naman talaga magdrive ee.

Simple Things are Big Things.

Salamat po.

(o'.'o)

Masakit sa Ulo.

Ang sakit ng ulo ko! Mas masakit xa ngaun. Ilang araw na din to ee. Dahil sa sipon? Ok xa, maya maya masakit na naman.. Para kong hilo na ewan.. Ugh.

(o'.'o)