Thursday, December 19, 2024

A m b i l i s

Ganun na yun? Patapos na ang taon.. Ang bilis ng pangyayari.. Saan kayo sa NYE? Antok na ako. Bukas na lang. (o'.'o)

Saturday, December 7, 2024

K y o t !!!

Ang cute nung mga usong P o p m a r t plushies .. Nakakatuwa manood ng mga unboxing ng mga ganun. Ang pinakanagustuhan ko sa kanila yung C r y b a b y.. Daming cute! Cute pero hindi ako interesado bumili kasi para sa akin ang mahal. Ganun pa man, masaya ako para sa mga tao na merong collection na ganun at kung masaya sila, Go! :) Kagabi nakatanggap ako ng regalo mula sa kapatid ko.. isang D I M O O.. Waaaa! Sobrang ganda. Ganun pala feeling magunboxing.. Nakakaexcite at ang sarap sa pakiramdam. Pagkatapos ko magopen ng isa parang gusto ko bumili ng iba pang kulay, kaso huwag na pala.. Hahahaha kaya nanood na lang ulet ako mga videos ni D i m o o. Salamat sa regalo! Magpapasko na pala.. Ayoko bumili mga gamit o sapatos ngayon at may nagagamit pa naman ako. Pero tuwing nakikita ko yung o n i t s u k a ang ganda.. Maganda kaya gamitin sa paa ang onitsuka tiger? Pagiipunan ko na lang kung maganda at sulit bilhin pero hindi naman nagmamadali. May 3 akong bagong libro. Yung isa daily devotion siya para sa 2 0 2 5. Ang binabasa ko ngayon ay ang TCTBD. (o'.'o)

Friday, November 29, 2024

H L A

Share ko lang bebeblog.. Nanood kami ng H L A nung 1st week showing S a t u r d a y. Nagmovie date kami ng husband ko. Maganda yung movie. Hindi ako inantok. Kinikilig ako sa kanila. Hehehe Ayoko lang yung sa c h e a t i n g part pero siguro yun talaga reality ng buhay eh. Buti nahanap na niya yung taong matatawag niya na H O M E. Sulit pala manood sa director's club.;) (o'.'o)

Thursday, September 26, 2024

G r a s y a

Salamat sa g r a s y a mo, Lord. Gusto ko ipagpasalamat rin ang buhay ko. Ngayon alam ko na.. na ang nararanasan ko na mga magagandang pangyayari sa buhay ko ay dahil sa'yo.. dahil sa'yo lang at wala ng iba pa. Kahit minsan naiisip ko hindi ko deserve ang mga bagaybagay ay naryan ka pa din upang iparamdam na yun ay para sa akin at galing sa'yo. Kung hindi rin naman sa'yo ay wala na ako rito. Kung anuman ang pagdaraanan ko pa sa buhay, sa'yo lang ako lubos na magtitiwala. Patuloy mo lang hawakan ang aking mga kamay. (o'.'o)

Sunday, September 8, 2024

Sana isang araw..

Sana isang araw.. m a k a l a k b a y m u l i. Nakakamisss na mag-travel.. lumangoy at magpakalayo layo kung saan payapa. isang araw.. isang araw matutupad din yun. kailan kaya yun? HAHAHA mag-iipon muna. ganoin. kamusta bebeblog? tagal na pala ng huling sulat ko dito. wala ako masabi kundi mahalin ang buhay sapagkat maigsi lang ito. (o'.'o)

Tuesday, July 2, 2024

p a n g a m b a

Daming kaganapan kaya ngayon na lang ulet nakabisita bebeblog. Alam mo kanina may nabalitaan ako na hindi maganda ngayong araw.. unang reaksyon ko ay nagulat ako.. nalulungkot na ako eh.. natatakot sa pagbabago.  Sandaling naiba mood ko dahil doon. Ngunit nabago rin agad kasi natapos ang pangamba. Kaya mas minabuti ko na lang isulat ang aking nararamdaman. Natapos ang aking pag-aalala at pangamba siguro dahil alam ko na hindi ako pababayaan ng Diyos na meron ako. Magtitiwala ako kahit hindi ko maintidihan. Ayoko na magworry sa bagay na hindi ko kontrolado. One day at a time.

Usapang walang control.. araw ng bday ko, libing ng isang kaibigan. Dami kong iyak.. sobrang nalungkot ako sa kaganapan ang bilis ng pangyayari.. mahal namin siya. mahal ka namin. Ganun na lang ba ang buhay? Sobrang bigat sa pakiramdam. Patuloy na ipagdarasal at mananatili ka sa puso namin. Matapos ang pagpunta sa lamay nung gabi bago ng aking kaarawan eh biglaang pagbook ng kwarto sa isang hostel sa makati. Mag-isa lang ako natulog sa kwarto. Sa kabilang room yung pamilya ng isa pang kaibigan ko. Napilitan kami magbook at late na rin kasi. Kinabukasan na sumulpot yung asawa ko. Kumain lang kami ng lunch at pag-uwi namin eh natulog lang ulet ako. Daming pagod ng katawan ko. Pagod na ako.. pero alam mo, hindi ako susuko sa buhay.

Oh ambigat na, maiba.. ang pinapanood ko ngayon ay ang N e t f l i x k-drama na M i s s N i g h t and D a y. Nadagdagdan na naman edad ko at ako ay nagpapasalamat sa mga taong nananatili. Labyuol!hihihi Maraming salamat sa asawa ko at palagi ko ipagpapasalamat ang pagdating mo sa buhay ko. Mahal kita soooooo muuuuuchhhh.

(o’.’o) 

Tuesday, June 4, 2024

B l o o m


I U! 🎀

Masaya ako sa araw na ito dahil nakita ko siya at nakasama ko ang Ate ko.. Hindi ko napigilan maluha nung kinanta niya yung E i g h t .. Lumuluha habang kumakain ng p o t a t o c o r n e r f r i e s. Haha Naalala ko pinanood ko videos niya nung G o l d e n H o u r C o n c e r t niya ito yung kanta na isa sa gusto ko mapanood live eh. Sa wakas napanood ko na! Ang Ate ko talaga ang sobrang f a n ni I U.. yung mga series niya napanood niya yun, tsaka niya lang nalaman na singer yung paborito niya. Salamat Ate sa pag-abot sa akin ng l i g h t s t i c k habang kinakanta niya yung b l u e m i n g. Isa to sa paborito ko naman. Gusto ko mga songs niya pero Ate ko talaga ang sobrang fan. At bilang endorser ng N e w B a l a n c e si IU ayun naka NB shirts kami at NB shoes.. Sa shoes matic na sa akin at paborito ko NB shoes kasi kumportable. Halos 10 years na ata ako fan ng shoes nila. Ang ate ko sa sobrang pagkafan habang nasa medic ako at hindi ko na kinaya init habang nakapila kami para sa merch eh ayun napasobra siya sa pagbili pagkadating sa harapan. Deserve nya daw yun! Hahaha Salamat pala sa mga tao sa m e d i c na inasikaso at pinakain ako rice with ulam at tubig at buti malamig lamig sa area nila. Salamat Ate, nagenjoy ako.. at masaya ako na samahan ka sa paborito mo.. pero mas salamat Lord.☺️

Ngapala thanks sa dating kaopisina nung bata pa lang ako na nagchat at nakikipagmeet dahil may iaabot daw siya sandali habang hindi pa nagsstart con.. Alam ko galing siya bakasyon from Japan eh. Eh 1am ko na natanggap mensahe, 2pm pa daw niya sinend yun. Tawang tawa ako sabi ko pa “Andyan ka pa?!” HAHAHA Hindi man tayo nagtagpo eh natuwa naman ako.. ang keso nung gusto ako makita kahit sandali.
 Salamat tol! 

(o’.’o)

Monday, May 20, 2024

M a y o

Hindi ko pala nashare bebeblog na bago kami naghotel nung anniversary ay nagpacheck up pa muna ako nung araw din na yun. Pagod na din ako sa gamot. Natapos ko naman gamutan. Hayyy. Ayoko na po magkasakit pleaseeee. Kahit pa ubo ubo lang yan o sipon o anuman ayoko naaaa. Natapos ko na gamutan ko..  kaya ko nabanggit kasi eto na naman sa sobrang init ang sama na naman pakiramdam ko. Lalo nung isang araw sobrang sama ng pakiramdam ko sa init, mali ding nag black shirt pa ako. Hindi napigil nagpadeliver ako ng maluwag at light na damit para medyo maibsan ang sama ng pakiramdam. Ayoko ng sobrang init pero ayoko din ng malakas na ulan, mula nung napanood ko kasi yung movie na p a r a s i t e ay hindi na ako natuwa sa malakas na ulan. 

May panonoorin ako concert.. nakasecure na tix!!! Excited naaaaaa ako pero mas excited kasama ko. Actually ate ko mas may favorite dun, bonding namin ito. Treat nya ito sakin at gusto daw nya ako makasama. Oooppss hindi e n h y p e n  :( hindi ko makikita sila ngayon sa f u n m e e t nila. Tsaka ako ang may peburit dun hahahaha 

Living one day at a time. Kung anuman ang mga ganap sa buhay, laban lang. :)

(o’.’o)

Tuesday, May 7, 2024

S i n g s i n g

Hay. Nahulog bato ng singsing ko pagbaba ng jeep nung Nanuod kami P V L ang saya ng 2nd game. Sa 1st game natalo sina a r a b e b e. Grabe ngayon ko na lang ulet siya nakita. Huling kita ko sa kanya u a a p days pa nya. So ayun na nga bumaba kami jeep para kumain pagbaba ko, natama sa bakal yung singsing, Naramdaman ko natanggal sa ring. Pagtingin ko wala na yung b a t o. Madami dumadaan na sasakyan  at madilim na kaya hindi ko na rin tinignan pa. E n g a g e m e n t r i n g ko yun. Nakita ko sa mukha ng asawa ko ang ang inis, hindi lang makasalita sakin siguro kasi may kasama kaming iba.. akala ko magagalit siya pero pag-uwi tinanong ko siya tungkol sa ring sabi nya sakin pagagawa na lang kami. Walang sigaw, walang inis o galit sa tono nya. Kalmado lang siya. Nalungkot naman ako kasi di ko naman sinasadya yun na matanggal siya sa pagkakawak ko sa bakal. Tsaka sigurado ako pinagipunan nya yun at mahalaga rin sa kanya yun. Naginquire ako kahapon sa presyo tapos nagreply ngayon, na 4,500 ang presyo ng bato tapos hindi pa natural diamond yun. Ok naman sa akin m o i s s a n i t e , ganda din yun at practical pero mahal na din pala ano. Nakakapanghinayan. Hindi ko nalang muna suotin at palagyan bato yun. Balak ko ako magbayad kapag may extra na pera nalang siguro. Ipon na lang ganoin. Sayang lang kasi madami na pwede bilhin sa presyo na yun at pwede na ipanggrocery yun o ipambili ibang alahas. hehehe oh well.. sigh*

(o’.’o)

Saturday, April 27, 2024

N a N a m a n ?

Oh ayun na nga, malapit na ang katapusan at heto may sakit na naman. Ang sama ng pakiramdam ko dala na din siguro ng panahon.. Sobrang i n e e e e t ! ! ! May staycation pa naman kami.. Nakakapagod na may sakit palagi. Tapos laging kinakaya mo, tas maging matatag at malakas ka. Baka bukas magpalab ako. Ang bigat ng katawan ko. Salamat sa asawa ko sa pag-aalaga sa akin. Naway wag siya mapagod at haaaay ang hina ng katawan ko mukha lang hindi hahahaha 

Excited pa naman kami sa date namin na sinet nya at staycation na gift samin (s a l a m a t p o )  pero haaaay mukhang matutulog lang ako dun. Wag naman sana. Sana gumaling na ako. Aw. :(

(o’.’o)

Tuesday, April 23, 2024

m a t c h a + o a t s i d e



Sobrang naeenjoy ko ang pag-inom ng m a t c h a. Hindi na ako gaya ng dati na mahilig sa m i l k t e a, s h a k e s at f r a p p u c c i n o. Masarap sila pero lumipas na ang pagkahilig ko sa kanila. Puro i c e d l a t t e o m a t c h a d r i n k s na lang ang gusto ko. Masarap itong tinimpla ko na d i r t y m a t c h a. Masarap pala lalo kung o a t s i de ang gamit. Matagal ko na gusto tikman ito lalo na yung gatas pero namamahalan ako.. pero ngayon masasabi ko na sulit ang pagbili ko. Nagustuhan ko siya lalo dahil hindi ko na kailangan mag add pa ng asukal o anu pang sweetener. Sayang ubos na yung milk na oatside. Next time yun ang itry ko.. Sa bahay na lang din ako madalas gumagawa ng kape kasi mas tipid din kasi. Bihira na ako sa labas bumili. Una dahil wala ako pambili at pangalawa ok lang kasi happy naman ako sa mga tinitimpla ko na drinks. :)

(o’.’o)

Friday, April 19, 2024

K u l i t

Ang ineeeeeettt!!! Nakablack pa ako na damit kaya sobrang init ang nararamdaman ko. Kakakulit ng pinsan kong si Mic na panoorin ko at maganda daw QoT. Sinimulan ko ang Q u e e n Of T e a r s. Episode 3 pa lang ako.. hehehe 

Dugtungan ko ito teka.. 😅

(o’.’o)

Friday, April 12, 2024

L a r o

Matagal pa ba weekend? Gusto ko na maglaro. Kanina pinagbigyan nya ako bago mag dinner.. ilang laro lang. Ok na ako dun, sa linggo na ulet. Nakakatuwa laruin yung o v e r c o o k e d. Kabibili lang namin nung isang araw. Bilang laking d i n e r d a s h , p i z z a f r e n z y at ano pa ba iba.. cafe ano ba yun? Eh talagang magugustuhan ko tong laro na ito. Kailangan niya magdispose ng ibang games para sa isang ito. Natapos na naman nya iba games nya kaya pwede na ibenta. Nauna na nga lang bumili kasi hindi ako makaantay. May pagkamakulit pa naman yata ako sa mga bagay na gusto ko. Yata? Hahaha Ngayon lang ako sumabay makipaglaro. Madalas siya lang naglalaro, well oras niya din naman yun sa sarili niya pero masaya din pala pag kaming dalawa. Sa weekend ulet ha!

Hindi pa makatulog, sakit tyan ko kanina. Nakatulog kasi ako agad matapos magdinner, hindi ako siguro natunawan. Eto nagpapaantok na. Sana makatulog na at anong oras na aba. 

May mga kanya kanyang tayong ganap din sa buhay kaya ang panonood at paglalaro ay kahit papaano nakakatanggal stress. Ang pinapanuod ko ngayon the lovely runner. Kaso on going kaya kabitin. Natapos ko na p h y s i c a l 1 0 0 s2. Natalo yung gusto ko manalo, akala ko mananalo na siya ngayon. Nakasubaybay din kami sa u a a p v b a l l.. sana makapasok gusto kong team sa f i n a l s. Hanap na lang iba pa pwede panoorin.

Osya goodnight na muna.

(o’.’o)

Monday, April 8, 2024

D e s i s y o n

Kahapon mineet ko yung friend ko sa u p t o w n m a l l , b g c. Naglunch kami sa m a n a m at nagmiryenda sa s c o u t’ s h o n o r. Masarap food nila :) sabi ko kami na magbabayad kaso ang kulit, nagshare din siya. Half half ganoin. Nung nagkita kasi kami una siya na sumagot ng dinner at ako sa dessert. Ayoko pa naman nung ganun, gusto ko may ambag din ako kasi ayoko maramdaman ng kung sino man ang kameet ko na sinasamahan lang siya dahil libre. Parepareho naman nagtratrabaho at hindi porket galing ibang bansa siya at malaki sahod nya ay dapat sagot na niya. Kasama niya ang bf nya at ako naman kasama asawa ko at isang pamangkin. Ang saya namin at nakakatuwa ang ganap na yun naglaro kami u n o c a r d s habang nagkakape. Kung pwedeng ganun na lang palagi kaso hindi eh. Kailangan magtrabaho ng lahat at magkakalayo ng isang taon muli. Grabe ano, ang dami din pinagdaanan ng pagkakaibigan namin. Babalik na siya sa ibang bansa ngayong araw. Masaya ako para sa kanya at buhay na mayroon siya ngayon. Ngunit may kaakibat na kalungkutan sapagkat maiiwan ang pamilya nya at mga kaibigan. Isang kesong ganap, niregaluhan nya ako ng pabango yung sobrang gusto ko.. nagkita kami pagdating nya nung March iniabot iyon.. sobrang kilig ko! ang bango talaga nung P r a d a P a r a d o x e para sa akin. Niregaluhan nya na ako last year nung maliit nun na sobrang tinipid ko at hindi ko tinatanggal sa box, nagpadala siya money at nagpunta ako sa G r e e n b e l t Store para bumili nun. 3 beses ko lang nagamit sa espesyal na okasyon dahil dumulas sa box at kamay ko at nabasag at hindinm nya alam yun. Kaya’t sobrang saya ko sa regalo niyang ito at mas malaki. Maliit man o malaki, salamat muli s i s s y at salamat sa pagkakaibigan.

At habang sinusulat ko ito, naiiyak pa rin ako sa tuwing naiisip ang sinabi ng asawa ko. Napagdesisyunan nya na huwag magresign dahil napromote siya. Sabi nya daw kasi sa sarili nya pag nakuha nya ito, hindi na siya magreresign. Panibagong task at pakikisama. Alam mo ba sa 1 taon, nung isang araw lang siya nag-open tungkol sa trabaho dahil may gaganapin silang meeting at ipapakilala siya. Naintindihan ko na, kasi alam ko bago ito sa kanya at hindi man direktang sabihin halo-halong emosyon ang nararamdamn nya. Masaya ako na nagopen siya sa akin. Sa kung ano ang kanyang nararamdaman at hindi nya sinarili ang kanyang emosyon. Akin siyang pinakinggan at nung hiningi nya opinyon ko dun lang ako nagsalita. Kung hindi siya nakapasa, balak niya sana bumalik sa kung ano ang tinapos niya na kung saan may pagbabago muli ngunit mas may benepisyo at baka mas malaki pa sahod. Ngunit ngayon, gusto muna niya bigyan ng chance ang bagong responsibilidad na ito. Alam ko nagdasal kami para rito at alam ko hindi kami pababayaan. Kaya’t sana nawa’y nasa tamang landasin siya.. kami.. kasi sabi ko nga sa kanya magtitiwala at susuportahan ko siya sa kung ano ang nais niya tahakin..

Napakaiyakin ko na ngayon, napakaemosyonal ko rin konting bagay ay naaantig puso ko. Mas importante ang kapayapaan ng puso. Tumatanda na ih! Hahahaha

Habang isinusulat ko rin ito, nanonood ako sa n e t f l i x at ang title ay t h e u p s i d e . Nakakabait yung palabas pero andito ako sa realidad kaya’t magpapakatatag.

(o’.’o)



Thursday, April 4, 2024

l a b u-l a b o

Ngayon naman ang gulo ko.. Nakapagtrabaho naman maayos kahit pa may mga isipin. Dami ko iniisip, dami ko gusto mangyari, dami ko gusto gawin, nafrufrustrate ako sa mga bagay bagay.. dami ko din na ah ewan.. Ang dami tumatakbo sa isipan ko. Dahil magulo akong tao ngayon kaya yung asawa ko nagluto. Sa mga panahon na ako’y may kaguluhan ng isip at walang lakas gumalaw sa bahay eh andyan siya. Magluluto siya at hahayaan ako mag-isa pag nagtakip na ko kumot sa kwarto hanggang sa minsan gising lang ako at minsan nakakatulog na ako tapos gigisingin na lang kapag kakain na. May mga times kasi na wala ako energy.. lalo ngayon.. tapos ang gulo pa dalaw ko kaya din siguro. Basta hindi ko maintindihan. Ayoko na lang gumalaw.. pero madalas kikilos dahil wala naman tayo choice at kailangan kumayod at magpatuloy sa buhay.

Ok naman sana tas biglang hindi na okay. Dahil ba ito sa  nararamdaman na matagal inilalaban mag-isa. Dahil sinasarili ko ang problema? Mga napagdaanan, mga takot.. para sa hinaharap? Ganun ba yun? Bakit ba ako ganito. Hay.

Salamat sa unawa at salamat sa food kanina, masarap.  Ang ulam namin ay kangkong with natirang bagnet sa ref. Hahaha 

(o’.’o)

Wednesday, April 3, 2024

t o m a t o

Nakareceive ako ng mensahe kanina.. 

“Thank you kasi alam kong andyan ka maging positive o negative man naging result ng inapplyan ko”

Kanina lumabas ang resulta ng inapplyan niyang promotion. Nagdasal kami na ang kalooban ng itaas ang manaig. Pagtanggap sa kung ano ang magiging resulta. Hindi man kami mayaman, hindi man sobrang laki ng sahod, ngunit maligaya ako sa unti-unting paglago at nakita ko na nagsisikap siya para sa amin. Mula sa siyam na nagapply, 4 ang nakuha at isa siya dun.. C o n g r a t u l a t i o n s!

Seryosong tanong.. Tinanong ko siya kung gusto niya magbenta siya ng kamatis.. dagdag income din.. magtinda kako siya.. ang sagot niya.. “hindi lang kamatis, ibat ibang gulay rin” kung may supplier kami ngayon, game na agad ito at willing akong samahan siya sa pagtitinda. “isang marangal na trabaho yun” ang wika pa niya. 

Wala na ang linya noon mula sa iba na “ikaw, ikaw nakaisip eh.” gagi bigla ko natawa pati pala sa pagtitinda iiwan ako nun mag-isa hahaha

Magkasama kami sa laban ng buhay.. yun ang mahalaga.

(o’.’o)

Monday, April 1, 2024

Buwan ng A b r i l

 


Ito ay kuha noong nakaraang taon. Katatapos lang ng e a s t e r s u n d a y. Buwan na ng A b r il. Summer na! Anniversary na! Saan na kami magcecelebrate? Kakain na lamang sa labas kapag hindi natuloy ibang plano. Ang tanong saan naman kakain?

Pinanood pala namin sa n e t f l i x yung movie na
m a n in l o v e .. yung linya na ito tumatak sa akin.. A r o u n d that t i m e is the f i r s t a n n i v e r s a r y of your d a d ‘ s passing. I was t h i n k i n g of t a k i n g you b a c k to see h i m. 
To s h o w your d a d his d a u g h t e r 
is being l o o k e d a f t e r and won’t be
l o n e l y anymore.
Maganda ngunit malungkot na pelikula.
Napaiyak ako sa pinanood namin. 
Niyakap niya ako habang nakangiti.
Hindi ako lonely pero Oo, hindi na ako nag-iisa.


Anniversary Month.

Hindi ko inakala na sa buwan na minsa’y nasaktan ako noon ay ito rin ang buwan kung saan ako pinakamaligaya.

Soundtrip: P a l a g i - T J  M o n t e r d e

Lubos na pasasalamat sa’yo, God.

(o’.’o)

Wednesday, March 27, 2024

A P N E M

Sa oras na ito nagtatalo kami dahil nawala sa isip namin ticket selling ng a n g P N E musical. Bilang mga batang kinalakihan ang p a r o k y a eh at bilang mga tito at tita na mahilig sa musika at teatro hindi para palagpasin ito. Ubos na seats sa dates na available kami at swak sa budget. Actually pinakataas ok na kami. Ang imporatante nanood ako, maintindihan at magustuhan ko ang kwento. Siya ay ganun rin. Basta magkasama kami yun mahalaga. Kung may extra mas malapit naman sana pero ito lang kasi ang kaya namin ngayon. Yung next seats ay available naman kaso nasasayangan ako since x2 na siya tapos ang layo na ng pwesto. Waaaa~ wala din ako mahanap na tickets na nagbebenta online sa gusto naming petsa. Anniversary date sana namin this April ito. At the same time, naghahanap din kasi saan sulit magstaycation. Airbnb hanap ko, siya naman hotel w/breakfast. Oh dba madaling araw na hindi pa kami magkasundo. May konting hindi pagkakasunduan man pero kaya naman matuloy ito basta kailangan lang namin pag-usapan at magkasama na sosolusyunan.

Hay nawa’y makapanood kami ng Ang P N E Musical 

b u r u g u d u y s t u n s t u g u d u n s t u y

may anghel kaya magsponsor ng tickets?😇

Thank you po agad.😊

(o’.’o) 

Wednesday, March 20, 2024

T P

Ang dinner namin tonight ay… t r u f f l e p a s t a. Nagluto ako. Paborito ko ito kasi masarap tsaka ang dali lang lutuin at hindi kailangan ng madaming sahog. Ang mahal kainin neto sa labas kaya buti na lang nakahanap ako ingredients na swak sa panlasa namin. Ang hilig ko sa pasta.. Nakakatuwa iba’t ibang shape at type ng pasta at gusto ko ibat ibang luto nun.. buti na lang ok ang asawa ko na pasta lang kainin sa 1 meal at hindi puro rice.. Bukas gulay naman ang ulam.

Soundtrip: C o l d p l a y - C h a r l i e B r o wn

(o’.’o)

Saturday, March 16, 2024

N e w H o b b y ? Hay

Anune? 1 week lang ata ako ok tas ngayon hindi na naman okay. Absent na ako ilang araw nung kailan dahil sa ubo at sama ng pakiramdam. Nagantibiotic at kung anu anong gamot parang wala pa din epekto ah hanggang sa nagpamasahe ako at ayun umayos na pakiramdam ko.. ok na ako.. tas ngayon, eto na naman po tayo.. Hobby ko na ata magkasakit eh.. hay.. this week kasi naulanan ako uhm 2 makaibang araw.. kapote ka girl? Hahaha Oras na para bumili ng payong.. magpapayong tapos mawawala din. Kaye eto masama na naman pakiramdam pero lumalaban hahaha. Yung wala ka naman choice kundi maging OK.

Ngapala nung may sakit ako tsaka rd pa ayun natapos ko yung korean drama na “t a x i d r i v e r 1 and 2” crush ko yung bida dun eh. Hehehe favorite ko yun siya. Ngayon lang nagkaoras panuorin yun habang may sakit pa. May inaabangan ako na bago eh title chcknggt. Hintayin ko marelease tas yun panoorin ko.

Gusto ko na gumaling.. Makapamasahe nga ulet.. aw.

Ikaw kamusta ka? Kung meron man nakakabasa neto eh sana ayos ka lang dyan. 

(o’.’o)