Sunday, May 27, 2018

B a k a s y o n

Annual ganap with the Cs. This year, nagpunta kami ng P i c o D e L o r o. Para sa simpleng mamamayan na katulad ko,  medyo mahalia ang ambagan. Hahaha pero ayos na, nakabook na bago pa ko nagOo. Poor Tita ako. Hahaha Kasama ko cousins and pamangkins ko. Masaya naman. Pahinga. Tinanong ako ng Tita ko if kailan ako ikakasal. Next question please. Medyo awkward pag usapin na to, alam naman nila na wala ako dinedate or anything. Dahil bihira kami magkita, eto na ang chance nya na magtanong. Hahaha tinanong pa nya tungkol sa nakaraan, ang sabi ko nagasawa na po magmove on na tayo. Tas *kroo kroo* buti hindi ako sinermunan or kung anu pa man. Hay. Ehe. Oo nga, ako kaya? Kailan ako ikakasal? Kailan nga ba ako magaasawa? Ilan taon na ako.. Lage ko sinasabi na hindi ko naisip na sa edad na ito, single pa din ako. Pinaguusapan nga namin magpipinsan at ng kapatid ko nung isang gabi ang pagiging matandang dalaga. They said naman na okay lang naman sa kanila. What's wrong nga naman being an old maid? Alam ko na concern lang sila for me. I don't talk about this stuff naman to anyone basta basta. Di naman namin napagkwentuhan ang nakaraan. Basta, they're just making me feel na andyan lang sila. Darating pa ba yung guy na para sa akin? Alam ko ready na ako, pero may mga araw na parang No no no, natrauma ata ako. Natrauma nga ata talaga ako sa past relationship ko. Parang isang joke. But then again, I'm living my life one day at a time. Wag mo sabihin sakin na I should feel this and that, kasi ako ito, ako yung nakaranas ng sakit. Pero, hindi ako papatalo kung sa anong nararamdaman ko. I'm praying na sana dumating na siya.

(o'. 'o)

Tuesday, May 22, 2018

Anune?

Anune? Anong applyan ko? San ako magaapply? Saan ako patungo? Ang gusto ko lang naman sana ako'y maging mabuting asawa at ina at makatulong sa kapwa. Ehe. Ngayon, ano na? Paano uunlad? Paano aangat? Hindi ako maaari mawalan ng pagasa o panghinaan ng loob at sumuko sa buhay kaya't anune? Ano na ang gusto kong gawin sa buhay? Gabayan nyo po ako. Hay.


Maiba.. Ano tong pic? Share lang. Same scent ng pinsan ko, na hit and run noong nasa kolehiyo pa kami. Ang saklap nun at sobrang sakit. Ang tagal ko na gusto gawin to, para pag namimis ko siya, maaamoy ko sya. Weird ko ba? Ganito pa rin kaya ako kung buhay siya? Miss ko na siya. :(

Anong pabango? JLO - Still.

(o'.'o)

Friday, May 18, 2018

Wagi!!!

Puyat ang lahat. Nakarating kami ng 6:30am at nagexam ng after lunch. Kung alam mo lang ang puyat at pagod ko kasama ng mga kasamahan ko na 2 o 3am palang gising na.. Magtyaga.. Maghintay.. At habang nasa waiting area at naghihintay kaming lahat sa resulta.. Less than 20tao din kasi kami nagexam kanina. Buti makukuha din agad result.. Kaya't heto na ngaaaaa...

We have 4 passers for todays exam..

*naloka ako ng very light sa pag announce, kakatakot. kakakaba. Hala. Aja H!*

# 4 .. with a score of 8***** Ms. *tinawag name ko* Congratulations!!!

Me: *takip ng dalawang kamay sa bibig* Waaaaa!!!! (Takte lakas maka contestant sa beauty pageant ang ganap ko. Lol!) sabay Yasss!!

Passer. Nakapasa akooooo! Kung alam mo lang ang kaligayahan na nararamdaman ko. P r o f e s s i o n a l na eligibility ko.. Ang lala!!!! Kaiyak! Kanginig at NKKLK! Bigla ako napaisip, Ano na ang kasunod neto? Panibagong pagbabago. Saan na ako patungo? Saan ako makakarating? Kaya ko ba na mas lumawak pa ang mundo ko? Kakayanin ko ba? Sa ngayon, masaya ako.

Salamat Papa God, naalala ko ang sinabi ko muli, kung ano ang will nyo po, paulit ulit ko sinasabi habang nageexam ako.

Hindi ako makapaniwala, ngunit walang imposible sa'yo.

Tanong: Anu ano ang nireview ko? Sa interesado, magreply ka lang. Willing naman ako ishare sa'yo.

Review hours: Total: 10hrs. Kahapon at kanina lang. Kanina, isuot ang headset, tas kung sino man nakakatabi ko nung umaga at hindi pa exam time, shineshare ko kabilang side para pareho kami makinig. 10hrs, Imagine? Muli, hindi para ipagmayabang ngunit para sabihin na ang astig mo at ang lahat ng papuri ay sa'yo Panginoon. Grabe kaaaa!

Makadiyos ba ko? Hindi ako santa, ngunit ang alam ko, ang dapat ko lang muna gawin ay magpasalamat sa Kanya. All for you! Maraming salamat po.

Simpleng kaligayahan para sa iba, pero malaking bagay ito para sa akin. Iniisip ko tuloy, magexam ulet ng n u r s i n g b o a r d e x a m. Dami naiisip. Hahaha Hmm.. babalikan kita sa usaping yan.. *nahiya na ako*

Salamat pala sa kaibigan na babae na tumawag bago pa marelease exam result na kapag makapasa ako, may free artbeat tix ako. Waa andun pa naman iba sa mga gusto ko banda at solo artist. Bumili kasi siya extra tix. Nakakataba ng puso, ngunit hindi na ako makakarating. Naappreciate ko ang papremyo, nagulat ako at nagwagi ako sa pagkakataon na ito..

Maraming salamat sa lahat ng naniwala.. at pati na rin sa mga hindi. Ehe. Labblabb lang. Yaaakaaaaapppp~

Yasss!!!!!

(o'.'o)

Thursday, May 17, 2018

I'm not that lucky

Kailan ba ako nanalo sa contest, raffle or kung ano ano pang pakulo. Wala ako maalala. Ay may isa, nanalo ako ng prize sa paraffle dati, kung di pa hinawakan ng kaofficemate kong buntis  yung ticket ko *hello pamahiin* feeling ko di ako mananalo at nung bata pa pala ako, paraffle sa school, kundi pa hinawakan ng pinsan ko ticket ko *lucky daw siya* Haaaaayyy.. Swerte nasaan ka ba :( Sabi nila may mga taong sadyang swerte.. yung palage nanalo sa kung anu anong pakulo.. Tonight sumali ako sa isang contest. Hulaan mo? Eh di hindi nanalo. Ano pa ba? Hahaha. Wala ako plano bumili ticket nun dahil wala I V of S p a d e s sa line up, kaso yung kaibigan ko wala kasama manood, kaya nagtry ako magjoin, pero.. lotlot eh.. Well, dahil hindi nanalo, wala padin ako plano bumili tix, mahal pero solid lineup promise, andun karamihan ng gusto kong banda, wala lang talaga yung nabanggit ko. Sayang, kaya mo na yan magisa teh! HAHAHA

Still thinking pala to buy 3D ticket, since may promo na sila pag globe subscriber. Wala lang ako concert buddy. Hay. Lol.

Tignan ko gig sched ng I V of Spades at M u n i m u n i sa June, regalo ko sa sarili ko sana lang may malapit at weekend. Woot.

Oh well.. Better luck next time. :)

(o'.'o)

Sunday, May 6, 2018

Papaano?

Gusto ko mapanood ang concert ng 3D. Gusto ko mapanood AHE Musical. Gusto ko mapanood nag M u n i m u n i. Gusto ko mapanood ang I V of S p a d e s at.. ang lungkot ko ng malaman ko na umalis na si U n i q u e. Nitong mga nakaraan na linggo naghahanap ako ng gig nila na malapit sa akin, tas nabalitaan ko to, hanglungkot. Isang araw mapapanood ko kaya laht sila? Hay. Walang kasiguraduhan.

Paano ko mapapanood ang lahat ng ito? Sigh, gastos. Kailangan pagipunan. Hay paano?

May gusto pa ko yung s p o k e n p o e t r y.. end of May yun kaso may unang ganap ako kaya hindi ko mapapanood.

Welcome sa mundo ko. Kung saan gusto ko mapagisa habang pinapanood ang lahat ng ito. Musika, tula at teatro. Doon ako kung saan ako payapa. Munimunimodeon.

(o'.'o)

Wednesday, May 2, 2018

Kapag malayo ba ang ibig sabihin malaya rin

Ang post na ito ay walang kinalaman sa napanood ko. Hindi ito movie review. Nanood ako ng A v e n g e r s I n f i n i t y W a r kanina.. magisa. Pagkatapos ng movie, kumain ako dinner.. magisa. Pumunta at umuwi ng magisa.

Ilan buwan na ba ko na palageng magisa. Oo, ilang taon na ko single ngunit ilang buwan na ba ako na ganito? Yung kumakain, naglalakbay at kung anu ano pa ng magisa. Hindi ko na kinakailangan pa hintayin ang tropa upang makauwi ng bahay o makakain. Minsan may makakasama, kung sino makasama pwede lahat, kung wala at ako lang, ayos lang din. Nilayo ko na ba ang sarili ko sa lahat? Ayos lang din naman na may mga kasama akong iba ngunit mas ninanais ko na lang ba talaga ang magisa?

Bigla ako napaisip.. Ayoko magkasakit. Hindi ako pwede magkasakit. Gaano ako kaimportante sa ibang tao upang alagaan ako? O baka nga wala akong halaga.

Mahal ko lahat ng taong mahal ko, andito lang naman ako kung kailanganin nila. Mas pinili ko lang talaga siguro na wag maging pabigat sa kanila. Ayoko na maging alalahanin pa. Kaya kung kaya ko magisa, ako na lang. Hindi ko na para idepende ang galaw ko kasama ang iba. Magisa akong pumapasok sa trabaho, kumakain ng lunch, at minsan kumakain ng dinner. Pero netong nakaraan sa isang kaibigan ako madalas natutulog eh kaya may kasabay magdinner pero maliban dun, madalas ako nalang magisa sa iba pa.

Hanggang kailan kaya ako mag-iisa? Naenjoy ko naman ang magisa ko panonood ng movie at pagkain. Pero dun talaga ako napaemote habang naglalakad ako ng magisa eh. Wala ako kaholding hands. amp. Yun lang pala. Labo! HAHAHAHA

Osya. Makatulog na muna. Nightworld!

(o'.'o)