Friday, June 2, 2017

Napadaan..

At tayo ay nagtagpong muli..

KftdA: Alam mo kawawa si ****. Namimiss ka nun. Tapos sinungitan mo.
Hex: Ha? Eh xa naman may ayaw na ko maging kaibigan eh. Tsaka di ko xa sinungitan.
KftdA: Magkaiba tayo ng personality. Wag kang gumaya sakin..

Hmm.. Isa sa pinakamasakit na pangyayari ay ang makasulubong mo siya at magpanggap na di kayo magkakilala. Eto yung pinost ko sa isang social media account ko tas nangyari nga.

Naalala ko pa ang eksena kanina.. Hindi ko alam na andun ka pa. Tayo ay nagharap.. Nagkatitigan tayo saglit tas yumuko na ko. Magkasalungat na dinaanan ang isa't isa.

Pagkatapos nung papalabas na ko, nakita ko andun ka.. Sakto nakatalikod ka at may kinausap ka.. Kaya naglakad ako palagpas at papalayo sa'yo..

Tatlong buwan na ang nakakaraan.. Nasaktan ako sa nangyari sa atin.. sa mga salitang binitiwan mo sakin.. Sa paulit ulit na ganap natin..

Sa unang pagkakataon.. Hindi kita kinibo.. Hindi kita nilapitan.. Hindi kita hinabol.

Ganun pa man.. Alam mo ba na hinihintay lang kita.. At namimiss na din kita.. Mahal kita.. Napatawad na kita..

Nanghihinayang ako sa pagkakaibigan. Hindi mo man makita ang halaga ko, ayos lang. Gusto sana kita tawagin, kausapin at yakapin.. pero WAG NA LANG.

(o'. 'o)

No comments: