Bello! Check feelings:
Mga natutunan:
Mas maging mapagkumbaba. "Mas" kasi alam ko naman na di ako likas na mayabang pero cympre tao lang tayo, may parte sa buhay natin na hindi natin napapansin na tayo ay nagiging mayabang na pala o nagiging mapagmataas. Sa mga ganap sa buhay ko ngayon, masasabi kong mas natuto ako maging mapagkumbaba. Hanggat maaari mas inuunawa ko na ang ibang tao kaysa sa sarili ko. One time nga may babaeng nagangas sakin dun sa isang store, imbes na patulan ay mas pinili ko yumuko, hayaan nalang. May mga taong, inaalipusta ka base sa tingin, pero mas pinipili kong wag pansinin. Dati hindi ko maintindihan bakit may mga taong di makamove on, ngaun alam ko na ang pakiramdam ng pusong nasaktan. Mas lumalim ang pangunawa ko sa usaping pagibig at pakikipagrelasyon. Mas humaba ang pasensya at mas naging sensitibo sa nararamdaman ng iba. Isang beses may nakita kong malungkot na katrabaho, at hindi ko alam kung bakit, hindi man kami close, bago ko umuwi nakita ko xa, di talaga ko mapakali hanggat wala kong gagawin sa kanya. Ang ginawa ko, bumili ako ng malaking caramel puffs sa tindahan at iniabot sa kanya. At napasaya ko xa sa simpleng bagay na yun. Mas naging simple ako at mas pinahahalagahan kung ano lang ang mayroon ako. Mas natuto akong magpahalaga at mas magbigay pa sa iba. Meron akong isang katrop na ngaun pag nagigipit xa, at pag nagmsg xa, walang pagdadalawang isip, hati kami sa baon ko at pinahihiram ko siya, pinadadalhan at hindi kailanman ako naghangad ng kapalit. Minsan sa buhay natin nagsasabi tayo ng di naman natin masyado minemean o dahil out of pagiging courteous nalang, ngaun, bawat thank you ko i mean it na. Masasabi ko na mas naging malambing ako. Lahat ng pwede ko maappreciate, maliit man o malaki mas naaappreciate ko ng buo. I am really thankful too dahil kay Hashem, unti unti akong hinuhubog ng naaayon sa kalooban niya.
Mga nanatili:
Ako parin yung tao na masaya sa nararating ng iba mapa career, lovelife, familylife o atbp. Masaya na yung iba may forever. Pag may nakakasabay ako sa jeep na couple, masaya ako para sa kanila. Kilala ko man o hindi, nanatili ang kagustuhan ko na makita ang lahat ng tao na masaya at magkaroon ng katahimikan sa isip at puso nila. Masaya kapag masaya ang iba. Malungkot kapag malungkot ang iba. Hindi padin naghahangad ng ikababagsak ng aking kapwa. Nanatili ang aking paniniwala na lahat ng tao may kabutihang loob. Salamat Hashem at Yahweh dahil hindi kailanman ito naalis sa akin.
Buhay pagibig:
Makalipas ang 3 buwan, ang emosyon na minsan hindi ko na maintindihan, ganun pa man habang tumatagal nagiging malinaw na rin sa akin ang lahat. Hindi padin ako handa sa relasyon, at hindi ko padin ipinagdadasal ang bagong karelasyon. Siguro dahil sa lahat ng ito, siya padin ang mahal ko? Baka, siguro, pwede, Oo. Basta ang cgurado ako sa ngaun, mas pinagtitibay ko pa ang relasyon ko kay Hashem. Mahal ko ang Diyos na meron ako ngayon at kailanman hindi na ako muling bibitiw. #MyFaithfulGod #FeelingBlessed
(o'.'o)