Tuesday, February 11, 2025

P a r a sa Noon

Taon 2 0 2 5 , bagong taon na ngunit nais ko lang malaman mo na pinatawad na kita.. yun ay matagal na panahon na.. Hindi ko alam ano pa ang mga nais mo ikwento. Ganun pa man eh makikinig lamang ako. Wala ka talaga maririnig na sagot mula sa akin kasi ang weird nun kung ganun. Hindi ko rin alam bakit blocked na naman ako, nagkataon naman na nagsearch ako ng isang lugar sa mensahe at isa ang account mo ang lumabas at ayun nakita ko.. hindi ko pa din gets bakit ka may gana mag block ng tao. Saan mo kinukuha ang kakapalan ng mukha mo, Charot. Oh Charot lang ah! Ganun pa man eh natatawa na lamang ako. Seryoso na, matagal ko na din naman pinagtawaman ang kinahinatnan ng buhay ko noon. Tapos na yun at tuldok na kumbaga. Sa taon na ito nawa'y maging mapayapa ang puso ng lahat at ng bawat isa. Masyado maigsi ang buhay upang punuin ng pait. Sana isang araw makalaya ka na. Piliin mo sanang lumaya. Valentine's Day na.. Ano plano mo? Ako kasi ang makadate ang Ginoo na pinili ako makasama panghabambuhay. Siya ang aking ngayon at bukas. Siya ang aking palagi. SOUNDTRIP: This is how you fall in love - J e r e m y Z u c k e r and C h e l s e a C u t l e r (o'.'o)

No comments: