Saturday, March 16, 2024

N e w H o b b y ? Hay

Anune? 1 week lang ata ako ok tas ngayon hindi na naman okay. Absent na ako ilang araw nung kailan dahil sa ubo at sama ng pakiramdam. Nagantibiotic at kung anu anong gamot parang wala pa din epekto ah hanggang sa nagpamasahe ako at ayun umayos na pakiramdam ko.. ok na ako.. tas ngayon, eto na naman po tayo.. Hobby ko na ata magkasakit eh.. hay.. this week kasi naulanan ako uhm 2 makaibang araw.. kapote ka girl? Hahaha Oras na para bumili ng payong.. magpapayong tapos mawawala din. Kaye eto masama na naman pakiramdam pero lumalaban hahaha. Yung wala ka naman choice kundi maging OK.

Ngapala nung may sakit ako tsaka rd pa ayun natapos ko yung korean drama na “t a x i d r i v e r 1 and 2” crush ko yung bida dun eh. Hehehe favorite ko yun siya. Ngayon lang nagkaoras panuorin yun habang may sakit pa. May inaabangan ako na bago eh title chcknggt. Hintayin ko marelease tas yun panoorin ko.

Gusto ko na gumaling.. Makapamasahe nga ulet.. aw.

Ikaw kamusta ka? Kung meron man nakakabasa neto eh sana ayos ka lang dyan. 

(o’.’o)

9 comments:

Anonymous said...

Mag vitamins ka para di ka maging sakitin hehe.. Ako eto ganun paden laban lang. Ganito pala buhay ng 30+ ano. Diko paden alam san patungo or purpose ko sa buhay. Basta yun nalang sabay nalang sa agos . Ahahaha
Sana magkita tayo at magkwentuhan lang. :')

pishnge said...

oo nga eh kailangan na magvitamins. huy kalungkot yung hindi mo alam purpose mo sa buhay. Iisa lang naman ata patutunguhan ng lahat. “Just keep swimming” ika nga ni dory. :) sino ba ito bakit kailangan magkita? Hahaha

Anonymous said...

Oo nga eh. Siguro nasa stage nako ng buhay na hinahanap ang purpose ko sa earth 😅 . Ewan ko ba kasi everyday paulitulit nalng nanyayare eh. Kaya gusto sana kita makakwentuhan eh. Tungkol sa lifeee

pishnge said...

ano ba nangyayari sa’yo sa araw araw at ganyan ang nararamdaman mo? Tsaka sino ka ba kasi? Baka ikaw pa din yung nakikipagkita sa bilog 😅

Anonymous said...

Oo nga e sa bilog lang naman 😅

pishnge said...

ikaw pa din?! HAHAHA Pinakinggan namin ng asawa ko yung kanta na sinabi mo, ang lungkot nun, ang lungkot mo. Makipagkita ka sa buong tropa para makotongan ka.🤣 kamusta ba naging desisyon mo sa buhay? kalokohan mo kasi eh!

Anonymous said...

Ahahaha oo malungkot yung kanta kaya nakakalungkot talaga.. Makipagkita sa tropa? Pwede naman matagal naden nung huli e noh? Pwede siguro sa bday mo june19? :)

pishnge said...

Ha? Hindi ako kasama. Ang seryoso mo naman, wag ka makipagkita, tapos na yun.

Anonymous said...

Aw hahaha kala ko pa naman dika na masyado galit saken eh. Sige ok lang pero sana isang araw magkita den tayo :) madame pa naman ako gusto ikwento eh