Thursday, September 29, 2022
S u n o o y a h
Monday, September 26, 2022
P a g o d a.
Woiii! Sure?
Huy, bebeblog ang hirap pala ng walang coordinator. Ang coordinator kasi namin yung on the day lamang. Dbale 3 months before wedding yun so mga ilang buwan pa bago kami magtagpo. May nakuha na din naman kami na coordinator. Hanggang ngayon nagsesearch ako mga suppliers. Naghahanap pa din ako ng murang florist. Kaloka yung presyo ng florist/ event stylist, halos kapresyo ng buong package na! Pero magaganda naman kasi talaga gawa nila eh. Hindi kasi namin maavail ang all-in package wedding dahil meron na kami church and reception. Eh yung sa reception may food na kaya hiwalay tuloy yung iba suppliers. Nakakuha na kami para lights and sounds, magdown na this week. May nakuha na din na make up artist at gagawa ng gown ko. Sa October nasa church kami magdown na din at magseseminar. Madami pa din kulang talaga! Mula nagpropose siya hanggang ngayon, tinatanong ko siya.. Tinanong ko siya kung sure siya, maliban sa malaki ang gastusin eh lalo yung responsibilidad kaakibat ng pagpapakasal. Hindi naman natatapos ang lahat sa pagpapakasal. Ang sagot niya.. “Sure” .. Sanaol sure ano? HAHAHA
Uhm.. Ang lakas din ulan ngayon, mag-iingat ang lahat! Hindi ko alam kung tuloy ang appointment ko dun sa videographer mamaya eh. Mukhang malabo sa lakas ng hangin at ulan pero sana matuloy para yung florist na lang talaga kulang, ay event host pa pala tsaka yung takteng photobooth na hindi ako makakita ng within the area ewan ko ba. Hanaphanap lang, tiyaga lang.
May nagcocomment dito sa blog ko na anonymous naman. Kung sino ka man, heyow! Parang yung isang katropa ko lang may alam neto ah. Green? Sino ka huy! Magbasa ka lang dyan at magcomment. Nawa’y masaya ka sa nababasa mo at nageenjoy ka naman. Masaya ka ba para sa akin? Hihihihi osya, kailangan ko na matulog at anong oras na pala.
(o’.’o)
Monday, September 19, 2022
Iyakin yarn? hihihi
Hello, hindi pa ako makatulog. magshare lang ako sa’yo bebeblog.. Nagpunta kami sa possible wedding reception kanina.. mukhang dun na talaga. May date na din kami ng kasal. Nakakatuwa at nakakaiyak ih. Hindi magiging posible kung wala ka. Lord. Maraming salamat po. Salamat sa bf ko pero mas salamat sa’yo talaga, Lord.
Dami ko iyak kasi uhm ah basta. Masaya ako. Natapos ang gabi namin ng bf ko sa pagdarasal at pagpapasalamat sa Kanya.
Ngapala, kaninang hapon nanuod ako ng online streaming ng EN - concert sa seoul. Multitasking yarn? Kasi habang nanonood pinaguusapaan namin ng bf ko yung mga kailangan pa sa kasal. Hahaha Ang saya manood kahit online pero mas masaya panigurado pag offline kasi hindi lag. Sobrang excited na ako sa kanilang pagpunta dito sa PH.
(o’.’o)