Sunday, July 29, 2018

wag kang matakot, hindi mo ba alam nandito lang ako..







Hay E r a s e r h e a d s!
Hindi ko namalayan may pagpatak na ng luha na nagaganap. Halo halong emosyon. Maganda ang prod. Mahusay!

Teka, naiiyak ako. Hahahaha

Basta, hangga't makakaya ko, hindi ako magiging si JOY. Pero bilib ako kay Joy, matagal din lumaban sa araw araw pero wala eh, siguro may mga tao talaga na darating sa ayawan na. Napapagod din lalo pa at pakiramdam nila magisa sila. Ako, iisipin ko lage may kasama ako.. Hindi nga lang visible.. Kaya't kakayanin ko, hangga't makakaya. Bawat araw, bagong pagasa. Para na rin to sa tatlong tropa ni Joy. Laban!

Pahabol.. Ang ganda din ng pwesto namin. Woah! Salamat sa staff ng rwm sa pagbigay samin ng pinsan ko ng best seat. Well aminado din naman siya pagkaclaim namin ng ticket na ang binigay nya ay best seat. Lakas! Maliban sa play, sa pwesto namin di makamove on yung kasama ko. Hahaha.

(o'.'o)

Monday, July 23, 2018

Matulog ka na

Pasok na bukas. Halos wala ako buong last week dahil naospital kuya ko. Ako nagbantay sa kanya. Katakot magkasakit. Katakot sa ospital. Ayoko maospital :( Sino magbabantay sakin? Woot.

Salamat sa successful operation PapaGod at sa mga medical staff na naghandle kay kuya. At today pala, nanganak na sissy in law ko. Yasss! Excited na ko makita si baby kaso need ko na pumasok kaya di ko pa siya mabibisita. Buti successful naman panganganak niya, safe sila ni baby. Salamat muli.

At habang tinatype ko to, nanonood ako ng O n e M u s i c E b e sa Ch2. Hindi ko para palampasin to si Sir Ebe at ang kasalukuyan nyang tinutogtog ay T u l o g N a. Last song. Kaiyak. Eto ang isa sa mga gusto kong kanta nya.

Matapos ang linggong na ito, tara't matulog na. Paninabagong linggo na puno na pagmamahal.

(o'. 'o)

Sunday, July 15, 2018

Heto naaaa~

Ang dami kong kilig!

Napanood ko na ang paborito kong banda.. Ang M u n i m u n i. :) Sarap pumikit lang habang tinutugtog nila nag M a r i l a g. Ang solid lang ng ganap ko last night. Sobrang sulit nya o kasi siguro mga paborito ko sila.

Napanood ko muli si girlcrush CB.. Gusto ko siya, gustong gusto ko siya. May picture na ko kasama siya. Hangsaya! Tas nasa harapan ako kaya sobrang titig ko lang sa kanya. Hahahaha

Eto pa.. nagtagpo na kami ni I B E L O N G T O T H E Z O O. Ang qtp2t nya. Yung dimples pa nya! Pagkakita nya sa'kin, nagapir kami tas sabi nya,  "Uy! Nakarating ka na!" Ang keso ng paggreet nya samin ng friend ko bago kumanta ulet at matapos set nya. Ganun pala feeling pag may pagshout out habang nasa gig. Lol. Dun sila nagkakilala sa a r t b e a t tas kasi nagpasend ako videogreet kasi sobrang gusto ko talaga yung kanta nya na P o r t e r..  Sobrang tagos mga songs nya. Tas ayun, mula nun kinukulit na namin siya. Panpan! Woot!






(o'. 'o)

Friday, July 13, 2018

V is for?













Holaaaaa! Hindi ko na ipopost iba pang ganap, nagenjoy ako sa mga ganap na magisa, pagtulog ko sa c a p s u l e h o t e l, foodtrip at kasama ang iba pa. Naenjoy ko din ang solo travel ko bago pa sila sumunod. Yay! Salamat po. 

Saan next? Ipon Hex Huy!

Excited ngayong paparating na weekend, sabi na eh, hindi ko mapapalampas to. Mapapanood ko muli si C l a r a B e n i n at sa wakas heto na... ang M u n i m u n i.. kasama pa si i b e l o n g t o t h e z o o. Yasss!!!

Salamat muli PapaGod. Sa lahat ng ganap sa buhay ko, mapawork o personal, pinanatili mo mapayapa ang puso ko. Hindi para mangamba, sa'yo ako.

(o'. 'o) 

Saturday, July 7, 2018

L a k b a y m o d e

Lakbay pa V i e t n a m mayang gabi. Papunta na ko sa airport, solo mode. Woot. Sunod ang iba bukas. Hahahaha. Goodluck sa aking solo travel for a day.

Mawawala ng ilang araw at sana ay makabalik. Umuulan ngayon dito sa PH. Ang traffic. Ang mahalia ng G r a b now, pero nice naman si manong driver at hindi nagcancel ng trip na palage ko nararanasan sa kanila kaya okay na din, pero miss ko pa din si pareng U b e r. Hahahaha. Oh Goodvibes lang!:)

Labblabb ko kayo lahat!

(o'. 'o)