Wednesday, February 28, 2018

Isa.

Ang nais ko ay pagkakaisa. Tandaan, isa tayong pamilya. Kung may di pagkakaunawaan, pagusapan. Madadaan sa maayos na usapan ang lahat. Maging mabuting tao. Wag pairalin ang init ng ulo. Wag bastos. Wag manira ng kapwa. Wag kang gagawa ng ikapapahamak ng iba. Tanggalin ang inggit. Wag hayaang mapuno ng galit. Matutong rumespeto. Matutong tumanggap ng pagkakamali. Matutong makinig. Matutong magpakumbaba. Wag alisin ang pagmamahal sa puso natin. Mahalin ang ulo, na siyang nagsisilbing ama natin. Matutong magpahalaga. Respetuhin ang bawat isa. Isang layunin. Isang pamilya. Magtulong tulong ang bawat isa sa pagunlad at hindi pagbagsak. Magkaisa. Tayo ay isa. Good night, family!

Tandaan: Ang kasamaan ay hindi kailanman magwawagi.

Tayo ay mananatili.

Munimunimode. Labblabb.

(o'. 'o)

Saturday, February 24, 2018

Fun

I forgot to share.. GV ganap to. Kaya gusto kong ibahagi sa'yo bebeblog. Nung CNY2018 lumabas kami ng lolalaladear, girl cousin at dalawang aunties ko. Actually, gusto ng Lala sa Binondo para mamasyal at magfoodtrip pero dahil mainit at sa edad na din niya, we decided na sa iba nalang. Tinreat ko sila sa amusement center. Sa WoF. Pinaglaro ko si Lala ng basketball. Laughtrip.. pero ang galing ni LolaLalaDear nakailang shoot siya, yung ngiti nya eh. Pati mga tita ko pinaglaro ko inabutan tokens para magenjoy lahat. Una ayaw mga tita ko kasi nga pambata daw, tsaka naisip ko din dito kasi may pinagdaraanan isa kong tita para ngumiti naman siya. Sa mga tita ko naman, valentine's treat ko sa kanila to. Kung ano ano pinaglalalaro namin. Dami ko nakitang ngiti at tawa. Deserve ng mga babae sa buhay ko na sila naman. Sila naman ang makaranas ng mga to. Wala na sila ginawa kundi asikasuhin ang pamilya nila, at unahin ang mga anak nila kaya ang araw na ito ay para sa kanila. Binilhan ko din ang tita at pinsan ko ng beauty ekek na napili nila. Kumain kami sa gusto nila kainan. Seafood resto. Yum.  Dahil kung ako sa korean foodtrip ko sila daldalhin. Lol! Tas naaalala ko sasabihin ng mga Tita ko pag sa kwentuhan dati, ang mahal naman sa kapihan, di nila bibilhin kape na ganun presyo. This time, niyaya ko sila magkape kami at nag dessert sa isang korean coffee place. Sakto masarap yung napili namin puntahan. Sulit! Dinala lang nila sarili nila. Ang mahalaga mageenjoy sila.

Pag uwi ko syempre sabi na naman uncle ko ang gastos ko. Simpleng mamamayan lang ako. Pero masaya ako sa desisyon ko na ito. Ang itreat naman ang mga taong nakasama ko hanggang sa lumaki na ako.

Oops bebeblog wag ka matanong sa ipon ko, HAHAHA ang mahalaga, nakapagpasaya ako.

After sa WOF, hinawakan ako ng lola ko, at sinabing "masaya ako." sapat na sakin yun.

Salamat sabi mga tita ko, nasa isip ko naman,  No..  "Salamat po sa inyo."

Kalimutan na ang nakaraan na hidwaan, mabuhay sa kasalukuyan at mahal ko kayo. Lahat kayo. :)

LolaLalaDear, mabuhay ka!

(o'.'o)

Monday, February 19, 2018

T a g p u a n C o n c e r t

Kagabi pinanuod ko ang T a g p u a n S a K i a, concert ni M o i r a. Maganda. Sobrang gusto ko ang Malaya album nya, gusto ko ata lahat ng songs. Hahaha. Special ito for me kasi andun yung pinakagusto ko na song niya yung take her to the moon. Ang lala! Muntik ako maluha ng kinanta nya sa concert. Naluha din nga siya habang kinakanta nya. Haha. Ang tagal ko hinintay ang kanta na to. Ang sweet ni M o i r a at ang simple nya lang din. Natuwa ako na nakapanood ako ng concert nya. Masaya ako for her. Ako, na tumangkilik na sa kanya mula ng unang album pa lang. Congratulations girl!

Tip: Sa mga manonood ng concert sa theater na ito, irerecommend ko ang loge view. Sakto naman na row1 nakuha ko seat 23 at sa center pa. Not sure if pwede mamili eh, kasi yung sakin yan na lumabas na seat. Ganun pa man if pwede, seats 22-25 ang best seats na ipapapili ko sa'yo. Para ito sa mga nagtitipid pero gusto pa din maexperience ang concert na di ka talo, yan para sa inyo. Why? Walang puro cellphone na nakaharang, walang mga ulo ng mga nasa unahan mo. Mas comfortable yung seats. Gitna pa, kita lahat. Hindi siya sobra layo sa personal. Makikita mo padin yung nasa stage. Oh ayan ha. Enjoy ka!😁





(o'. 'o)

Thursday, February 15, 2018

Sigurado ka ba? Oo.

First quarter pa lang ng taon, ilang pelikula na napanood ko. Hindi siguro to marami kumpara sa iba, pero marami na ito para sa akin. Hahaha. May kasama man o wala, walang makapipigil sakin na manuod sa sinehan. Naka 4 na pelikula na ata ako. Napanood ko ang M r. and M r s. C r u z,  T h e G r e a t e s t S h o w m a n (SOLID nito!), M e e t M e I n S t.  G a l l e n at ngayong araw ng mga Puso nanood ako ng B l a c k P a n t h e r (Gandaaaa!) Nagustuhan ko naman lahat ng movies na pinili ko panuorin. Enjoy life di ba, oh ayan ha. Para kung mamatay man ako, nagawa ko yung gusto ko. Para sa akin deserve ko to, ang tagal ko ng lumalaban sa mundong ito. Kaya gagawin ko lahat ng gusto ko. Maigsi ang buhay, kaya't kung kaya naman, kung mapagiipunan, GO! Natuto na din ako lumakad magisa, unti unti. Pasensya na, medyo takot ako sa mundo kaya minsan hindi ko kaya lumakad ng walang kasama. Gulo ko din minsan eh, ako yung independent na dependent? Whaaatt?! Ah basta. Pero ngayon, unti unti, nakakaya ko na, kaya ko pala at kakayanin ko kahit ano pa ang mangyari. May kasama man manood o wala. May kasama man gumala o wala. This year din pala, first time magtratravel ako. Nakabooked na ko. Niyaya ako ng isang kakilala. Hindi ko na tinanggihan dahil hindi naman siya iba sa akin. Tsaka matagal ko na din gusto maglakbay. Eenjoyin ko to. Ang kasalukuyan. Magpapakasaya ako. Sa bawat lugar na pupuntahan namin, ipipikit ko ng ilang segundo ang mga mata ko upang damhin ang sarap ng buhay. Na masarap mabuhay. Na nabubuhay ako. Na mas pinili ko ang mabuhay. Buhay ako.

Natuto na din ako mahalin ang sarili ko. Na hindi iasa ang kaligayahan sa iba. Ako at si G o d na meron ako. Maliban samin, kung may mga nagsstay at nagmamahal sa akin, bonus na yun at sobrang pinagpapasalamat ko at kasama ko sila habang nabubuhay ako. Salamat at Mahal ko kayo.

Kung alam mo lang bebeblog kung paano ko ilaban ang bawat araw ng buhay ko, kung kaya't para sakin, deserve ko gawin ang lahat ng ito. Ako naman. :)

Ay pahabol.. Hindi natuloy ang mansanas. Ayos lang.😉

(o'. 'o)

Sunday, February 11, 2018

At sila ay aking nasilayan.





Unang beses ko sila mapanood ng live. Ang dami kong kilig. U D D. Woot. 

Pero iba pa din pag gig sa b a r ang ganap. Pero masaya naman. Nakita ko na sila. Solid set! Dami ko pa nakalistang gusto mapanood this year. Pero next week tita duties ako tska solomode M o i r a. Masaya din pag tita duties kasi nakakabonding ko pamangkin ko. Tsaka napaparamdam ko pagmamahal ko sa kanila. AaTae. Medyo keso na, tama na. Oxia.

(o'. 'o) 

Monday, February 5, 2018

PSNY2018PFS

Masaya ako na nakita kayong muli.
Simpleng kaligayahan.
Guys, Maraming Salamat!

Shookt pa rin ako sa hindi ko na pagpila, BTS? Kasama kayo sa tent? Kasama ako ng team pumasok. Whaaatt?! Kinanginig at kinakilig ko sobra yun. Faney mode on. HAHAHA Bilib ako sa mga 'to kasi nagagawa nila passion nila at dedicated sila as in. Gagaling din. Suporta ako sa inyo hanggang dulo. At akalain mong wsla kami picture ni F?! Nahiya ako lumapit ewan ba. Tsaka busy din kasi siya. Ah wala! Nahiya lang ako period. Bawi nalang sa next play. May pictures naman ako kasama ang iba. Pasensya 'di na nakapagpaalam ng maayos, hiya na ko. Dami ko ng hiya promise! Kaya bigla na lang akong nawala. Ehe.

Ngapala, bebelog eto pictures ko na bagong gupit. Bleh!

Masisilayan mo ang mga tigyawat ko na nanlalaban. Di kakinisan mukha ko alam ko, pero ang intense talaga nila lately eh. Pimple marks tho. Hay.

Pahabol: Sinuot ko ang first denim jackect ko. Sobrang gusto ko siya. Hirap ako makahanap ng maong jacket kasi may mga nasukat ako dati, pakiramdam ko lakas maka action star. Lol!  Suko na dapat ako eh hanggang sa nakita ko to, ay eto na yun! HAHAHA Hahanap pa ba ko ng plain denim jacket? Baka next year. Lol.

Solomode. Ako at ang backpack ko.





(o'. 'o)