Guess what? Swimming time! Haha. Excited na ko! Bukas ng gabi lakbay mode pa Coron. Dapat batch 2 ako ee, sa April pa sana.. kaso mukhang wala na rin ako ipapayat.. eh may nagbackout sa batch 1 kaya nagpalipat na ko. Nyahaha. Sa weekend, looking forward to see my family dahil may 18th bday celebration akong aattendan. Dalagang dalaga na yung isa kong pinsan. Nasa isip ko palage 13. 14, 15 lang sila tas eto nagulat ako 18 na?!! Waaaa! Ugh. Oh well.. no bf muna please mga bebecousins. ;) Uhm.. usapang lakbay ulet, ieenjoy ko kada minuto ko dun. Excited nq lumangoy. H A K U N A M A T A T A! Yay! April naman, busy na buwan pero masasabi kong sa taon na to, magiging masayang buwan para sa akin. Bakit? Kc.. Aattend ako ng Music Festival, Concert, katatapos lang graduation ni bebi kaya may bonding kami magtita, birthday ni kapatid kaya bonding mode yun.. Tsaka graduation nadin ni Teh France.. Kanina binalita niya sakin na kasama xa sa listahan ng gragraduate. Isa ako sa masaya para sa kanya. Masaya ko para sa mga taong nasa paligid ko na magdiriwang din sa buwan na to. Tas syempre magiging routine every friday after work ay runwalksquatplank kasama ang workout buddy ko na girl friend ko. Small things are really big things noh? Ang sarap sa pakiramdam. I'm feeling so blessed and happy. Pero.. wag kang ano bebeblog, di perpektong buhay yan, ganun pa man, nagfofocus ako sa mga positibong bagay kesa magpakanega at wala kong ibang pwedeng isukli kundi ang magpasalamat sa biyaya na pinagkakaloob niya at magtiwala lang sa Kanya. Thank you Lord for everything. May You bless our trip. Thy will be done. /Grateful Heart/
(o'.'o)
Monday, March 20, 2017
Saturday, March 11, 2017
Parang kailan lang.
Nakareceived ako ng message mula kay pamkin bebi little. Last month, sabi niya MVP xa sa intrams sa school niya. This month, on the 30th daw this month graduation na niya. Dalagang dalaga na nga ang bebi namin. Maghahighschool na. Baka next time di ka na tumabi sakin matulog ah? Haaay.. Tinatanong ko if may honor xa, di pa daw inaanounce. May honor o wala, sobrang proud tita ako. Ang tanda na sa pakiramdam. Bwahaha. At masaya ko na minemessage nya ko once in a while para magbalita ng magagandang ganap sa buhay niya. Sobrang mahal ko si bebi kahit pa sa tingin ko feeling niya ang strikta kong tita. At madalas puro sermon xa sakin.. the importance of helping others, etc etc.. Lage ko din binabanggit na wag muna magboyfriend. Sabihin sakin pag may nanliligaw sa kanya. Talo ko pa mga magulang eh! Hahaha. Nakwento nya kasi na may nagliligawan na sa class niya. Magtapos ng pagaaral. Etc.. Magdadate tayo soon bebi. Love kita kahit pa medyo paconyo ka. Arti arti. Nyahaha. Be strong. Hindi madali dito sa mundo pero umasa ka bebi na dito lang ako para sa'yo. Congratulations in advance. Labyu!
(o'.'o)
(o'.'o)
Saturday, March 4, 2017
Malungkot na panaginip
Share lang. Ang mga nakaraang araw na panaginip ko ay tungkol sa kamatayan. 2 beses na. Kailangan ko na bang mangamba? O epekto lang ng huling movie na pinanood ko na L O G A N na puro patayan. Hmmm.. pero kaninang pagkagising ko naalala ko pa ng buo ng panaginip ko sana kanina ko pa pala sinulat. Ngayon ang naaalala ko nalang ay yung part na kaharap ko si mio. Ang lungkot ng mga mata niya. Magkatitigan lang kami tas bigla xa umiyak. Naiyak ba xa dahil nakita nya ko? Inaano ka ba?! Hahaha. Hangdaming niyang luha, tas naiyak na din ako. Yung iyak ko nga pigil pa. Iyak lang kami ng iyak. May sinabi xa ee, at sobrang lungkot ng mga katagang binitawan niya. 1 sentence lang yun. Pero tagos! Hindi ko na sasabihin sa'yo bebeblog kung ano man yun. Ayoko ng ganung klase na panaginip. Hanglungkot! pero uhm.. Kamusta ka? Sabi diba ang panaginip kabaligtaran. Kaya't malamang masaya ka. Masaya ka na. Lage ko sinasabi na masaya nq para sa'yo. Okay nq na masaya ka. At kung sakali man na malungkot ka sa totoong buhay, andyan naman sila.. yung mga taong pinili mo magstay sa buhay mo para pasayahin ka. Aja lang ayt!
Maigsi ang buhay kaya Labblabb lang! :)
S o u l S e a r c h i n g - U r b a n d u b
F i g h t i s O v e r - U r b a n d u b
(o'.'o)
Maigsi ang buhay kaya Labblabb lang! :)
S o u l S e a r c h i n g - U r b a n d u b
F i g h t i s O v e r - U r b a n d u b
(o'.'o)
Subscribe to:
Posts (Atom)