Sunday, November 13, 2016

Anong trip mo panoorin lately?

ATM. Watching Kimi No Na Wa (Your Name) .. Dahil kanina pa ko kinukulit  ng pinsan ko na panoorin to. Hahahaaha Here you go.. ;) No wonder bakit siya makulet,, Maganda tong anime movie na to. Must Watch. My Rate: 5/5. Yay!

Tapos eto naman..

FOREVER SUCKS
Sobrang naenjoy ko ang Forever Sucks Season 1. Waiting sa pagdating ng season 2.. at dumating na! Yay! Hindi pa kumpleto ang episodes tho pero ang importante lumabas na .. Natapos ko na hanggang episode 8. Kiligvibes! Dahil sa web series na to, napansin ko si Jasmine Curtis.. Simple lang niya. Light lang. Hindi OA.. Maayos yung pagganap niya dito. Excited pa naman ako sa continuation ng love story nina Izabel at Tony pero ganun ata talaga walang forever.  Natuwa pa naman ako kay JC Santos kasi maayos yung pagarte niya. tsaka bagay cila ni Izabel. pero bawi din naman,,. ang pagsulpot ni Felix Roco. Waaa! Wafu! Indievibes.. Stig' Kakilig din. Yay! Ang saya nila panoorin.. Easyhan lang natin ang mga bagay bagay. Hahaha. Sila Nancy Jane at TL Pol! Tawang tawa ako.. pati si Phylis na laging gulat at walang ginawa kundi magvlog. Hahaha. Tapos ang pagsulpot ni Parallax. Riot na nung season 1 eh .. Mas lumala pa ngayon. Nyahahaha. Ang rate ko sa Season 1 dati ay 5/5. Must watch siya para sakin.. Nirecommend ko pa sa mga kaibigan ko dahil sobrang naadik ako.. ;) Kahit di pa tapos season 2, pwede na ba ko magrate ng 5/5 ulet? Kudos sa team na gumawa nito. Salamat D5 Studios. Stig' Nagenjoy ako sobra! Ganda pa ng playlist. Salamat po. XD


AKND.
Yesterday Saturday Bonding with my girl friends. Dapat Sa Cinema 76 Film Society kami manood kaso hindi kami umabot sa 12noon screening kaya eto., Dito kami nanood,. Katuwa din kasi nakita ko sila muli. Katuwa din kasi nakita namin ang isa't isa maggrow.. Back to the movie., Di to film review wag ka magalala. Bwahaha.. Ang kumplikado ng istorya nito. Oo nga noh? Mahirap yung kalagayan nila. Pero kagaya ng usapan nila sa taxi,, Sino nga ba ang may kasalanan? Si Sam ba o Si Isa? Kailan pa naging kasalanan ang magmahal? Kailan ba naging tama ang mali? Pero natawa ako sa parteng malelate na pero nagawa pa tumambay at magusap sa gilid.. Hahaha. Oh natatawa kasi ko sa mga side comments ng katropa ko. Nagandahan ako sa movie na to. So sa lahat ng mga nakakasalubong ko tuwing sasakay ako ng LRT/MRT, may kanya kanyang issues sa buhay. Kaya sabi nga kailangan maging mabait ka sa lahat ng nakakasalamuha mo dahil hindi mo alam pinagdaraanan ng bawat isa. Ansaveh? pero RT (Real talk) lang ika nga ni Luke "Kaya naman ipaglaban yan eh" pero PAANO? Pa Deep. Ganda din ng Soundtrack.. Bravo Nicco Manalo at Emmanuelle Vera. Apir!


SLEEPLESS.
Maliban sa gusto ko si Glaiza De Castro dahil naastigan ako sa kanya.. Maayos yung artihan nila dito ni Dominic Roco. Kyut nga ee! Bagay sila. Kilig vibes yung part na naglalaro sila ng long board. Natuwa din ako sa effect ng pagkakaroon ng zombie apocalypse. Barry and Gem.. Akala ko nga magiging sila.. pero dahil sa nakita kong pagkalungkot ni Barry sa pagalis ng anak niya alam kong hindi. At si Gem, tama si Barry.. Baka nakakalimot siya kung gaano siya kaganda, Katuwa din yung friendship na nabuo sa pagitan nila., Kaya ang mga kaibigan pinipili talaga yan eh.. Run Gem Run! Sana magkaroon ng sequel.. pero I doubt it,., Uso ba sa indie films yun? Gusto ko lang kasi talaga ulet makita sina Glaiza at Dominic ng magkasama o gusto ko lang ng karugtong ng istorya nila Gem at Barry, Ganda din ng soundtrack,. Love it! Tulog tulog din.. Nyahaha. Apir ulet!

Trip ko??? Eh di #INDIEFEELS. Parang artihan lang ni Jhon Lloyd, Tagos eh.

*ctto sa pics*

(o'.''o)

No comments: