Wednesday, November 30, 2016

1st time XP

Parang unang beses ko magsuot ng pantalon na butas butas.. Hahaha. Naalala ko di ko nagustuhan yun dati ee.. pero ngaun, sakto lang naman pala. Naenjoy ko din xa isuot. Katuwa din may mga first time xp pa ko sa age na to. Nyahaha. Post ko pic next time.

Share lang: Binabalak ko na talaga palitan ang name ko sa pesbuk ee.. Cguro next year na.. Mamimiss ko din siyempre pero kailangan na ee. Babawas ko din friends ko dun. Mas sasalain ko pa. 'YahahaNyahahaha. Di ko naman kailangan madami likers ee kaya keriboom lang magdelete ng ibang di ko naman maxado kilala.

Share ulet: Reset ang ipod ko. Burado lahat. Alam ko kc nagpalit ako passcode kaso di ko talaga maalala. Hanggang na disabled na at need ireset na. Okay na din cguro yun. Para di na isaisahin pa pagdedelete old pictures.. pero may mga gusto kc pix yun. Yun lamang! Hahaha. Ayos lang din kc nabuksan pa.. at ayos pa.. burado lang files. Nyahaha.

Last na.. Yung effort ko sa pagbili tix ng coldplay.. Ayun wala ako tix. Mula preselling hanggang public selling, wala ko nakuha ticket. Nagpapasalamat ako sa mga sumuporta sakin para magkaticket.. Wala padin ako hawak na concert ticket hanggang ngayon. :(. pero di ko nawawalan ng pagasa na mapapanuod ko ang paborito kong banda next year. Yay!

(o'.'o)


Thursday, November 17, 2016

CLDPLY

I love Coldplay. I love most of their songs. Or should I say almost all of their songs.. Finding out that they'd be having a concert here in the Philippines freaked me out. I've been waiting for it. I've been dreaming to watch it. I remember how I patiently waited to watch the livestreaming of Globe on their latest US Concert. Tomorrow is the presale of tickets for their upcoming concert next year. I just hope ... really really hope and praying that I could get a ticket. Oh please! Message send successfully and reservation code please Globe. I can't sleep. Feeling so excited!

Oh please PapaGod give this to me. Thank You in advance. ;)

(o'.'o)

Sunday, November 13, 2016

Anong trip mo panoorin lately?

ATM. Watching Kimi No Na Wa (Your Name) .. Dahil kanina pa ko kinukulit  ng pinsan ko na panoorin to. Hahahaaha Here you go.. ;) No wonder bakit siya makulet,, Maganda tong anime movie na to. Must Watch. My Rate: 5/5. Yay!

Tapos eto naman..

FOREVER SUCKS
Sobrang naenjoy ko ang Forever Sucks Season 1. Waiting sa pagdating ng season 2.. at dumating na! Yay! Hindi pa kumpleto ang episodes tho pero ang importante lumabas na .. Natapos ko na hanggang episode 8. Kiligvibes! Dahil sa web series na to, napansin ko si Jasmine Curtis.. Simple lang niya. Light lang. Hindi OA.. Maayos yung pagganap niya dito. Excited pa naman ako sa continuation ng love story nina Izabel at Tony pero ganun ata talaga walang forever.  Natuwa pa naman ako kay JC Santos kasi maayos yung pagarte niya. tsaka bagay cila ni Izabel. pero bawi din naman,,. ang pagsulpot ni Felix Roco. Waaa! Wafu! Indievibes.. Stig' Kakilig din. Yay! Ang saya nila panoorin.. Easyhan lang natin ang mga bagay bagay. Hahaha. Sila Nancy Jane at TL Pol! Tawang tawa ako.. pati si Phylis na laging gulat at walang ginawa kundi magvlog. Hahaha. Tapos ang pagsulpot ni Parallax. Riot na nung season 1 eh .. Mas lumala pa ngayon. Nyahahaha. Ang rate ko sa Season 1 dati ay 5/5. Must watch siya para sakin.. Nirecommend ko pa sa mga kaibigan ko dahil sobrang naadik ako.. ;) Kahit di pa tapos season 2, pwede na ba ko magrate ng 5/5 ulet? Kudos sa team na gumawa nito. Salamat D5 Studios. Stig' Nagenjoy ako sobra! Ganda pa ng playlist. Salamat po. XD


AKND.
Yesterday Saturday Bonding with my girl friends. Dapat Sa Cinema 76 Film Society kami manood kaso hindi kami umabot sa 12noon screening kaya eto., Dito kami nanood,. Katuwa din kasi nakita ko sila muli. Katuwa din kasi nakita namin ang isa't isa maggrow.. Back to the movie., Di to film review wag ka magalala. Bwahaha.. Ang kumplikado ng istorya nito. Oo nga noh? Mahirap yung kalagayan nila. Pero kagaya ng usapan nila sa taxi,, Sino nga ba ang may kasalanan? Si Sam ba o Si Isa? Kailan pa naging kasalanan ang magmahal? Kailan ba naging tama ang mali? Pero natawa ako sa parteng malelate na pero nagawa pa tumambay at magusap sa gilid.. Hahaha. Oh natatawa kasi ko sa mga side comments ng katropa ko. Nagandahan ako sa movie na to. So sa lahat ng mga nakakasalubong ko tuwing sasakay ako ng LRT/MRT, may kanya kanyang issues sa buhay. Kaya sabi nga kailangan maging mabait ka sa lahat ng nakakasalamuha mo dahil hindi mo alam pinagdaraanan ng bawat isa. Ansaveh? pero RT (Real talk) lang ika nga ni Luke "Kaya naman ipaglaban yan eh" pero PAANO? Pa Deep. Ganda din ng Soundtrack.. Bravo Nicco Manalo at Emmanuelle Vera. Apir!


SLEEPLESS.
Maliban sa gusto ko si Glaiza De Castro dahil naastigan ako sa kanya.. Maayos yung artihan nila dito ni Dominic Roco. Kyut nga ee! Bagay sila. Kilig vibes yung part na naglalaro sila ng long board. Natuwa din ako sa effect ng pagkakaroon ng zombie apocalypse. Barry and Gem.. Akala ko nga magiging sila.. pero dahil sa nakita kong pagkalungkot ni Barry sa pagalis ng anak niya alam kong hindi. At si Gem, tama si Barry.. Baka nakakalimot siya kung gaano siya kaganda, Katuwa din yung friendship na nabuo sa pagitan nila., Kaya ang mga kaibigan pinipili talaga yan eh.. Run Gem Run! Sana magkaroon ng sequel.. pero I doubt it,., Uso ba sa indie films yun? Gusto ko lang kasi talaga ulet makita sina Glaiza at Dominic ng magkasama o gusto ko lang ng karugtong ng istorya nila Gem at Barry, Ganda din ng soundtrack,. Love it! Tulog tulog din.. Nyahaha. Apir ulet!

Trip ko??? Eh di #INDIEFEELS. Parang artihan lang ni Jhon Lloyd, Tagos eh.

*ctto sa pics*

(o'.''o)

Friday, November 4, 2016

1+1

Naisip ko lang. Karamihan pala sa malalapit kong tropa ay puro lalaki.. Nagcomment ako sa asawa ng isang kaibigan at bigla xa nagreply.. at sinabing malapit na ulet kami magkita. Nakakatuwa lang, dahil kasi yung mga tropa kong mga lalaki ay nagiging kaclose ko din mga asawa o gf nila. Nakakatuwa din kc yung mga gfs o asawa pa nila ang may mga pasalubong sakin imbes na yung mga tropa ko talaga na walang ginawa pag nakita ako kundi asarin at kulitin ako.. Naappreciate ko ang samahan na meron ako sa mga kaibigan ko.. Isa rin kasi sa nakakapagpatibay ng relasyon eh yung kilala din ng mga gf o asawa nila yung mga girl friends ng bf o asawa nila.. Dahil alam naman natin na may mga babae talagang selosa at hindi tatanggapin ang salitang tropa lang yan.. Kaya ang dapat gawin eh ipakilala mo ng personal.. At lahat naman ng tropa kong lalaki trato sakin kapatid o little sister at sila naman mga kapatid ko kaya nakakatuwa talaga, walang halong kyeme at alam mong totoo ang pagkakaibigan kaya sobrang proud ako.. at lahat naman ng girls ng mga katropa ko mga naging kaclose ko.. Mas mahal ko na nga yung mga girls nila minsan ee. Hahaha Masaya ko para sa kanilang lahat at andito lang ako para sa kanilang lahat. Ang dami ko inaanak pag nagkataon. Nyahahaha.

(o'.'o)

Oh! Okaii..

Okay na ko.. Hahaha.. Paanong okay? Ang salitang okay ba ay okay? Basta..  Maayos na pakiramdam ko. Positibo. Madaming bagay na dapat ipagpasalamat at ikasaya kaysa isipin ang mga bagay na ikakalungkot natin di ba.  Okaii.. Labblabb!

Off na. Plano? Movie marathon.

(o'.'o)

Thursday, November 3, 2016

Maghintay.

Hindi ko kung dahil lang ba sa malamig na panahon kaya nakakaramdam ng pagkatamlay. Na biglang  gusto ko nalang magtrabaho ng magtrahabo at dumirecho uwi pagkatapos. Ang alam ko lang nagsimula to nung magtanong ang pamangkin ko na kung magkakaanak pa ba ako. Dahil gusto niya daw magkaroon ng pinsan. At dinugtungan pa ng pinsan ko na kailan ba xa magkakapamangkin sakin. Nagpasend ako sa hipag ko pictures ng bago kong pamangkin. At lage ko xa tinititigan. Tas kanina may pinapasave ako sa hipag ko na gamit na pambaby at sabi ko sakin nalang yun para pag nagkababy ako, sabay tanong niya kelan ka ba magaanak? Oo nga noh, Paano? Daratinv din yung lalaki na ibibigay sakin ni PapaGod. Magiging okay din ako. Kailangan ko maramdaman to.. kailangan ko namnamin.. Bukas, baka okay na ko. Wag ko lang tanggalin ang tiwala. Tiwala at kapit lang sa Kanya. Mas lamang ang tiwala na meron ako kaysa sa takot at lungkot na nararamdaman ng puso ko..

(o'.'o)

Tuesday, November 1, 2016

Change is inevitable

Here I am in front of the desktop computer editing my blogsite.. It's not that easy.. :( Created the blog year 2008.. and imagine editing layout  8 years after? Woah! I'm feeling so granny right now.. Lol! What about the marquees, html/java script, etc??? HAHAHA.

I'm spending 30 minutes now and still no blog title? Oh come on!  

I'm excited for the changes tho.. I can do this! Aja! BRB.  ;)

(o'.'o)