Sunday, November 15, 2015

Duda ka? K.

Ang pinaka ayoko sa lahat kinekwestiyon ang pagiging kaibigan ko. Dahil ako, kailanman hindi ka pinagdudahan. Hindi dahil ikaw ang perperktong depinisyon ng isang kaibigan, kundi tinanggap kita sa kung ano ang meron at wala sa'yo.. Kung ano kaya mo sa ndi.. Sa mga panahon na lugmok ka at pinagkakaisahan ka ng lahat, hinuhusgahan ka sa pananamit mo, atbp, wala kang narinig sakin, dinamayan lang kita.. Mapa ano pang sabihin ng iba, wala akong pake, hindi kita nilayuan dahil tanggap kita.. Sa panahon na tinalikuran ka ultimo ng pamilya mo, wala kang narinig sakin, nanatili ako sa'yo. Sa panahon ng di pagkakaunawan, di kita sinukuan.. ilang beses.. pero sakin, hindi mo kailanman kinailangan na amuhin o habulin ako para lang manatiling kaibigan ko.. Never ako nagdemand, wala kang narinig sakin.. tanggap kita. Pero teka, bakit parang palageng kailangan na patunayan ko ang worth ko sa'yo? Sabihin mo, di paba sapat? Sa panahon ng tagumpay, sobrang saya ko para sa'yo. Pinagdadasal ko palage ang kaligayahan mo. pati yang trabaho mo ngaun, alam mong pinagdasal natin yan dahil grabe kang nasaktan ng di ka nakapasa sa unang apply mo.. Sa bawat pagiyak mo, wala kong hinangad kundi makita kang ngumiti, na pinagdadasal ko palage na dumating na muna ang lalaki na para sa'yo bago unahin ang sarili ko. Minsan lang ako magsalita sau, nasabi ko na sayo, na nasasaktan aq sa ginagawa mo, pero binalewala mo ako. Dq cnbi bawiin mo, sabi ko nasasaktan ako.. Naiintindihan ko na concern ka, malinaw sakin yun, d ako nakapgparamdam pero pwede naman sana pagusapan dba? Balikan mo muli, palit tau, kung ako ikaw, anung mararamdaman mo..? Sabihin mo sa sarili mo lahat ng sinabi o ginawa mo sakin, mula una, anong gagawin mo? Ngapala, kung may nasabi man o nagawa akong nakasakit sa'yo na di ko alam at di mo pinaalam, Patawad. Lahat ng ito, hindi ito panunumbat, bagkus ito ang saloobin ng isang kaibigan na matapos ang lahat lahat ay pagdududahan. Oo, pinagtanggol mo nga ako, pero di mo ko pinagtanggol hanggang sa huli.. :| (Di ko kailangan ng sagot o anu pang sasabihin mo. Kaibigan padin kita, di kita ituturing na kaaway. Salamat sa lahat, Patawad. Mahal kita pero tapos na tayo) (o'.'o)

No comments: