Thursday, July 31, 2008

dreams do come true

anu e2 fairytale?
ah uh.. NDI....
anu e2????
ewan.. watatatata
anu nga e2????
eh di basahin mo....
siyempre kung mananaginip ka nalang gusto mo na yung masaya at maganda di ba..
pero bakit yung sa akin ganito????
kwento ko sayo...
ayoko sa lahat yung mananaginip ng masama.. katakot eh... ikaw gusto mo ba nun? basta ako ayoko,. ikaw nalang.. ahahaha na kahit halo2x na panaginip ung pinakahuli halos bago ka magising eh un yung naalala mo.. di man maayos o malinaw pero meron dun yung maaalala mo.. meron akong 3 panaginip na di ko makakalimutan.. na mukhang madadag-dagan pa nga eh... (oh tignan mo nakwento ko pa kasi nga d ko nakakalimutan. hahaha)
oh game... game? laro? watatatata....
una: year 2005 ~ nanaginip ako na nasa kabaong yung classmate ko... clear nga eh kita ko mukha nya.. (oha kabaong talaga...) at ang pishnge eh todo iyak nang papalapit ako sa kanya.. sabi ko pa... "bakit mo ko iniwan,, akala ko ba di mo ko iiwan.. panu na ko ngayon?" oh dba drama itoh... na una malay ko bakit ganun nasabi ko todo ngawa at iyak ako samantalang yung classmate ko na un eh nung sem ko lang na un naging kaklase (3rd yr 1st sem) bakit parang apektado na apektado ako na parang ikamamatay ko pagkawala nya (pero sympre mahal ko dn naman ung classmate/kaibigan ko na yun pero nagtataka ko bakit ganun kalalim ung mensahe at ganun ako kaemote umiyak na akala mo nagauudition para maging artista.. watatata ok na ba direk?) nung makita ko yung classmate ko sabi ko magingat xa kasi napaginipan ko xa at namatay xa.. nagulat pa nga xa at nagtawanan pa kami kasi kulet nga ng panaginip na un eh..(tigok na xa sa panaginip ko.. mumu!) tapos may isa pa na isasama ko narin dito blurred naman pero nasa kabaong din.. after ilang araw ko napanaginipan yung una eto ung sumunod na hindi ko alam sino yun...
September 27, 2005: kasama ko ang classmate kong si shaula (xa yung napanaginipan kong nasa kabaong) pagkatapos ng uwian eh ngpunta muna kami sa pc shop sa tapat ng skul at nagpalipas ng oras... 9:pm ata??? basta gabi na ... ng mgtxt ang dadiyow ko kay shaula.. na malay ba panu nya nakuha no. nung classmate ko na un.. ng araw na yun wla akong dalang fon kc pinahiram ko sa pinsan kong c jenggay. tutal naman wala akong ktxt sa mundo eh xa na muna pinagamit ko.. ilang linggo din ako walang fon.. at sabi ng dadi ko umuwi na daw ako at magingat ako.. paguwi ko... pinakain muna ko at ewan bakit ang mga tao sa bahay eh asikasong asikaso ko na pinakain muna ko ng lola ko .. nakapalibot cla sakin na akala mo anu.. artista? ahahaha (marami pa nangyari kaso di ko na kwento kc 2 pa panainip ang kasunod .. hahahaha) hanggang sa sinabi sakin na ang pinsan ko eh... PATAY na.. ayun...
namatay pinsan ko dahil sa isang aksidente. na hit and run xa.. isang 10 wheeler truck na kumaladkad sa kanya sa pureza st. xa c 'jennylyn edquilag' ang pinsan ko na kasama ko mula pagkabata.. ang pinsan ko na di ko man matatawag na bestfriend kasi may bestfriend xa pero ang tawag namin ay cuzinfriend. kami yung tipong lageng magkasama na minsan tawag pa samin ay B1 at B2 dahil sa magkapitbahay lang kami at lage ako na sa kanila at pag nakita mo ko ay makkikita mo sya kasama ko.. ganun kami kaclose na pag uuwi ako direcho agad sa knila matapos magpalit ng damit pambahay.. na pareho rin kaming pinasukan na HS school at parehong university at course nung college.. pero never kami naging magkaklase ng college madalas din nagkikita kami sa school at minsan sabay uuwi pag pareho ng schedule. oh un nga.. dun dn ako madalas matulog sa kwarto nya. na mdami pa kaming plano para saming dalawa. kaya pala,, iba pkiramdam ko nuong nakaraang linggo aun pala. tsaka ko lang naisip na kaya ganun ung message ko sa panaginip ko kasi isang pinakaimportanteng tao at isa sa mahal ko ang nawala at kinuha na ni Lord... awtz....
pangalawa: year 2006 ~ nasa bulacan ako kasama ang kaibigan kong c yen at dun kmi pumunta kina dadiyow at kapatid kong c chibby.. dun kami nagstay ng ilang araw... nanaginip na naman ako.. ang panaginip ko eh tungkol sa paghabol sa isa kong classmate nung HS na babae .. hnahabol ko xa na hanggang sa makita ko si Mark (classmate dn namin nung HS at nagpasama ko habulin ung babae) tapos... todo habol kami .. hahaha habang sinusundan namin xa eh eh bigla kami napahinto sa elevator .. nauna na sa elevator ung babae.. at kmi naman kailangan pang magsindi ng kandila bago sumakay sa elevator.. daming sumakay katakot nga eh.. may belo pa yung mga babae. weee.. at pagbukas ng elevator.. weird pero para xang puro kabaong kc parang ano yung napuntahan namin funeraria.. ung mga may chapel.. basta ganun.. hahahah tapos sa nakita kong kabaong di ko maintindihan pero dumaan at napatitig ako sa isang yun na puti na kabaong. kami kasi masisilip mo ung mga kabaong agad eh.. tapos bigla ko nagising.... aun... ewan nga bakit ganun napanaginipan ko eh... hala...
September 18, 2006 ~ namatay ang papa ni mark.... monday ko napanaginipan tas wednesday namatay papa niya... (si mr. songco na hala teka,, anu nga ba kinamatay papa ni mark,, hala ulyanin...) ayun.... ayun nga... tapos bumisita kami sa st. peter funeral homes na ganun nga may elevator... tapos mga chapels.. tapos ung ganun din ung sa unang bungad ko bago pumasok dun sa chapel nla na makikita mo dn agad ung kabaong.. left side nga din ata kagaya ng sa panaginip ko eh... aun... kinuha nadin xa ni Lord...
pangatlo: year 2007 ~ ang kulet ng panaginip na toh.. na mabilisan lang o sadyang bglang nakalimutan ko na yung detalye tungkol sa panaginip na to.. basta nakakita na naman ako ng kabaong... at may patay na naman....
December 10, 2007 ~ namatay c dadiyow... 49 y/o... ang dadi ko na ilang buwan ding nilabanan ang sakit na cancer.. na akala namin maayos na dahil natapos na nya yung 25 sessions ng radiotherapy nya na bgla nalang binalita sakin na may taning na buhay nya... at nasa 4th stage na ... wala pang isang taong pakikipaglaban eh kinuha na xa ni Lord... ang dadi ko na kung saan 2 weeks nyang pagkaakaratay na makikita mo unti unti unting nanghihina at hanggang sa hindi na kinaya, kaya pala nung araw na yun (madaling araw 2am) naisipan kong kuhaan ang video at pictures c dadiyOw.. pinicturan ko din ang sarili ko kasama xa habang nakakiss ako sa noo nya.. at nung araw ding iyon (bago matulog si kuya mace) shinave pa namin ng ni kuya yung bigote ni dadi .. at nilinisan pa namin xa... at sa ilang buwang din pagsstay dito sa bahay ni dady eh,, first time tumabi ako sa kanya pagtulog ... at kinaumagahan umalis ako... at ndi ko alam bakit naka all black ako.. bsta ang alam ko sinuot ko ung dapat pamasko ko na blouse (at may istorya rin un tungkol sa pasko na yan) at nkipagkita kay mio para sabihin hindi muna kami magkikita kasi need ko asikasuhin at bantayan si dadiyow... xa nalang ang bisita sa bahay.. pagkauwi ko nakita ko ang kuya ko sa labas ng baha.. sabi ko "c dady?, bakit andito ka walang bantay sa taas.." tahimik xa.. knina pa pala nila ko knocontact.. na malay dn ba at may dala nga kong fon pero nung araw na yun eh pinalitan ko yung sim na isa pa na di aware ang lahat sa bahay na may isa pa kong number na pwde contactin... pagakyat ko sa taas.. aun nakita ko dadi ko... si dadiyOw ko patay na..
.. weeeeee.... oh ikaw gusto mo ba mapanaginipan kita??????

(0'-'0)

6 comments:

™ScaRheaD™ said...

tindi ng powers mo ah... walang binatbat c Madam Auring ahaha...

isa lang masasabi ko... panaginipan mo na lahat wag lang AKO.. dahil hindi ako isang panginip... isa akong bangungot hek hek...

사깅 (saging) said...

LOL @ scarhead's comment :)) HAHA. waa. FC ako :P i noticed that you liked korean stuff rin? ^^ omo~! 안녕 하새요, 운니~ ^^

roseSantos said...

may tao ba? naku hex bkt di ko mkta ung pinaglalagay mu sa fS ko? grabe ang haba^^ an sakit ng mata ko kakabasa. haha

naluluha ako habang binabasa ung mga kwento mu. di ko mawari kung naluluha ako dahil madilim ung backround ng binabasa ko o naluluha ako dahil sa kwento. nku. bhla kna mag icp kun alin dun. haha

andae bago. puro bago binabasa ko aa,, kabilis mo gumawa^^

cge pa. basahin ko pag meon

Stan™ said...

meron din ako napapanaginipan bout sa mga coffin na ganya. usually, malas lang yung nanagyayare.

ung sau, i think u have precognition.
kaya lang abstracted. kaya hindi madaling intindihin.


basta ang masasabi ko lang, mapapaniaginipan kita mamaya~! awwooooooooooooooooo....

pepper said...

Nakakatakot ka naman pala eh! Baka mamaya pati ako mapanaginipan mo! he..he.. Panapanahon lang siguro yan...

Jay said...

wag mo kong mapapag inipan ha.
madami pakong plano sa buhay.
hahaha.