Saturday, February 23, 2019

B O LA at P O T O

Nagpractice kami v o l l e y b a l l kanina. Next week kasi may game kami. Ang sakit katawan ko grabe. Ang binigay pa sakin n position setter. Hirap akong tumakbo. Hahaha. Ewan ko ano nakita nila bakit setter ang ganap ko, pero salamat sa tiwala.
Bukas practice muli. Next week kasi makakalaban namin galing sa ibang lugar. Good luck samin! Hahaha

Ngapala, lakbay mode ako sa buwan ng Marso. Nakakaexcite dahil mapapanood ko ang P h a n t o m of the O p e r a. Sumama yung isang friend ko. Okay lang din naman kung magisa ako. Hindi ko mapapalampas ang musical na ito kahit pa magisa ako. Sanay naman na ako manood magisa. Tsaka gusto ko din tutok ako pag ganitong mga ganap. Madami ako lakbay sa buwan ng Marso eh, manonood din ako ng isa pang stageplay sa katapusan.

Salamat sa talento at provisions, PapaGod. 

(o'. 'o) 

Thursday, February 21, 2019

Nickname

I'm thinking of changing my nickname. I don't know how to start. I've been using it more than a decade. What to do, what to do, what to do?

(o'. 'o)

Monday, February 11, 2019

Sino ang tira luto?




Friday night nagtrip ako magluto, sakto may mga tao sa bahay kaya pinatikim ko sa kanila pesto pasta. Nagustuhan naman nila though hindi yan yung ineexpect kong lasa. Para daw naging carbonara. Creamy p e s t o pasta daw ganoin. Naka dalawa naman sila kaya natuwa naman ako. Medyo nadiscouraged kasi ako magluto pasta kasi nung NYE pa 2019 ayun palpak S p a g h e tt i A g l i o O l i o ko. Gusto ko sana magluto ng magluto kaso mukhang ayaw sakin ng pagluluto. Kaya't natuwa naman ako at nagustuhan nila yung niluto ko kahit nakalimutan ko lagyan salt yung pinakuluan kong pasta. Nadala sa keso tsaka konting asin sa sauce na inilagay ko. Hahaha 

Saturday ininit ko yung konting natirang pesto. Syempre dinagdagan ko na asin. Hahaha.  Naubos naman. 5 kami kumain nung friday ng gabi eh may natira pa konti, yun ang dinner ko. Tas humingi pa housemate ko, kaya ubos na!

Sunday na, mag-isa lang ako sa bahay. Nakakita ako tuyo kaya't nagtrip ako magsinangag. Kasi ang lungkot naman kung kanin lamig kakainin ko. Kaya't tuyo sinangag tas suka oh! Ang sarap. Yan brunch ko. Tapos ang dinner ko naman nakakita ako ng canned caldereta tuna, inisip ko yun tsaka yung sinangag ulet kaso ang lungkot naman nun. Nakakita ko spaghetti sauce at may cheese pa naman naman kaya yan plus yung tuna. Nagluto ako muli pasta. Nakain ko naman.

Sa totoo lang di ako pala luto, lalo pa at walang pasok, katamad gumalaw kaya! Tapos magluluto ka, tas ikaw lang din kakain, parang nalulungkutan ako sa sitwasyon na ganun. Narealized ko na okay lang din pala  kumain ng luto mo habang magisa, naubos ko pa nga eh. Ang saya din pala talaga magluto no? Sa susunod muli.

Pahabol: nahulog kanina yung 200Php ko, takte sayang. Sabi ng kasama ko baka may nangangailangan nun. Nangangailangan din ako. Hay. Baka mas nangangailangan nakapulot. Sana kung sino makapulot makatulong. Aw.

Isa pang pahabol: may nagadd sakin na guy classmate ko dati nung college. Binisita kasi ako ng isang collegefriend nung thursday night tas nagpost friend ko nakatag ako. Malamang dun nya ko nakita. Ang kukulit officemates ko, ikembot ko na daw. Inadd lang eh, potassume amp. Hahaha. Single kasi yung guy. Tsaka naalala ko siya na mabait guy nung college. Sa pagkakatanda ko din straight guy siya. Kachat ko pasumandali ng Friday. Ako una nagmessage kasi naexcite ako sa pagadd nya, pero sila na nagiisip ng reply nung friday kasi di ko na sana rereplyan, nakakahiya eh. Tas di ko na talaga nireplyan ng Sabado. Wala ako masabi eh. Bukas parereplyan nila sakin to malamang. Ang tagal ko na kasi wala katext o kausap mula nung, ah basta mula nun. Hahaha

Oh, good night na.

(o'. 'o) 


Saturday, February 9, 2019

Abatekalangha

Para nga sa inyo, Oo sa inyong LAHAT. 

(o'. 'o)

R e a d i n g B o o k s AGAIN

I prefer paperback but i ended up reading the books l downloaded online.

That's all! Lol!

(o'. 'o) 

Tuesday, February 5, 2019

L u b D u b

Binuksan ko muli ang camera na matagal ng nakabaon. Konting pictures nalang natira. Tas eto ang nasilayan ko.. Tama nga mula sa movie trailer na nakita ko, oo, totoo,  t r a y d o r a n g m g a a l a a l a.

Nalungkot ngunit napalitan rin ng ngiti. :)

Soundtrip: 2 1 4

(o'. 'o)

Monday, February 4, 2019

Ganap Mo?

Waaaaa mukhang hindi ako makakapanood ng K o d a l i n e Concert. Nakakalungkot na nga at hindi ako bumili ticket ng concert ni J a s o n M r a z tapos papalampasin ko pa to. Anuna? Hahaha kaya hindi pwede kasi vip na lang available sa k o d a l i n e eh masyado mahal kasi nagbabalak ako manood ng P h a n t o m o f t h e O p e r a. Ayoko sana palampasin tong musical na ito. Hay.

Ang dami pang nakaline up na movies na gusto ko panoorin. Last January, ang napanood ko na ay M a r y P o p p i n s R e t u r n s at B o r n B e a u t i f u l.  Paano kaya magkakabudget sa lahat ng ito?

Ngapala, may lakbay ako isa sa mga araw ng ber months kaya need ulet magipon. Medyo excited. Pero gusto ko talaga sana makapag T a i w a n this year.

Gastos ba? O talagang dapat w o r k hard p l a y hard ang peg? Hahahahaha.

Sana isang araw sa taon na ito makilala ko na rin ang r i g h t man para sa akin. (Naisingit ko pa talaga to! Nyahahaha)

(o'. 'o) 

Monday, January 28, 2019

M i x t a p e January '19

1. Edition - R e x O r a n g e C o u n t y
2. Best friend - ROC
3. Sunflower - ROC
4. Strangers - S i g r i d
5. Comethru - J e r e m y Z u c k e r
6.  Love Someone - L u k a s G r a h a m
7. On our own - B r u n o M a j o r
8. Incomplete - J a m e s B a y
9.  Never not - L a u v
10. Unsteady - X A m b a s s a d o r s
11. Sink - N o a h K a h a n
12. Six Feet Under - B i l l i e E i l i sh
13. Hurt Somebody - NK
14. Everything I need - S k y l a r G r e y
15. Little Marks - E m i l L a n d m a n

Again, I'm using s p o t i f y. :)

(o'. 'o

Saturday, January 19, 2019

Thursday, December 13, 2018

Ako'y nagbabalik.

Deactivated fb account ko. Ilang buwan na.  Kamusta ako? Ayos naman. Nakakasurvive naman. D((cAccidentally, nareactivate siya. Ang unang bumungad sakin ay isang wedding video. Tapos ayan, balik nood na naman ako ng videos related sa kasal. Ang sarap kasi nila panoorin. Nagdadasal ako na isang araw, maikakasal din ako. Hindi ko naman hangad ang bonggang kasal eh. Hinihintay ko pa rin ang tao na nakalaan sa akin. Kung ano na lang po will nyo papaGod. Sa ngayon, ienjoy ko muna ang panonood. Uhm, plano ko pa din ideactivate muli fb ko, baka sa start na ng taon2019.

Naiiyak na naman ako sa mga pinapanood ko. Ehe.

(o'. 'o) 

Sunday, November 25, 2018

Kakaiba


EG - front act! Woohoo! Hi, K!




Nakapanood ngapala ako ng concert ni u n i q u e.  Nakalimutan ko na ishare sa'yo bebeblog. Syempre magi-isa muli. Sabi ko nga, gusto ko ang boses niya, kaya suporta! O z o n e, S i n o, w e k n o w, mof, c ha c h i n g at m i d n i g h t s k y ang mga gusto ko sa g r a n d m a album nya. Naenjoy ko naman, pero sa susunod loge na muli. Ang ingay sa balcony eh. Sulit naman ang paghihintay sa talendatong bata na ito. Yay!

Next year sana mapanood ko naman I V of S p a d e s.

M a m a mo san darating. HAHAHAHA

(o'.'o)

Monday, November 19, 2018

S o u n d t r i p

Soundtrip ko sa Nobyembre 2018

1. P a g l i s a n (ost)
2. M u l a sa B u w an songs
3. M a l i b u N i g h t s (album) - l a n y
4. G h o s t S t o r i e s (album) - cldply
5. A S t a r i s B o r n (ost)

Feel free to listen to these songs.
i stream songs using s p o t i f y.

(o'.'o)

Sunday, October 14, 2018

I am so fucked up

I have to be honest with myself.. I AM SCARED. I'm scared for the things that I should've done, but I didn't.. I'm scared of what's next.. I feel like I'm such a failure. I'm scared about my work, my life, my health.. Everything. I feel so alone. I don't want to bother anyone, I've been dealing with these thoughts for quite some time now. I am just nobody. I don't matter. I am just f*ckng scared and messed up.

I am so emotionally fucked up right now.

(o'.'o)

Saturday, September 29, 2018

Y a k a p s u l e

It has been a long day.

Iyak na iyak na ko kanina pa. Ang dami kong ganap. Pagkauwi, naglakad lakad ako at nagsoundtrip. Kumakalma ako sa pakikinig ng musika. Ang pinakingganh ko yung sa M u l a S a B u w a n at mukhanh di ko na mapapanood dahil sa mga ganap sa work. Ang lala! Tryke, bus, taxi at jeep hanggang makauwi. Lahat yan nasakyan ko. Maliban dun may mga ganap pa diyan. Pesteng peste na ko. Sabi ko kailangan ko ng yakap ng L o l a ko. Umuwi ako, tas tsaka ko lang nalaman na mas kailangan nya ang yakap ko. She's sick for few days now. Maliban sa ganap ko sa work pati paguwi hanggang makauwi, bigla natriple yung pagkalungkot, takot at asar ko ng malaman ko na may sakit siya. Hay. Pagaling. Yakap. Labyu La!

(o'.'o)

Monday, September 24, 2018

P is for

Share lang.. Araw araw ko pinapatawad yung Ex ko. Pinatawad ko na siya, Oo! Matagal na. Sobrang nasaktan ako sa nangyari sa amin at ginawa niya pero sa tuwing may nagpapaalala sa akin ng nakaraan, pinipili ko magpatawad muli. Hindi ako para maghangad ng ikakasama ng ibang tao.

Bakit ko ba naibahagi ito? Bihira ako manood na sa telebisyon pero hindi ko pinalampas yung G G V episode ng C a r G e l. At takte! Ang sarap lang yakapin ni A. Ramdam kita gorl! Waaa~

*maiba tayo.. takte nung tigyawat ko ang laki sa bandang butas pa ng ilong nakapwesto. Noooo! May lakbay ako nextweek huy wag kang ano! Nyahahaha

Ngingiti ngiti lang yan, pero iyak na iyak na yan. Huy! HAHAHA

Labyuol!

(o'.'o)

Tuesday, September 18, 2018

EG






Unang beses napanood ng live ang banda na ito. Hindi ko sure kung solo ba siya o ah ewan basta gusto ko sila. Nadagdag sa paborito ko. E a r l G e n e r a o! Mga ilang beses ko ba uulitin yung K a t a b i na kanta nila at maliban dun, gusto ko lahat ng tinugtog nila. Weeee.. Sabi nila tutugtog sila sa concert ni Unique.. uhm, kitakits!

Hola kay K na bassist ng grupo. Gusto ko siyang bata siya. Ehe.😅

Kung sa I V of S p a d e s, lakas maka feeling proud tita ako, dito sa banda na to, feeling proud ate ako. HAHAHA

(o'.'o)

Sunday, September 16, 2018

Musiiiiiikkkkkaaaaaaa at Feelings







Ang dami kong kilig! Ang tatlo sa mga paborito ko sa larangan ng musika.

L e a n n e and N a a r a
i b e l o n g t o t h e z o o
M u n i m u n i

Uy may bago ako bb crush. Yung new drummer ng MM. Yiiieee! HAHAHA

Teka, pahabol ang lala! unang beses ko mapanood magperform ang t y p e c a s t. Ang mga nakaraan na jam. Ang oldskul. Hahahaha
(o'.'o)

Saturday, September 1, 2018

Your T U R N


Dumating na.. at ikinasal na nga siya. Sobrang saya ko para sa inyo. Salamat sa gift of friendship. Mabuhay ang bagong kasal!

?: Ikinakasal na mga kaibigan mo, ikaw kailan?.. 
Me: Ah... E I O U! HAHAHAHA

Hinga. 
God has perfect timing.

(o'.'o)