Saturday, September 28, 2019

Kailan muli?



S a n J u a n L a U n i o n


B a l e r 

Nakakamiss na ang dagat. Unang beses ko sinubukan pagpaddle boarding at surfing tapos sobrang nagustuhan ko. Ang lala pa nung sa elyu, ang layo narating ko ng walang tali sa paa. Nagpanic sila eh. Pero buti nakabalik ako ng hindi tumutumba. Sa baler naman, ilang attempts bago ko nakuha at nung nakuha ko na, ayoko na paawat, masarap pala mag surf. Sa uulitin.

Maiba, gusto ko na magdive muli. Tagal rin pala mula ng huling sisid. Sana makalangoy na muli. Kailan na ng ibang pagkakakitaan at dumarami ang bayarin. Woot. 

(o'.'o)

Wednesday, September 25, 2019

Ay, iba na?

Nung isang araw, napatingin ako sa mga kamay ko, at akin siyang sinuri, may iba. Hindi na siya katulad noon. Madami ang nagsabi sa akin na maganda daw ang kamay at mga daliri ko. Yung bigla may magsasabi "ang ganda mga daliri mo no? O kaya ang ganda pala mga daliri mo?" Minsan ipagmamalaki pa nila na maganda ang hugis ng daliri ko. Hindi man mahaba ngunit maganda ang hitsura at pagkakahulma. Siguro raw ay wala akong ginagawa sa bahay. Ngunit sa araw na iyon, matapos ko siyang pagmasdan, ang kukong pudpod na dati ay nakahulma at madalas naka nailpolish, ang dating makinis, ngayon ay kulubot bang maitatawag iyon, may pagbabago na. Nakakita rin ako ng mga linya na hindi ko mawari sa dami ng bilang nya. Ang dating malambot na palad kung hahawakan, ngayon ay may konti ng gaspang. At sa aking pagtitig, ako ay nakaramdam ng lungkot. Sabi ko sa sarili ko, wala ng maganda sa akin, dahil hindi na katulad ng dati ang aking mga kamay. Ang isa sa mga madalas pinupuri sakin, naglaho na.

Aking binalikan ang mga kaganapan. Ang isa sa pagbabago na nagagamit ko ang aking mga kamay ay sa pagluluto. Oo. Nagluluto na ako. Kaninang dinner, nagluto ako ng bicol express. First time ko magluto nun. Nagustuhan naman nila, ubos ang kanin eh. Yung isa lang ang hindi masyado nagenjoy kasi di siya mahilig sa maanghang. Sa 6 na kumain, 5 ang nasarapan at sapat na iyon. Pati ako nasarapan kasi masarap ang pagkakaanghang gaya din ng sabi nila. Hindi ito yung anghang na ayaw na magpakain. Kaya masaya ako at nagustuhan nila. Last week nagluto ako ng chicken fillet in curry yellow sauce with salted egg  at nagustuhan naman namin ng housemate ko, napadami nga kain namin nung gabing yun. Dinala ko ang tira sa office kinabukasan at kinain nila habang lunch. Pagbalik ko office, ang sabi nila "masarap" May nagustuhan, meron ding hindi masyado kasi hindi fan ng curry. Kanya kanya din namang panlasa ang tao, kaya ayos lang. Kanya kanya din na gustong klase ng luto, kunwari ako sobrang ayoko ng pineapple sa adobo, parang ganun din yun. Tumatanggap din naman ako ng puna kung may dapat baguhin o mali, kunwari matigas pa ang karne o masyadong maanghang at kung anu ano pa. Tapos meron pa pala, nagpaturo ang officemate magluto adobo sa bahay nya tas di ko alam yung isang officemate dinala yung sobrang adobo kinabukasan tas natikman nung iba pa di pa nakakatikim luto ko, nalaman ako nagluto, pagdaan ko sa wing nila "pwede ka na mag-asawa!" lahat sila ganun sinabi. Nakakataba lang ng puso sa tuwing napupuri ang luto ko. Matutuwa mga kamaganak ko na masasarap din magluto. Hahaha pero hindi naman ako nagluto para humingi ng papuri, nagluluto ako dahil gusto ko magluto, nagpapractice ako magluto, gusto ko matuto at nageenjoy ako.

Uhm pero sa totoo, medyo naluha ako sa ganap na ito ng mga kamay ko. Hahaha Sobrang gusto ko rin ang aking mga kamay. Ngunit totoo nga na ang ang panlabas na kagandahan ay lilipas rin. Masaya ako na minsan sa buhay ko, naging maganda sa panlabas ang aking mga kamay at sapat na iyon. Sa ngayon, masaya ako na hindi man kagandahan ang aking kamay katulad nh dati, ito naman ay nagbibigay ngiti at busog sa mga tao sa pamamagitan ng simpleng luto ko at para sa akin ito ay maituturing rin na kagandahan. Salamat pa rin.

Tsaka nakapaglinis na rin pala ako ng toilet syempre pati toilet bowl. Hindi lang once.. mga twice. Oops! HAHAHA

(o'. 'o)

Sunday, September 22, 2019

K is for?










Late post. I was at K o ta K i n a b a l u 2 weeks ago. People are nice. I love their food.. Ohh laksa. Where to go next?

(When it comes to work, there will be major changes but uhm I am trusting God to his plans and I'll do my best not to give up on life. Stay sane, H.)

(o'. 'o)

Tuesday, September 17, 2019

O P E N

Nanood ako ng dalawang pelikula mula sa P P P 2019. Tawang tawa ako sa T h e P a n t i S i s t e r s. Pinanood ko ang D i e B e a u t i f u l at B o r n B e a u t i f u l, kaya hindi para palampasin ito. Gusto ko din kasi ang mga actors na kabilang dito. Tapos, sinunod ko ang pelikulang O P E N. Pagkatapos ng pelikula, gusto ko man balikan ang nakaraan,  mas pinili ko na huwag na lang. Mapasalita o isipin, di ko na ginawa habang kasama ang kaibigan ko. Sa'yo ko nalang share bebeblog ang thoughts ko sa movie na ito. Ang sakit ng pelikulang ito. Yung kasama ko iyak ng iyak eh. Ako napaluha lang. Hahaha Ramdam ko ang sakit lalo na sa linyang "kulang na kulang ba ako?" tsaka "Bakit mo ako sinaktan? Twice?" Gusto ko kotongan yung lalaki sa pelikulang ito, pero nais ko rin unawain, sya kasi ang weakest link sa ganap na ito. Yung idea pa lang ng o p e n r e l a t i o n s h i p eh nakakagago na eh, paano pa kung iaapply nyo diba. Exciting pero risky din sa kalusugan. Yung mura ni Rome dun, ang intense. Sobrang ang galing nya dun. Yung pakiramdam na pumayag ka na nga sa kagaguhan na yun, tas malalaman mo may mas gago pa palang ginawa. Dobleng sakit ng scene nila sa parking. Isa pa nakayanig sakin yung part na sinabi ni Rome, “Para akong mababaliw kakaisip asan ka, sino kasama mo, anong gagawin niyo?” tapos yung diring diri siya sa sarili nya. Naramdaman ko ang trauma sa kanya. Nakakaawa sila pareho na ganun ang nangyari sa relasyon nila. Kasi naman naknamputang 14years tapos ganyan. Mapapamura ka talaga ng matindi. Mapa kay Rome o Ethan, marami ka matutunan sa movie na ito. Dapat sa pagpasok ng relasyon, pareho kayong buo at hindi para buoin pa ang isa't isa. Panoorin mo ang pelikukang ito para alam mo na ang gagawin kapag papasok ka na muli o papasok palang sa relasyon.

(o'. 'o)


Sunday, September 8, 2019

Labolabona!

Hello. Uhm saan ko ba sisimulan. Bukas madami pagbabago sa work ko. Sobrang nakakalungkot pero ayoko magpaapekto dahil napagod na ko umiyak nung isang araw. Hintayin nalang ang meeting bukas. Ang daming ganap ng nakaraang linggo ko at sa darating na buong linggo. Kahapon, pumunta pala kami sa d r t s h o w. Nakabili ako mask at booties. May booties na ko eh kaso bumili ako mas mataas at makapal na booties pero quality na yung isa ko kaso mas maganda daw makapal ang tapakan. Suotin ko nalang kapag may normal na swimming na lang. Maganda bumili dun dahil nakasale. Nakatipid kami kumbaga kaysa bumili ng original price. 3 kami bumli mask. Kikay nabili ko pink. Black na may pink. Lol. Tapos, sa ganap sa work na magulo, napakain ako ng buong week, last week, nadagdagan weight ko. Yung di mo alam san landas patungo tas sumabay pa lakbay ko pa Malaysia sa wednesday night. May kasama ako this time. Nawala excitement ko mula ng malaman ang ganap sa work ngunit wala makakapigil sa pagpunta dun. Oh eh di good luck sa damit ko dun tsaka bahala na sa ganap sa work. Hahaha pero wala ng may pake basta usapan namin magswimsuit kami tas yung sa work bahalanasilajan kasi ayaw naman nila kami pakinggan. Tas bebeblog, magbabalik mansanas na ko anytime this month. Syempre mas mababang unit lang at 2nd hand dahil wala naman ako pambili brand new ng latest nila. Haaaaayy. Iniisip ko ibenta tong gamit ko ngayon, v i v o x21 128g dual sim. Sulit tong fon na to. Bili na, charot! Kaso di ko pa din alam ilelet go ko na number. Sun o globe number kaya? Bahala na kapag nakuha na. Tsaka nagyayaya pala ng dive sa 22, iniisip ko kung sasama ako kasi tangina ang gastos gastos na. May gusto pa ko attendan sa 21, gig tsaka play naman sa Lucena. Iniisip ko pa kung pupunta mag-isa sa play o gig. Kailangan din mamili. Pero ang alam ko lang, gastos! Utang na to bah! Nyahaha.

Yung work ang nakakapagpaanxious sakin sa totoo lang. Pero.. I have big problems? I have a bigger God. Kaya sa ngayon, easyhan ko lang, kapag off, off! bukas na usapang work. So bukas na, sana maging maayos na ang lahat. Good night.

(o'. 'o) 

Monday, September 2, 2019

W a s a k

Sobrang wasak ang puso namin lahat. Hindi namin inaasahan ang ganap na ito sa work. Hindi talaga namin alam kung saan kami patungo. Basta ang alam namin,  kailangan naming umalis. Paalam tgyty. Kung saan mapapadpad, sana magkakasama pa rin kami. Mugto na mata ko kakaiyak. Hindi ko pinakita ang pagiyak ko sa madaming tao. After meeting, lumayo ako at nagiiiyak. Grabe sila sa amin. Sabi ng tatay namin, na inalis nila, magtiwala lang daw sa nakakataas ng ahensyang pinagtratrabahuhan namin. Aalis naman kami, bakit kailangan alisin ang ulo namin. Hay. Babawiin ka namin, Itay. Sana nga mabawi ka namin at magkasama sama pa tayong lahat muli. Kapag umalis na siya, baka dun umiyak na ako sa harapan nya. Sana makayanan ko na wag umiyak. Hay. Iba ang nagagawa ng kapangyarihan, grabe sila sa amin. :(

Ang lala! Ako'y nalulungkot, nagagalit at natatakot sa kung anuman ang kahihinatnan ng ganap na ito. Kayo na po bahala sa amin, Papa God. Magtitiwala.

(o'. 'o) 

Sunday, September 1, 2019

Hanglaki







Nagdive na ako today dahil bukas hindi na ako kasama. Alam mo ba, nakakita kami ng G i a n t T r e va l l y! Ang lala ng laki nya. Mga ilang ikot din siya sa harap namin. Medyo nakakatot din pala pero natuwa ako. First time ko makakita ng malaking isda. Yung mga kasama ko na matagal ng divers,  unang beses lang din nila makakita ng ganyang kalaki na GT at malapitan pa. Sulit ang dive na ito. Screenshots lang yan mula sa video, maliban sa unang picture. Tsaka sa araw na ito, nabeat ko yung dating depth ko mula sa last dive. Ang lakas alon kanina sa taas buti nakaalis at nakarating ng safe. Salamat po. Hanggang sa susunod na sisid!

(o'. 'o)

Thursday, August 29, 2019

T r u s t the p r o c e s s

Nagkaroon kami ng emergency meeting kanina. Ayoko idetalye. Nalulungkot ako. Ganun pa man trust the process ang peg ko. Kung ano ang will ni PapaGod sa amin, tatanggapin ko. Kapag nagkataon next month madaming padaadjust ang magaganap. Hay.

Maiba, sa Sunday kasama ako sa dive. Sa ngayon, ipapatong ko sa leggings ko yung nabili ko dati na below the knee pants. Kaso 3mm lang siya. Wag na sana ako masugatan, kundi need ko ata talaga wet suit na next time. Hirap kasi isuot nun tsaka parang wala ako makita na kasya sakin kaya ayoko nun. Ehe. Di na makirot ngunit nagpeklat na yung sugat ko sa tuhod. Kasama ng sugat ko ng plumakda ako kaya sugatan tuhod tas nagbutlig butlig na tsaka eto ngayon, ang panget na pala tignan ng tuhod ko. Wawa. Goodluck sa susunod na sisid. Sana makakita na ko pawikan at sana maging maayos naman.

Ngapala, 2nd week ng September may lakbay ako, sumabay pa ang ganap sa work. May two weeks ako magligpit ng gamit at the same time, two weeks para ayusin work ko at two weeks magpaliit tyan dahil sa lakbay ko magsusuot ako swimsuit. Lakas. Hahaha

Sa totoo lang, pinipilit o  uhm pinipili ko kumalma sa ganap sa buhay ko. Nagulat kaming lahat eh, na eto na naman, eto na pala. Agad agad man, tiwala lang.

(o'. 'o)

Wednesday, August 28, 2019

Langoy pa.




Bangs! HAHAHA nagpagupit ako ng buhok nung last na holiday na Miyerkules. Nagdive kami last Sunday. 5th dive ko na ito. Ang daming isda. Kaso nasugatan tuhod ko ng corals :( Ang sakit nung parteng yun,  namumula nga sya ngayon. Kailangan talaga makapal gamitin na pants. Tsk. Pero masaya sa ilalim. Excited ako sa mga darating na dive. Sa darating na Sunday may dive ulet, kaso pala hindi ako sure kung makakasama ako pero gusto ko. Ang dami ko bayarin ngayong katapusan eh. Bills bills bills. Sasama o sasama?

(o'.'o)

Friday, August 16, 2019

N E M O


Hello bebeblog! Natapos ang unang dive ko sa dagat last weekend. Positibo naman ang feedback nung dive instructor namin. Kailangan pa lang magpractice pa kami ng finning. So far, natutuwa siya at mabilis kami matuto. Aga kami nakapagcheckout, pasado ako. Wala na matindihang tutukan na naganap sa amin. Sobrang nagenjoy ako. May naging konting problema lang nung sa last day na check out, pagkaahon ko biglang sumingaw bcd ko (may bumara pala na bato)  pero buti daw kalmado ako nakarating ng ako shore ng payapa. Sunod lang sa instructions at dapat wag magpanic kundi tegi, di na siguro nila nalaman kung san ako unti unting lumulubog kundi ako nakasigaw para sabihin na ayaw maginflate bc ko.  Kaso sa susunod, wag daw ako ngumiti pa kung emergency na. Ang nangyari kasi nginitian ko pa muna yung kasama naming babae na friend ko, tas bumaling ako patalikod para hanapin ang dive instructor. Buti narinig ako. Napuri pa din naman ako sa pagkakalma ko kahit papano. Woot. Ay ngapala, NAKITA KO SI NEMO! Ang cute. Excited ako makakita ng iba pang mga isda pero mas focus muna ako sa finning ko. This week, sa linggo, exam kami tapos next week dive ulet. 

Ngapala, aattend kami sa September ng DRT Show. Sana makabili na ko mask dun tsaka balak ko din bumili fins pero depende pa, mahal fins. Pinagpipilian ko kung pink o white may rashguard ako na pink pero mas matimbang sakin ngayon ang white fins. Mask kailangan ko na talaga. Isa isa lang. Kaya baka mask muna.

Ay yung sa timbang ko, share ko lang,  Naalala ko sa pagod ko sa langoy, napatinapay with icecream ako. Hindi na mauulit. HAHAHA Sinabihan din ako na magweights na.. lumalawlaw na yung taba sa braso ko. Kailangan daw itone. Hala. Target weight 65kg for this month. From  80kg, 70kg ako ngayon. :) pag nag 60 ako, dami nagpromise ng samgyup sakin, kaya sana mameet ko yung target na yun this year. Laban! Nyahahaha

(o'. 'o) 

Friday, August 9, 2019

OK

First week of July nagkaroon kami ng lecture tungkol sa scuba diving. Natapos kami ng pool session last week. Bukas, sa dagat na kami. 2 days training, Sabado at Linggo nasa Batangas ako. Uhm.. Yes, kumuha ako ng open water diver course. Tagal ko hinintay ito. Naalala ko kasama ako ng tropa sa introdive nila, di ako lumangoy, hanggang sa nagtake sila ng course. Una ayoko pa, kasi nga magastos tsaka madami ako ganap kapag weekend nung 2017 pa ata to eh. Tapos nung gusto ko na sumama, wala tapos na sila. Di ako maisingit dahil magisa lang ako. Di ako priority, wawa. Hahaha Buti ngayon naging apat kaming interesado, may kasabay na ako kaya natuloy na.

Sana maging maayos naman buong ganap namin dun. Sa pool kalma naman ako. Nagawa ko naman mask clearing at regulator recovery. Ang lala nung anak nung dive instructor namin, sabi mas mahigpit, oo nga sa kanya kami napunta tas pinagawa nya yun sakin ng sabay. Tas sa  ilalim twice nya bigla tinanggal regulator ko. Takte nun, napakunot ako noo, muntik na mawala sa isip ko na instructor ko din yung bata na yun. Hahaha Buti kalma lang ako at di nalunod. Sa buoyancy ang medyo tagilid ako. Sana makuha ko na bukas yun. Sana ganun din ako sa dagat na mismo, kalma lang. Masama ang panahon sa mga nagdaang araw. Sana bukas maging maayos na. Actually gusto ko nga tanungin sa group chat kung hindi ba delikado yung ganitong panahon pero naisip ko, alam naman yun ng dive instructor namin, kung delikado o hindi. Hindi makakasama yung isa kasi malala ang sipon niya kaya rescheduled siya next month. Gumora na ko kasi baka sumabay ang schedule sa ganap ko next month. Baka hindi tumugma sa schedule ko, kaya heto na, sisisid na bukas. Sana maipasa ko ang course na ito. :) Salamat Papa God.

(o'. 'o) 

Nakakatuwa din pala

Nakakatuwa din pala. Nahihilig kasi ako sa pagluluto. Nagustuhan nila lahat luto ko. Ang saya lang sa pakiramdam. Lutong bahay lang naman niluluto ko, madalas ang tropa kakain sa bahay tapos ako magluluto. Madalas adobo lol. Tsaka may 2 ako suki na bumibili luto ko. Nakapag sinampalukan na manok na ko, adobo,  pininyahan (di ako mahilig sa pinya tho), waknatoy. Balak ko aralin yung mechado ng tita ko tsaka kaldereta ng tito ko. :)

(o'. 'o)

Sunday, August 4, 2019

S a l e


First time ko bumili neto. Dinadaanan ko lang siya palage at hindi ako bumibili kasi namamahalan ako, minsan nga di ko na din tinitignan kasi di naman ako bibili pero alam ko naman na maganda quality nya. Pagcheck ko kahapon, naka50% discount, waaa dami ko kilig kaya binili ko na. Natutuwa ako. Baby blue na may line na pink ang sa akin. Gusto ko pa sana yung army green na classic, pero gusto pala ng pamangkin ko kaya sa kanya nalang yung bibilhin bukas. Sama ko sa iba ko pa friends na bibili. Peach ang gusto nyang kulay. Hangkyut nya talaga!

Ngapala, maiba, update lang, kailangan ko na bumili ng belt. Alam mo na yun. HAHAHA

(o'. 'o)

Monday, July 8, 2019

T A B A

Mataba ako? Oo. Ilang buwan ko na nilalabanan ang lower back pain. Ilang beses ko naranasan yung tipong 'di ka makabangon agad dahil ang sakit ng likod mo, kagaya ngayon. Aw. Kinailangan ko pa may makapitan upang makatayo. Ilan beses na din ba ako nagsabi ng magpapapayat pero wala eh, masarap talaga kumain ng masarap. Mahina ako pagdating sa pagkain na matamis gaya tsokolate, ice cream, chocolate cake at basta madami akong paboritong pagkain. Tumigil din ako sa pagbili ng pantalon dahil nasisikipan ako,  nakakairita sa pakiramdam. Gusto ko yung kumportable lang. Cute naman maging malusog eh ang kaso madalas ang lower back pain ko sanhi ng excess weight. Araw ng Kalayaan ngayon taon, biglang ayoko na. Obese II kasi ako, matagal na. Sa sobrang tagal, naging kampante ako, kahit pa binibiro nila ako dahil sobrang laki ng pata at braso ko, wala naman akong pake tsaka tanggap naman nila ako. Kaso naisip ko, mag-isa nga pala ako. Paano na, kung ultimo pagsarado ng zipper ng uniform ko sa likod eh hirap ako. Hanggang sa sinabi ko sa sarili ko, hindi na pwede to, nagdesisyon na ko, at sana naman sa pagkakataon na to, huli na ang pagbabalewala sa kalusugan ko. Tama na muna ang pagkain ng sobra. Bye na muna milk tea.  Hindi nadin muna kakain ng mga paborito ko. Waaa~ Kanina muntik na ako sumuko. Gusto ko na kumain ng pizza, pasta at nachos, lahat ng nakausap ko nagsabi na "huwag" kasi ilang linggo nadin tong laban ko na to. Nakita nila ang pagtitimpi at hirap ko. Dumating pa nga sa punto na napapamura na ko sabay magtatawanan kami dahil wala ako maorder tuwing tatambay sa SB. Palage nalang mapait at ayoko na uminom ng mapait. Hahaha Feeling ko nga minsan ang arte ko dahil naging pili ang kinakain ko. Di ko na tuloy makain yung cereals at gatas sa ref. Tsk. Sa ngayon, wala akong nakikitang pagbabago sa katawan ko pero hayaan na. Heto nalang muna, magiisang buwan pa lang naman. Wag daw ako mainip, sabi nila. Sana magtuloy tuloy na talaga at huwag ako landiin ng mga paborito ko dahil marupok ako. Nyahahaha Balitaan kita sa susunod kung may pagbabago. Sana hindi pa huli ang lahat, dahil ayoko din naman magkadiabetes. Kaya? Kakayanin. Laban? Oo naman.

(o'. 'o)


Saturday, July 6, 2019

Isa pang hikaw

Isa pang butas muli sa tenga. Sa cartilage sana kaso matagal daw magheal, eh may lakbay ako sa Agosto. Sa wakas, makakalangoy na at masisisid ang ilalim ng dagat. Nawa'y makapasa dahil matagal ko ng gusto masaksihan ang ganda ng ilalim.🐠

Ambilis ng panahon, mag-isa pa rin. Nagpapasalamat sa mga taong pinipili ako maging kaibigan o tinuturing na kapamilya sa araw-araw.

(o'. 'o) 

Tuesday, June 25, 2019

k a l i m b a at h i k a w


Napasaakin ang kalimba nung araw ng birthday ko. Sa kasalukuyan, tatlo pa lang ang alam kong kanta. Magaaaral pa ako ng iba pang kanta. Nakakarelax yung tunog, ang sarap sa tenga. Yay!


E a r P i e r c i n g 2019
Eto lang available na hikaw, papalitan na lang kapag magaling na. Tattoo na next. :)

(o'. 'o)

Monday, June 24, 2019

Ang itim mo!!!

Yan ang madaming beses ko narinig ng makabalik ako. 3 araw nawala. Tas heto tutong, nagbabaga at nasunog na daw ako. Habang nakatingin sa salamin kanina, oo nangitim ako (lalo) tas nagbabalat pa mukha ko.. pero share sa'yo bebeblog ang aking mga napuntahan..

Laoag
Palaui Island
Bangui Windmills
Pagudpud
Paoay Sand Dunes
Vigan
San Juan La Union

Next time ko na kwento no ano ganap ko, dami ko na antok. Uhm.. Basta nagenjoy ako.

(o'. 'o)



Monday, June 3, 2019

T is for what, again?

Babalikan kita at sisiguraduhin ko na may dala na kong jacket. Meron pa kong ganap dyan, shirt at shorts lang ako. Tsaka dress, napabili tuloy ako pamababa. Hahaha Takte, hanglamig! May oras kasi na umuulan. Nasiyahan naman ako sa ganap na ito. Teka, paalala sa susulpot sa bansang ito, ang solid ng 711 nila. Bitin, dapat mga isang linggo. Ipon mode, para lakbay ulet, ganoin. Salamat po pala Papa God dahil nakarating at nakauwi ng safe. Sa susunod po muli, kung inyong mamarapatin. :)








(o'. 'o) 

Sunday, May 19, 2019

b i l o y

Kami ay pinagtagpo. Matapos ang apat na taon, nakita ko ang lalakeng may malalim na biloy sa magkabilang pisngi.

Umattend kasi ako ng binyag. Ninang ako, habang siya naman ay ninong. Ayos lang.

Ang unang mga bungad na tanong ng mga tropa kong babae: "okay ka lang te?" "anong pakiramdam na makita siya muli?"

Me: Hindi ko pa talaga siya tinitignan.

Hindi ko alam ang aking mararamdaman ng makita ko siya o sadyang wala lang akong pakiramdam.

Sinabi na sa akin na darating siya, wala naman ako inaasahan sa aming pagtatagpo. Hindi naman siya ang dahilan ng aking pagsulpot. Hindi ko nga inaasahan na pupunta siya, dahil nung kasal hindi siya nakadalo.

Hindi kami nagusap. Hindi nya ako kinausap. Hindi ko rin siya kinausap. Hinintay ko siya magsalita, ngunit wala. May punto pa nga na nakatayo ako sa harapan nya dahil dun sa pwesto nya ang daan papunta sa aking upuan, ngunit hindi siya nagsalita, hindi nya ako matignan o kinausap man lang.

Aaminin ko ba na hinintay ko na kausapin niya ako? Para mawala ang ilangan. Sa totoo, medyo hindi kumportable sa pakiramdam, lalo pa at tanong ng tanong ang tropa kung okay lang ako, mas nakakadagdag sa pagkailang namin, na sakto lang naman ako dapat eh, chill lang kaya ako, na sana dapat wala ng ilangan pa. Sabi nga dba, ang tagal na nun? ngunit bakit parang nung isang linggo lang nangyari ang lahat base sa galawan ng lahat. Hindi ba pwedeng magusap usap tungkol sa ngayon at kalimutan na ang nakaraan? Wag na lang pagusapan ang nakalipas na para hindi na magkailangan pa. Nagmistula akong hangin sa kanyang harapan at ganun din siya sa akin. Tahimik ako, munti munting usap sa iba pero mas pinili ko manahimik. Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob na kausapin at makipagtawanan sa tropa, kasi ako, gustuhin ko man magsalita at sumali sa kwentuhan, wala akong boses. Walang tinig na lumabas sa aking bibig. Siguro mas pinili ko maging blanko. Mas pinili ko na wag na lang magsalita. Wag na lang. Ganun na lang.

Kanina, sinubukan ko siya tignan, sinadya ko siyang titigan, gusto ko malaman ang pakiramdam. Tinignan ko siya habang siya ay nakatalikod, hanggang siya ay humarap, hanggang sa paghithit niya ng yosi, hanggang sa pagngiti, hanggang sa pagtali ng kanyang buhok, hanggang sa pakikipagkwentuhan niya sa iba at sa aking pagsulyap sa kanya mula ulo hanggang paa, wala ako maramdaman o sinadya ko talaga na walang maramdaman.

At matapos siya pagmasdan, pinagmasdan ko ang paligid ko, ang mga bisita, ang tropa, at sa aking pagoobserba, nagdesisyon ako na umalis. Tumayo sabay paalam sa kanila ng nakangiti hanggang sa paglalakad ko papalayo sa lahat. Natapos ang pagbigkas sa isip ng "Masaya ako para sa inyong lahat." Pasensya, ngunit hindi ko na kakayanin magtagal pa ng isa pang oras kasama silang lahat.

Pahabol: may parte na nagtama ang aming mga mata. Hindi sadya, nagkataon lang na tinatawag siya ng katropang babae at sakto napatingin ako kayat nakatingin ako sa kanya at bumaling ang tingin nya sa akin. Natapos din ng biglang magtawanan ang tropa ng pagkalakas lakas. Kung ano ang kasunod? Ano ang naramdaman ko? Sasarilinin ko na lang. Ay teka, hindi ako sigurado o paniniwalain ko na lang ang sarili ko na walang ganung ganap para tapos na, wala ng tanong, tapos ang usapan.

Nais ko naman talaga magtama ang aming mga mata, magtitigan kami hanggang ang isa samin ang sumuko. Ang hindi maibulalas ng bibig ay maihahayag ng mga mata. Kung mangyayari yun, handa ako, matagal na akong handa, ngunit sa ganap na iyon kanina, siya ay hindi handa. Papaalala ko lang hindi ako kaaway, ngunit bakit sa akin ika'y ilag at hindi ko mawari ang dahilan ng pagiwas na naganap na para bang hindi tayo naging parte ng isat isa sa mahabang panahon. Ang weak nya sa parteng iyon, ngunit ayos lang. Kung anu ano ang naramdaman ko ay akin na lang iyon. Ginoo, sa ating muling pagkikita kung hahadyain ng tadhana. Kung hindi, ay ayos lang. Natutunan ko na minsan may mga bagay na kailangan tanggapin gaya ng salitang ayos lang, kahit hindi naman ayos, masasabi mong ayos lang talaga. Ito ay sa kadahilanang wala naman tayo magagawa eh. Kaya ayos na lang. Wala ka na nagawa at magagawa pa.. at.. AYOS LANG. :)

(o'. 'o)

Friday, April 12, 2019

Anunechiii

Hindi ko alam bakit ako naiiyak talaga eh. Okay, napaluha. Ito ba ay dahil ba sa 3 araw na ko nagtatae?hindi na ko nakapasok kahapon tas halfday ako today, ang lala! o dahil isa na naman sa tropa kong babae ang buntis. Ito ay base sa usapan sa gc. Uhm, 5 kami sa tropa tas ako pinakamatanda. Masaya ako, Oo,  sobrang saya ko para sa kanila. Ayoko magkumpara kaya't kalmado ko lang binasa ang usapan nila, ngunit nakaramdam ako ng lungkot ng binanggit ng isa ko pang kaibigan na kami na lang dalawa ang natitira. Single kami pareho, ay teka, siya ata ay may karelasyon ngunit kumplikado, pero nabasa ko dun na magpapabuntis na lang ata siya. tas ako naman, talagang bokya, at ayos lang. Ayos lang ako, ayos lang dapat yun, ayos lang naman talaga dba? Andun sila usapan pagbubuntis, at sobrang okay lang yun. Ayoko magpadala sa pinaparamdam sakin ng tao sa paligid ko. Nauunawaan ko na masaya sila sa darating na biyaya na ito, at gaya nila, sobrang saya ko para sa kanya at sa kanilang lahat. Iba daw ang saya ng may anak, nakakatuwa isipin na isa isa na silang nagiging nanay. Nirerespeto ko ang desisyon ng bawat isa sa kung ano plano nila sa buhay, hiwalay naman ang nararamdaman kong eto sa kanila. Pero share ko lang bebeblog, kung tatanungin mo ako, sa kung ano ang nais ko para sa sarili ko, una, ayoko ng kumplikadong relasyon, pangalawa, gusto ko sana ng kasal, pangatlo gusto ko na bumuo ng pamilya. Masyado ba mataas ang hinihiling ko? Hindi ako perpekto ngunit eto ang ipinagdadasal ko. Gusto ko sana umiyak ng umiyak eh, kaso nagbago isip at puso ko, huwag na pala. Ipapaubaya ko na sa'yo Panginoon kung ano ang will mo sa akin, ito ay malugod kong tatanggapin. Kung magkakapamilya ba ako o tatandang dalaga, kayo na po ang bahala.

Salamat sa pangunawa at pakikinig este sa pagbabasa ng aking saloobin.

At habang tinatype ko ito, sumasakit na naman ang tiyan ko at kailangan ko na gumamit ng banyo. HAHAHAUHUHU

(o'. 'o)