Thursday, September 11, 2025

P a g h i l o m

Mahalaga ang k a l u s u g a n kaya wag natin ito p a b a y a a n. Nakakatakot magkasakit ano? Kung anu-ano papasok sa isipan kapag may karamdaman ka. Ganun pa man, kailangam ko magpakatatag. Tanggalin ang takot at ipaabot sa Kanya ang lahat ng alalahanin. Magiging maayos rin ang lahat. Sa ngayon, kailangan ko magpahinga at maghilom.

Maraming Salamat sa aking asawa sa matyagang pagbabantay sa akin. Sobrang mahalaga ang bawat hawak mo sa aking mga kamay, sa pag-alalay, sa serbisyo mo, sa pagpupuyat, sa bawat hikbki ko na hinahayaan mong ilabas ko at ang ating pagdarasal ng sabay. Tunay kang mabuti sa akin at uulit ulitin ko na mas salamat sa'yo God. 

Lord, itinataas ko po sa inyo ang aking buhay. Kung anuman po ang maging resulta nun ay aking tatanggapin. Ang dasal ko po talaga ay sana normal result ngunit ikaw ang mas nakakaalam kaya't kayo na po ang bahala sa akin. Premature baby ako.. ang umabot sa ganitong edad ay mirakulo na para sa akin. Kaya't sino ako upang magreklamo. Eh lahat naman ito ay galing sa'yo. Kaya't kakalma lang ako at patuloy na magdarasal sa ganap na ito. Late ko man ito napagtanto, ngunit alam nyo po na sobrang grateful ako ngayon sa buhay na mayroon ako. Patuloy na magpupuri po sa inyo. Huwag nyo po ako pababayan gaya ng paggabay sa akin upang maging matiwasay ang procedure na iyon. Again, Salamat po~

(o'.'o)


Friday, May 9, 2025

I k a l a w a

                       Maraming Salamat, Ginoo. 

 

Sunday, April 6, 2025

H W H L

H a p p y D i v e H a p p y W i f e H a p p y L i f e (o'.'o)

Monday, February 17, 2025

H a p p y P u s o

So this is L O V E ~ Nagdinner lang kami nung 14. Siya nagluto at naggrocery tapos ako ay kumain lang tsaka nagprepare ng dessert. Ang sarap ng gawa niya na b a k e d s a l m o n. Ngayon lang kami nagdinner ng ganito dahil extra special ang okasyon, dapat pati ang ulam. Hehehe Mas makeso kaya kapag sariling luto plus mas matipid pa. Oha. Huy yung kilig ko nung may inabot siya sa akin.i. akala ko kasi wala na ako b u l a k l a k, humabol pa pala kinabukasan. Yung ngiti ko daw eh sumuingkit lalo sa galak. Hahahaha Dati kasi hindi ako mahilig sa flowers, pero iba pa din pala yung pakiramdam kapag pinageeffortan ka at naaappreciate ko na. Salamat sa'yo at T Y L. Oh teka, natapos ko na yung Lo v e S c o u t. Ano kaya maganda next na panoorin.. (o'.'o)

Tuesday, February 11, 2025

P a r a sa Noon

Taon 2 0 2 5 , bagong taon na ngunit nais ko lang malaman mo na pinatawad na kita.. yun ay matagal na panahon na.. Wala ka talaga maririnig na sagot mula sa akin kasi ang weird nun kung ganun. Hindi ko rin alam bakit blocked na naman ako, nagkataon naman na nagsearch ako ng isang lugar sa mensahe at isa ang account mo ang lumabas at ayun nakita ko.. Ganun pa man eh natatawa na lamang ako. Seryoso na, matagal ko na din naman pinagtawaman ang kinahinatnan ng buhay ko noon. Tapos na yun at tuldok na kumbaga. Sa taon na ito nawa'y maging mapayapa ang puso ng lahat at ng bawat isa. Masyado maigsi ang buhay upang punuin ng pait. Sana isang araw makalaya ka na. Piliin mo sanang lumaya. Valentine's Day na.. Ano plano mo? Ako kasi ang makadate ang Ginoo na pinili ako makasama panghabambuhay. Siya ang aking ngayon at bukas. Siya ang aking palagi. SOUNDTRIP: This is how you fall in love - J e r e m y Z u c k e r and C h e l s e a C u t l e r (o'.'o)