Sunday, January 21, 2024

c l d p l y

 C o l d p l a y naaaaa~


Ang paborito kong banda huhuhuhu Sa ikalawang pagkakataon nakita ko sila. Naaalala ko gaano kahirap bumili tickets kaya halos padulo na nakuha namin, ang dami na agad na nauna. Nakakatuwa din kasi mga kasama ko noon solosolo nagsipunta noon ngayon with partners na kami nanood. Hindi lahat nakapunta pero ayos din makita ang iba kahit sa sandaling panahon. May kanya kanya na talagang buhay eh. Natutunan mula sa unang con nila, so less na pagvivideo ko. Sobrang enjoy!



Sa susunod muli mga mahal ko!

Ngapala naalala kami ng isang kakilala sa b r u n o m a r s singapore. Salamat sa invite kaso hindi kami makakapunta eh. May ibang mga rason tsaka wala din kaming budget para dun eh pero gusto sana namin makapanood. Kailan nga kaya ako makakapag SG, dati nacancel flight ko papunta dun dahil pandemic.. isang araw makapunta din dun hayyy sa balang araw :( 

(o’.’o)

Sunday, January 14, 2024

N o t a F u n D a y

Naghintay ako ng weekend tapos biglang sa kama lang pala ako. Kahapon pa masama pakiramdam ko at sinisipon ako. Maggrocery sana kami today kaso pinagpahinga na lang ako at mas malala ngayon dahil nilalagnat na ako. Bigla naman ako trinangkaso. Hindi rin tuloy namin nakuha c o l d p l a y tickets namin today. Gusto ko pa naman sana kumain din sa labas.

Concert ng s v t kahapon sa PH tamang nood lang ako online mga clips mula sa c a r a t s. Concert din kahapon ng e n h y p e n sa t a i p e i waaaa! Isa ang t a i w a n sa gusto ko balikan.. Hindi rin ako makakapanood ng concert nila sa PH. Ininvite ako ng isang kakilala na magstay sa kanya dahil sa n e w c l a r k c i t y ang venue kaso hindi na kasi ako nag avail ng ticket. Tsaka kung manonood daw ako, maghahanap asawa ko ng a i r b n b na pwede namin pagstayan dalawa since weekend naman yun wala siya pasok. Magset schedule na lang para imeet yung kakilala ko. Staycation daw siya habang ako nood concert daw. Hahaha Pero sa balang araw na lang siguro manood ng concerts nila.  

Sana gumaling na ako. Sa panahon din siguro ito. Salamat pala ulet sa asawa ko sa pagprepare ng breakfast, lunch at malamang dinner na din today.

(o’.’o)

Wednesday, January 10, 2024

A l a g a

Mas maalaga ata yung asawa ko sakin dahil sa linya na ito.. “kung gutom ka may rice, init ka na lang ng ulam.” Siya itong papasok ngunit ako pa yung pinaalalahanan. Sa totoo lang mas ramdam ko yung pagmamahal nya dahil sa ikinikilos nya. Mas inuuna nya ako kesa sa sarili niya. Salamat sa pag-aalaga at pagmamahal, Ginoo. Mahal din kitang tunay. Maalaga naman ako mas maalaga lang talaga siya. Hahahaha Tsaka pakiramdam ko safe ako sa tuwing yayakapin niya. Siguro ganito na talaga kapag mature yung relasyon ano. Matatanda na din kasi o sadyang mahal namin ang isat-isa. Wala ng oras upang magloko o anupaman puro pagmamahal lamang. 

(o’.’o)

Monday, January 8, 2024

2 0 2 4 and y e t..

2024 na and yet …

Hindi mo pa din direcho masabi gusto mo sabihin.

You know, it doesn’t make sense.

I don’t need to hear anything from you.

Not today, not tomorrow 

and not until the day I die.

Years of l i e s .. d e c e p t i o n .. b e t r a y a l s.. enough.

btw, i am now married. 

Please show respect at least.

(o’.’o)

Tuesday, January 2, 2024

H N Y 2 0 2 4

Hi, bebeblog! H a p p y N e w Y e a r! Andito ako ngayon sumusulat sa’yo habang katabi ang asawa ko na natutulog. May sakit siya, unang pasok ng taon tapos ganito wawa naman. Hindi ako pwede umabsent kaya siniguro ko na makauwi agad para alagaan siya. Halos natulog lang siya nung gabi ng d e c 31, kumain lang tapos natulog ulet. Masama kasi pakiramdam nya ilang araw na. Hinihintay ko mag alas-diyes upang painumin siya ng gamot ngayong araw. Nagluto pala ako ng lugaw na first time ko ginawa dahil gusto daw niya. Sana gumaling na siya. Madalas siya nag-aalaga sakin eh dahil sakitin ako, pero ngayon ako naman at natuklasan ko na parang baby pala to kung magkasakit. Kailangan buong atensyon mo nasa kanya. Madami pa kami malalaman sa isa’t isa. Ganun naman talaga sa hirap at ginhawa. 

Ngapala, naghahanap ako online part-time job para dagdag income. Hindi naman kami mayaman kaya kailangan magwork pa rin. Nagwowork pa din ako at ayos lang yun para masustentuhan namin pareho ang mga nais sa buhay at mga kailangan namin bilhin upang mabuhay. Hindi naman madali mabuhay sa mundong ito kaya kailangan talaga maging matatag ka at magtrabaho ka. Minsan inaatake ako ng anxiety ganun pa man lalaban sa araw-araw. Aja! 

Malapit na concert ng c o l d p l a y sa P H. Nanood na kami last year ng p o s t m a l o n e. Eto naman next! Excited na ako pero at the same time, workwork din. Hihihi 

Nasayang yung isang local air travel namin na hanggang Nov 30 last year na lang dahil may pinagdaanan kami. Ganun pa man, babawi at sana makatravel this year. 

Ang dami ko pa gusto ikwento sa susunod na muli. 

Salamat sa panibagong taon.. 2 0 2 4!

(o’.’o)