Ngayong araw yung death anniversary ng pinsan ko na sobrang malapit sa puso ko. Napakaemosyonal ko today. Pagkagising ko kanina, sakto tumawag yung bf ko tas shinare ko yung daily devotion lalo pa today is Sunday. Para sa araw na ito, it’s all about free gift which is God’s love. Be thankful din sa mga taong mahal ka. At the same time, I guess may a n x i e t y a t t a c k ako sa di ko maipaliwanag na labolabong dahilan. I’m trying to be calm gaya ng paghinga ng malalim at idivert sa pamamagitan ng panonood ng movies at episodes na gusto ko pero kung ano ano mga pumapasok sa isip ko. Gaya kanina, ang tagal ko na pinapanood yung mga ladies na naghahanap at nagsusukat ng wedding gowns tas di ko alam kinakausap na pala ako, nakatulala na pala ako. Mapapa Ha? na lang ako. Ngayon gabi naman, nagdidinner kami family ko, maluhaluha ako, tas nanonood kami ng romcom movie and yet umiiyak ako. Buti wala nakakita, ang labo ko. This anxiety na I’ve been battling for some time now, patungkol sa buhay, trabaho, sa karanasan, hay ewan. May moments na ganito ako ngayon eh. Kahit ano gawin ko, hindi ko maiwasan. I am beyond thankful for God’s love. Sobrang naooverwhelm ako at the same time sa pagmamahal nya sa akin. Ganun pa man, kakapit ako sa kanya. Aalisin ang takot at pangamba. Hindi pagagapi. Whew!
Btw, kahapon nagpadala yung bf ko ng sweet treats na gusto ko. Sobrang naappreciate ko effort nya para sa monthsary namin. Nagpabake pa talaga siya sa kakilala nya. Alam nya na nagpapapayat ako dahil isa sa dahilan eh para di tumaas bloodsugar ko dahil nakakakita ako ng pagbabago sa katawan ko, natuwa naman ako na nagpaalam muna siya few days bago araw na ipadala sakin ito. Salamat, Ginoo at sa mensahe mo na keso. Hahahaha Tatawa tawa lang ako, pero sobrang nagagalak ang puso ko sa sinabi mo at ipinagpapasalamat ko lahat ito kay God. Lahat ng papuri ay para sa’yo, Panginoon. Have a blessed Sunday, everyone!
(o’.’o)