(o'. 'o)
Thursday, March 28, 2019
Paliwanag. Maliwanag. Liwanag.
Naluha ako habang naglalakad paalis ng bahay. Umuwi ako matapos ang tatlong buwan. Balikan lang ako. Masaya ako para sa lahat. Recognition Day ng pamangkin ko. Tas nung maglalunch na sa labas, sinama ko ang lola at mga pinsan. Ang saya nila tignan. Ang saya ng puso ko. Habang pinapipili ang pamangkin ko ng nais nya na regalo. Habang nakahawak sa akin ang lola at kausap ko siya, naging payapa ang pakiramdam ko. Habang kasama ang kapatid ko at ang pamilya nya, di ko maiwasan ang mapangiti. Ang laki na ng isa ko pang pamangkin. Ako'y nagagalak at hindi siya pasaway na bata. Habang papalubong na si Haring araw, nagbabadya na rin ang aking pagalis. Ako'y nakaramdam ng lungkot. Muli, mag-isang maglalakbay pabalik sa trabahong sa akin ay bumubuhay. May pasok pa bukas, kaya't kumilos ka. Unti unti napawi ang mga ngiti at napalitan ng di mawaring emosyon. Inuulit ko masaya ako para sa lahat. Ngunit, biglang pinaalala sa akin na ako'y mag-isa. Walang matatawag na sariling pamilya. Habang ang mga anak ng iba unti unti ng lumalaki at mga nagsisipagtapos na. Ang lola madagdagan muli ang edad sa taon na ito. Ako mismo'y matanda na. Ang sabi nya bago ako umalis "ingatan nyo sarili nyo." at gaya ng sinabi nya noon naalala ko pa, "mag-isa ka, kaya't magiingat ka." Ito sa akin ay tumatak. Sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong umaalala at nagpapaalala. Papahiran ang mga luha tas bukas, babangon muli ng may ngiti. Lalaban at hindi papagapi sa kalungkutan o ano pa man.
Monday, March 25, 2019
Saturday, March 16, 2019
buntong-hininga
Ilang beses na ba ang ganap na ito? Ayoko na bilangin. Pagod na ko, oh sadyang ayoko lang isipin.
Sa tuwing iniiwan ka ng mga taong mahal mo, napapaiisip ka ba kung ikaw ba talaga ay mahalaga? Hangsakit nun. Amp.
Kaya tuldukan na. Pagtanggap na lang.
Pinakawalan ko na ang isang kaibigan, mamahalin ko na lamang siya sa malayuan.
Ang puso ko'y payapa sa ganap na ito.
(o'. 'o)
Sa tuwing iniiwan ka ng mga taong mahal mo, napapaiisip ka ba kung ikaw ba talaga ay mahalaga? Hangsakit nun. Amp.
Kaya tuldukan na. Pagtanggap na lang.
Pinakawalan ko na ang isang kaibigan, mamahalin ko na lamang siya sa malayuan.
Ang puso ko'y payapa sa ganap na ito.
(o'. 'o)
Tuesday, March 5, 2019
T is for what again?
Huy, gaano kaimpulsive. Waaa~ kanina nagiisip ng insurance tapos biglang bakit biglang nasa harapan ng computer at tumitingin kami ng lakbay. Paano?! Magipon ka gorl, nakakaloka. After netong lakbay na to tsaka ko pagipunan yung sa insurance. Gaano pa katagal bago maipon yun. Late bloomer amp. Kasi ba naman panic mode 'di natin alam kung magextend pa ba ang no v i s a policy ng bansa na ito. Hindi naman ako ready sa may pa visa at walang malaking laman sa bank account ko. Lotlot. Kaya eto naaaa... San lakbay ko? Eh 'di saan pa, sa T a i w a n. Ayaw paawat. M i l k t e a. Nyahahaha. May kaunting buwan na nalalabi upang makaipon ng pocket money. Excited din ako maghanap capsule hotel kahit 1 day lang dun tas sa ibang araw, kahit san na. Ang tawag dito, gastos kaya good luck. Aja!
(o'. 'o)
Sunday, March 3, 2019
T e x - M e x
Share ko lang, sobrang enjoy ako sa t e x m e x na mga pagkain. Paborito ko ngayon ang t a c o b e l l. Bakit ba last year ko lang siya tinangka subukan sa daming beses ko nakita ang pwesto nila noon. Isa na siya sa listahan ng paborito ko. Kapag may kakilala ako na pupunta ng QC magpapabili ako nun. Sobrang gusto ko. Hahaha. S i l a n t r o gusto ko din pero 'di ko bet ang cheese quesadilla nila. Pero karamihan naman sa menu gusto ko. Tas may isang taqueria place na malapit smin na sobrang bet ko cheese quesadilla, nachos at chorizo burger nila. Oops syempre di rin mawawala ang a r m y n a v y sa listahan ko. Ang nauna sa lahat. Sabi ko nga sa'yo once na magustuhan ko ang isang bagay o pagkain o ano, yun na yun hanggang sa huli.
Not a fan of b u r r i t o tho. Di ko bet yung may rice sa loob.. Other than that, gusto ko na ata lahat. Hahaha.
Bakit ko kinekwento lahat to? Kasi nagccrave ako kumain ng tacos now. :)
(o'. 'o)
Saturday, March 2, 2019
Ano balak?
Sabi ng isang kaopisina, "Ialis ka na namin dito. Lumipat ka na ng iba. Ano? Sayang naman nagtake ka exam, pasado ka tapos 'di ka magaaply. Minsan, kailangan mo rin umalis sa comfort zone mo."
Hay. Ano ba plano ko sa buhay ko?!
(o'. 'o)
Hay. Ano ba plano ko sa buhay ko?!
(o'. 'o)
Subscribe to:
Posts (Atom)