Monday, April 30, 2018

Langoy lang sa buhay.





Sinasabi ko na sa'yo, mataba ako.. at hindi na yun magiging hadlang para suotin ang gusto ko suotin. Mataba o payat man ang bawat isa sa atin, maaari natin suotin ang ating naisin. Hindi dapat nakadepende sa mga mata at sasabihin ng iba. Kaya't Lavaaarrnnn!😉

NO to b o d y s h a m i n g!

Uhm.. first time ko to. Saludo!

(o'.'o)

Sunday, April 29, 2018

🦁

Ang GANDA!!!💯👏






Salamat sa lahat ng kumuha sa akin. Ehe. Ang medyo masaklap lang pag solomode ay yung walang kukuha sa'yo. HAHAHA
pero keriboom lang, kaya salamat sa inyo sa pictures ko na ito. Yay!

Sobrang nagenjoy ako.
Congratulations, t h e l i o n k i n g p h!

(o'.'o)

Wednesday, April 18, 2018

G ka na?

Okay tuloy na ang lakbay ko. 4 days mawawala, isang bansa na lang. Dahil hindi makakasama ang kapatid ni X, na nagyaya sakin, solo mode ako at one country na lang muna. Okay na accomodation ko at return flight ko. Solo mode for a day. Tas susunod ang mga workmates ko. 4 na kami. Titas of Manila? Char! HAHAHA Nakakaexcite. :)

Kailan ito? Basta, taon 2 0 1 8.

Magipon huy! Waaaa~

(o'.'o)

Tuesday, April 17, 2018

Musika sa buwan ng Abril

Sa buwan na ito, ang isheshare ko sa'yo bebeblog mga pinapakinggan kong artists.

Hindi lang basta isang kanta nila kundi pinapakinggan ko buong album nila. Ehe.

Nasabi ko na dati na kapag sumuporta ako sa isang mangaawit o banda, hindi lang basta isang kanta nila kundi suporta buong buo. Okay eto na.. Ang listahan ng soundtrip ko..

1. M u n i m u n i
2. S a b u
3. 3 D (May concert sila! Ano na, iyak!!!)
4. I V of S p a d e s (Gustong gusto ko boses ni U n i q u e)
5. C l a r a B e n i n (Di mawawala sa listahan ko. Haha)
6. S a W a k a s Playlist
7. S h e' s O n l y S i x t e e n
8. K o d a l i n e 
9. L A N Y 
10. L A U V

In no particular order. Mahal ko sila lahat. Oh ayan na tugtugan ko sa taong 2 0 1 8 :)
Subukan mo pakinggan. Yay!

(o'.'o)

Sunday, April 15, 2018

Fourteen

All the details, each lines. The Story.
My happiness turned into sadness.
Your treatment towards me.
A litre of tears.
A complete disaster.
Damn broke.
Left behind.
I will never forget how you made me feel that day.  I WILL NEVER EVER FORGET.
(o'.'o)

Tuesday, April 10, 2018

S a W a k a s 2 0 1 8

Nakasurvive ako sa solomode ko. Astig' Ang galing nila. Ngayon ko naappreciate lalo mga kanta ng S u g a r f r e e. Tapos yung 'tulog na' nila muntik na ko maiyak, ang simple, tagos, ang totoo lang. Waaaa! Maganda. Lakas din makapanakit ng story eh. Woot! Congratulations!!!

Kung may makakabasa man nito, nood na. Farewell run na nila. Wag na magdalawang isip pa. :)

At mukhang matatagalan ang soundtrip ko na S a W a k a s Playlist sa Spotify. Tagos.





(o'.'o)

Friday, April 6, 2018

L a n y 2 0 1 8

Naenjoy ko yung concert na ito. Ngayon ko lang sila nakita ng live. Natuloy na ang di matuloy tuloy na pagsulpot ko sa mga malls para mapanood sila. Sa Araneta pa talaga, na hindi ko pinagsisisihan. Ang solid ng audience. Memorize lahat. Hahaha Katuwa naman mga kabataan kaso gusto ko sana pakinggan yung H e r i c a n e ng solo si Paul kaso di natupad dahil alam ata nila lahat ng kanta sa setlist. Enjoy naman! Ang natupad ay ang hindi ko pagkuha ng videos. May ilang video clips ako pero di na kagaya dati na halos buong concert vinideo ko na (na nawala lang din) Lol. Konting pictures lang din. Less than 10? Waaa! Oh ayan ha. Inenjoy ko ang ganap. Hanggat maaari di ako sumabay sa pagkanta. Pinanood ko lang talaga. May konti na napapasabay ako. Hahaha.

Kinilig ako sa H u r t s, yung sayaw ni Paul talaga eh oh! Nagpagupit na pala siya. Gusto ko kasi yung music nila. Hindi ako masiyado updated sa hitsura nya at iba pang ganap. Woot.

Yung pagabang ko sa 13 talaga! Ang lala. Waaaa!

Maliban sa tatlong nabanggit ko na mga paborito ko madami pa ko iba pang gusto sa mga kanta nila. Hindi ko na itatype pa, hagilapin mo nalang setlist nila. Maganda. Masaya ako. Sulit para sa akin tong concert na to. Yay! I L Y S B. :)







(o'.'o)