Thursday, March 29, 2018

Awww~

Matapos ang 3 taon,
ang kasunod na heartbreak ko,
ay mula sa'yo, Uber PH.
Noooo!💔😢

(o'.'o)

Wednesday, March 28, 2018

Ayos!

Nakabili ako kanina ng ticket para sa S a W a k a s R o c k M u s i c a l. Dinayo ko pa yung ticket outlet. Buti nakakuha pa ng date na gusto ko. Nagkaroon ng slots pa. Buti na lang! Wew! Uhm, hinga, pero Waaa! Medyo excited ako! Woot. Madami naman pala akong alam at gustong kanta ng S u g a r f r e e kaya sobrang solid neto para sakin. Sana next time E H E A D S at P N E naman! Wala pa man kinikilig na ako pag nagkaroon ng musical nila. Uhm.. Sino kasama ko sa trip ko na ito? Ako lang magisa. Matutuloy na imemeet ko na lang ang tropa pagkatapos nila sa C H R O M A. See you guys!

Sa mga panonoorin ko, ifefeel ko yung mga eksena. Focus at hindi ako magpapasaway na kumuha pics or videos kapag simula na. Nakakasira ng moment. Sa concerts naman, gaya nung last concert na inattendan ko, hindi ako makikisabay sa kanta. Dun tayo sa nanamnamin natin ang bawat ganap. Sulitin natin ang bayad. Lol.

Update: naibenta ko na din tix ng L A N Y. Sana lang sumulpot siya sa event. Dun ko nalang kasi iabot sana tix. Young girl pa naman ang nakabili. Ang istrikta kong seller. Ipaalam sa magulang, magmessage sakin yung kasamang adult. Whhaaatt?! Ate lang?! Kapatid mo?! HAHAHA. Nagwoworry kasi ko ambata pa nya. Ang lalakas ng mga loob manood concerts ng mga kabataan ngayon. Oxia kitakits! Magleleave ako aa araw na yun. Wew.

Speaking of mag-isa pala, naikwento ko ang pagiging magisa ko sa ganap ko sa panonoorin ko. Ehe. Sabi sakin ng isang kasamahan, "Ang bata mo pa para magisa." 

Uhm. Point ko? Uhm.. next topic. Antok na pala ako. Inantok bigla. Hahaha

Tulog na,  hayaan na muna natin sila.🎶

Labblabbbb!

(o'. 'o)  

Saturday, March 24, 2018

Ubos na?

Nakita ko trailer ng S a W a k a s 2018. Mula kagabi pa ko nagchecheck ng posts tungkol sa rock musical na ito. Final run na kasi nila this year. Ayos sakin ang S u g a r f r e e songs lalo pa at isa sa paborito ko ang B u r n o u t. Nood mode muna. Tulog muna.


  1. Hanggang sa ngayon, desidido na ko, pagcheck ko online, sa t i c k e t n e t, oh eh di anu naaaa! Sold out! Nagdalawang isip pa kasi ko kagabi eh :( Heto pa naman yung magandang date kasi nasa C H R O M A Music Festival ang tropa tas sa Makati din yun. Pwede ko sila imeet after play since medyo di ko gusto umattend this year ng c h r o m a. Annual event na inaattendan to ni T, na first time ko makaattend last year. Eh inaaya nila ko this year. So kahit sana sumulpot nalang after ng ganap namin lahat. Kaso wala eh! Ayoko sana kaso mukhang susulpot ako? Hala!


Balitaan kita bebeblog kung kelan ako makakanood ng S a W a k a s at kung matuloy ako sa C h r o m a. Woot.

Share lang: may nagtanong sakin kung sino kasama ko nanood concert ni M o i r a at manood ng play. Sabi ko, "ako lang." Tas gulat na gulat siya. Tas biglang nagsabi "ang lungkot naman nun." Waaaaa! Like Halalala siya! Ano na, huy, ayos ka lang? Dapat ko na ba kaawaan sarili ko? Aw. Ayoko maramdaman yun. Masaya naman manood magisa. Nahihiya pa din ako sa paligid, pag di pa start pero pag nagsimula na yung pinapanood ko na concert o play, ayos na ko. May sarili na akong mundo. Ngayon nga gusto ko ako ulet magisa sa balak ko panoorin na musical eh. Enjoy lang huy! 

Ngapala, may One (1) GA ticket ako na binebenta para sa LANY Concert April 5, 2018. Price: 1k. Reason for selling: hindi makakasama yung friend ko kaya pakibili na po. Yan yung pandagdag ko sa pambili ko ng musical play. Di na siya natuloy, di pa nakabayad, kaya pakibili na po. Hahaha. Meet up sa mismong araw na ng concert. Pwede ka mapagisa pagkakuha mo ng ticket or samahan kita sa day ng concert.😉 Sa makakabasa, kung meron man, imessage lang ako sa interesado. Post a comment. Thanks.

(o'. 'o) 




Saturday, March 17, 2018

Konti na lang.

Napasilip ako ng makarinig ng sigaw..

AAAAHHHHH!!!!!

Mula sa mga tao loob ng bus na muntik na tumama sa sinasakyan ko na jeep.

Tatama na.. Malapit na.. Muntik na.. Kung nagkataon, sa pwesto ko babangga yung bus.

Aksidente. Gaano kasalimuot. pero..

HINDI KO PA ORAS.

*At bigla ako napaisip... Ang dami ko masiyado kinakaworry sa mundo, tapos katapusan ko na, yun na yun?! Hanggang dito na lang? Paalam na ganon. Hay. Gaano kaigsi ang buhay. :(

Sunday, March 11, 2018

Medyo masakit

Medyo masakit. Ay hindi! Masakit na masakit. Nanood ako play last night. S e n t i N i g h t s .. Ang lala~ Kasama ang mga paborito ko. Ang gagaling nila. Sabog pagkuha ko ng videos dahil tutok ako sa kanila. Tinanong ako ng kaibigan ko kung ano mga linyahan, sa sobrang dami, lahat na nga ata. Ang daming ganap at sa daming ganap ang damit sakit. Nakakasenti ika nga. Nakakalungkot. Nakakaiyak. May parteng nakakakilig, pero takte ang lakas nila manakit. Ang galing nila!

Hindi kasali si F, pero andun siya nanood, hindi lingid sa kaalaman mo bebeblog na ang pinakapaborito ko si F. Ehe. May pic ako kasama siya tas nakapagpapicture ako sa kanila. Masaya ako. May groupie na! HAHAHA Love ko talaga ang team na to. Natutuwa ako sa kanila. Masakit ang pinapanood ko pero ang sarap sa pakiramdam tuwing nakikita ko sila. Salamat guys ha!

Pero di nga, ang sakit nung prod! Tsk.

Pwesto ko? Solo mode ako. Nasa dulong sulok. Ang dami ko padin kasing hiya kaya pinauna ko na lahat bago ako pumasok. Ehe. Nahihiya kasi ako kaya dun ako pumwesto sa comfort zone ko.








Ang mundo ko na kasama ang mga paborito ko. Mahal ko kayo! - Ate Hex.
(o'.'o)

Tuesday, March 6, 2018

misswa

Miss ko na kuya ko. Ang message nya lang, "Oo punta ka dito" pero yung luha ko ngayon ayaw paawat. Miss na miss ko na siya. Ang kuya ko na suplado pero alam ko mahal niya ako. Ang tagal na, pero hindi pa rin kami magkasama. Sana isang araw, magkasama na tayo.

Maiba tayo, kanina nagbabasa ako ng group chat, kasama ang iba pang kamaganak, masaya ako na nagplaplano na sila para sa outing, not knowing na ako struggling. Masaya ako na nakikita sila na masaya. Hindi ko para sapawan ang trip nila na yan. Masyado akong pipe sa ibang tao pagdating sa nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi hindi mahalaga, kaya sinasarili ko na lang. Alam kong walang importansya sa iba. Alam ko naman na walang makikinig eh. Ayoko din naman na iisipin pa ko ng iba. Pero alam mo bebeblog, iyak na iyak na ko mula kanina pa. Hindi ko alam paano ko tatapusin ang suliranin na to, na biglang naging kumplikado. Nakakaiyak kasi dapat naman talaga hindi, pero pinahihirapan ako.

Struggling self. Struggling saan? Sa work. Sa buhay buhay.. pero one day at a time. Kakayanin ko. Malalampasan ko to tama? Walang sukuan dba?! Kayaaaa!

Ngapala, ang nararanasan ko ngayon + magiisang linggo na masakit likod ko, sa way ata ng higa, masaki talaga. Hirap gumalaw so kaya ewan ko naaaaa! Pain pa more. :(

Aja Hex? Labblabb ko kayo lahat.

(o'. 'o)

Thursday, March 1, 2018

B a y a r i n

Anu na? Kanina may nagmsg sakin na nacharge na ko ng S p o t i f y. Tas this month, N e t f l i x naman. Tas nagbabayad ako cp plan na wala naman constant na katawagan o katext. Billsbillsbills! amp. Halalala naman. Send H E L P! 

Palit ng plan this year. Balik globo siguro o same pa din araw pero mas mababa na. Hindi ito maaari. Hindi makatarungan. Lol!

Kailangan magdagdag ipon. Wala pa ko memorial lot. Iponipon uy! Para wala na problemahin mga kamaganak ko if ever. Ayoko na iisipin pa nila ako. Also, St. P, QAve ang gusto ko na location. Oh tama na baka creepy na. Hahaha.

Gulo ng post ata, medyo antok na.
Good night! 

(o'.'o)